02:13.8
Ito ang tinatawag na primary market. Sa primary market, malalaking investors lang ang pwede mag-invest at wala pang individual.
02:22.3
Kung sakaling kailangan ni ABC Incorporation ng P10M na kapital para sa pag-expand ng kanyang negosyo at ang halaga ng kanyang stocks ay P10 ang isa, kailangan niyang mag-issue at magbenta ng P1M sa kanyang mga unang investors.
02:37.3
Kapag nabili na ng mga investors ang P1M o shares ni ABC Incorporation, gagamitin naman niya ang perang nalikom sa pagawa ng further studies para lalo pang gumanda at maging advanced ang kanyang produkto.
02:51.3
Mag-hire na mga skillful na tao para maging mas mabilis at productive ang operation ng kanilang business.
02:57.3
Kapag naging successful ang plano na ABC Incorporation at naging profitable ang kanyang negosyo, ibibigay naman niya ang percentage ng kanyang kinita doon sa kanyang mga investors.
03:08.3
Ang income na natatanggap ng mga investors, yun ang tinatawag na dividend.
03:13.3
Ang secondary market naman, ito na yung tinatawag nating stock market at nag-iisa lang ito dito sa Pilipinas, ang Philippine Stock Exchange.
03:22.3
Sa stock market, mga investors na ang nagtitrade dito ng stocks at hindi na involved ang kumpanya.
03:28.3
Halimbawa, kung sakaling bumili ka ng stocks sa ABC Incorporation, walang perang nadagdag sa kanilang kapital dahil ang stocks na binili mo ay galing sa mga unang investors at hindi sa kumpanya.
03:40.3
Kung sa primary market ay pagitan ito ng kumpanya at investors, sa secondary market naman o sa stock market ay parihong investors na ang nagtitrade o nagbabay ang sell ng kanilang stocks.
03:52.3
Halimbawa, kung sakaling bumili ka ng stocks ng Jollibee, ang stocks na iyan ay galing sa ibang investors at hindi sa Jollibee.
03:59.3
And vice versa, kung ikaw naman ang magbibenta ng stocks ng Jollibee, ibang investors ang bibili ng mga stocks na iyan.
04:06.3
Siguro naman ay malinaw na sayo ang pinagkaiba ng primary market at secondary market. Ngayon ay tatalakayan naman natin kung bakit nagbabago ang presyo ng stocks.
04:16.3
Part 2. Bakit nagbabago ang presyo ng stocks?
04:19.3
Sa market, merong mga nagbibenta at meron ding bumibili. Ang presyo ng stocks ay nakabasis sa supply at demand.
04:26.3
Kapag mataas ang demand, kapag marami ang gustong bumili ng stocks, tumataas din ang presyo nito.
04:32.3
Katulad na lang na nangyayari sa asukal at sibuyas. Dahil sa mataas na demand ng mga produktong ito pero mahina ang kanyang supply,
04:39.3
ang resulta ay nagiging mahal ang kanilang mga presyo. Pero kung marami naman ang gustong magbenta ng stocks at kunti lang ang bumibili,
04:47.3
doon naman bumababa ang kanyang halaga. So bakit nga ba ito nangyayari? Bakit may pagbabago sa supply at demand?
04:54.3
Nagiging mataas ang demand dahil sa valuation ng kampani. At merong dalawang common methods na ginagamit ang mga investor para malaman nila kung mabuti ba ang performance ng isang kumpanya.
05:05.3
Ang unang method ay ang Earning Per Share o EPS. Dito mo malalaman kung profitable ba ang kumpanya.
05:12.3
Ang calculation dito ay kailangan mo lang i-divide ang net profit ng kampani sa kanyang total shares.
