taong
Filipino / Tagalog language translation for the meaning of the word taong.
Example Sentences:
Huwág paghinalaan ang mga taong tila kakaibá.
Don't view with suspicion people who seem different.
Mahirap patálsikín ang taong makapit sa kapangyarihan.
It's difficult to oust a person who clings to power.
Mahirap maisalba ang taong likás na masamâ.
A naturally evil person is difficult to save.
Hikayatin mo ang anák mo na tularan ang taong mabuti.
Encourage your child to emulate a good person.
Hindî ko ilálaán ang oras sa mga taong waláng pakialám.
I will not devote my time for people who don't care.
Saganang ani ang tinátamó ng mga taong masipag.
Hardworking people reap abundant harvests.
Bakit ka kumákampí sa taong nanakit sa iyó?
Why are you siding with the person who hurt you?
Nakúkulóng ang taong waláng galang sa batás.
A person who doesn't respect the law goes to jail.
Madalíng mabíktimá ang mga taong walâ sa sarili.
Absent-minded people can easily be victimized.
Huwág purihin ang taong hindî tumutulong sa ibá.
Don't praise a person who doesn't help others.
Mahirap madakíp ang taong magalíng magtagò.
A person who's good at hiding is difficult to capture.
Hindî madalás nagkakatrabaho ang taong tamád.
A lazy person often doesn't get a job.
Bakit mo sasabihang magbawás ng kain ang taong gutóm?
Why would you ask someone who is starving to eat less?
Iláng akó sa mga taong hindî ko kilala.
I'm uneasy with people I don't know.
Mataás ang tingín ko sa taong nakákatanggáp sa mga puná ng ibáng tao.
I have high regard for people who accept the opinion of other people.
Join us! We are a free online community for Filipino / Tagalog language learners
Join »
Join us! We are a free online community for Filipino / Tagalog language learners
Join »
Did you find an error or have a suggestion for this entry? Please let us know, your feedback is very helpful!