* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ang grupo ng mga kababaihang ito ay nagpuprotesta para ipaglaban ang kanilang karapatan.
00:06.6
December 2022 nung pagbawalan ng gobyerno ang mga babaing Afghan na makapag-aral ng college.
00:14.4
The Taliban have ordered an indefinite ban on university.
00:17.8
The Taliban have banned female students from private and public universities.
00:21.2
Sa katunayan, pinagbawalan din silang makapag-aral ng high school.
00:25.6
Ibig sabihin, hanggang grade 6 lang ang pinakamataas na edukasyon na maaari nilang marating.
00:32.0
At hindi lang yan.
00:33.4
Bawal na rin silang magtrabaho, pumunta sa park, salon, at mag-gym.
00:38.6
Kailangan rin na may takip ang kanilang buong katawan habang nasa publiko.
00:43.2
Tila ba sila'y bilanggo sa sarili nilang bansa?
00:46.8
Bakit ba ganun na lang kahigbit ang Afghanistan sa kanilang kababaihan?
00:55.6
Taong 1996 nung mapasakontrol ng grupong Taliban ang Afghanistan.
01:00.8
Itinatag nila ang Islamic Emirate of Afghanistan,
01:04.4
ngunit hindi pa ito kinikilala ng international community bilang isang ganap na bansa.
01:10.2
Ang Taliban ay isang kilusang binubuo ng mga kalalakihang magsasaka
01:14.8
na nag-aaral ng Islam sa mga madrasas o religyosong paaralan.
01:19.4
Nagmula ang pangalan ng grupong ito na Taliban sa salitang pashto
01:24.0
na nangangahulugang students o mag-aaral.
01:27.2
Naging pundasyon ng kanilang pamunguno ang mahigpit na pagpapatupad
01:31.6
ng kanilang sariling interpretasyon ng Islamic law o sharia
01:36.4
na sa kasamaang palad ay malupit sa karapatang pangkababaihan.
01:41.0
Ang mga kababaihan ay pinagbawalang makapag-aral, makapagtrabaho,
01:45.8
at walang kalayaang gawin ang gusto nila.
01:48.8
Naputo lamang ang pamumuno ng Taliban noong October 2001
01:53.4
nang sugpuin ng Amerika ang samahang Al-Qaeda na nakabase sa Afganistan.
01:58.4
Pero makalipas ang halos dalawang dekada,
02:01.2
nagkaroon ng kasunduan ang Amerika at ang Taliban noong 2020.
02:06.6
Nakasaad sa kanilang kasunduan, naaalis ang Amerika
02:10.4
pero hindi na papapasuki ng Taliban ang Al-Qaeda
02:14.2
o ibang melitanting grupo sa mga lugar na nasa kontrol ng Taliban.
02:18.8
At nakasaad rin sa kasunduan na magkakaroon sila ng
02:22.4
national peace talks na siyang hindi pa nangyayari hanggang ngayon.
02:26.6
Kaya naman, noong August 15, 2021, ay muling nabawi at napa sa kontrol
02:32.2
ng Taliban ang Kabul, ang capital city ng Afganistan.
02:36.4
Nangako ang Taliban na ngayon ay hindi na sila masyadong
02:40.0
maghihigpit sa kanilang pamumuno kumpara noong 1990s.
02:44.2
Pero tila ba nabaon sa limot ang pangakong ito?
02:48.0
Dahil dito, mahigit isang milyon ang lumikas sa bansa
02:52.0
at muli na namang nanganib ang karapatan ng mga kababaihang Afghan.
03:00.8
Sa kabila ng krisis na kinakaharap ng Afganistan ngayon,
03:04.4
mas pinagtutuunan nila ng pansin ang paghihigpit sa kanilang kababaihan
03:09.2
imbes na maghanap ng solusyon sa kanilang problema.
03:12.6
Ang unang naging hakbang nila ay ang pag-abolish ng Ministry of Women's Affairs,
03:17.8
isa itong kinatawan na nagpo-promote ng karapatan ng mga kababaihan
03:22.4
at sinisigurong may batas na magpo-protecta dito.
03:25.6
Agad itong pinalitan ng Ministry for the Propagation of Virtue and the Prevention of Vice,
03:31.4
na naging simbolo ng women oppression upang aapi sa Afganistan.
03:36.2
Ang mga pulisiya ng paghihigpit sa karapatan ng mga kababaihan ay makikita sa maraming aspeto.
03:42.6
Simula November 2022, ipinagbawal ang mga babae sa mga parke.