05:18.3
Kalimbawa sa ABC Inc. ay kumita last year ng 2 million pesos at meron itong 1 million shares,
05:25.3
ang kanyang EPS o Earnings Per Share ay 2 pesos. Pero kung sakaling kumita ngayong taon sa ABC Inc. ng 4 million pesos,
05:34.3
ang kanyang EPS ay tataas na sa 4 pesos. So kapag nalaman ng ibang investor ang EPS at profitability na ABC Inc.,
05:43.3
maa-attract din sila na mag-invest dito. At dito na nagiging mataas ang kanyang demand.
05:49.3
Ang pangalawang method kung paano malalaman ang profitability ng kumpanya ay sa pamamagitan ng Price to Earnings Ratio o PE.
05:57.3
Ang calculation naman dito ay i-de-divide mo ang presyo ng stocks sa kanyang EPS.
06:02.3
Halimbawa ang presyo ng stocks na ABC Inc. ay 10 pesos divided by 4 pesos base sa kanyang huling EPS, ang kanyang Price to Earnings Ratio ay 2.5.
06:13.3
Ang mga kumpanya na merong mababang PE kumpara sa kanyang mga competitors ay mas attractive sa mga investors.
06:20.3
At isa rin ito sa dahilan kung bakit nagiging mataas ang kanyang demand.
06:25.3
Ngayon ay pag-uusapan naman natin kung bakit bumababa ang presyo ng stocks.
06:30.3
Ibig sabihin, mas marami ang nagbibenta kaysa bumibili.
06:34.3
Unang dahilan kung bakit bumababa ang presyo ng stocks ay kapag merong malaking institusyon na nagbenta ng kanilang shares.
06:41.3
Kung ang individual investor ay nagmamayari lang ng 100 to 1,000 shares,
06:46.3
ang malalaking institusyon o major shareholder, katulad ng investment banks at insurance company,
06:52.3
ay posibleng magmayari ng 1 million to 10 million shares or more sa isang kumpanya.
06:57.3
At kapag binenta nila ito lahat, maaapiktuhan talaga nito ang presyo ng stocks.
07:02.3
Pangalawang dahilan kung bakit bumababa ang presyo ng stocks ay ang inflation.
07:07.3
Kapag mataas ang inflation rate, nagdudulot ito na magiging mahal ang kahit anong produkto.
07:12.3
At dahil dito, nagiging mahal din ang business operation ng mga kumpanya.
07:17.3
At kapag naging mahal ang kanilang operation, nagiging mahal din ang benta ng kanilang mga produkto.
07:23.3
At kapag naging mahal ang kanilang produkto, kunti nilang din ang makakabili.
07:27.3
At magdudulot yun ng less profit sa kumpanya hanggang sa bababa rin ang value ng kanyang stocks.
07:33.3
Pangatlong dahilan ay sa bad news o issue.
07:36.3
Kapag nalaman ng mga investor na merong issue o trending ngayon sa balita ang kumpanya na ininvestan nila ng pera,
07:42.3
magbabago rin ang kanilang perspective dito at majority sa kanila ay magdidesisyon na ibenta ang kanilang shares.
07:49.3
Pangapat na dahilan ay dahil sa global events, halimbawa na dito ay ang gera at pandemic.
07:54.3
Kahit mataas ang EPS ng mga kumpanya at nananatili itong profitable,
07:59.3
marami pa rin mga investors ang gustong magbenta ng kanilang stocks dahil sa posibling maaapiktuhan ito ng pangyayari.
08:06.3
Lahat ng investors ay walang ibang hangarin kundi ang kumita ng pera at meron silang iba't ibang method at strategies
08:13.3
na ginagamit para mabawasan ang risk ng pag-iinvest.
08:16.3
Pero walang certainty sa market dahil hindi natin ito kontrolado.
08:20.3
Ang katotohanan ay posibleng kang kikita ng pera at posibleng rin hindi.
08:24.3
Araw-araw, may mga taong nagbibenta at bumibili ng stocks.
08:28.3
At ginagawa nila yun dahil posibleng yun ang mabuting desisyon na kailangan nilang gawin.
