00:56.0
Sa syudad palang ng Amsterdam ay nakakakuha sila ng nasa 15,000 to 20,000 na mga bike
01:03.0
kada taon mula sa mga kanal.
01:05.0
At dito, ang mga bisikleta ang hari ng kalsada.
01:09.0
Meron silang sariling daanan at may nakalagay pa na bike street.
01:15.0
Sa syudad ng Utrecht ay matatagpuan ang pinakamalaking bicycle park sa buong mundo
01:21.0
na kayang maglaman ng 12,500 na bisikleta.
01:26.0
At meron pa silang underwater garage sa Amsterdam na kayang maglaman ng 7,000 na bisikleta.
01:33.0
Nagpapakita na priority talaga nila ang mga bisikleta kaysa sa mga sasakyan.
01:39.0
May mga kumpanya pang binabayaran ang kanilang mga empleyado para hikayatin sila na magbike.
01:45.0
Pero alam mo rin ba?
01:47.0
Ang Netherlands ay dati ring puno ng sasakyan pero ito ay nagbago dahil sa dalawang pangyayari.
01:56.0
Ito ang prime minister ng Netherlands na si Mark Rutha.
02:00.0
Sakay sa kanyang bisikleta.
02:02.0
Nagbibisikleta siya tuwing papasok ng trabaho
02:05.0
at isa lamang siya sa halos kalahati ng populasyong nagtatrabaho sa Netherlands
02:11.0
na gumagamit ng bisikleta papuntang trabaho.
02:14.0
Bisikleta rin ang gamit nila sa pagpasok sa skwela, pamamasyal at pagsashopping.
02:20.0
Ang Netherlands, particular na ang kabisera nitong Amsterdam
02:24.0
ay ang itinuturing na Bicycle Capital of the World ayon sa The Guardian noong 2015.
02:30.0
Bago mangyari ang ikalawang digmaang Pandaidig,
02:33.0
bisikleta na ang pangunahing uri ng transportasyon sa Netherlands.
02:37.0
Pero pagdating ng 1950s hanggang 1960s ay lumaganap na ang pagmamayari ng kotse.
02:44.0
Kasabay ng pagdami ng kotse sa lansangan,
02:47.0
ay tumaas rin ang bilang ng mga aksedenteng na uuwi sa kamatayan.
02:51.0
Ayon sa pagtatala, noong 1971 ay 3,000 katawang namatay at 450 dito ay mga bata.
02:59.0
Dahil sa nakakaalarmang bilang ng mga batang namamatay,
03:03.0
nailunsad ang Stop the Kindermorg
03:06.0
o ang ibig sabihin ay Stop the Child Murder.
03:09.0
Base ito sa artikulong isinulat ng mamamahayag na si Vic Langenhoff
03:14.0
na may anak ring namatay sa aksidente.
03:17.0
Dagdag pa dyan, noong 1973,
03:19.0
nagkaroon ng krisis sa langis mula sa Middle East.
03:23.0
Ang mga pangyayaring ito ang nagtulak sa gobyerno
03:26.0
para piliin ang pagpapaunlad ng mga imprastrukturang pangbisikleta.
03:32.0
Simula 1977 ay ipinatupad ng Netherlands
03:36.0
ang Traffic Circulation Plan o Verker-Sersuwati Plan.
03:40.0
Bahagi ng programang ito ay ang pagpapasara ng ilang kalsada,
03:44.0
pagbabawas ng parking para sa mga kotse
03:47.0
at ang pagbibigay prioridad sa mga siklista at pedestrian.
03:51.0
Dinisenyo rin ang mga daan na maliit at sapat lamang
03:55.0
na pagsaluhan ng mga kotse, bisikleta at pedestrian
03:59.0
para mapuwersa ang mga sasakyan na magpatakbo ng mabagal.
04:03.0
At sa ibang daan, literal na inagaw ang paghahari sa mga kotse
04:07.0
dahil makikita rito ang road sign na may imahe ng siklista
04:11.0
at sa likod nito ay kotse.
04:13.0
Nakasulat ang Field Strat Autodegast
04:16.0
na ang ibig sabihin ay bike street, cars are guests.
04:20.0
Sa rotonda naman ay priority ang mga bisikleta.
