* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ayon pa nga kay Plato, the worst form of injustice is pretended justice.
00:11.0
Justisya nga ba kung matatawag kung ang nahatulan ay hindi naman ang totoong may sala?
00:18.0
Ang justisya nga ba ay para sa lahat o para lamang sa mga taong nakakaangat?
00:25.0
Magandang araw sa inyong lahat mga kasoksay.
00:28.0
Ngayong araw ay balikan natin ang kwento ng isang pinakabatang bilanggo sa mundo na nahatulan ng bitay.
00:36.0
Sino kaya ang taong ito?
00:39.0
Ang naging desisyon nga ba ng hukuman ay tama?
00:43.0
Justisya nga ba talaga kung matatawag ang iginawad sa kanyang parusa?
00:49.0
Marami na tayong mga narinig na kwento ng mga pang-aakusa kahit hindi naman sila ang totoong may sala.
00:57.0
Madalas na biktima sa mga pamamaratang ay mga taong mahihina at walang kalaban-laban.
01:04.0
Ganito rin kaya ang nangyari kay George Stinney.
01:08.0
Yan ang sabay-sabay nating malalaman.
01:12.0
Marso ng taong 1944, nang dumating ang mga pulis sa Jim Crow South upang arestuhin ang isang labing-apat na taong gulang na si George Stinney Jr. at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Johnny.
01:32.0
Ito ay matapos matagpuan ang dalawang puting batang babae sa Alculos, South Carolina, na brutal na pinaslang.
01:40.0
Samantala, si George at ang kanyang nakababatang kapatid na babae na kapwa-itim ay ang huliumanong nakakita sa mga biktima,
01:49.0
kaya naman kalaunan ay pinakawalan na nila ang nakatatandang kapatid ni George habang siya ay nanatili sa kulungan.
01:58.0
At nang makahanap na nga ang otoridad ng masisisi sa nangyari sa katauhan ni George, ginawa nila ang pag-iimbestiga sa sospek.
02:08.0
Ngunit ang nakapagtataka, ginawa nila ang pag-iimbestiga kay George habang ito ay mag-isa.
02:15.0
Sa isang maliit na silid, ginawa nila ang mga pagtatanong na wala ang kanyang mga magulang at walang abogado.
02:23.0
Ayon sa mga pulis, sa kanilang pagtatanong di umano kay George ay inamin ito ang kasalanan na siya ang pumatay sa dalawang batang babae
02:33.0
dahil umanonais nitong gahasain ang labing isang taong gulang na biktima.
02:38.0
Gayon pa man, ang mga naging pahayag ng mga pulis ay walang patunay o mga nilagdaang pahayag na sinabi nga ito ng batang sospek.
02:48.0
Habang patuloy na dinidiin ang binatilyo sa naturang kaso, ang kanyang ama ay pinatalsik sa trabaho
02:55.0
at ang kanyang pamilya ay napilitang lumayo dahil sa mga pagbabantang kanilang natatanggap.
03:02.0
At noong ika-26 ng Marso 1944, tinangkarin ang pagpatay kay George, ngunit hindi na ito natuloy dahil nailipat na siya ng selda.
03:12.0
Si George ay sumailalim sa mababaw na paglilitis.
03:16.0
Sa mga paglilitis, si George ay inirepresenta ng isang tax attorney at walang niisang karanasan na humawak ng criminal case.
03:26.0
At hindi man lang ito nakakuha ng kahit isang witness na papanig sa kanyang kliyenting si George.
03:33.0
Ang paglilitis ay nagtagal ng halos 3 oras, samantala ang naging deliberasyon ng mga puting jury ay tumagal lamang ng 10 minuto.
03:44.0
Sa pagkakataong iyon, walang African-Americans ang pinayagang makapasok sa courthouse.
03:51.0
Nag-iwan ng malaking tanong ang tila palsong uri ng paglilitis.
03:56.0
Kawalan ng ebidensya, laban sa kanya, at mabilis na pagbibigay ng hatol.
04:02.0
Hatol na hindi magbibigay ng pagkakataon sa isang itim na binatilyong si George na ipagtanggol ang kanyang sarili.
04:11.0
Dahil noong June 16, 1944, si George Steny Jr. ay humarap sa parusang bitay at ang naging kinakabatang tumanggap ng napakabigat na hatol na ito.
04:25.0
Napakaliit lamang ni George noon habang hinaharap ang parusang kamatayan.
04:30.0
Hindi ito nagkasa sa silya elektrika at kinailangan pa nilang magpatong-patong ng ilang libro na kanyang mauupuan upang umabot ang kanyang ulo sa electric shock helmet.
04:42.0
Kung saan, hindi rin mapagkasa ang kanyang ulo rito.
04:46.0
Kaya madalas itong natatanggal at nakikita ang kanyang mukha na takot-natakot, nadibiin at umiiyak na kaawa-awang bata.
04:57.0
Ayon naman sa isang nakasama ni George sa kulungan na si Wilford Hunter, mariit umanong itinanggi ni George ang ibinibintang sa kanya.
05:07.0
Why would they kill me for something I didn't do? Ito umano ang sinabi ng bata sa kanya.
05:14.0
Taong 2014, sa pag-apela ng kanyang kaso, ipinagdiina ng kanyang kapatid na babae na si George ay nasa kanilang bahay lamang sa oras nang mangyari ang kremen
05:26.0
kaya imposibling siya ang may sala.
05:28.0
Dito, napatunayan ng Circuit Court Judge na si George ay hindi nakatanggap ng patas na paglilitis at ang kanyang 6th Amendment Constitutional Right ay nalabag.
05:39.0
70 taon ang nakalipas matapos na matay si George Steenie Jr., siya ay napawalang sala sa kasalanang ibinintang sa kanya.
05:49.0
Pero ika nga, justice delayed is justice denied.
05:54.0
Justisya pa rin ba kung matatawag kung ang hatol ay matagal nang ginawa?
06:00.0
Nakakalungkot ang sinapit ng kaawaawang si George Steenie Jr.,
06:05.0
biktima na hindi pagkakapantay-pantay, biktima ng diskriminasyon ng kanyang kulay at mababang estado sa buhay.
06:14.0
Sana'y matapos na ang ganitong sistema, sana'y ang nangyari kay George ay hindi namangyari sa iba.
06:21.0
At sana, para sa lahat na ang justisya.