00:46.0
Sa tuwing nare-recall ko ang mga kaganapan nung ako ay bata pa,
00:50.0
ito talaga yung pinakatumatak.
00:53.0
Nangyari po ito nang sumabog din ang bulkang pinatubo noong 1991.
01:04.0
Teacher po kasi si Mama sa isang high school sa Maynila noon.
01:08.0
Since ako nga yung bunso sa aming magkakapatid,
01:12.0
no choice po si Mama kundi isama ako palagi sa classroom niya
01:16.0
sapagkat wala talaga siyang mapag-iiwanan sa akin.
01:20.0
Yung dalawang ate ko naman ay nag-aaral na rin po sa eskwelahan
01:24.0
na kung saan nagtuturo si Mama.
01:27.0
Pero kapag vacant naman ang dalawang ate kong ito,
01:30.0
ay nababantayan nila ako.
01:32.0
Tuwang-tuwa at talagang aliw na aliw sa akin yung mga co-teachers ni Mama,
01:37.0
lalo yung mga nai-iiwan sa faculty room.
01:40.0
Nae-entertain ko nga daw talaga sila dahil sa kadaldalan ko
01:43.0
at sa mga kuwentong kung ano-ano na lamang na nanggagaling sa aking bibig.
01:48.0
At dahil doon ay aliw na aliw sila sa akin.
01:52.0
Ang ginagawa ko nga din po ay tinatanggal ko yung rubber shoes ko
01:56.0
at inilalagay ko sa upuan at hindi na po talaga ako bababa doon
02:00.0
dahil ayoko rin pong marumihan ang aking medyas.
02:04.0
May kaliitan pa po ang eskwelahan na iyon noon,
02:07.0
kaya maliit lang din yung space kung saan naruroon na mga teacher
02:12.0
at pinipili na lamang din po nila paminsan na mga open space
02:15.0
o sa madaling salita, yung mga silong na mga punong kahoy doon
02:20.0
o kung saan man mahangin na pwedeng pwestuhan.
02:25.0
Isang araw, isinama ako ni Mama sa klase niya.
02:30.0
Sa open area kami pero yung bahaging iyong eskwelahan ay dead end na.
02:36.0
Nakapwesto rin ito malapit sa my entrance gate.
02:40.0
As usual, linanggalan naman ako ni Mama ng sapatos
02:43.0
at kitang kita ko pa na inilagay niya ito sa harapan niya
02:48.0
as in malapit sa kanya habang nagtuturo siya.
02:53.0
Kulay blue na may white at neon green sa likod yung rubber shoes ko na iyon.
02:59.0
Ako naman ay pinaupulang niya sa likod sa mahabang kahoy na upuan
03:03.0
at doon ako nagpalakad-lakad at pabalik-balik sa mahabang upuan na animoy tumutulay.
03:10.0
Malayo ako doon sa pinaglalagyan o pinagpatungan ng sapatos ko
03:15.0
kaya talagang hindi ko ito makukuha para muling isuot.
03:21.0
Hanggang ngayon nga sir Red,
03:23.0
tandang tanda at tila na didinig ko sa aking isipan
03:28.0
ang lakas ng sigawan matapos po ang ilang minuto.
03:40.0
Napatingala ako at doon ngayon nakita ko po talaga ang mga malalaking bato na nahuhulog.
03:47.0
Sa pagkakataong iyon lumilindol na pala pero nung time na iyon kasi ay hindi ko alam na lindol pala ang tawag doon.
03:55.0
Sumigaw na rin si Mama, lalong-lalo na ang kanyang buong klase
04:00.0
at nagsitakbuhan papalayo sa kung saan sila nagkaklase kanina.
04:06.0
Pinatakbo din ng ibang mga teachers sa quadrangle ang ilan pang mga estudyante
04:11.0
habang ako naman ay karga-karga na ni Mama at tumatakbo na din dahil ang dami po talagang mga bato na nahuhulog galing sa taas.
04:21.0
Umiyak din ako dahil natakot ako.
04:24.0
Umiyak ako hindi dahil sa lumilindol.
04:27.0
Ang iniyakan ko po talaga si Red ay yung katotohanan na natabunan ng malalaking bato ang pinakamamahal kong rubber shoes.
04:38.0
Kitang-kita ko po talaga si Red kung paano ito matabunan ng mga tipak ng bato na galing sa langit.
