Close
 


Question: Naglálarô po akó ngayón dito:

« Back
Message Menu
Author Photo by: AsikotNaPaham
Nov 02 2023, 11:42pm CST ~ 1 year, 2 mos ago. 
Question: Naglálarô po akó ngayón dito: www.tagalog.com/game s/sentences_game.php
 
Forum Image
 
Naguluhán akó rito:
"Huwág mong paníniwalaan si Gina at sinungaling iyán."
"Don't believe Gina as that woman is a liar."
 
Makalumà po ba ang ganitóng gamit ng "at" o pinaiklíng "sapagkat" po ba itó? Marahil kung akó ang nagsabi nitó, itó marahil ang masasambít ko: "Huwág mong paníniwalaan si Gina dahil sinungaling iyán." Come to think of it, I don't really hear anyone use "as" to mean "because". I only really see them in written literature.
Reply
 
Message Menu
Author Photo AsikotNaPaham
Nov 03 2023, 12:23am CST ~ 1 year, 2 mos ago. 
Forum Image
 
Meron pa pô:
"Mag-ingat sa ipagpatuloy" means "Proceed with caution"? Siguro "sa pagtulóy"?
 
Message Menu
Author Photo Juantutri Badge: Native Tagalog Speaker
Nov 03 2023, 11:21pm CST ~ 1 year, 2 mos ago. 
"At" is like a general-purpose Tagalog conjunction, so it can mean "sapagkát/kasi/dahil (because)" or just the usual "and". We use it all the time. It may be translated into English according to however it makes sense, but in Tagalog we just make an automatic deduction as to what it means. For example:
 
Máuna ka na AT súsunod na lang ako. = Go ahead AND I'll just follow.
 
Mauna ka na AT hiníhintáy ka na ni Maria. = Go ahead BECAUSE/AS Maria is already waiting for you.
 
Mauna ka na AT pag hindî, baka magalit sa iyo si Maria. = Go ahead OR else/if not, Maria might get mad at you.
 
Huwág mong paní``niwalaan si Gina at/sapagkát/kasi/dahil sinungaling iyán. - Although using any of the 4 choices of conjunctions would not change the meaning of the sentence, I think we are likely to use "at" in this case. Maybe it's just like the tendency to use "as" more than "because" in the English translation.
 
>> "Mag-ingat sa ipagpatuloy" means "Proceed with caution"? Siguro "sa pagtulóy"?
 
"Mag-ingat sa ipagpatuloy" means "Be careful of to continue something", so the use of "ipagpatuloy" there is wrong. You are right about "Mag-ingat sa pagtuloy" (lit. Be careful of/about continuing/proceeding) as the correct way to say "Proceed with caution". We can also use "págtutulóy" if it's about continuing something that has already begun.
 
Your Tagalog is very good, although quite formal. Rarely would we say "marahil" and practically we don't use "masásambít" colloquially anymore. For "marahil", we would use "siguro (maybe)" or "malamáng (most/more likely)" depending on what we really mean. For "masasambit", we would say "sasabihin".
 
Sigúro/Malamáng kung akó ang nagsabi nitó, itó malamáng ang sasabíhin/sinabi ko. - The "sinabi" option is just to match the tense of "nagsabi" in the first clause. However, "sasabihin" is also correct and might be preferred instead, since the mood is subjunctive.
 
Also, although "naglalaro" means "playing", we use it for traditional or standard games, including board games and sports. When playing puzzle games like this "game" you were answering or sudoku or crossword, etc., we would instead say "sinásagután (inf. sagután - to answer something, as in filling out forms)". For jigsaw puzzles, we would use "binúbuò (completing/assembling/constituting) (inf. buuín)".
 
Message Menu
Author Photo AsikotNaPaham
Nov 04 2023, 5:52am CST ~ 1 year, 2 mos ago. 
@Juantutri, ipágpaumanhín n'yo na lang pô at kung ipágpápahintulot n'yo, walá po munang formal at wastóng pagbábaybáy. Isusulat ko pô muna kung anó 'yóng sa palagáy ko ang sinasabi o "sinasabe" ko. 😉
 
Ipinuformal ko lang pô para 'di akó masyádong nakákagamet ng Espanyól at Inglish werds. 'Lam namán nateng Taglish na talagá ang uso ngayón. Nasama pa si Yorme Iskó at ang kanyáng "Ji sa Gedli" ("G sa Gedli"), nangka, wakali, kodli, sampung bulig, etséterá. Ta's andyan den ang békimón.
 