04:23.0
Kailangang maghintay ng mga sasakyan kung may bisikletang dadaan
04:27.0
at ang higit na nakatulong sa pamamayagpag ng mga bisikleta
04:31.0
ay ang iba't ibang programang sinusuportahan ng gobyerno
04:35.0
gaya na lamang ng pagpapagawa ng daan ng nakalaan para sa siklista.
04:40.0
Sa ngayon ay mayroong mahigit 35,000 kilometers
04:44.0
ng cycle path sa Netherlands.
04:46.0
Ito ay nasa 25% ng kabuoang kalsada sa bansa
04:50.0
na aabot sa 140,000 kilometers.
04:54.0
Sa Pilipinas, ang Iloilo City na kinikilalang
04:57.0
Bike Capital of the Philippines
04:59.0
ay mayroon lamang 11 kilometers ng bike lane
05:02.0
with a total road networks na 107.3 kilometers.
05:07.0
So approximately, nasa 10% lamang ang bicycle lane
05:11.0
sa kabuoang kalsada ng Iloilo City.
05:14.0
Malaking tulong rin ang pagkakaroon ng malawak na rail network
05:18.0
ng Netherlands kung kaya't 85% ng populasyon
05:21.0
ay malapit sa mga istasyon ng trend
05:23.0
na madaling marating sa pamamagitan ng bisikleta.
05:26.0
Marami rin mga OV fits o pinaparentang bisikleta
05:30.0
sa bawat istasyon sa halagang 4.45 euros
05:34.0
o humigit kumulang 271 pesos sa loob ng 24 hours.
05:39.0
Hindi mo rin puproblemahin ang parking sa bawat istasyon.
05:43.0
Sa katunayan, matatagpuan sa siyudad ng Utrecht
05:46.0
na itinuturing na sentro ng mga istasyon
05:48.0
ang pinakamalaking bicycle park sa buong mundo.
05:51.0
Kaya nitong maglaman ng nasa 12,500 na bisikleta.
05:56.0
Nandyan din ang underwater garage sa Amsterdam
05:59.0
na kaya namang maglaman ng 7,000 na bisikleta.
06:03.0
Itinuturing din na compulsory requirement
06:06.0
ang pagtuturo ng cycling proficiency sa mga mag-aaral.
06:09.0
Talaga namang iniingganyo na mula pagkabata
06:12.0
ang paggamit ng bisikleta.
06:14.0
Kaya may ibang paaralan na 90% ng istudyante
06:17.0
ay nagbibisikleta pagpasok sa eskwela.
06:20.0
Kaya naman 25% ng paglalakbay ng mga Dutch
06:24.0
ay nakasakay sa bisikleta
06:26.0
kumpara sa 1% lamang sa Amerika.
06:29.0
At dahil 22% lamang ng pagbibisikleta
06:33.0
nais ng gobyerno na makaingganyo pa
06:36.0
ng karagdagang 200,000 na empleyado na magbisikleta.
06:40.0
Ang mga empleyado ay makakakuha ng 0.19 euros
06:44.0
o humigit kumulang 11 pesos
06:46.0
sa bawat kilometrong kanilang tatakbuhin
06:49.0
papasok sa opisina.
06:51.0
Kaya kung naglalakbay sila ng 10 kilometro kada araw
06:54.0
sa loob ng limang araw sa isang linggo,
06:57.0
maaari silang makakuha ng dagdag na kitang 456 euros
07:02.0
o humigit kumulang 27,700 pesos sa buong taon.
07:07.0
At wala itong tax.
07:09.0
Batid natin ang magandang dulot ng pagbibisikleta.
07:12.0
Nakakatulong na sa kalikasan,
07:14.0
nagiging malusog pa ang ating kalusugan.
07:17.0
Kaya magandang modelo ang kultura
07:19.0
ng pagbibisikleta sa Netherlands
07:21.0
para tularan ng iba pang bansa.
07:23.0
Ngunit sa tindi ng init sa Pilipinas,
07:26.0
magandang ideya kaya ang pagbabike
07:28.0
papuntang trabaho at eskwelahan?
07:30.0
Ano sa tingin mo ka-awesome?
07:32.0
Kung nagustuhan nyo po ang content natin ngayon,
07:34.0
pakicomment ng yes.
07:36.0
This is your Ate O from our Republic.
07:38.0
Hanggang sa muli and stay awesome!