08:33.3
So yun ang dahilan kung bakit nagbabago ang presyo ng stocks.
08:37.3
Kung mataas ang demand, tatas din ang kanyang presyo.
08:40.3
Kung mataas naman ang supply, babagsak rin ang kanyang presyo.
08:44.3
Part 3. Safe Ba Mag-Invest Sa Stock Market?
08:48.3
Kapag sinabi nating investment, yung giniisip agad natin ay ang risk
08:52.3
at ang common na nangyayari ay nakakalimutan na natin ang reward.
08:56.3
Lahat naman siguro ng investment ay merong kasamang risk
08:59.3
at mamiminimize mo lang ang kanyang risk kung meron kang alam sa investment na iyong pinasukan.
09:04.3
Ika nga na sinabi ng pinakasuccessful na stock investor ni si Warren Buffett,
09:08.3
risk comes from not knowing what you are doing.
09:11.3
Kaya napakabuting mag-aral ka kung paano mag-invest.
09:14.3
Basahin mo yung mga online article tungkol sa stock market.
09:17.3
Basahin mo rin yung librong na sulat na ng isang successful investor.
09:21.3
Mag-attend ka ng mga seminars.
09:23.3
Sumali ka sa mga online communities na mga nag-iinvest sa stock market.
09:27.3
At maghanap ka rin ng financial advisor na magtuturo at magbibigay sa'yo ng guide sa pag-iinvest.
09:33.3
Part 4. Ang Dalawang Paraan Kung Paano Kumita ng Pera Sa Stock Market?
09:38.3
Kapag shareholder ka ng isang kumpanya, kasama ka rin sa kikita ng pera kung naging profitable ito.
09:44.3
Merong dalawang paraan kung paano kumita ng pera sa stock market.
09:48.3
Una ay sa pamamagitan ng dividends at pangalawa ay sa capital gains.
09:52.3
Ang dividends ay perang galing sa profit ng isang kumpanya
09:56.3
at hinahati niya ito at pinibigay doon sa kanyang mga shareholders.
10:00.3
Para rin itong bonus.
10:02.3
Kapag marami kang share sa kumpanya, malaking dividend rin ang iyong matatanggap.
10:06.3
Pangalawang paraan kung paano kumita ng pera sa stock market
10:10.3
ay ang common na kitaan ng kahit sinong investor,
10:13.3
ang capital appreciation o capital gain.
10:16.3
Ito yung tinatawag na buy low, sell high.
10:19.3
Halimbawa kung bumili ka ng 1,000 shares sa isang kumpanya 5 years ago sa halagang 20,000 pesos,
10:25.3
ibig sabihin 20 pesos lang ang presyo ng isang share sa panahon yun.
10:29.3
At kung sakaling tumaas ang presyo ng kanyang share ngayon at 35 pesos na ang presyo ng isang share,
10:35.3
meron kang kikitain na 15,000 pesos kung ibibenta mo lahat ng iyong shares.
10:41.3
75% na capital gain.
10:44.3
Kahit madali lang siyang intindihin, nangangailangan pa rin ito ng timing
10:48.3
kung kailan ka dapat bibili, kailan dapat magbenta,
10:51.3
at hanggang kailan ka mag-hold ng iyong stocks.
10:54.3
At the end of the day, ang iyong mga nalalaman pa rin ng magbibigay sa iyo ng profit sa pag-iinvest.
10:59.3
Dahil kung alam mo ang iyong ginagawa,
11:01.3
kung alam mo ang kumpanyang dapat lagyan ng pera at mga kumpanyang dapat iwasan,
11:05.3
mababawasan mo rin ang risk ng iyong pag-iinvest at posibleng kikita ka ng malaking halaga sa long term.
11:12.3
Part 5. Guide Kung Paano Mag-Invest Sa Philippine Stock Market
11:17.3
Kung gusto mong mag-invest sa stock market o gusto mo lang sumubok,
11:20.3
merong apat na steps na dapat mong sundin.
