malaking
Filipino / Tagalog language translation for the meaning of the word malaking.
Example Sentences:
Pumuntá akó sa malakíng bahay.
I went to the big house.
Ayaw kong tirahán ang malakíng bahay.
I don't want to live in a big house.
Bigláng sumulpót ang malakíng taghiyawat sa noó ko.
A big pimple suddenly appeared on my forehead.
Tinangáy ng malakíng alon ang maliít na balsá.
The big wave swept away the small raft.
Sinalakay ng malakíng buwaya ang batang lalaki.
The huge crocodile attacked the boy.
Paano nilá mailálabás ang malakíng aparadór?
How will they move the big closet out?
Nagibâ ang malakíng padér ng simbahan.
The church's mighty wall collapsed.
Malakíng oportunidád ang pagtatanghál sa Broadway.
Performing on Broadway is a great opportunity.
May malakíng gagambá sa pilíng ng saging.
There's a big spider on a bunch of bananas.
Nagdulot ng malakíng pagbabago sa Pilipinas ang pagdatíng ng mga kolonisadór.
The arrival of the colonizers meant a great change for the Philippines.
May malakíng disgrasyang nangyari!
A terrible thing happened!
Natatakot akóng magmaneho ng malakíng trak.
I'm afraid to drive a big truck.
Binanggâ ng napakatuling barkóng pangkargamento ang malakíng bangkáng pangisdâ.
A cargo ship cruising at full speed collided with a huge fishing boat.
Habang naglálakád,
binanggâ siyá sa likód ng isáng malakíng mamà.
As he walked, he was hit from behind by a huge guy.
Nagkákahalagá ng malakíng salapî ang pagtulong sa mga bíktima ng lindól.
It costs a lot of money to help the earthquake victims.
Join us! We are a free online community for Filipino / Tagalog language learners
Join »
Join us! We are a free online community for Filipino / Tagalog language learners
Join »
Did you find an error or have a suggestion for this entry? Please let us know, your feedback is very helpful!