00:44.6
Unang-una, may problema ba tayo sa ating foreign investments?
00:47.9
Actually, foreign investments are coming into the Philippines. Medyo marami-marami naman siya.
00:53.1
Pero ngayon, medyo siguro matuma lang foreign investments.
00:56.4
At hindi yan dahil sa mga legal restrictions ang ating Constitution.
01:00.7
Ang rason kung bakit mahina ang mga foreign investments ngayon
01:05.4
ay dahil po sa walang tigil na korupsyon at red tape na nasa Pilipinas.
01:11.5
Yan po ang nagpipigil sa mga iba't-ibang mga dayuhan na gusto mag-invest sa ating bansa.
01:17.2
Kaya lagi tayong nalalampasan na itong mga investments at pumupunta sa mga iba't-ibang bansa
01:22.2
tulad ng Vietnam, Thailand, China.
01:25.1
Dahil po sa Pilipinas, ang problema natin talaga ay ang ating korupsyon,
01:29.0
hindi ang ating Constitution.
01:31.4
Pag sinasabi ng ating kongreso na ginagawa nila to para
01:35.1
ma-stimulate daw ang foreign investments sa ating bansa, tingin ko talaga medyo BS yun eh.
01:39.7
Yun ang nakakatakot. Ano ba yun talagang rason kung bakit nila to gustong gawin?
01:44.4
Dahil daw gusto nila na ang mga dayuhan ay mapayagan bumili ng lupa,
01:49.4
mga property, mga utilities tulad ng kuryente,
01:53.8
communication lines, telco, mga gano'n.
01:56.6
Yun ang gusto daw lang mangyari na mawala daw yung mga restrictions sa yon.
02:00.1
Teka, unang-una, tingin mo ba magandang idea na bigyan ang mga dayuhan
02:04.3
ng 100% ownership ng ating mga utilities?
02:07.8
Parang masamang idea yun ah.
02:09.8
Dahil pag hindi lagyan ng restrictions, ang pag-iinvest sa mga dayuhan
02:13.2
sa mga importanteng infrastructure like utilities and mga land,
02:18.2
my God, eventually wala nang pagmamayari ang mga Pilipino sa mga lupa natin
02:23.7
magiging ibang bansa na ang mayari ng buong Pilipinas.
02:27.1
Hindi ba nakikita ng ating kongreso yun?
02:29.6
Ang nire-represent pa ba nila ay ang mga ordinaryong Pilipino
02:33.3
o kaya ang mga sarili nilang interests?
02:35.6
Yan ang gusto ko malaman at yan ang kailangan malaman nating lahat.
02:38.6
Ano ba talaga ang pinaglalaban ng kongreso
02:41.4
para gustong ituloy itong constitutional convention na to?
02:45.5
Kaya sana naman maging straightforward at honest nalang sana
02:48.2
yung ating kongreso sa atin at sabihin sa atin ang totoong rason.
02:51.1
Kailangan concrete, kailangan madetali.
02:53.6
Ano ang rason kung bakit gusto nyo gawin ang constitutional convention ngayon?
02:57.3
At bakit gusto nyo palitan ang ating constitution ngayon?
02:59.8
Dahil foreign investments is not a good enough reason.
03:02.9
Dahil ako mismo ayoko na umabot sa isang panahon
03:06.4
na yung ating mga anak at anak ng ating mga anak
03:08.9
ay wala nang pagmamayari sa Pilipinas
03:10.9
at yung buong Pilipinas ay isang pagmamayari na lang
03:13.5
ng mga iba't ibang dayuhan.
03:15.1
Pag natuloyan, magiging alipin nalang tayo sa mga iba't ibang dayuhan.
03:18.6
Ang isa pag sinasabi ng ating kongreso ay
03:20.8
makakatulong daw ito sa ating ekonomiya.
03:23.2
May mga problema tayo sa ating ekonomiya ngayon
03:25.4
at sa mga iba't ibang bansa naman may problema talaga ng ekonomiya ngayon.
03:28.3
Medyo may pagka-recession tayo ngayon
03:30.0
dahil sa nangyari sa COVID at iba't ibang mga problema sa financial systems.
03:34.2
At ito ay kailangan ng solusyon ngayon na.
03:37.5
Ang pagpapalit ng constitution ngayon
03:39.2
ay hindi makakapagbigay ng tulong sa ating ekonomiya ngayon
03:42.3
na ang kailangan ng solusyon ay ngayon na
03:45.0
sa pagbibigay ng mga trabaho,
03:46.7
pagtataas ng mga sweldo,
03:48.3
pagbababa ng mga presyo.
03:50.2
Yun ang kailangan tutukan ng ating kongreso ngayon
03:52.9
at ng ating gobyerno.
03:54.2
At ang isang problema ko dito sa constitutional convention na ito
03:57.4
at tung move ng ating kongreso
03:59.6
para palitan ang ating constitution
04:03.2
sa totoo lang, tingin ko,
04:04.6
ang kongreso natin suffers from what I call groupthink.
04:08.2
Yung lahat nalang oo na lang ng oo.
04:10.4
Wala nang ibang opinion.
04:12.3
Karamihan ay takot magsabi ng opinion na kakaiba sa majority
04:16.6
o hindi nag-iisip ng iba, hindi ko alam.
04:19.0
Pero problema yan, groupthink na yan.
04:21.8
hindi ko talaga matanggal itong sa isip ko
04:24.0
na kaya gusto palitan ng ating kongreso
04:27.1
ang ating constitution ay hindi para sa interes ng bayan at lahat ng Pilipino.
