KULTURA NG IMPUNITY, UNIT-UNTI NA NGA BANG TINUTUGUNAN NG MARCOS JR. ADMIN? (Part 2- Feb. 15, 2023)
03:19.0
Iba-iba kasi ang akaunte sa diyaryo natin sa pahayagan sa Pilipinas siya ay tinatawag na Lafuente. Pero nung itsinek ko sa mga pahayagan sa Spain ang apelido nito ay Bello o Beyo sa Spanish.
03:36.0
So ayon dito sa DOJ sumuko itong tatlong pulis na ito noon pong Pebrero 9. Nangyari lang ang pagsuko dahil na rin sa pagsusumikap po ng pamilya ng biktima na nasa Spain para ipaglaban ang misteryosong pagpaslang sa kanilang kaanak.
04:03.0
Nakialam din sa kasong ito ang pamahalaan ng Spain upang mabigyan ng hustisya ang kanilang kababayan na pinaslang noong 2020 sa Siargao.
04:20.0
Yung Siargao po yan po yung famous na surfing capital ng Pilipinas. Tayo po dati ay madalas napapasyal dyan. Talagang napakaganda, napakaraming foreigner. Yung mga foreigner na hindi nyo nakikita dito sa Maynila, nandun po sila.
04:36.0
Karamihan po ay mga Caucasian na mahilig sa dagat, mahilig sa surfing. Napakatahimik sanang lugar pero noon nangyari ito nagtataka tayo. Akala natin napakatahimik ng lugar pero may pinatay na isang foreigner. So hindi natin maalam kung ano ang magiging repercussion ng kasong ito.
04:57.0
Anyway, mabalik tayo dito sa kaso na ito. Nakialam nga po yung Spanish government. Yan po amisan ang kagandahan kapag meron kang isang gobyerno na masasandalan lalo na sa mga ganitong pagkakataon na obligasyon kasi ng pamahalaan...
05:23.0
... na isulong at ipagtanggol ang interest ng kanilang mamamayan. Parang tayo, kapag nagkakaroon ng Pilipina na namamatay sa abroad, pumapasok tayo. Kahit may kabagalan, pumapasok tayo, nangyihimasok tayo, kinakausap natin ang pamahalaan nila. Ganyan po yan, obligasyon po yan ng Estado.
05:46.0
Eto po, meron akong nabasa na isang salaysay. Napakaganda nung salaysay dahil kumpleto ito ng detalye. Ukol dito sa pagkamatay nitong Spanish citizen na si Diego na nalathala po doon sa kanilang pahayagan na ang pangalan ay El Paes. El Paes po yung pahayagan.
06:11.0
Ganito po ang pagkahayag nila. Noon daw po, Enero a Otso nung 2020, nakatanggap ng balita ang pamilya nitong si Diego na ang kanilang 32 anyos na kaanak ay napatay sa umanoy pakikipagbarilan sa pulis mga kaibigan.
06:35.0
So, nagitla ang pamilya ni Diego kasi wala naman silang alam na history ni Diego na ito ay bayulente o kung anuman mga kaibigan. Kaya nagitla sila, nagulat sila nung mabalitaan niyan. They were speechless daw mga kaibigan.
06:54.0
Ito kasing si Diego, mga kaibigan, kaya ito nasa Siargao. Siya po ay isang surfer. Siya po ay nagmula sa isang regyon sa Spain na ang tawag po ay Galicia.
07:09.0
Ito pong Galicia, kung titignan ninyo sa mapa, ito po ay isang napakagandang lugar. Napakaganda ng tanawin na ito po ay pinalilibutan ng dagat. Dagat po sa magkabilang panig. Dagat Atlantico at Dagat Cantabrian.
07:29.0
So dalawang dagat ang pumapagit na dyan kaya no wonder na mahilig sa surfing itong si Diego. Ito ay nanirahan sa Siargao ayun sa ulat mula pa noong 2017 at siguro na paibig siya nung lugar nagsimula ito ng ilang negosyo sa Siargao.
