* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Lindol, Pagbutok ng Vulkan, Malalakas na Ulan at Matitinding Pagbaha
00:07.0
Ang mga kalamidad at sakuna na ito ay naranasan natin itong mga nagdaang taon
00:14.0
at talaga namang hindi matatawaran ang takot at pangamba na palagi nating nararamdaman sa tuwing sasapit na naman ang ganitong mga pangyayari.
00:25.0
Malinaw pa rin sa alaala ng iilan sa atin ang usap-usapan noon na magugunaw na raw ang mundo taong 2012.
00:34.0
Labing isang taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin ito nangyayari,
00:39.0
ngunit hindi pa rin nawawala sa isipan ng publiko ang posibilidad na maganap nga ito.
00:46.0
Kamakailan lamang ay muli na namang nangamba ang maraming mga Pilipino
00:51.0
dahil sa maaari di o manong lumubog ng tuluyan ang iilang mga lugar sa Pilipinas pagsapit ng taong 2050.
01:00.0
Ayon sa naging pag-aaral ng New Jersey-based Science Organization Climate Central,
01:06.0
mayroong mga lugar sa bansa na mayroong posibilidad na lumubog at hindi na muling makita pa.
01:13.0
Ang pangyayari na ito ay risulta ng patuloy na pagtaas ng sea level.
01:19.0
Pagtaas ng temperatura ng ating mundo at ang carbon dioxide emisyon
01:24.0
o kaya naman natutunaw ang mga glacier o malalaking tipak ng yelo na nagiging dahilan ng pagtaas ng sea level.
01:33.0
Maraming mga netizens ang talagang nabahala dahil sa balitang ito
01:38.0
at tiyak na mas marami pang mga tao ang hindi mapapalagay hanggang sa pagsapit ng taong 2050
01:46.0
Mayroong kailan di o mano ay lulubog na ang mga lugar na ito.
01:50.0
Ano-ano kayang mga lugar sa Pilipinas ang lulubog?
01:54.0
Ang lugar nyo ba ay makakasama?
01:57.0
Paglubog ng mga lugar sa Pilipinas sa taong 2050, yan ang ating aalamin.
02:10.0
Ang paglubog ng isang lugar ay hindi na bago para sa atin
02:14.0
dahil mayroon ng iilang pangyayari na naganap sa iba't ibang panig ng mundo.
02:18.0
Tulad na nga lang ng baha sa Yellow River noong 1938 sa China na mahigit kalahating milyon ang nasawi
02:26.0
at sa Northern Jakarta kung saan ang maganda at maayos na lugar ay unti-unti nang nilalamo ng tubig.
02:34.0
Dito naman sa Pilipinas, sa video nito ay aalamin natin ang walong lugar na lulubog sa taong 2050.
02:44.0
Pangwalo, Manila City
02:47.0
Base sa pananaliksik na inilabas ng Geophysical Research Center na ang capital city ng Pilipinas na Manila
02:55.0
ay mas mabilis na lumubog sa tubig dahil sa nakakaalarmang 2 cm rate na paglubog ng Manila City kada taon
03:04.0
mula noong 2015 hanggang 2020 sa kanilang pananaliksik.
03:09.0
Sa mahigit 99 coastal cities sa buong mundo, lumalabas na halos 33 cities sa mga ito ay lumulubog sa tubig ng mahigit 1 cm kada taon
03:21.0
at ang mas nakakaalarma pa dito ay kasama ang kabisera ng Pilipinas na Manila
03:27.0
ayon sa inilabas na mapa ng Climate Central.
03:30.0
Ang map na ito ay isang map simulation na inilabas kung saan ipinapakita dito
03:36.0
sa maaaring maging sitwasyon ng Manila pagdating ng taong 2050.
03:40.0
Makikita dito na maaaring lumubog sa tubig ang iba't ibang lugar sa Manila
03:46.0
kabilang na ang Sampaloc, Intramuros, Tondo at iba pang low-lying at coastal areas ng Manila City
03:54.0
kasama din ang NCR or National Capital Region, ang Pasay City, Malabon at Navotas
04:01.0
dahil ang mga ito ay coastal cities na malapit sa Manila Bay.
04:10.0
Base sa map simulation na inilabas ng Climate Central,
04:14.0
makikita natin na kasama ang ilan sa parte ng Bulacan na nakaharap sa Manila Bay
04:20.0
at nanganganib rin na lumubog sa tubig pagkalipas ng tatlong dekada.
