Bolang Kristal na may Alien Technology Natunugan ng NASA at US NAVY
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Isa na namang kakaiba at misteryosong kwento ang ibaabahagi ko sa inyo kung saan may isang bakal, isang perfectong bilog ang pinaghihinalaang galing sa kalawakan
00:23.3
At ito dati ay gumawa ng kaliwat kanang headline sa mga dyaryo noong 1900s ang pag-uusapan natin dito lang sa channel na kung ikaw ay may kaalaman, hinding hindi ka malalamangan and the story goes like this
00:43.3
Ito ang tinatawag na Betz Sphere, sa unang tingin ay simpleng bilog lamang ito, but no, isa ito sa pinakamisteryosong bagay, physically documented, maraming newspaper articles at nalitratuhan pa dito sa ating mundo
01:02.3
Ang taon ay May 1974 sa isang gubat noon sa lupa ng Jacksonville, Fort George Island sa USA. Sa isang kakahuyan ay may nai-report na isang forest fire, napakalaking sunog nito noon sa gubat na pagmamayari ng Betz family
01:22.3
Unang naalerto ang mga bumbero ng ma-airport ang nasabing sunog ay sa kabutihang palad ay naging okay naman ng lahat na apula rin kalaunan ang apoy. Ngayon, nang tuluyang maklir ang sunog na ito badi ay binuntahan, binisita ito ng pamilya na nagmamayari ng lupa, ang Betz family, sina Jerry Antoine at Terry Betz
01:49.3
Ang layon lamang sana nila noon ay tingnan kung ano pa ang pupwede nilang maging plano kung magtatayo muli sila ng bahay sa paligid ng lupang nasunog. Nang sa hindi inaasahan ay nakakita sila ng misteryosong bilog sa gilid ng nasunog na bukirin.
02:07.3
Ang nakapagtataka sa bagay na ito badi ay doon sa lupang nasunog ay wala silang landing marks o kung anumang bagay na magsasabing bumagsak ito o galing ito sa kalawakan.
02:19.3
Malalaman ninyo maya maya kung bakit. Anyway, basta na lamang ito sumulput doon. Kinuha nila ito at inuwi ng bahay. Noong una ay dahil uso noong mga panahong iyon ng Space Race o yung mga pagpunta ng tao sa buwan ay inakala nilang parti lamang ito ng isang raket.
02:48.3
Kinuha nila ito na ang nasa isip nila ay isa lamang itong souvenir. Pag uwi sa bahay ay ipinatong lamang nila ito sa kung saan. Nothing more, nothing less. Dito ngayon ay napansin nilang gumugulong ito sa hindi maipaliwanag na paraan. Dito ngayon nila minabuting ilagay ito sa isang safe.
03:08.3
Paminsan-minsan na lamang ay inilalabas nila ito pero lalo pang nagimbal ang maghanak ng minsang magpatutog ng gitara habang nakalabas sa safe ang nasabing bola. Doon ay napansin nila itong naglalabas din ng sarili nitong tunog, isang humming sound na kung tawagin.
03:29.3
Nagtaka ang mga tao sa loob ng bahay nang marinig nila ito. Pinagkibit-balikat lamang nila ito noong una at nagpatuloy sa pagkanta ng ibang kanta. Hindi na muli pa itong tumunog. Ngunit nang uliti nila ang kantang una nilang tinugtog ay muli na naman itong nag-respond. Doon ay nalaman nila na may certain chords o frequency lamang kung saan ang baseball ay nagre-respond.
03:59.3
Ang isang mga tao sa loob ng bahay nila ay napansin nila itong mag-alalabas din nila itong mag-respond. Doon ay nalaman nila na may certain chords o frequency lamang kung saan ang baseball ay nagre-respond.
04:29.3
Naggayahin nung bola yung tunog ng pagpukpuk mo rito. Inakala pa noon ng buong pamilya na nagha-hallucinate lamang ang kanilang tatay at gawa-gawa niya lamang ito.