11:23.3
Step 1. Hanapin mo yung mga license o credited stock broker dito sa Pilipinas.
11:28.3
Kasalakuyang merong 275 accredited brokers ang Philippine Stock Exchange
11:33.3
at 33 dito ay mga online brokers kagaya ng Cool Financial, BDO Numura, Philstocks at First Metro Securities.
11:42.3
Sila yung platform na gagamitin mo sa pag-detrade ng stocks.
11:46.3
Tandaan mo palagi na hindi ka makakapag-invest kapag wala kang broker.
11:50.3
Ang broker ay ang tinatawag na middleman.
11:53.3
Sila yung magtatrabaho sa iyong request na bumili o magbenta ng stocks sa market.
11:57.3
Merong dalawang options kung paano mag-file ng request sa mga stock broker.
12:02.3
Una ay ang mga traditional na paraan.
12:04.3
Yung tatawag ka pa o di kaya ay mag-send ng email kung meron kang request.
12:08.3
At ang pangalawa ay online.
12:10.3
Ito yung mas convenient na paraan dahil meron kang option sa kanilang platform na either magbenta o bumili ng stocks.
12:17.3
Step 2. Kapag nakapili ka na ng broker, kailangan mo namang mag-open sa kanila ng brokerage account.
12:23.3
Ang maganda rito ay kaya mo itong gawin sa iyong laptop o di kaya ay cellphone.
12:27.3
I-search mo lang ang kanilang websites at mapupunta ka na agad sa kanilang homepage na kung saan ay pwede kang gumawa ng iyong account.
12:34.3
Mas mabuting tumawag ka sa kanilang customer service at humingi ng assistance para mag-guide ka ng maayos dahil meron pa yung mga kasamang requirements.
12:43.3
Step 3. Pagkatapos mong gumawa ng account, kailangan mo lang maglagay dito ng pera para makapagsimula ka ng bumili ng stocks.
12:51.3
Ang perang kailangan ay nakadepende sa kumpanyang pag i-investan mo ng pera, kung ilan ang minimum shares na dapat mong bilhin at ang presyo ng bawat shares na yun.
13:00.3
Meron kang dalawang options kung gusto mo bang mag-invest sa short term o di kaya sa long term.
13:05.3
Kung baguhan ka pa, mas mabuting piliin mong mag-invest sa long term dahil hindi ito masyadong risky kumpara sa short term investing at meron ka pang time para makasabay sa pag-recover ng market.
13:17.3
Ayon sa Philippine Stock Exchange, ang kanilang historical return from 1988 to 2021 ay meron itong average na 7.82% return taon-taon.
13:28.3
Despite na meron siyang ups and downs, nakakabawi pa rin siya sa long term.
13:33.3
At Step 4. I-track mo lang ang performance ng iyong investments at obserbahan mong mabuti kung kailangan mo na bang magbenta o mag-hold muna ng iyong stocks.
13:43.3
Ngayon ay alam mo na kung paano gumagana ang stock market at kung paano magsimula. Kailangan mo namang malaman ang iilang principles ng pag-i-invest.
13:52.3
Part 6. Tips Kung Paano Magtagumpay Sa Stock Market
13:56.3
Sa parting ito, hindi na ako magbibigay ng example kung paano gawing millions ang iyong 500 pesos o 1,000 pesos dahil hindi ako naniniwala sa ganun.
14:06.3
Gusto kong magpatutuo dito at ibahagi kung ano yung subok na strategies ng mga taong nagtagumpay sa stock market. Gaya ng sinabi ko kanina, hindi natin kontrolado ang market.
14:16.3
Hindi natin pwedeng i-assume na dudoble yung pera natin taon-taon at maglagay ka lang ng pera at maghintay ng mahabang panahon na walang gagawin.