04:25.0
Marami ding grupo ng environmentalist ang natatakot
04:29.0
Dahil sa patuloy na pagsasagawan ng reclamation program
04:33.0
ay magdudulot ito ng intensifying flooding sa mga low-lying at coastal areas sa probinsya ng Bulacan.
04:40.0
Ayon sa map simulation na inilabas ng eksperto,
04:43.0
ang posibleng lulubog sa tubig ay ang mga lugar sa Hagonoy, Masantol, Paumbong at iba pa.
04:54.0
Ang Cebu City ay itinuturing na center of commerce, trade and education sa isla ng Visayas.
05:00.0
Ayon sa iilang pag-aaral, ang Cebu ay kasama sa mga lugar na maaaring lumubog sa taong 2050.
05:08.0
Sa inilabas ng Climate Central, makikita natin na posibleng lumubog ang mga lugar sa Cebu
05:14.0
ay ang Madawi, Mabolo, Giso at iba pang mga lugar.
05:19.0
Ito ay ang mga indikasyon na ang mga nasasabing lugar ay lulubog sa taong 2050.
05:29.0
Ang Iligan City ay itinuturing na isa sa mga first-class high urbanized na lungsod sa rehyon ng Northern Mindanao.
05:38.0
Ayon sa sensus noong 2020, mayroon itong populasyon ng mahigit 360,000 katao at kilala rin ang lugar na ito bilang the City of Majestic Waterfalls.
05:50.0
Ayon sa pananaliksik ng Climate Central, ang Iligan City ay nanganganib ding lumubog dahil sa isyo ng climate change at pagtaas ng sea level.
06:05.0
Ang Olongapo City ay itinuturing na isa sa mga first-class high urbanized na lungsod sa rehyon ng Central Luzon na makikita sa probinsya ng Zambales.
06:16.0
At mayroon itong populasyon ng mahigit 260,000 katao ayon sa 2020 sensus.
06:24.0
Ang Olongapo City ay lumalabas sa pag-aaral na kabilang sa mga lulubog sa taong 2050 na nakabase sa inilabas ng map simulation ng Climate Central.
06:39.0
Ang Rojas City ay third-class components na lungsod at kabisera ng lalawigan ng Capiz.
06:45.0
Ayon sa sensus noong 2020, ang populasyon dito ay mahigit 180,000 katao.
06:52.0
Ang Rojas City ay nanganganib ding lumubog sa ilalim ng tubig pagdating ng taong 2050.
07:03.0
Ang lungsod ng Zamboanga ay isa sa mga itinuturing na sinking city sa Pilipinas.
07:10.0
Ito ang lungsod na matatagpuan sa Zamboanga Peninsula Region.
07:14.0
Ayon sa 2020 sensus, mayroon itong populasyon na aabot sa mahigit 978,000 katao at ito ang ikalimang pinakamataong lungsod.
07:26.0
At panglima sa pinakamalaking lungsod sa Pilipinas.
07:30.0
Ang lungsod ng Zamboanga ay apektado rin ng rising sea level sa susunod na tatlong dekada na magre-resulta sa paglubog nito sa ilalim ng tubig ayon sa map projection na inilabas ng climate control.
07:49.0
Ang Iloilo City ay matatagpuan sa isla ng Panay at nakilala ito sa kanilang naglalakihang satorikal na mga simbahan ng katoliko at lumang mga bahay.
08:01.0
Mayroon itong mahigit 458,000 katao base sa sensus noong 2020.
08:08.0
Sinasabi sa pag-aaral ng Climate Central na kasama ang Iloilo City sa lulubog sa tubig pagdating ng 2050 dahil sa malawakang pagtaas ng sea level.
08:19.0
Ang pag-aaral na ito ng Climate Central ay sinuportahan ng United Nations noong 2019.
08:27.0
Hindi rin natin masasabi na 100% na mangyayari nga ang mga pag-aaral na ito, pero hindi ito malabong magyari dahil sa patulong ng pagbabago ng panahon o climate change tulad na lamang ng matitinding pagpasok ng bagyo sa ating bansa at napakainit na panahon dahil sa global warming.
08:48.0
Kasama ba ang lugar mo sa video? Magkomento!
08:52.0
I-like ang video, patuloy nating alagaan ang ating kalikasan, huwag nating sirain ito, magdanim ng puno, habang mayroon pa tayong natitirang panahon.