07:52.0
So sa report po ng pulis, mga kaibigan, ito na ang local police natin sa Siargao. Inakusahan ng mga ito si Diego na isaumanong drag lord. Yan pong bagay na yan ay sinalungat ng mga ebidensya na nakalap sa ginawang pagsisiyasat noong 2020.
08:16.0
Gumulong lamang ang investigasyon sa kasong ito dahil na rin sa maigting na protesta at pakikipagugnayan ng pamilya ni Diego at ng Ministry of Foreign Affairs ng Spain sa pamahalaang Pilipinas.
08:34.0
Natigil ang kaso mga kaibigan. Yung gulong ng kaso natigil noon pong panahon na magtago itong tatlong pulis na sinampahan ng kasong murder, perjury at falsification ng mga dokumento o na mga ebidensya o tinamper siguro yung mga ebidensya.
08:58.0
Samakatwid mga kaibigan, pinabulaanan ng mga ebidensya ang nakalap na ito kasing mga pulis gumawa ng kwento na si Diego isang drag lord at anyay ng laban. Kaya bilang self-defense sila-anya ay nakipagbarilan.
09:20.0
Yan ang kwento ng mga pulis. Si Diego ay pinagbabaril ganap na alauna 35 ng madaling araw sa labas mismo nung kanyang tinitirhan sa Siargao habang ito ay papauwi na mula doon sa restaurant na kanyang pinatatakbo.
09:40.0
So yung mga kapitbahay, mga kaibigan na tumestigo ay nakarinig ng mga putok ng baril. So nadinig din ito nung kanyang kasintahan na noong mga panahon ay kasalukuyang nasa loob po ng kanilang tahanan.
10:00.0
So may mga nakarinig po ng pagputok. Lumalabas po sa investigasyon ngayon na ang putok ay nagmula doon po sa baril nitong isang nagngangalang pulis-captain Vicente Panuelos, ang hepi po ng pulis siya sa Siargao, habang ito ay may kasama pang dalawang pulis nung kanilang puntahan itong si Diego.
10:28.0
Alam nyo yung version po ni Panuelos, mga kaibigan ganito, nagsagawa umano sila ng isang operasyon para arestuhin si Diego sa pamamagitan umano ng isang entrapment operation sa labas ng tahanan ng biktima.
10:49.0
So nung malaman niya ni Diego na ito ay isang entrapment, ito kwento ng pulis, mamaya natin sasabihin ang tutuong version na lumabas sa investigasyon.
10:58.0
Sa kwento ng pulis, nung malaman niya ni Diego na ito ay isang entrapment, ito umano ay nagpaputok ng baril at akmang tatakas.
11:08.0
Alam nyo tinignan ko iyong buong larawan ng kwento, parang sobrang sama ng script. Anong tawag niyan? Bad script at sounds familiar.
11:21.0
Parang familiar na familiar na tayo mga Pilipino na libu-libong pa ulit-ulit na iyan ang ikinikwento ng mga pulis, mga kaibigan, lalo ng panahon ng kasagsagan ng pagpatay sa war on drugs.
11:36.0
So ngayon doon sa report na pinalabas ng DOJ, pinabulaanan nyo ang version ng pulis sa pagkamatay ni Diego base na rin sa nakuhang pahayag ng witnesses at pagsusuri sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
12:00.0
Lumalabas kasi na wala umanong nangyaring shootout. At ituan niya ayon doon sa report ng DOJ ay isa lamang inibentong senaryo. Mantakin ninyo? Familiar rin diba? Inibentong senaryo.
12:18.0
Sino ba ang magaling sa ganyan? Di ba inibento din ang kasong ginawa kay former Sen. Laila Delima? Pinagtahitahit para magtugma doon sa panaginip nila ng kwento.
12:33.0
Pero nung bandang uli ano nangyari? Isa-isa nagpulasan ang witnesses, ang nagturo kay Delima na binaliktad nila ang kanilang pinagsasabi noong panahon ni Duterte. Kasi wala na si Duterte, pwede na sila magsalta ng katotuanan.
