Ibinigay Example Sentences in Tagalog: (36)
Here are some hand-picked example sentences for this conjugation of this verb from this site's Filipino language editors.
Put your mouse over or tap (for mobile) any word to see the literal translation for that word.
Ibigáy mo ang cellphone
mo sa amin.
Give your cellphone to us.
Ibíbigáy ko sa iyó bukas.
I will give it to you tomorrow.
Sobra ang binigáy mo sa aking pera.
The money you gave me is too much.
Ibinigáy ng genie
ang unang kahilingan ni Aladdin.
The genie granted Aladdin's first wish.
Iinumán namin ang ibinigáy na kopita ni Bert.
We'll drink from the goblet given by Bert.
Naíiritá ang balát ko sa ibinigáy mong sabón.
My skin is irritated by the soap you gave me.
Ubós na ba ang ibinigáy kong pera sa iyó?
Have you spent the money I gave you?
Hindî kitá títigilan hanggá't hindî mo binibigáy ang gustó ko.
I won't stop until you give me what I want.
Huwág mong sayangin ang oportunidád na ibinigáy sa iyó.
Do not waste the opportunity given to you.
Ubós na ang bigás na ibinigáy ng lokál na pámahalaán.
The rice provided by the local government is all gone.
Gágampanán ko ang anumáng atas na ibigáy sa akin.
I will perform any tasks that I may receive.
Ibinigáy ko iyón sa hindî niyá kaklase.
I gave that to one who isn't his classmate.
Nagyáyabáng ang lalaki tungkól sa regalong hindî namán niyá ibinigáy.
A man is boasting about a gift he has never given.
Kumapál ang buhók niyá dahil sa gamót na ibinigáy ko.
His hair thickened because of the medicine I gave him.
Nakain mo ba yung tinapay na ibinigáy ko sa iyó?
Were you able to eat the bread that I gave you?
Magkano ang ibinigáy mo kay Jack?
How much (money) did you give Jack?
Nakatulong ang gamót na ibinigáy mo sa akin.
The medicine that you gave me was helpful.
Huwág kang praníng,
kaya mo 'yang bagong trabahong binigáy sa iyó.
Don't be a paranoid, you're capable of doing that new job given to you.
Bakit hindî mo ibiníbigáy sa akin?
How come you're not giving it to me?
Nagagamit ba ni Mary
ang microwave
na ibinigáy mo sa kaniyá?
Does Mary get to use the microwave oven that you gave her?
Hindî maisip ni Jane
kung anóng regalo ang ibíbigáy niyá kay Dick.
Jane can't think of what gift to give Dick.
Maraming salamat sa mga regalong ibiníbigáy mo sa aming pamilya.
Thank you very much for the gifts that you've been giving to our family.
Hinihingî ni Bob
ang number
mo pero hindî ko ibinigáy.
Bob was asking for your number but I did not give it.
Ginastos mo bang lahát yung perang ibinigáy ko sa iyó?
Did you spend all the money that I gave you?
Kapág ibinigáy mo na,
huwág mo nang bábawiin.
Once you've given it away, don't take it back anymore.
Bastá ibinigáy niyá itó sa akin at hindî siyá nagpakilala.
He just gave this to me and did not introduce himself.
Hindî pa nauubos ni Jane
ang mga tsokolateng ibinigáy mo sa kaniyá noóng Paskó.
Jane has not consumed yet all the chocolates that you gave her last Christmas.
Sundín mo lang ang listahan na ibinigáy ko sa iyó at hindî ka malílitó.
Just follow the list that I gave you and you won't get confused.
Huwág mong bastá ibíbigáy kahit kanino.
Ibigáy mo mismo kay Peter.
Don't just give it to anyone. Give it to Peter personally.
Magagalit ka ba kung sabihin kong naubos na ang perang ibinigáy mo sa akin?
Would you get mad if I told you that I've already spent all the money that you gave me?
Mámahalín mo ang mga bagay na ibiníbigáy sa iyó ng lola mo.
You should treasure the items that your grandma gives you.
Ginagamit mo ba ang mga libróng ibinigáy ko sa iyó?
Are you making use of the books that I gave you?
Naubos ba ng aso ang lahát ng binigáy mong pagkain sa kanyá?
Was the dog able to consume all the food that you gave him?
Saán mo dinalá 'yung perang ibinigáy ko sa iyó?
Where's / What happened to the money that I gave you?