04:46.0
Nung una pinipilit ko pa nga daw si Mama na kunin muli at balikan ang rubber shoes kong iyon pero hindi po ito inintindi ni Mama.
04:56.0
Mas mahalaga daw kasi ang buhay namin kaysa sa sapatos na iyon na pwede naman din niyang bilhin.
05:03.0
Habang karga ko ni Mama, naaalala ko na napatakbo kami sa isang maliit na shed.
05:10.0
Parang istilong gazibo po pero yung bubong po niya ay ero.
05:15.0
Malapit po ito sa groto ng school.
05:19.0
Umiiyak pa rin ako ng sandaling iyon pero napansin ko po si Red ang isang batang lalaki na sumaklolo po sa amin ni Mama para makaalis kami sa shed na iyon
05:29.0
sapagkat ilang segundo lamang matapos naming tambayan o pansamantalang pagtataguan ay isa po ito sa mga mababagsakan din ng malalaking bloke ng bato.
05:46.0
Ilang segundo pa.
05:48.0
Naramdaman ko na na wala na rin ang pag-uga o pagyanig ng lupa
05:53.0
at sa awa ng Diyos wala pong nasaktan sa lahat ng mga kasamahan at mga estudyante ni Mama sa school.
06:03.0
Pinauwi na lamang lahat ng teachers at yung mga estudyante dahil maaaring magkaroon pa umano ng aftershocks at maabutan na naman sila sa eskwelahan.
06:14.0
Naaalala ni Mama yung estudyante na tumulong sa amin palabas ng shed.
06:19.0
Ipinagtanong niya iyon pero wala pong nakakita o kahit man lang i-describe ni Mama ay wala pong makakilala sa batang lalaki.
06:28.0
Maliit lamang po siya, maputi ang kompleksyon at kulot ang buhok. Nakauniforme din po siya.
06:36.0
Since hindi nga po niya ito makita nung araw na iyon at baka umuwi na rin, napag-desisyonan na lamang ni Mama na hanapin na lamang ang estudyanting iyon sa susunod na araw para magpasalamat.
06:49.0
Hanggang sa pauwi na rin kami ni Mama noon. Kasama na namin ang dalawang ate ko.
06:56.0
Walang ano-ano, sa harap ng school, partikulary yung may-ari ng isang karinderiya doon, tinanong kung ako daw ba ang bunso at ako yung may-ari ng sapatos na iyon.
07:10.0
Nanlaki talaga ang mga mata ng aking mga kapatid, lalong-lalo na ni Mama sapagkat kitang-kita ko yung kulay blue na may white na may neon green sa likod na sapatos ko na naroroon sa karinderiya.
07:25.0
Ayon sa may-ari nito, may nag-abot daw na batang lalaki sa kanya na estudyante din ng eskwelahan ni Mama pero hindi daw nga lang niya ito namukaan.
07:40.0
Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano natabunan ng maraming bato yung rubber shoes ko na iyon kaya papaanong nasagip o nakuha ng estudyante?
07:50.0
Umiyak si Mama. Naniniwala siya na baka si Santo Nino daw yung nagligtas sa amin at nag-abot ng sapatos ko sa karinderiya.
08:00.0
Sa katunayan nga Sir Red, habang tinatay ko ang kwentong ito ay tumataas ang aking balahibo at anlaki rin ang pasasalamat ko sapagkat na iligtas kami ni Mama sa tiyak na kapahamakan na maaaring nung panahong iyon ay magiging katapusan namin.
08:20.0
Kung wala po talaga yung mahiwaga o yung misteryosong lalaki na iyon, marahil ay wala din pong magkikwento nito sa inyo ngayon.
08:30.0
Sa ngayon po, higit sa sampung taon na pong retired si Mama sa eskwelahan at nasa US na po kami ngayon.
08:38.0
Ang school po na dati po niyang pinagtrabahuhan ay naruroon pa rin.
08:43.0
Luma pero napakaraming memories ang hindi po talaga matatanggal at malilimutan.
08:49.0
Sa katunayan nga din Sir Red, may mga co-teachers pa rin po si Mama na magpasa hanggang ngayon ay naruroon pa rin at nagtuturo sa eskwelahan na iyon sa Santa Mesa.
09:02.0
Doon din po ako nag-graduate nung high school, kaya hindi rin po talaga mawala agad sa isip ko yung mga nangyari nung ako ay limang taong gulang pa lamang.