12:50.0
Maging itong mga pagpaslang kay ka-Percy Lapid, gustong guluhin nitong kampo nila, si Gerald Bantag na sinibak na buker chip at gumagawa sila ng sarili nilang kwento.
13:07.0
So sa isang bansa na marami pa rin tanga o ginagawang tanga ng kwarta at propaganda, may maloloko at maloloko pa din naman ang mga taong ito. Yan po ang nakakalungkot.
13:25.0
And I'm referring no less dito sa ating bansa mga kaibigan. So dalawa lang naman kasi dito, tanga o nagtatanga-tangahan. Yung mga naniniwala dyan, bakit magtatanga-tangahan? Nakukorap eh, hindi po ba?
13:40.0
So mabalik tayo dito kay Diego. Ibinasura din po sa pinakahuling pagsisiyasat na ang sinasabi ng tatlong pulis na humugot-umano ng pistola itong si Diego mula sa isang belt bag na tangan-tangan nito.
13:59.0
Pero hindi po nangyari yung ganoon mga kaibigan sa lumalabas na investigasyon ng mga otoridad. Natagpuan sa pinangyarihan ang mga basyo ng bala mula sa dalawang magkaibang kalibre ng baril.
14:16.0
Isa po dito mula sa baril na pag-aari ng mga involved na pulis at ang isa ay mula po sa isang kalibre na nakarehistro sa isang individual mula po sa Maynila na wala man nilang maipakitang may kaugnayan dito sa biktima.
14:37.0
Ibig sabihin hindi kilala ng biktima. Itong baril nakarating na lang doon. Paano yan? Naglakad, sumakay ng barko o sumakay ng aeroplano mga kaibigan.
14:49.0
Ito, si Diego po ay halos tatlong taon pa lamang na nandun po sa Siargao. At yung baril na sinasabing kanyang ginamit, alam niyo ba halos dalawang dekada nang nakarehistro doon po sa kumpanya ng Taga Maynila. Kaya talagang walang makitang koneksyon yung mga pulis para maipagduktong.
15:12.0
Ito pa, nung nag-iimbestiga sila, sa posisyon ng mga basyo na nakita ng mga imbestigador, nagpapahiwatig anya ito na ang bumaril ay nakaposisyon na malapit, magkakatabi sila, magkakalapit.
15:28.0
Kaya nawasak ang argumento ng suspek na ang biktima niya ay tumatakas at nakipagpalitan ng putok. Eh close, magkuklose sila, tatlo. So doon nakita ang mga basyo at kung saan nakatayo itong mga pulis.
15:45.0
Marami pang ebidensya ang nakalap ng mga imbestigador na pawang hindi tumutugma sa versyon ng tatlong pulis na ito. Gaya nung kanilang paglalarawan kung paano tumakas yung biktima at yung mga mantsa ng dugo na naiwan sa scene of the crime, maging ang mga pinsala na nangyari na idinulot sa scene of the crime.
16:12.0
Sinabi din po dito sa imbestigasyon na ang huling putok na tumama daw po kay Bello ay hindi nang galing dun sa hawak niyang barel kundi sa barel po ng hepe ng pulisya.
16:27.0
So ayon dito sa DOJ, maliwanagan niya ang pag-akusa kay Bello ng pagdadala ng armas ay bahagi lamang ng isang malaking kwento o plano.
16:42.0
Mga kaibigan, sinaryo. Yun nga po yung sinasabi. Gumawa sila ng sarili nilang sinaryo. Lumalabas din po mga kaibigan na ang pangalan ni Bello ay wala po sa talaan ng mga drug suspects ng pamahalaan.
16:58.0
Gaya nung madalas na ginagawa o iwinawagayway ni Duterte na drug matrix. Wala po ron. Zero. Wala po ang pangalang Diego Bello doon.
17:13.0
So ang ginawa ng pamilya, matapos ang bahabahang pagluha, kalungkutan, pinauwi nila ang bangkay nitong si Diego. At doon sa Spain, doon nila pinaulit ang autopsy sa mga labi nito.
