* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
November 2022, alam niyo ba na umabot na sa 8 billion ang populasyon ng tao sa buong mundo?
00:10.0
Yung dating dagat at gubat na tirahan ng hayop ay ginagawang tirahan ng mga tao.
00:17.0
Yung dating sakahan, subdivision na.
00:21.0
Sa ngayon, ang Pilipinas ay nasa ikalabing tatlong pwesto ng may pinakamaraming tao sa buong mundo na umabot na sa 116 million.
00:33.0
Naging kapansin-pansin ang pagsikip ng bawat sulok ng ating bansa dahil sa pagdami ng ating populasyon.
00:41.0
Masasabi mong baka umabot na sa puntong kahit sa pinakamaliit na isla o pinakatuktok ng bundok sa Pilipinas ay papatula na rin at gawing tirahan ng mga tao.
00:54.0
Mapagkasalamang ang walang humpay na pagdami ng mga Pilipino.
00:59.0
Pero akalain nyo kaya na ang masikip pala nating bansa ay may mga lugar pa rin palang naabando na?
01:09.0
Ano nga ba ang dahilan at iniwan na ito ng mga tao?
01:13.0
Tuluyan na nga ba itong tinalikuran ng mga Pilipino?
01:17.0
At ano nga ba ang kwentong ikinukubli sa mga lugar na ito?
01:22.0
Narito ang listahan ng iilang mga abandonadong lugar sa Pilipinas.
01:28.0
The Ruins sa Talisay City
01:41.0
Ayon sa kasaysayan, sa unang bahagi ng ikadalawampung siglo,
01:46.0
ang Italian-style mansion na ito ay itinayo ng isang sugar baron Don Mariano Ledesma Lacson
01:54.0
bilang alaala ng kanyang namayapang asawa na si Maria Braga Lacson
01:59.0
na namatay nang ipinanganak ang kanilang panglabing isang anak.
02:04.0
Itinayo ito sa isang picturesque area at may sampung kwarto.
02:09.0
Ngunit, nang mangyari ang World War II,
02:12.0
sinunog ng mga Pilipino partisans ang bahay na ito upang maiwasang pamahayan ito ng mga kalabang Japon
02:19.0
at gamitin nilang headquarters.
02:22.0
Inakala nilang masusunog nilang buo ang naturang bahay,
02:26.0
pero nagkamali sila sa kanilang inasahan.
02:29.0
Kahit pa man nagusok ang bahay ng tatlong araw,
02:32.0
naiwan pa rin ang iilang bakas nito.
02:35.0
Makalipas ang ilang dekada,
02:37.0
ang bahay ay muli inayos para sa mga bisitang dumarayo dito.
02:41.0
Gayon pa man, wala pa rin itong mga bubong, mga bintana at mga sahig.
02:47.0
Wala mang nakatira sa bahay na ito,
02:50.0
pero hindi ito nawawala ng taong bumibisita.
02:53.0
Tinawag na rin itong Taj Mahal of the Philippines.
02:56.0
Pinagdarausa na rin ito ng iilang mga selebrasyon tulad ng kasal.
03:05.0
Ang hospital base na ito ay ginamit sa panahon ng World War II at toong Vietnam War.
03:11.0
Ngunit, paglipas ng panahon,
03:13.0
naiwan na lamang itong abandonado at itinuturing bilang isa sa pinakamisteryosong lugar sa buong mundo.
03:20.0
May iinang mga napapadpad rito para alamin kung ano man ang kasalukuyang namamahay sa lugar na ito.
03:27.0
May mga galang hayop nga ba o galang espiritu.
03:31.0
Marami na umanong nakakakilapot na obserbasyon ang namataan sa lugar na ito.
03:36.0
Hindi man napatunayan, ay nagtatak na rin ito ng takot sa maraming mga tao.
03:43.0
Sityo Songsong sa Batanes
03:45.0
Isang napakalakas na tsunami ang minsang tumama noong 1950
03:50.0
na nagtulak sa mga residente ng maliit na nayon ng Songsong nalisani ng kanilang kabahayan.
03:56.0
Hindi na sila pinayagan ng pamahalaan na balikan ang naturang lugar dahil labis na itong sinira ng naturang dilubyo.