09:20.0
Tawagin niyo na lamang po ako sa ngalang Miss A at isa po ako talaga sa mga avid listeners ninyo sa kahit nanong platform.
09:30.0
Madalas po ako nakikinig habang nasa biyahe galing sa work o kaya naman ay kapag gumagawa ng gawaing bahay para hindi rin po ako maboring.
09:41.0
Sa aking pagtatantsa ay parang sampung taong gulang pa lamang po ako nang maranasan ko ang kwentong ito.
09:49.0
Isang hapon iyon mag-aalasing ko.
09:53.0
Oras na ng paglabas namin ng friend ko para magkwentuhan.
09:58.0
Naging routine po talaga namin iyon sa red hanggang sa magdilim na.
10:03.0
Nang araw na iyon napadaan namin ang isang kapitbahay namin na ang daming dalang tangkay ng malunggay.
10:10.0
Naisip ko na matutuwa talaga si Mama kung makapag uuwi rin ako ng kahit ilang tangkay sapagkat bukod sa paborito itong ilahok ni Mama sa kanyang mga lutuin ay alam ko na matutuwa siya kapag makapag uuwi ako ng kahit ilang piraso.
10:28.0
Napatanong tuloy ako sa kapitbahay namin kung saan siya nakakuha noon at itinuro niya ang gawing dulo ng basketball court sa subdivision at tabidaw ito ng yero.
10:41.0
Niyaya ko tuloy ang kaibigan ko na itagon na lang natin sa pangalang Michelle.
10:47.0
Pumayag naman siya at excited pa nga sapagkat makakapagbike kami ng medyo malayo-layo at patungo sa court na hindi naman po namin madalas pinupuntahan.
10:58.0
Yung dulong street ng subdivision ay dun mo nga makikita rin ang clubhouse at yung basketball court.
11:06.0
Dead end na rin po ito kaya meron pong yerong nakahanay o nakaharang mula doon sa end o dead end ng aming subdivision na siya rin pong magsiseparate ng aming lugar doon sa kabilang banda.
11:22.0
Pagdating nga po namin doon, agad-agad ay hinanap po namin kung saan naroon at saan nakatanim yung malunggay na iyon.
11:31.0
Hanggang sa nakita ko nga po siya sa eksaktong description ng aming kapitbahay.
11:38.0
Ang kaso nga lang, nasa kabilang side pala ng yero yung pinakapuno.
11:44.0
Ang akala ko kasi ay nasa side siya ng subdivision namin, eh yun pala ay naruroon nakatayo sa kabilang property.
11:55.0
Maliit lang din naman kami ng kaibigan ko kaya hindi po namin maaabot yung mga dahon ng malunggay.
12:02.0
Medyo may kataasa na rin yung puno na iyon at wala po kaming makitang matutungtungan para maaabot kahit isa o dalawang tangkay.
12:10.0
Hanggang sa ilang minuto na lamang, nag-uusap pa rin kami ng kaibigan ko kung paano kami makakakuha ng kahit ilan.
12:19.0
Inabuta na nga kami ng takip silim.
12:22.0
Hanggang sa nag-give up na rin ako dahil parang talagang magiging bigulang kami.
12:28.0
Niyaya ko ng umuwi yung friend ko at tanggapin na lamang talaga namin na hindi kami makakakuha.
12:33.0
Hanggang sa pumukaw sa aking atensyon, ang pagdating ng isang bata.
12:39.0
Maliit po siya at sa tansya ko ay dalawang taong gulang pa lamang.
12:44.0
Nakasando ito pero wala po siyang salawal.
12:48.0
Ang isa sa mga weirdo na napansin ko ay wala pong kasama tong batang ito.
12:55.0
Hindi ko rin alam kung saan siya nang galing sa loob ng subdivision pero nakatulong na rin.
13:02.0
Tumatakbo siya papunta sa gawin namin.
13:05.0
Hanggang sa nakita ko po na lumusot siya sa ilalim ng yero.
13:09.0
May maliit po kasing butas doon o espasyo na maaari mong paglusotan.
13:15.0
Mukhang tigad doon nga siya sa kabilang property.
13:19.0
Naisip ko na baka pwede din siguro kaming tumawid ng kaibigan ko doon
13:24.0
at naisip ko na pwede din kaming tumawid ng kaibigan ko doon
13:27.0
at lumusot sa ilalim para nang sa ganun ay makakuha kami ng malunggay na nandoon sa kabila.