17:34.0
At lumabas doon sa autopsy na wala ito kahit na anumang bahid ng droga sa katawan sa nakalipas na 6 buwan bago ito mapaslang.
17:49.0
Doon sa aligasyon ng mga polis na si Diego ay may bit-bit na belt bag. Ito ang mga kaibigan. Nabutata ang mga polis na ito dahil iprinesenta ang security camera o CCTV footages na kuha doon sa restaurant ni Diego...
18:12.0
... na nagpapakita po na walang bit-bit na belt bag ang Espanyol nang umalis ito doon sa establishment pauwi sa kanyang tinitirhan. So supalpal ang argumento na ito ay may bit-bit mga kaibigan.
18:30.0
Eto ngayon, naging malaking puzzle o palaisipan para sa pamilya ng biktima ang tutuong dahilan o rason kung bakit pinatay ng mga polis ang kanilang anak gayong hindi naman umano talaga ito sangkot sa droga.
18:50.0
So talagang nahilo sila. Paano kami magsisimula? Ano ang naging dahilan ito? Sapagkat ang kanilang kaanak alam nilang namumuhay ng tahimik, nagni-negosyo na siguro napaibig siya doon sa Siargao dahil maganda naman talaga.
19:07.0
Tahimik ito, isang pangkaraniwang foreigner na nagtayo ng maliit na hanapbuhay para habang na doon siya, mamuhay siya ng maayos. Wala silang makitang dahilan kung bakit kailangang patayin itong si Diego.
19:23.0
Eto na. Ay naku mga kaibigan talagang nakakapanlumo itong ganoon. Marahil sabi ko sa inyo kanina tatanong nyo bakit ko tinatalaga ito. Meron kasing importante dito isang bagay na dapat dito sa ating lipunan na dapat nating unawain bakit nangyayari itong mga ganito.
19:47.0
May natuklasan itong Commission on Human Rights nang ito pumasok at magsagawa ng sarili nilang investigasyon. Alam nyo naman ang Commission on Human Rights, ito motopropyo o sa kanilang sarili pwede silang mag-imbestiga ng isang kaso kagaya nito na hindi nila kailangan magpaalam pa kahit kanino sapagkat yan ay isang independent body.
20:15.0
So isa pong constitutional body yan. So nung gumawa sila ng kanilang mga investigasyon mga kaibigan, ayon po dito sa pahayagang El Paez, itong CHR o itong Commission on Human Rights ang isa sa nagpahayag ng pagsususpetsa sa versyon ng mga polis sa pagkamatay ni Diego.
20:42.0
Nakakita niya ang CHR, yung hindi ma-establish na connection sa investigasyon na ginawa, nakakita niya ang CHR ng connection sa pagitan ni Diego at sa isa sa mga akusadong polis na pumatay sa kanya.
21:05.0
Nakapag-alaman-umanon ng CHR na itong si Panuelos, ito po yung hepe ng pulisya na inaakusang bumarel kay Diego ay nagmula sa provincia ng Camarines Sur kung saan ang gobernor ay walang iba.
21:31.0
Alam nyo na kung sino. Alam nyo na siguro kung sino ang gobernor diyan mga kaibigan. Walang iba kung hindi si Migs Villapuerte.
21:44.0
So yan po ayon sa report. Alam nyo naman kung sino ang mga Villapuerte doon sa lugar na yan. Isa lamang yan sa mga pinakamakapangyarihang political dynasty diyan po sa reyon na yan mga kaibigan.
22:14.0
So ngayon ano sinasabi ng report ng CHR ayon dito sa El Paes mga kaibigan?
22:27.0
Ito pong si Migs Villapuerte Aña ay pumunta sa isa sa mga pinatatakbong negosyo ni Diego sa Siargao limang buwan bago mangyari ang pagpatay.
22:46.0
At ang ginawa nito mga kaibigan sa pagpunta niya roon, inireklamuan niya ang ingay na nanggagaling sa establishmento nitong si Diego.