04:41.3
Pero nang ipinakita at ipinarinig ito sa buong mag-anak ay kumbensido nga talaga sila na totoo ang sinasabi ng kanilang tatay.
04:51.3
At hindi pa dyan matatapos dahil ang bolang ito ay sinusundan yung taong huling humawak dito at pag nilagay mo ito sa isang patag na lamesa ay gumugulong ito nang wala namang gumagalaw.
05:05.3
Ngunit hindi mo ito makikitang mahulog dahil tumitigil ito sa dulo ng lamesa na ano mo'y alam ng baseball ang kanyang paligid.
05:16.3
Ito ang sagot badi sa sinasabi ko kanina kung bakit wala itong landing marks sa paligid kung saan ito nakita dahil gumagalaw pala ito mag-isa na parang may sariling pag-iisip.
05:29.3
Kaya naman dito na sa parteng ito humingi ng tulong ang mag-anak.
05:33.3
Nagsimulang maging viral ito sa local radio station noon at hindi nga naglaon ay sa mga diaryo at syempre hindi ito papalampasin ng gobyerno.
05:44.3
Partikular na ang NASA at ang U.S. Navy.
05:48.3
Naging sobrang interesado sila sa kung ano ang natagpuan ng pamilyang Betts.
05:54.3
Unahin natin ang NASA sa kanilang pag-aanalisa doon sa bola ay nalamo nilang hindi ito parte ng kahit na anong spaceship na kanilang ginawa.
06:04.3
Sa kabilang banda naman, ang U.S. Navy ay sinabing isa lamang itong stainless steel ngunit hindi nila alam kung para saan ito ginagamit.
06:15.3
This inspection body ng dalawang sangay ng gobyerno noon ay raises more questions than answers.
06:22.3
Kaya naman ay dinulog na ito ng pamilyang Betts sa isang independent laboratory upang malaman kung para saan at ano nga ba talaga ang misteryong bumabalot dito sa bolang ito.
06:35.3
Noon ay inaprobahan ng pamilyang Betts na ipa-X-ray ito upang malaman kung ano ang nasa loob at dito ay nagulat ang lahat sa kanilang nalaman dahil parang mayroong solar system o mga planeta.
06:52.3
Ang nasa loob ng nasabing bola.
06:55.3
Buddy, itong litratong ipapakita ko sa inyo ay ang ilang unreleased photograph ng ginawang eksaminasyon.
07:03.3
Satin-satin lang.
07:05.3
Hindi lang yan dahil napag-alaman din nila na mayroong itong magnetic pole tulad ng sa Earth at tunay nga talaga na naglalabas ito ng iba't-ibang frequency and the rest is history.
07:27.3
Nakakalungkot mang sabihin dahil nang pumutok ang huling eksaminasyon na ito ng Betts ball ay parang bula na naglaho na ito sa balat ng lupa.
07:37.3
Pambihira, buddy, kung kailan pa talaga gumaganda at unti-unting lumilinaw ang lahat ay doon pa ito mawawala.
07:46.3
Now, it really, really worth it.
07:50.3
Now, it really, really makes you and us wonder kung ano pang mga bagay talaga ang hindi ipinapaalam ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno, mapasaloob o labas ng Pilipinas.
08:09.3
Latak na lang yung napupuntang impormasyon sa atin and up to this very day ay missing in action pa rin ang Betts ball at ngayong 2023 na maraming kumakalat na UFO sa iba't-ibang panig ng mundo ay yung mga fans ng Betts sphere.
08:26.3
Ay sinasabing na reverse engineer na yung magnetic pole at frequency na inilalabas noon ng Betts ball upang magamit ng iba't-ibang fighter jets sa mundo.
08:38.3
At muli, maraming maraming salamat sa pagsama sa akin na alamin ng kwento ng Betts sphere and as always, thank you so much for watching.