KINATAT∆KUTANG TRIBU NA HINDI NA DAPAT PUNTAHAN NG MGA TAO😱
ANG KINATATAKUTANG TRIBU SA BUONG MUNDO
#Tribu #10NakakatakotNaTribu #SoskayTv#Cannibal
Dahilan Bakit Hindi Gumagawa ng Maraming Pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas
https://youtu.be/Queuzb1R4vg
PLEASE LIKE AND SUBSCRIBE
https://www.youtube.com/channel/UC4LM8CLuaZa3_uMxVaEuTpg
PAANO NAGSIMULA ANG MUNDO?
https://youtu.be/yEK2XS575DE
SAAN NAGMULA ANG DIOS?
https://youtu.be/hPaAvt1o8Ls
Video and Images Credit to: https://www.pexels.com/
Background Music Xredit to:https://www.bensound.com/
_______________________________________________
Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.
Creator's notes:
This channel is intended for education, comment, research, criticism, scholarship which benefits the public. The creator will make sure to upload only factual contents.
Most o
SOKSAY TV
Run time: 08:01
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Minsan na nating napag-usapan ang mga lugar na dapat iwasan puntahan o bisitahin, pero alam nyo bang bukod sa mga delikadong mga lugar ay may mga delikado rin palang mga pangkat ng mga tao?
00:16.5
Ang mundo ay pinamamahaya ng iilang mga pangkat ng mga tao o mga tribo na malayo sa sibilisasyon. Madalas ang mga pangkat na ito ay hindi nalalapitan at pinaniniwalaan ding mga cannibals, kaya naman talagang kinatatakutan.
00:35.0
Ang iila naman ay matagumpay ng napuntahan ng pamahalaan ng kanilang bansa upang matuklasan ang kanilang kalagayan. Gayunpaman, hanggang ngayon ay nananatili pa rin delikado at misteryoso ang pamumuhay ng mga taong ito dahil maaaring ang pagtuklas sa kanilang munting mundo ay kikitil sa buhay mo.
00:58.0
Ano-ano nga ba ang mga tribo sa buong mundo ang sinasabi nilang delikado? Sabay-sabay nating alamin nito.
01:06.0
Yaifo Tribe. Ang tribong Yaifo ay nagmula sa bansang Papua New Guinea at unang natuklasan ng modernong panahon ng taong 1988. Ang isang manunulat na Breton na si Benedict Allen ang unang nabigyan ng pagkakataong makasalamuha ang tribong ito.
01:30.0
Ibinahagi niya ang hindi malinimutang misteryoso at katakot-takot umano na sayaw na sumalubong sa kanya. Kahit paman minsan na silang napasok ng modernong indibidwal ay patuloy na umiiwas ang mga Yaifo sa mga tao.
01:46.0
Kapag may napapansin silang sinuman na papasok sa kanilang lugar ay siguradong sasalubungin ng mga sibat at mga pana.
01:56.0
Corowai Tribe. Ang tribong Corowai ay dating mga cannibals na ninirahan ang mga ito sa isang bubat sa West Papua. Ang kanilang buhay ay umiikot sa paniniwala sa mga hiwaga at espiritu.
02:12.0
Bagamat unti-unti na nilang tinanggap ang pagpapasok ng ilang modernong tao sa kanilang tahanan, ay nananatili pa rin silang hinikilalang mababagsik at delikadong pangkat na hindi mo gugustuhin puntahan.
02:26.0
Suri People, the Warriors. Mga ritual, delikadong mga sarimonyang idinadaan sa marahas na labanan at masakit na deep plugs ang iilan lamang sa lumalarawan sa tribong Suri. Matatagpuan sila sa southwestern Ethiopia.
02:47.0
Ang Suri o mga Surama ay sinusunod ang mga pamamaraan ng kanilang mga kaninununuan. Isa rin sila sa mga tribong pumapayag ng bisitahin ng mga dayuhan.
02:59.0
Mababangis pa rin ang kanilang pagkakakilanlan at ang makasalamuha sila ay isa sa mga bagay na talaga namang mahirap subukan.
03:09.0
Yanomami Tribe. Pinamumugaran ng tribong ito ang isang gubat sa Amazon, sa gitna ng Venezuela at Brazil. Kinilala ang tribo ng Yanomami bilang isa sa mga pinakamababangis at marahas na tribo sa buong mundo.