23:16.0
Grabe po ang plot ng kwento mga kaibigan. Isipin ninyo, napakagaling din itong Commission on Human Rights. Nahalongkat pa nila yan mga kaibigan.
23:27.0
Ito ngayon, nung pumunta nga raw nagrereklamo itong si Migs Villapuerte, kinumpronta umano iyong isa, iyong partner po nitong si Diego doon sa negosyo. At sinabihan nito ng ganito mga kaibigan.
23:48.0
Don't you know who I am? I could shoot you and make you disappear by throwing you in the swamp.
24:00.0
Sa salitang sa lingwaheng Tagalog po, sa salta natin, ito i-translate lang natin loosely, hindi mo ba ako kilala? Pwede kitang barilin at bigla ka na lamang mawawala sa pamamagitan ng pagtapon sayo sa kangkungan o sa latian.
24:30.0
So yan po iyong dahilan kaya sinasabi ko sa inyo na dapat subaybayan ang mga ganitong klaseng krimen sa ating bansa. Nakikita nyo may mga plot na de-develop sa bandang uli.
24:52.0
Isipin ninyo ilang investigasyon ang ginawa nito, ilang luha, ilang balding luha ang iniyak ng pamilya, wala silang makitang dahilan. And out of the blue, bigla nalang sumingkaw ang ganitong pangyayari.
25:08.0
Hindi natin sinasabing siya ang may pakanan yan mga kaibigan pero what a coincidence nga naman kung ang pagbabasihan natin ang report ng CHR. Dahil nagkataon na ang chipo-polis na nagsagawa nung pagbarel ay nagmula doon sa bayan na pinamumunuan si Migs Villapuerte.
25:31.0
Bahala na silang magpaliwanag sa sarili nila dyan. Wala tayong pakialam sa kanila. Pero ang sinasabi natin, under impunity dapat managot ang mga taong dapat managot.
25:44.0
Hirap na hirap po ang mga kaanak ni Diego na hanapin ang justisya dito sa Pilipinas. Sa loob ng halos tatlong taon, alam nyo, sa wakas ay unti-unting bumubukas ang pintuan ng justisya.
26:02.0
Minsan nang nagpahayad ang mga ito, itong pamilya ni Diego, ng pagkabwisit. Alam nyo ba? Dahil anya sa bagal ng ating justisya. At noon, minsan din silang nagbanta na kanilang dadalhin ang kaso sa kanilang sariling Korte Suprema kung walang mangyayari dito.
26:28.0
Sinabi rin nila ang mga kaibigan na nakahanda silang galing sa International Criminal Court itong kaso kung hindi gagalaw ang justisya dito sa Pilipinas.
26:59.0
So yan po yung kwento nitong si Diego Bello o Beyo, whatever it is. Nakita ninyo yung plot na develop sa bandang huli.
27:13.0
By the way, mga kaibigan, kanina yung sinabi ko sa inyong... Babalik tayo sa isa pero bago yan, basahin muna natin ito. Itong mga komento at mga nakikinig at nanonood sa atin.
27:30.0
Si Tisi Cuevas, si Leticia Gutierrez, si Alexander Corral. Hirap talaga ng malabu na ang mata mga kaibigan.
27:43.0
Si Evelyn Moe Macam, si Carlos Apau Kobayashi, si Mon Burbas Alfred Manlapas Alex Diaz Apau Kobayashi, si Carlos Menojado Jr.,
28:03.0
Si Cesco Chon, Rosita Emi, si Alexis Villanueva, Gianni Jose, si Nena Salonga Cervano, John Sison.
28:16.0
Pati yung mga ibang, hindi ko sinasabi kung sino itong mga ito, pati yung mga trolls binabati na rin natin.
28:23.0
Pagkat isipin nyo, troll kayo tapos nakikinig kayo dito. Mabuti na rin yan para matuto naman kayo kahit papano.
28:53.0
Si Jumina Caballo, Shirley Benida, si Alexis Villanueva, Ernie Roldan, si Nicolás Hilario.
29:10.0
Binabati naman tayo mula sa ating listahan na mga tagapakinig natin.
