* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ang galing talaga ni Enrile. Nagbigay na ng pahayag ng ating Korte Suprema na inuutos nila ang pagbasura ng kaso laban kay Enrile at sa kanyang mga kasamahan uukol sa Coco Levy Fund.
00:16.0
Ito ay isang kaso na lumalampas na ng 30 years. At karamihan nga sa atin hindi na natin alam kung ano yung Coco Levy Fund sa tagal-tagal na ng kasong to.
00:25.0
So himehin natin ito at tignan muna natin kung ano ba itong Coco Levy Fund sa ito. Yung Coco Levy Fund ay isang fund na sinet-up ni Marcos at in-approve niya nung panahon niya para ma-develop daw yung coconut industry natin para sa mga magsasaka.
00:41.0
At ang ginawa nila dito ay sinarge nila yung ating mga magsasaka ng mga taxes na umaabot ng 100 pesos per 100 kilos. Ang nangyari dito ay yung perang yun ay imbis na pumunta sa ating mga magsasaka at para lalog lumaki pa yung ating industriya ng ating coconut farming, napunta to sa mga bulsa ng mga crony ni Marcos. Yan po yung alegasyon.
01:06.0
At sa mga nahukay nila mga dokumento, lumalabas si Enrique at yung kanyang mga kaibigan at kasamahan ay may kinuha ng mga 840 milyon pesos dito sa Coco Levy Fund.
01:19.0
Ngayon ang tanong, bakit sinasabi ng Korte Suprema na ibasura na yung kaso laban kay Enrique at sa kanyang mga kasamahan?
01:27.0
Ang rason na binigay ng Korte Suprema ay dahil sa sobrang tagal na kasong ito, nava-violate yung rights ng mga defendants because they have a right to a speedy trial daw.
01:40.0
At totoo naman may karapatan naman lahat tayo to a speedy trial at naniniwala po ako doon. At yung isang nakakalungkot na realidad dito sa Pilipinas na ang ating Korte ay ang bagal talaga maglabas sa mga desisyon. At kaya sinasabi ko nga at maraming nagsasabi that justice delayed is justice denied.
01:59.0
So yan ang binibigay na rason ng ating Korte Suprema na meron daw silang karapatan to a speedy trial at sinasabi din nila na dahil lumampas na daw ng 30 years na yung mga dokumento at mga ebidensya ay na-compromise na daw at hindi na daw yan maaasahan at magulo na daw yung kaso at yung mga testigo maraming wala na o namatay na at mahirap na daw ituloy yung kaso sa panahon ngayon.
02:24.0
Pero sa akin lang ano, kung talagang interesado yung ating Korte Suprema na malaman talaga kung ano yung nangyari sa ating Coco Levy Fund at kung guilty ba talaga si Enrique o hindi at yung kanyang mga kasamahan, di dapat ituloy yung kaso at dapat imbis na sabihin nila na ibasura na yung kaso, ang dapat binigay nilang rekomendasyon ay dapat pabilisin na yung kaso at magkaroon na ng resolusyon at malaman na natin kung talaga bang guilty sila o hindi.
02:53.0
Yan po yung tingin ko dapat ginawa ng ating Korte Suprema. Kasi po sa ginawa nilang desisyon na ito, ang sinasabi nila ay hindi importante malaman kung guilty ba itong mga taong to o hindi. Ang sinasabi ng Korte Suprema ay dahil sa tagal ng kaso huwag na lang natin malaman kung guilty ba o hindi itong mga akusado.
03:11.0
Lalong lumalakas yung aking paniniwala na ang hustisya talaga ay para sa makapangirihan, para sa politiko at para sa mga mayayaman. Ng mga ordinaryong Pilipino at ang mga taong walang kapangirihan ay walang makukuhang hustisya.
03:27.0
At ang ating bansa ay hindi nakakakuha ng hustisya kung hindi natin nalalaman kung ano ba ang mga anomalyang nangyari sa ating gobyerno at kung hindi nahuhuli ang mga nagkasala laban sa ating bansa. Ito ay isa na namang halimbawa ng isang politiko na mayaman na may kapangirihan na sila ay nabibigyan ng hustisya habang maraming mga Pilipino ngayon ay nakakulong.
03:53.0
Guilty man o hindi hindi natin nalam pero nakakulong sila dahil sila ay hindi makakatikim ng ganitong klaseng hustisya.
04:02.0
At hindi ito ang unang kaso na nakakuha ng hustisya si Enrique. Huwag niyong kakalimutan na meron din siyang kaso laban sa kanya ukol sa PDAF skandal yung kay Napoles na inaakusa siya na kumuha siya ng 172 milyon pesos na kickbacks kay Napoles at dahil pinayagan din siya ng Korte Suprema magpost ng bail dahil sa kanyang edad.
04:28.0
Ang sarap talaga ng buhay ni Juan Ponce Enrique. Papalarin din ba tayo ng ganyan tulad niya?
04:33.0
Isipin mo habang pinapakinggan pa yung kaso laban sa kanya sa Napoles skandal na ang tagal na rin by the way. 9 years na wala pa ring resolusyon at babanggiting ko lang na ako ay naniniwalan na lahat ng kaso ay dapat mabigyan ng resolusyon sa pinakamabilis na paraan.
04:49.0
Hindi ako naniniwala dito sa mga matatagal na kaso dahil lahat po agrabyado po dito sa sitwasyon na to. At sangayon din naman po ko na si Gigi Reyes ay nakalaya dahil po 9 years siya nakakulong na hindi natin alam kung guilty ba siya o hindi.
05:04.0
Ang punto ko lang dito ay simple. Kailangan talaga gumawa ang ating mga korte ng paraan para mapabilis itong mga kasong to. Para magkaroon ng resolusyon at para malaman natin lahat kung sino ba itong mga nagnanakaw sa ating bansa at sino ba ang mga corrupt at saka sino ba ang mga criminal dito sa ating bansa.
05:23.0
At yung po ang pinakamalaking problema natin dito sa Pilipinas ay wala po tayong nakikita ang justisya at ang dami pong nakakalusot. Taon-taon na lang ganito na po. Wala na pong nagbabago.
05:35.0
Alam mo dahil dito napaisip na talaga ako eh. Sino pa ba ang lalaban para sa ating bansa? Sino pa ba ang lalaban para sa mga ordinaryong Pilipino?
05:43.0
Hindi na pantay ang laban eh. Hindi na patas. Nagtataka na talaga ako eh kung may justisya pa ba talaga dito sa Pilipinas at para sa mga ordinaryong Pilipino.