English Summary of Video (AI):
Here are the bullet points summarizing the key topics discussed in the video:
- Childhood excitement about typhoons due to school cancellations.
- Playing and bathing in floodwaters during childhood.
- Growing up brings stress about potential property damage from typhoons.
- Preparation for typhoons involved stocking up on noodles, canned goods, and finding essential items like flashlights.
- Tying the wooden and nipa house to trees to prevent it from being blown away.
- Experience of enduring cold weather during typhoons and enjoying the sound of rain while sleeping.
- Struggling with power outages and using candles or kerosene lamps for light.
- Cooking challenges due to wet firewood, but parents managed to make coffee.
- Emotional moment when the mother had to work far from home for extra income, leaving the father and children at home.
- A specific incident during a strong typhoon when the roof was partially blown away.
- Decision to evacuate to a relative’s house on a hill due to rising floodwater inside the house.
- Walking through deep water and the brother carrying the speaker through the flood.
- Staying at the relative's house until the flood subsided.
- Returning home to find fallen trees and some floodwater remaining but feeling grateful for safety.
- Playing in floodwaters and eventual cleanup, including catching fish that escaped from fish pens and making boats from banana trunks.
- Overall message: resilience in the face of natural disasters and finding happiness despite the challenges.
These points cover the main themes and events discussed in the video.
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.2
Dati, noong bata pa kami, tuwang-tuwa kami kapag bumabagyo kasi pag may bagyo, walang pasok.
00:06.9
Tapos magkakaroon ng baha, tapos maliligo kami nun.
00:10.4
Doggyot much talaga.
00:12.2
Pero ngayong malaki na ako, kapag may bagyo, grabe na yung stress ko kapag may balitang babagyo daw
00:18.1
kasi syempre, baka ma-wash out lahat ng gamit namin dito sa bahay, no?
00:24.4
OMG! On the way na daw yung bagyo papunta here.
00:28.1
Ingat tayong lahat.
00:29.8
Hashtag Typhoon is coming to town.
00:33.4
Kaya naman ngayon, ikikwento ko sa inyo yung mga naging karanasan ko noong bata pa ako habang nagbabagyo.
00:39.5
Lahat naman siguro tayo nakaranasan ng bagyo, diba?
00:42.2
Kung hindi pa, eh baka tagaibang bansa ka o tagaibang planeta.
00:48.4
Pero bago yun, mag-like and subscribe naman kayo dyan.
00:58.1
Mga kababayan, may nagbaba dyan namang bagyo.
01:01.9
Kaya naman mag-ingat po tayo lahat at makinig sa balita para sa iba pang update.
01:07.2
Yes, may bagyo. Walang pasok bukas.
01:10.1
Anong yes ka dyan?
01:11.6
Magbabagyo na nga pa. Yes, yes ka pa dyan. Parang nagsa-celebrate ka pa, ha?
01:16.1
E di, ang gagawin namin nun, kapag may balita na nga tungkol sa bagyo,
01:20.3
bibili na sinanay ng mga noodles at mga dilata nun.
01:23.5
Tapos hahanapin na namin yung mga kailangan namin tulad ng flashlight,
01:28.1
Huwag mong nga ipatay sindi yan.
01:29.9
Baka malobat pa yan. Wala tayong gagamitin mamaya.
01:33.7
Tapos si tatay, itatali niya yung mga bahay namin sa mga puno
01:37.4
para hindi madala ng hangin yung bahay namin
01:39.6
kasi iyari lang sa kahoy at pawid yung bahay namin nun.
01:43.7
At kapag kasagsagan na ng bagyo nun,
01:45.9
nakajakit lang kaming lahat sa bahay kasi sobrang lamig.
01:49.4
Para sa akin, napakasarap tumulog nun.
01:51.5
Lalo na kapag naririnig ko yung tunog ng ulan,
01:54.3
not until kapag kumulog na.
02:00.8
Wala pala kaming kuryente dati,
02:02.8
kaya kandila lang o digasera yung ilaw namin nun.
02:06.2
At isa yung sa struggle namin kapag bumabagyo.
02:09.3
Sa sobrang lakas kasi ng hangin at ampiyas ng ulan,
02:12.5
laging namamata yung ilaw namin nun.
02:14.5
Tapos wala din kaming gasol nun,
02:16.3
kaya kahoy lang yung gamit namin sa pagluluto.
02:19.2
Kaya naman sobrang hirap din kami nun sa pagluluto dahil basa yung mga kahoy.
02:23.1
Pero kahit ganun pa man,
02:24.8
nagagawan pa rin ang paraan ni nanay at tatay para makapagkapi kami.
02:30.1
One time, nagtrabaho yung nanay ko nun.
02:32.6
Nagpasweldo siya sa malayo para,
02:34.3
alam nyo na, para may kaunting income kami kahit na paano.
02:37.7
So, kaming tatlo lang ng tatay ko at kuya ko ang natira sa bahay.
02:42.2
Tanda ko pa dati.
02:43.6
Sobrang lungkot ko talaga nun.
02:46.9
Pero buti na lang may cellphone kami nun na digipad,
02:50.0
kaya kahit paano ay nakakapag-usap kami.
02:53.6
Oh, mag-iingat kayo ng tatay mo dyan ah.
02:56.5
May dadating na naman daw na bagyo.
02:59.0
Kayo din po, Nay.
03:00.6
Ingat din po kayo dyan.
03:02.6
Huwag nyo akong alalahanin dito.
03:04.7
Dahil malaki naman tong tinutuluyan ko dito.
03:07.3
Kayo ang inaalala ko dyan.