29:30.0
Si AlegrÃa Manila, Neil Deleon Manansala, Nona Damian, Reggie Regendin, Isagani Cruz, Consuelo Ilagan, Josue O. Hernandez,
29:40.0
Si Jeff Ramos, Edith D. Guzman, Aren Averion, Marieta Umaging, Tommy Cabael, Carmelo Mayo Lailo, Carmela Balcos,
29:52.0
Si Robert Gamo, Enrique Valero Jr., Neil Manansala, John Roy Beleno, Alex Darang, Mona de la Cruz, Romeo Cinco, si Bads Gamalo.
30:02.0
Mga kaibigan, binabati rin natin itong si Hector Funasier, si Maria Luisa Broso Ciota, Emily Mateo Arabe, Erick Herodias Partosa, dyan po sa RINO.
30:15.0
Maraming maraming salamat sa iyo Erick Partosa.
30:19.0
Si Jer Gab na nandyan po sa London, si Trace Splan, si Lisa Cayetano Stolt, si Liz Guevara, si Jeff Ramos, si Leonor Curata,
30:29.0
Maribel Sacuma, Tess Santa Maria, Ray Aquino, Diogracias Carmona at yung kanyang anak na si Dante na nandyan po sa California.
30:39.0
Si Al Nepomuceno, si Dennis Cruz, si Eli Albao, si Janet Te, Jundi Valencia, Yula Asano, Lourdes Rivera, Perdz Iwamoto na nandyan sa Japan,
30:50.0
Paulo John Francisco, si Teresa Umali, Teresita Zapalaran, Marixi Raphel Malixi, Elizabeth Quinto, Cesar Balmaceda, Nerisa Cajucom Reyes,
31:02.0
Josie Aquino, Ed Silva, Rodolfo Aguiones, at si Silvino Ramos mga kaibigan.
31:10.0
Si Josie Tiapang na nandyan po sa Las Vegas.
31:14.0
Eto mga kaibigan, nakwento ko sa inyo kagabi yung isang damuhoy si Eduardo Dioknoehe.
31:22.0
Isinuka pala yan sa karirahan ng kabayo mga kaibigan dahil po sa Umanoy Pandaraya pinamimigay yung kinukutsaba yung mga lalabas na kabayo mga kaibigan.
31:36.0
At niyayari yung karera, Umanoy ha, at nakaaway daw niya ito nung mga namumuno dyan sa karirahan mga kaibigan dahil sa ginagawa nitong kalukuhan.
31:47.0
Yan po ay itinex sa atin nung isang tigapakinig natin mga kaibigan.
31:52.0
So binabati rin natin sila Alice Carter, Aling Maria, Sirks Adventure, etong sila... sino ba ito?
32:03.0
Etong mga iba-ibang team Lapid Fire sa iba't ibang panig ng mundo mga kaibigan.
32:08.0
Binabati rin natin si Jam PJ Awiwi, si Ferdinand Jojo de la Plana, si Jomar Apulinar, si May Buguan, si Ernie Dries, yung mag-asawang si Walden, Keehan Berry at si Violy Lapus dyan po sa Guam.
32:24.0
Binabati rin natin si Agnes dyan sa Mississauga, Ontario. At yung mga team Lapid Fire sa Milan, sa pangunguna ni Sen. Joel Diaz at kanyang may bahay na si Dina Pili Diaz, Ime Benson, Ime Slibang, si Mr. and Mrs. Ted Nunez, si Teresita Jose Dada, Sir Miento Mallari, Adelaida Manalo, Marisa Calavera, Bet Tiro, Edna Yabut.
32:50.0
Mga kaibigan, wala na tayong oras pero tayo ay pansamantalang magpapaalam at tayo ay magbabalik bukas. Babatiin din natin bukas yung iba't inabati ngayon. Maraming maraming salamat po sa inyong pakikinig at muli bukas po ay tatalakay tayo ng mga inaakala nating importanteng issue. Maraming maraming salamat. Magandang gabi po sa inyong lahat.