isang
Filipino / Tagalog language translation for the meaning of the word isang.
Example Sentences:
Isáng mansanas ang kailangan ko.
I need one apple.
Batihín ang itlóg ng isáng minuto.
Beat the egg for one minute.
Naghintáy akó nang mga isáng oras.
I waited about one hour.
Ang isáng dolyár ay nagkákahalagá ng limampúng piso.
One dollar amounts to fifty pesos.
Ang isáng paraán para maitalâ ang obserbasyón mo ay iguhit itó.
One way to record what you observe is to draw it.
Magkano ang kinikita mo sa isáng linggó?
How much do you earn in one week?
Maaaring magdaán siyá sa isáng delikadong proseso.
She may undergo a dangerous process.
Nais kong manirahan sa isáng lugár na palaging may araw.
I want to live in a place that always has sunshine.
Hindî na kailangang ilarawan ang isáng bagay na tukoy na.
There is no need to describe something that is obvious.
Gustó kong manirahan sa isáng tahanang punô ng pagmamahál.
I want to live in a home filled with love.
Handâ ka bang manirahan sa isáng lugár na malayò sa pamilya mo?
Are you prepared to live in a place far from your family?
Mareréalize mo ang halagá ng isáng bagay kapág nawalâ mo itó.
You will realize the worth of something when you lose it.
Ang bote ay maaaring maglamán ng isáng litrong tubig.
The bottle can contain one liter of water.
Gágastahín ni Laida
ang naipon para sa isáng bakasyón sa Bali.
Laida will spend her savings for a vacation in Bali.
Marangál itóng paraán para isulong ang isáng layunin.
It's a noble way to further a cause.
Join us! We are a free online community for Filipino / Tagalog language learners
Join »
Join us! We are a free online community for Filipino / Tagalog language learners
Join »
Did you find an error or have a suggestion for this entry? Please let us know, your feedback is very helpful!