MAGKANO NA ANG UTANG NG PILIPINAS? KAYA PA BANG MABAYARAN ANG UTANG NG BANSA?
#MagkanoUtangngpinas #philippinedebt #bagongpera #utang #trending
#kmjs #utang #Soksay #Soksaykasaysayan
Dahilan Bakit Hindi Gumagawa ng Maraming Pera ang Bangko Sentral ng Pilipinas
https://youtu.be/Queuzb1R4vg
PLEASE LIKE AND SUBSCRIBE
https://www.youtube.com/channel/UC4LM8CLuaZa3_uMxVaEuTpg
PAANO NAGSIMULA ANG MUNDO?
https://youtu.be/yEK2XS575DE
SAAN NAGMULA ANG DIOS?
https://youtu.be/hPaAvt1o8Ls
magkano ang utang ng Pilipinas?
Philippine debt
lomobo na utang ng Pilipinas
Video and Images Credit to: https://www.pexels.com/
Background Music Xredit to:https://www.bensound.com/
_______________________________________________
Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for "fair use" for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is permitted by copyright statute that might otherwise be infringing.
Creator's notes:
This channel is intended for education, comment, research, criticism, scholarsh
SOKSAY TV
Run time: 08:02
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Noong taong 2016, huling taon ni dating Pangulong Binigno Aquino III, ang utang ng Pilipinas ay mahigit sa 6 triliyon.
00:16.0
At noong 2022, sa huling taon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay umabot sa mahigit 12.7 triliyon. At sa kasalukuyan, ang utang ng Pilipinas ay nasa 13.42 triliyon.
00:32.0
Bakit ganito na kalaki ang utang ng Pilipinas?
00:36.0
Biruin mo, di pa pinanganganak ang isang Pinoy, may utang na. At imbes daw na mabawasan ang utang, lalo pang lumalaki.
00:46.0
Buti pa yung utang, lumalaki yung height natin, naiwan na.
00:52.0
Eh bakit ba tayo nangungutang? Saan tayo umuutang?
00:57.0
At ang malaking tanong, kaya pa bang papayaran ng Pilipinas ang utang na ito? Yan ang ating aalamin.
01:05.0
Kung sa solar system, ang kasunod ng Mars ay Jupiter. Sa Pilipinas, ang kasunod ng Mars…
01:17.0
Mars? Anong susunod sa Mars?
01:22.0
Speaking of utang, alam mo bang lumobo sa 13.64 triliyon ang utang ng Pilipinas sa huling mga buwan ng 2022?
01:35.0
Kung itutuos ang bawat isang Pilipino ay may utang na 120,707 pesos.
01:43.0
Matatawag din itong National Debt o Government Debt. Ito kasi ay kabuo ang halagang hiniram ng pamahalaan mula sa lokal at international na ahensya at institusyon.
01:56.0
Ginagamit ito madalas upang matustusan ang iba't ibang proyekto ng gobyerno o para matukunan ang pangangailangan ng publiko sa panahon ng kagipitan,
02:08.0
tulad ng Ayuda noong kasagsagan ng pandemia. May dalawang uri ng utang ang Pilipinas, ang Domestic Debt at Foreign Loans.
02:17.0
Ang Domestic Debt ay mga band o utang sa mga pribadong organisasyon, business, at individual sa loob ng ating bansa.
02:26.0
Ang Foreign Loans naman ay utang sa ibang mga bansa at international organisasyon tulad ng Asian Development Bank at World Bank na nakabase sa Amerika.
02:39.0
Isa ang Pilipinas sa Asia na sinasabing malakas ang ekonomiya noong mid ng 2019.
02:47.0
Pero pagpasok ng taong 2020 ay siyang pagpasok din ng iba't ibang alamitad tulad ng pagpotok ng Bulkang Taal sa Batangas na nakapinsala sa agrikultura at turismo ng bansa.
03:03.0
At ang pananalasa ng COVID-19 ay nagpabagsak din ng ating ekonomiya.
03:10.0
Ang epekto ng pandemya ay nagpalumpo sa pambansang ekonomiya, nagkaroon ng lockdown sa iba't ibang dako, nagsara ang maraming kumpanya, at marami ang nawalan ng trabaho.
03:24.0
Sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas, sinasabi ng mga ekspertong mas magihirap pa ang mga mahihirap sa lumulobong utang ng bansa.