Tengkyu nga pu palá sa lahát ng mga ekspleneyshon n'yo abáwt sa pággamit ng "at". 'Di ko na kasé 'yan natútunan noón. Nagsisélf-stadi na lang kasé akó naw kung kelan akó fri. Ewan ko nga ba at nahumalíng akó ngayón; sinipag na ewan nang nadayò akó dito 'ulí sa Tagalog dat kom. Siguro dahil sa mga bagong pazel layk Tagalowgəl (Tagalogle) at Klowz Séntensés (Cloze Sentences). Ta's kákatapos lang din ng Voltes Fayv, at sámtayms, nag-a-alá-Bowzeynyan. Kung si Big Bert pa, lakás makabumir raw ni Kuya Manwél.
 
Salamat din pô sa tip n'yo patungkól sa "sinásagután." Kulang na talagá sa praktis.
 
Ewan pô. Trip lang talagá siguro ol in ol.
 
Message Menu
Author Photo Juantutri Badge: Native Tagalog Speaker
Nov 04 2023, 9:24am CST ~ 1 year, 2 mos ago. 
Ah, OK. Pero sanayin mo na rin ang sarili mo sa mas madalas na ginagamit na ngayong paraan ng pagsulat sa Pilipino at lalo na pag Taglish. Mula nung naging 28 na ang mga titik ng alpabetong Pilipino, kung ano ang baybay ng salitang Ingles o Kastila ay ganun na rin sa Pilipino. Kaya, gaya nung mga salitang ginamit mo, yung "stadi (dapat pa nga "istadi" siya 🙂", "study" na rin; "abawt" ay "about" na rin; "samtayms" ay "sometimes" na rin, etc..
 
Napansin ko lang na may mga salita kang isinulat na yung "i" ay nagiging "e", kagaya ng "natEng, nakakagamEt, dEn, kasE" na dapat "nating, nakakagamit, din, kasi" sila. Kung sinadya mo man na imali sila, sana wag kang masanay sa ganun kasi hindi na tunay na Tagalog ang mga 'yun. At baka dapat iwasan mo rin yung "ta's" kasi ang sa alam ko nauso lang yan dati na parang ginagaya nila yung pagsasalita ng bata o ng utal. Hindi yun ginagamit sa matino o seryosong pag-uusap. Pero sa ngayon, hindi ko na rin naririnig yan. Bumalik na uli yung tamang "tapos".
 
Message Menu
Author Photo Juantutri Badge: Native Tagalog Speaker
Nov 05 2023, 6:59pm CST ~ 1 year, 2 mos ago. 
Clarification:
 
When I explained above that "sagután" is the verb to use for games like Sudoku, etc., I meant that specifically in relation to the verb "maglarò" as used in the topic heading of this thread. "Naglalarô ako ngayón dito" will be understood as playing a game like chess, basketball, or a game inside a casino.
 
When a game like Sudoku or Tagalogle is currently being played, "sagutan" is the appropriate verb to use. However, outside of that at-the-moment time, "maglaro" is the verb to use.
 
Tatapusin ko munang SAGUTÁN itóng Sudoku bago ako manánghalian. = I will solve this Sudoku first before I eat lunch.
 
Pag/Kapág walâ akóng magawâ, NAGLALARÔ akó ng Sudoku. = When I've got nothing else to do, I play Sudoku.
 
NAGLALARÔ ako ng Sudoku nang nágsimuláng umulán. = I was playing Sudoku when it began to rain.
 
Message Menu
Author Photo AsikotNaPaham
Nov 07 2023, 3:24pm CST ~ 1 year, 2 mos ago. 
@Juantutri
Maraming salamat pô sa mga payò. Sana makità n'yo rin itó when you have the time: tagalog.com/msg/m.ph p?p=30727 Bale, karágdagang mga sagót ko pô iyán. Sorry na pô dahil sa habà.
 
Post a Reply»




« Back to Main Page
Views: 213