13:33.0
And at the same time, nandun kasi yung kuriyosidad ko
13:37.0
para malaman kung ano ang nasa kabilang banda
13:41.0
dahil talagang first time lang po namin ang kaibigan kong si Michelle na magawi sa area na yon.
13:47.0
Hindi ko nga din po talaga alam siya Red na doon sa dead end ng subdivision namin
13:52.0
ay malawak na lupain na pala ang naroon.
13:56.0
Ang ginawa ko na lang ay lumuhod at sumilip sa ilalim nung maliit na butas ng yero.
14:03.0
Ineexpect ko pa nga po na makikita ko pa yung bata
14:07.0
kasi alam kong hindi pa naman nagtatagal nun nang makapasok siya sa ilalim.
14:12.0
Subalit pagsilip ko sa kabila ng yero, nakita ko nga po ang malawak na field.
14:18.0
Mataas ang araw doon at parang tanghaling tapat.
14:23.0
Meron ding traktor at iba pang mga equipment na ginagamit sa pag-aanin ng palay.
14:30.0
Nakita ko rin yung babaeng nakasalakot.
14:33.0
Naririnig ko rin yung ingay ng equipment pero hindi ko po nakita yung bata.
14:38.0
Sa lawak ng field na iyon o ng lupain na iyon,
14:42.0
dapat sana'y mahahabol ko pa ng paningin kung saan tumakbo yung bata pero bigupo ako.
14:49.0
Nagtaka po talaga ko sa nakita ko.
14:53.0
Ilang segundo pa at tumayo ako agad at pinagpagan yung tuhod ko.
14:58.0
Tinanong ako ng kaibigan ko kung saan nangyari yung bata.
15:02.0
Ilang segundo pa at tumayo ako agad at pinagpagan yung tuhod ko.
15:06.0
Tinanong ako ng kaibigan ko kung anong meron daw sa ilalim pero sinabi ko na lang na
15:12.0
Wala, muwi na tayo.
15:19.0
Hindi ko rin po ma-explain sa sarili ko sir Red kung bakit hindi ko nakwento sa kaibigan ko kung ano yung nakita ko.
15:26.0
Never po talagang pumasok sa isipan ko na banggitin kahit isang detalye ng pangyayari doon sa nakita ko.
15:34.0
Never po talaga naming napagusapan.
15:37.0
Hindi rin naman po siya nang ulit kung anong meron sa kabila ng yero.
15:42.0
Nang minsang umalis kami at sumakay ng jeep,
15:45.0
naisip kong titigan kung ano ba ang nasa tabi ng subdivision namin.
15:50.0
Nang madaanan yun ng jeep, nakita ko na may bakod yung tabi ng subdivision at nakikita ko ang mga puno ng saging.
15:59.0
Mukha siyang masukal pero may nakalagay na private property.
16:04.0
Kaya hindi po siya yung katulad ng nakita ko.
16:08.0
Hindi siya isang malawak na field lamang.
16:10.0
Imposible din siyang maging ganoon kalawak hanggang sa pumasok sa isipan ko na magdadapit hapon na nagtungo kami doon ng kaibigan ko pero nung sumilip ako sa kabilang side ay parang tanghaling tapat pa lamang.
16:26.0
Imposible talaga ang kaganapan na iyon sir Red pero pilit ko pa rin pong iwinawaglit ang katotohanan na hindi kaya ibang dimensyon na iyon.
16:43.0
Paano na lang kaya kung pumasok sa isip ko na lumusot sa ilalim ng yero at ituloy yung pagkuhan ng malunggay sa hindi naman namin property.
16:50.0
Kaya minsan bago ako matulog tinatanong ko talaga ang sarili ko kung paano kung pumasok ako doon at hindi na nakabalik.
17:00.0
Sa pakiwari ko ay talagang hinding hindi na ako makakabalik at maaaring makulong na din sa ibang dimensyon na iyon.
17:10.0
Sa pakiwari ko ay talagang hinding hindi na ako makakabalik at maaaring makulong na din sa ibang dimensyon na iyon.
17:40.0
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakotan na ito, hit like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media.
17:53.0
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media. Check the links sa description section.
18:00.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
18:08.0
Suportahan din ang ating mga brother channels ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
18:14.0
Gayon din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories.
18:20.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
18:26.0
Mga Solid HTV Positive! Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating Bonsong Channel ang Pulang Likido Animated Horror Stories.
18:39.0
Subscribe na or else!
18:44.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakotan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
18:52.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!