03:34.0
Paano dapat nating tandaan na ang presyo ng mga bilihin ay patuloy pang tumataas?
03:41.0
Nagtala tayo ng 8.1% na inflation rate nitong nakaraang taon. Malayong malayo na ito sa 4% na target ng administrasyon.
03:52.0
Ano ang direktang epekto ng inflation sa simpleng Pinoy? Mas konti na ang mabibili ng pera mo ngayon kumpara dati.
04:01.0
Ngayon, para mabayaran ng Pilipinas ang utang nito, kukuha ang gobyerno ng pera mula sa sariling budget nito.
04:09.0
Ang problema, sapat pa ba ang budget natin para may ipampayad sa ating utang?
04:15.0
Ang malungkot na sagot, hindi natin sigurado.
04:19.0
Isa sa payo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na iwasan ang hindi na kinakailangang gastusin at magpatupad ng mga bagong buwis.
04:31.0
Pagpataw ng mga panibagong buwis para makapaglikom ng pondong pambayad sa utang ng bansa?
04:39.0
Seryoso, sino ba ang mas makakaramdam ng dagdag buwis sa Pilipinas? Mas ramdam ng mga mahihirap ang epekto ng karagdagang buwis kaysa sa mga nakaangat sa buhay.
04:52.0
Kaya sa sitwasyong ito, mas pamahal ng pamahal na ang mga bilihin habang padagdag ng padagdag din ang mga buwis na kinukulekta ng pamahalaan sa mga tao.
05:05.0
Kahit halos pagpantayin pa ang mga buwis na babayaran nating lahat, mas mabigat sa mga mahihirap ang epekto nito.
05:14.0
Pero, may epekto ba ang utang ng bansa sa mga libring pagamot, pag-aaral, pabahay, infrastruktura at iba pang servisyo ng gobyerno?
05:24.0
Yes, may posibling maging epekto ang lumulobong utang ng bansa sa mga pangpublikong servisyo natin.
05:32.0
Ang mga mahihirap lumalapit sa mga pampublikong ospital para sa libring pagamot at sa pampublikong eskwelahan para sa libring pag-aaral.
05:43.0
Ang mga kalsada at infrastruktura natin na nagkahatid ng pag-unlad at trabaho para sa lahat ay nakadepende rin sa pamahalaan.
05:52.0
Ang ipinatupad na Build-Build-Build program, ang isa sa proyekto ng pamahalaan na inaasahang magkakaroon ng malaking benepisyo sa bansa.
06:03.0
Ang mga pondo nila para sa mga servisyong yan ay nanggaling lahat sa budget ng gobyerno.
06:09.0
Habang lumulobo ang utang natin, mas tumataas ang interes na kailangan nating bayaran.
06:16.0
Kaya para makapagbayad tayo ng utang natin, may posibilidad na madamay ang mga servisyo ng gobyerno na sinasandala ng mga nangangailangan sa bansa.
06:27.0
Ang bigat diba? Kaya dapat ay maging transparent ang pamahalaan. Kung saan mapupunta ang mga inuutang natin?
06:34.0
Saan ang mga ito gagastusin? Anong mga paglalaanan ng perang ito?
06:40.0
Dapat nating pag-usapan ng mga bagay na ito dahil sa dulot-dulo, mula rin sa perang pinaghirapan at pinagpawisan natin ang ipampapayad sa mga inuutang ng gobyerno.
06:53.0
Hindi man direkta, pero sa sariling bulsarin natin nang gagaling ang perang gagamitin ng mga taong nilulukluk natin sa pwesto.
07:03.0
Ang malaking tanong, kaya ba nating mabayaran ng utang ng bansa? Ang sagot ay oo.
07:11.0
Dahil in the first place, hindi naman tayo pauutangin kung hindi natin ito kayang bayaran.
07:17.0
At mababayaran talaga kung magagamit ng pamahalaan sa maayos at mapaikot ng tama ang perang hiniram sa pagpapalago ng ekonomiya.
07:29.0
Hindi man natin ito mabayaran agad-agad, ang kailangan talaga ay disiplina at good behavior sa gobyerno ng bansa.
07:38.0
Dahil habang lumalaki ang utang ng Pilipinas, mas kailangang bantayan ang posibling korupsyon sa gobyerno dahil lalong malulumpo ang ating ekonomiya.
07:51.0
At sa huli, tayong mamamayan din ang magbabayad hanggang sa ating pang susunod na henerasyon.