14:24.3
Kailangan pa rin natin i-consider ang kanyang risk. Pero kahit ganun pa man, kahit merong risk ang pag-i-invest sa stock market, may mga tao pa rin nagtagumpay dito.
14:33.3
At aalamin natin ang strategies na ginagamit nila para ma-apply din natin ito sa ating pag-i-invest.
14:39.3
1. Gumawa ka ng plano.
14:41.3
Bago ka magsimulang mag-invest, alamin mo muna ang iyong goal. Alamin mo rin ang iyong risk tolerance at dapat ay meron ka rin timeline sa iyong goal.
14:49.3
Nang sa ganun ay meron kang pagbabasihan ang iyong mga desisyon at hindi basta magpapadala sa kung ano yung trend.
14:56.3
2. Piliin mo ang tamang stocks.
14:59.3
Madaling sabihin pero ang hirap hanapin. Sa ngayon ay merong 275 publicly traded companies sa ating stock market.
15:07.3
Yung iba dito ay aangat, yung iba naman ay lolubog. Kaya responsibilidad ng bawat investor na pag-aralan ng mga kumpanya bago siya magdesisyon na bumili ng stocks.
15:17.3
Dito mo magagamit ang tinalakay na natin kanina kung paano malaman ang profitability ng isang kumpanya.
15:23.3
Ang Earnings Per Share o EPS at Price to Earnings Ratio o PE.
15:28.3
Kailangan mong i-educate ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-aaral sa performance ng mga kumpanya kung gusto mong magtagumpay sa pag-iinvest.
15:37.3
At isang tip para maging safe ang iyong investment kung nagsisimula ka pa lang, mas mabuting piliin mo yung tinatawag na blue chip stocks.
15:44.3
Ito yung mga top performer ng mga kumpanya sa stock market. At ito ang halimbawa.
15:49.3
3. Kailangan mong i-diversify ang iyong portfolio.
15:53.3
Sa stock market meron yung iba't ibang industries katulad ng technology, healthcare, telecom at marami pang iba.
16:00.3
Kung divided ang iyong investment sa iba't ibang industries, mababawasan mo rin ang risk ng iyong pag-iinvest.
16:07.3
Dahil kung sakaling nagdown ang isang industry, hindi ka masyadong maaapiktuhan dahil hindi lang dyan nakalagay lahat ng iyong pera.
16:14.3
4. Mag-stick ka lang sa iyong plano.
16:17.3
Ang pag-iinvest ay nangangailangan din ng disiplina. Mas mabuting hindi ka magpapadala sa short term na pagbabago ng market
16:24.3
at huwag ka rin gumawa ng desisyon na nakabasi lang sa emosyon.
16:28.3
5. Aminin mo na marami ka pang dapat matutunan.
16:32.3
Lahat ng mga successful investor ay willing na matuto sa iba.
16:35.3
Si Warren Buffett ay merong Benjamin Graham at Charlie Munger.
16:39.3
Si Bill Gates ay merong Warren Buffett.
16:41.3
Si Mark Zuckerberg ay merong Steve Jobs.
16:44.3
Mahalaga na meron tayong matutunan sa iba at aminin sa ating sarili na hindi pa natin alam ang lahat ng bagay.
16:50.3
Kung gusto mong mag-invest at palawakin ang iyong mga pangunawa sa stock market,
16:55.3
mas mabuting matuto ka rin sa ibang investor at alisin yung pagkakaroon ng fixed mindset.
17:01.3
Dahil sa kahit anumang bagay, mapabusiness, investing o personal man yan, nangangailangan nito ng non-stop na pag-aaral.
17:09.3
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
17:12.3
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
17:18.3
Bisitahin mo na rin ang iba pa naming social media account at mag-follow.
17:22.3
I-like kung nagustuhan mo ang video, mag-comment ng iyong mga natutunan,
17:26.3
at i-share mo na rin ang video nito sa iyong mga kaibigan.
17:29.3
Maraming salamat sa panunood at sana ay magtagumpay ka!