Close
 


GUSTO MO YUMAMAN? PANUORIN MO ITO 💰
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Ang katotohanan sa pagyaman by Wealthy mind pinoy. Natanong mo narin ba sa iyong sarili kung paano yumaman? Sa video na ito, tatalakayin natin ang katotohanan sa pagyaman. Panuorin hanggang dulo para marami kang matutunan. VIDEO OUTLINE 00:00 INTRO 01:39 How to achieve financial freedom? 06:18 Avoid the comfortable life. 07:37 Learn from your mistakes. 09:08 Make sacrifices. 10:24 Change your environment. 11:51 Summary. CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #PayamanTips #KatotohananSaPagyaman #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 12:43
Has AI Subtitles




Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Kung lahat ng tao ay tatanungin mo gusto ba nilang yumaman, paniguradong lahat ay sasagot ng oo.
00:17.0
Lahat tayo ay gustong yumaman dahil alam natin kung gaano kagaan ang buhay kapag marami kang pera.
00:23.0
Gagay na lang nang nabibili mo yung mga bagay na gusto mo, nagagawa mo yung mga bagay na meaningful sayo, marami kang matutulungan na tao at higit sa lahat, hindi ka na mamomroblema sa mga bayarin.
00:34.0
Pero ikaw pa rin dapat ang magde-define sa salitang mayaman. Para sayo, ano ang ibig sabihin ng pagiging mayaman?
00:41.0
Kung ako ang tatanungin, isang salita lang ang nagde-define ng salitang mayaman at yun ay freedom. Kung bakit nasabi kong freedom, ito ang ibig kong sabihin.
00:52.0
May mga taong malaki ang income pero walang oras para sa pamilya, sa sarili at mga kaibigan. Masipag sila at nakikita mong nagtatrabaho palagi. Para silang mga machine na hindi humihinto.
01:04.0
May mga tao namang maraming oras pero walang pera. Sila yung mga tinatawag nating tambay. Kahit anong oras, palagi silang available.
01:13.0
At may mga tao namang merong freedom. Kumikita sila ng malaking halaga at marami rin silang oras. Sila ang may kontrol ng kanilang buhay at hindi sila dependent sa trabaho dahil sila yung boss.
01:26.0
Sinabi ni Robert Kiyosaki na you will never know true freedom until you achieve financial freedom. Parehong mahalaga ang pera at oras at ito ang dalawang bagay na kailangan mong i-consider kung gusto mong yumaman.
Show More Subtitles »