04:31.9
Tingin ko talaga gusto nila itong gawin
04:34.0
para sa kanilang sariling interes.
04:36.2
At paano ko naman hindi maiisip yun?
04:37.8
At paano natin hindi maiisip yun?
04:39.7
Tignan mo naman yung mga ibang-ibang galaw ng ating mga kongresista.
04:43.5
Kadalasan ang iniisip lang nila ay sarili nila.
04:46.9
Hindi ang kanilang mga constituents, ang mga Pinoy, ang Pilipinas.
04:52.6
sayang lang talaga to sa ating pera.
04:55.0
Nagbabayad tayong lahat ng buwis.
04:57.5
At itong buwis natin ay pupunta lang
05:00.2
sa mga ganitong mga kalokohan.
05:02.6
This is going to cost us approximately,
05:05.3
Estimate to ng ating kongreso is 9.5 billion pesos.
05:09.7
Alam mo ba gano'ng kalaking 9.5 billion pesos?
05:12.3
At anong magagawa niya para sa buhay nating lahat?
05:15.2
Grabe na nga ang utang ng Pilipinas
05:17.8
sa mga ganitong ginagasos nila
05:20.3
na hindi naman makakatulong sa ating mga ordinaryong Pilipino.
05:24.0
Hindi talaga marunong mag-budget ang ating gobyerno.
05:27.6
talagang mahirap pagkatiwalaan ng ating mga politikong ngayon.
05:31.4
Dahil naman, pagtinanong mo nga sa lahat ng mga Pilipino,
05:34.6
lahat na tayo, alam na nga natin o iniisip natin
05:37.0
na maraming korap sa gobyerno.
05:38.8
Tapos pagkakatiwalaan natin na para palitan tungkol ating konstitusyon,
05:43.1
tanungin nga na ang sarili natin.
05:44.8
Kailangan ba palitan ang konstitusyon?
05:46.2
At anong kailangan palitan sa konstitusyon?
05:48.2
Problema ba talaga ang konstitusyon?
05:50.1
Hindi ba gumagana ang ating konstitusyon?
05:52.2
Kasi ang problema natin ay hindi yung konstitusyon.
05:55.0
Ang problema natin ay ang pag-i-enforce ng ating batas.
05:58.8
Dahil ang ating sariling gobyerno ay hindi nire-respeto ang batas.
06:03.8
Ang ating mga mamamayan ay hindi nire-respeto ang batas.
06:07.0
Inaabuso ang ating batas.
06:09.0
At ang pinakamalaking problema natin ay hindi yung konstitusyon.
06:12.2
Ang pinakamalaking problema natin ay yung korupsyon.
06:15.0
Yan po ang ugat ng lahat ng problema natin sa Pilipinas.
06:18.6
Ang problema natin sa ating ekonomiya,
06:20.5
ang problema ng paghihirap ng ating bansa,
06:22.7
ang problema ng pagpapasok ng mga iba't ibang dayuhan
06:26.3
na inaabuso ang ating mga kapwa-Pilipino
06:28.8
ay dahil po yan lahat sa korupsyon.
06:30.6
Ay yan ang dapat itigil natin.
06:32.7
At hindi po yan maaayos ng isang pagpapalit ng konstitusyon.
06:36.5
Maaayos po yan sa pagpapalit po ng mga ugali
06:40.4
at mga tradisyon natin dito sa Pilipinas at ang ating pag-iisip.
06:44.4
So ano ba ang kailangan natin gawin ngayon?
06:46.0
Ang kailangan natin gawin ay maging surgical, maging incisive.
06:49.6
Hanapin natin kung ano talaga yung mga problema natin sa ating bansa.
06:52.8
Hanapin natin ang pinagmulan ng mga problema natin.
06:56.3
Ang problema natin sa ating ekonomiya, ang problema ng korupsyon,
06:59.7
ang problema ng pagbaba ng halaga ng ating pera,
07:02.5
at pagtaas ng ating mga bilihin.
07:04.5
Yan po ang tignan natin.
07:06.5
Yan po ang pag-aralan natin at maging precise po tayo
07:10.0
at hanapin natin yung mga problema at mag-iisip tayo ng mga solusyon
07:13.2
para sa mga problema ngayon.
07:14.6
Yun ang kailangan natin gawin.
07:16.0
Isa pang kailangan natin gawin
07:17.6
ay kailangan natin palakasin
07:19.6
ang pag-i-enforce ng ating mga batas.
07:22.6
Kailangan natin turuan ang ating mga kapo-Pilipino at ang ating gobyerno
07:27.4
na kailangan respetuhin ang batas.
07:30.1
At sana po talaga itigilan ang mga kongresista natin
07:32.6
at itong mga pinipilit nila sa ating bansa
07:35.5
na hindi talaga nakakatulong sa ating lahat.
07:37.7
At nagsasayang lang sila ng pera at ng oras
07:41.0
para ginagawa to ngayong panahon na to.
07:43.5
Kayo, ano sa tingin nyo?
07:44.8
Sangayon ba kayo dito sa constitutional convention na to?
07:47.8
At sa pagpapalit ng ating constitution?
07:50.6
Gusto ko marinig yung inyong opinion.
07:52.2
Kahit nag-agree kayo or disagree sa akin, okay lang.
07:54.8
Basta ang importante lang naman sa akin ay mag-usap tayong lahat,
07:57.6
magbasa, mag-isip,
07:59.6
at huwag pumayag dito sa constitutional convention na to
08:03.0
at huwag maging mang-mang.