03:25.0
Pero alam niyo ba na ang tribong ito ay may eksplorasyon na sa alak. Nagkaroon na rin dito ng mga sakit dahil na rin sa iilang pagkakataong mapasok ng sibilisasyon.
03:37.0
Pero sa kabila nito ay pinananatili pa rin ng tribo ang isolasyon ng kanilang miyembro sa loob ng kanilang tahanang gubat.
03:46.0
Kurubo Tribe. Ang mga kurubo ay kilala bilang mabangis na pangkat mula sa Brazil. Nang sinubukan ng pamahalaang Brazil natuklasin ang kanilang pamumuhay ay hindi naging maganda ang resulta.
04:01.0
Pinatay ng mga kurubo ang iilan sa mga government employees na susubukan sanang pumasok sa kanilang lugar.
04:09.0
Masco-Piro. Ang mga Masco-Piro ay isa sa mga tribong hindi pa napukuntahan ng mga modernong tao. Namataan ang kanilang pangkat sa Peru.
04:20.0
Kinilala rin sila bilang kuharenyo at kilalang kumapatay ng sinumang mamamataan nilang tagalabas. Kaya mag-iingat kung sakaling nais mong subukang e-explore ang gubat ng Peru dahil baka mapadpad ka sa lugar kung saan namumugad ang mga taong ito.
04:39.0
Moken Tribe. Ang Moken Tribe ay matagumpay ng napasok ng Burma at pamahalaan ng Thailand pero itinuturing pa rin itong lost tribe in the world.
04:51.0
Kinilala rin sila bilang mga taong dagat at nakatira sa kanilang mga maliliit na bangkang kahoy na nilalakbay ang karagatan.
05:00.0
Minsan silang inakalang katakot-takot na pangkat pero sa ngayon ay mapapansing pahimik lamang sila sa kanilang mga itinuturing natahanan.
05:11.0
Ayureyo Tribe. Ang mga Ayureyo ay nakatira sa Paraguay at Bolivia at patuloy na umiiwas sa sibilisasyon ilang siglo na ang nakalipas.
05:24.0
Kinilala silang mga hunter-gatherers. Nakakalungkot nga lamang dahil ang iilan sa kanila ay naapilitang bumaba sa mga sudad dahil sa pagkasira ng kagubatan.
05:36.0
Minsan silang kinatatakutan dahil sa kanilang nakasanayang uri ng pamumuhay sa gubat.
05:42.0
Sa ngayon, ang mga tulad nilang naiwan pa rin naninirahan sa gubat ay nananatiling mababangis at hindi nagnanais na malapitan ang sinuman.
05:52.0
North Sentinel Island. Huwag na huwag kang pupunta dito dahil galit at ayaw nilang makakita ng magaganda at gwapo na katulad mo.
06:05.0
Sila ay isang tribo na kung tawagin ay senteneles na libong taonang di nakikisalamuha sa mga taong nakatira sa sibilisadong lugar.
06:17.0
Sila ay kilala bilang agresibo nang aatake ng tao at parang naka-United Home, laging protektado.
06:31.0
At noong 2004, nagkaroon ng tsunami sa lugar. Pagkatapos nito ay sinubukang puntahan ng ilang mga tao upang alamin ang pinsala.
06:43.0
Pero inataki lamang sila ng mga pana at sibat ng mga senteneles.
06:49.0
At noong 2008, naitala ang isang manging isda na nagawi sa lugar at naiulat na nawawala sa isla at hinihinalang pinatay diumano ng mga tribo na nakatira sa isla.
07:05.0
At dahil na rin sa ganitong mga pangyayari, mas pinili na lang ng pamahalaan sa India na huwag silang puntahan at gampalain.
07:16.0
Maaaring nakakatakot ang mga tribong ito at tila di makatwiran ang kanilang karahasan.
07:22.0
Pero ang nais lamang nila ay katahimikan. Malamang ay may mga bagay silang nais protektahan at pangalagaan at ito ay ang kanilang tirahan sa kagubatan.
07:33.0
Kung iisipin nga ay maaaring mas marahas pa ang mga taong pinipilit silang pakialaman at pilit binabago ang kanilang nakasanayan.
07:43.0
Kung nais talaga natin silang tulungan ay mas maiging tumulong tayo sa pagpepreserba ng ating kalikasan.
07:51.0
Salamat sa panunood mga kasoksay at abangang muli ang susunod pa nating mga kwento!