04:04.0
Ang mga residente dito ay inilipat sa Mindanao noon.
04:08.0
Ngunit sa pagdipas ng mga taon, ang nagbistulang Ghostly Village ay umakit ng mga turista.
04:14.0
Hanggang sa may nangyari na namang hindi inaasahan ng marami.
04:18.0
Ito ay nang bumagsak ang bato mula sa isang bahay sa naturang lugar at tumama ito sa isang turista.
04:24.0
Kaya napagdesesyo na ng pamahalaan na tuluyan ang iserado ang lugar na ito sa mga bisita.
04:31.0
Waterfun sa Sukat Paranyaki
04:34.0
Itinayo ang waterpark na ito noong 90s lamang.
04:37.0
Matatagbuan rito ang mga malalaking swimming pools, water slides at mga figura ng mga hayop.
04:43.0
Sa kasamaang palad ay sinira ito noong 2000 dahil sa pagkalugi at dahil sa mga insidenteng nangyari dahil sa hindi magandang pagkakadisenyo ng naturang waterpark.
04:55.0
Sinuportahan din naman ng mga residente ang pagpapasara sa lugar dahil nagiging sanhirin umano ito ng problema ng tubig sa mga kabahayan.
05:05.0
Zamboanga Plaza Hotel and Casino sa Zamboanga City
05:09.0
Ang hotel ay binuksa noong 1979 at itinuturing na pinakamalaki at marangyang 5-star hotels sa Mindanao.
05:18.0
Mga kilalang celebrities mula sa iba't ibang panig ng mundo, mga politiko, maging ang dating Pangulong Marcos ay minsan nang nagstay dito sa holidays at iba pang mga importanteng pagpupulong.
05:31.0
Mayroon itong mga restaurants, disco bar, swimming pools at casino.
05:36.0
Ngunit bigla na lamang itong isinara noong 1986 sa hindi malamang dahilan.
05:41.0
Ayon sa mga usap-usapan, may pinatay umano sa naturang hotel na naging dahilan upang matapos ang katanyagan ng naturang lugar.
05:49.0
Sa ngayon ay tila naging misteryosong puok na rin ang naabando ng hotel na ito.
05:56.0
Paco Railway Station sa Manila
05:58.0
Ang lumang railway na ito ay hindi naginamit simula pa lamang ng World War II at nanatili na lamang isang nakakatakot at misteryosong lugar sa kasalukuyan.
06:08.0
Minsan itong ginawang teretoryo ng labanan sa pagitan ng American at Japanese soldier hanggang sa tinapos ito ng isang sunog.
06:16.0
Napilitan ng mga Amerikano na gumamit noon ang bazookas na siyang naging sanhin ang pagdurusan ng marami.
06:23.0
Sinubukan na itong gibain upang mapagtayuan ang mga bagong establishmento pero natigil rin dahil sa kakulangan ng budget.
06:31.0
Sa ngayon, nagsilbi na lamang ang mga dingding nito na isang canvas para sa mga street artists kung saan nila iginuguhit ang kanilang mga graffiti.
06:44.0
Binuksan ng sinihang ito noong Desembre 10, 1931.
06:48.0
Mga pagtatanghala at iba pang mga presentasyon ang natunghayan rito bahagya itong nasira noong World War II.
06:56.0
Patapos nun ay ginawa na itong boxing arena, motel at kalaunay naging gay club.
07:02.0
Napalipat-lipat ang pamamahala sa lugar na ito sa kabutihang palad.
07:07.0
Ditulad ng mga naon ng lugar na nabanggit na tila kinalimutan na lamang ang lugar na ito ay nabili na noong 2015 at muling binuksan noong 2021.
07:18.0
Sa katunayan, marami pang mga puok sa Pilipinas ang tila kinalimutan at ibinaon na rin ang naging alaala sa nakaraan.
07:26.0
Marami sa kanila ang tahimik na, di na pinapansin, at ang iba pang ay nagmisula ng basura.
07:33.0
Ngunit sana ang mga naging kwento ng mga puok na ito ay di mabura sapagkat maaaring malaking bahagi ito ng ating kasalukuyang makulay na kultura.