03:48.0
Kung dati ay nakakapunta sila basta may kasamang lalaki,
03:51.6
ngayon ay hindi na pwede.
03:53.6
Kasabay nito ay bawal na rin sila sa mga gym at swimming pools.
03:58.2
Ayon sa mga opisyal, ang paghihigpit ay dahil daw sa hindi pagtupad ng kautosang pagsusuot ng hijab.
04:05.2
Bawal din mag-travel sa loob ng bansa ng malayuan.
04:08.8
Kung babyahin ng higit sa 75 kilometers,
04:11.8
kailangan ng babae na may kasama siyang kapamilyang lalaki.
04:15.4
At maging ang mga Afganistan Airlines ay inutosang
04:18.6
pagbawalan ang mga kababaihang sumakay ng eroplano kung wala itong male escort.
04:24.2
Ito ay para maiwasan daw ng kababaihan ang panganib.
04:28.0
Mahigpit din ipinag-uutos ang pagsusuot ng hijab,
04:31.6
na dati ay ipinapatupad lamang sa mga babaeng nag-aaral sa universidad at secondary school.
04:37.6
Ngayon, maging ang mga babaeng mamamahayag
04:40.2
ay kailangang takpan ang kanilang muka kapag nag-uulat sa telebisyon.
04:44.6
Ipinag-utos din ang pagpapasara ng mga salon.
04:48.0
Para sa Taliban, labag daw ito sa sharia law.
04:51.6
At ang mga kababaihan ay bawal na rin magtrabaho sa mga shopping malls,
04:56.0
bangko at kahit pa mga babaeng pulis ay pinatigil rin.
05:00.2
Ayon sa Taliban, ang mga kababaihan ay dapat manatili lamang sa bahay
05:05.0
dahil hindi daw sila ligtas sa presensya ng mga sundalo ng militanteng grupo.
05:10.2
Pero ang pinakamatinding dagok ay ang pagpatay sa karapatan sa edukasyon ng mga kababaihan.
05:17.0
Noong September 12, 2021,
05:19.6
ipinag-utos na maaari lamang pumasok ang mga kababaihan sa universidad
05:24.4
na may gender-segregated classrooms at dapat ay nakasuot sila ng hijab.
05:29.6
May mga restriksyon din dapat sundin.
05:32.2
Ang mga kursong may kaugnayan sa engineering, economics, veterinary science,
05:37.2
agriculture at journalism ay mahigpit na ipinagbabawal.
05:41.4
At ang maaari lamang magturo sa mga kababaihan ay mga babae o matandang lalaking guro.
05:47.4
Noong March 2022 naman ay ipinagbawal ang secondary school.
05:52.0
Nakatakda sana buksan ang mga paaralan noong March 23, 2021
05:57.0
matapos itong ipasara ng Taliban.
05:59.2
Pero agad itong kinansila ilang oras bago ang nakatakdang pagbubukas.
06:04.2
At bago magtapos ang taong 2022,
06:07.4
tuluyan nang ipinatupad ang pagban sa mga babae sa universidad.
06:12.0
Sa isang iglap, naglaho ang karapatan sa edukasyon na inaasam ng kababaihan.
06:18.2
Ayon pa sa isang estudyante,
06:20.2
tila giniba ng Taliban ang nag-iisang tulay na nagkokoneta sa kanyang kinabukasan.
06:27.0
Pero bakit pati edukasyon ng kababaihan ay ipinagbawal?
06:30.8
Tutol kasi ang Taliban leader na si Hebatullah Akundzada sa makabagong edukasyon,
06:36.6
partikular na para sa kababaihan.
06:39.0
Matapang na naglulunsan na mga protesta ang mga Afghan women para tutulan ang pagban sa universidad.
06:46.0
May mga kababaihang guro rin na nagtatag ng sekretong paaralan para sa patuloy na pag-aaral ng mga kababaihan.
06:53.0
Pero sa kasamaang palad ay marami ding kababaihan ang inaresto dahil sa pagpuprotesta.
06:59.0
Minsan ang pinatunayan ng Taliban na ang Afghanistan ay isang bansang hindi para sa mga kababaihan.
07:06.0
Pero pinapatunayan ng mga Afghan women na alisin man ang karapatan nilang mag-aaral,
07:12.0
matapang pa rin nilang hahangarin ang matutok.
07:15.0
Matapang pa rin nilang ipaglalaban ang karapatan para sa magandang kinabukasan.
07:21.0
Nagustuhan niyo po ba ang content natin ngayon? Kung oo, ay mag-comment po kayo ng yes.
07:27.0
This is your Ate O from our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!