03:08.7
Bakali pa rin ang bagyo yung bubong nyo.
03:15.1
Love you too, Nay.
03:16.6
Miss na miss na kita.
03:20.6
Nang gabi ngang iyon, dumating na yung bagyo.
03:23.9
Sobrang lakas neto.
03:25.2
Di ko sure kung bagyong Yolanda ba yun o bagyong Nanay.
03:28.1
Basta sobrang lakas kasi nun.
03:30.7
Tumiklap nga yung bubong namin nun eh.
03:32.5
Takot, takot ako nun.
03:34.0
Yung bubong natin.
03:36.7
Buti na lang, kakaunting parte lang ng bubong nyo nadala ng hangin.
03:40.3
Dahil may space pa kaming matutulugan.
03:42.6
Mas lalo pang lumakas yung hangin at ulan nun.
03:44.9
Andami na din nagliliparan na bubong at iba pang gamit.
03:48.0
Tapos yung mga puno, parang mabubuwal na sa sobrang lakas ng hangin.
03:52.0
Umuwi na din yung kuya ko nun galing sa trabaho niya na basang-basa sa ulan.
03:56.0
At ang lalang mas nagpakabasa,
03:58.1
nung gabi, balibalita sa labasa na magbabaha daw ng sobrang lalim.
04:03.5
Eh nung time na yun, may tubig na nga sa loob ng bahay namin.
04:07.2
Kaya nag-decide na si tatay na lumikas na daw kami kasi baka mas tumaas pa yung tubig at malunod pa kami.
04:13.7
Eh dinilagay na namin yung mga gamit namin sa plastic para di mabasa.
04:18.2
At nagsimula na kaming maglakad.
04:20.2
Sobrang lamig nun that time.
04:22.2
Pinangko pa nga ako ng kuya ko nun kasi sobrang lalim talaga ng tubig.
04:26.0
Hanggang sa biglang...
04:28.1
Natalisod yung kuya ko nun sa tuod ng kahoy na hindi naman niya nakita kasi nga may tubig.
04:33.5
Nagdagasa kami sa tubig ng kuya ko nun.
04:38.8
Eh natalisod ako eh.
04:41.3
Basang-basa kami nun nung nakarating kami sa daan.
04:44.8
Sa pagkakatanda ko, lumikas kami papuntang bundok nun kasi may kamag-anak si tatay dun.
04:50.3
Nanatili kami ng ilang araw dun sa bahay nila para hintayin na humupa yung baha.
04:56.0
Kamusta kayo dyan?
04:58.1
Ah, nandito po kami sa bahay ng pinsa ni tatay.
05:02.3
Ah, nag-aalala talaga ako ng sobra sa inyo.
05:06.3
Nay, uwi na kasi kayo.
05:10.3
Pag uwi namin, puro tubig pa din sa daan pero hindi na ganun kataas.
05:15.3
Nagtumbahan na din yung mga puno nun.
05:17.9
Nakakapanghinayang lang din pero nagpapasalamat din kami dahil ligtas kami.
05:23.6
Jed, pa rito! Ligo tayo sa baha!
05:26.5
Tatay, pwede po ba akong lumigo kasama ni Nainsan?
05:32.1
Ay nako, baka may ihipan ng dagay ang baha dyan. Madumi yan, huwag na.
05:37.5
Dali na tay, saglit lang naman eh.
05:41.0
Bahala ka, basta saglit lang ah.
05:44.9
Hala, may lumulutang na itlog oh.
05:47.8
Hala, oo nga. Kuhanin natin.
05:53.2
Maghana pa kayo, baka may lumulutang pa dyan iba.
05:56.5
OMG! May nakalutang!
05:59.0
Ano? Itlog din ba?
06:01.4
Hindi! Ayan o, ta!
06:05.0
Kung akala nyo titigil na kami nun sa pagligo, eh pwes hindi.
06:11.6
Kasi lilipat lang kami ng ibang lugar nun na liliguan, yung malinis syempre.
06:15.8
Yung kuya ko nun, sasama siya dun sa iba pang nanghuhuli ng mga isdang nakawala sa palisdaan.
06:21.4
P.S. Hindi pag nanakaw yan ah, kasi wala naman na sa loob ng palisdaan nila yung mga isda.
06:29.3
Tsaka dati, habang nagliligo kami, gumagawa pa kami ng bangka nun gamit yung sanga ng mga saging.
06:35.4
Tapos magkakarera pa kami nun.
06:38.7
Pagkatapos kong maligo, maghahanap naman kami ng mga naputol na puno nun para akyatan at maglaro.
06:44.3
Yung yuyugyugin pa namin yung mga sanga nun.
06:46.9
Tapos swerte namin kapag may bunga pa yun kasi kukuhanin namin yun.
06:51.1
Kadalasan manggay yung puno.
06:56.5
Kapag sawa na kami maglaro, uuwi na kami kasi magutom na.
07:00.6
Ang sarap kayang kumain kapag bagong ahon sa tubig. Kayo din ba?
07:05.8
O, kumain ka na dyan.
07:08.1
Kanina pa kita hinahanap, sabi mo saglit ka lang.
07:11.4
Tay, saan po galing yung bango sa tilapya natin?
07:14.6
Huli ng kuya mo yan.
07:20.3
Tatay, namimiss ko na si nanay.
07:23.4
Kamusta na kaya siya?
07:24.8
Mabait kaya yung amo niya?
07:26.5
Di na din umabot ng isang buwan si nanay sa pinagsiswelduhan niya noon kasi sinundo na rin siya ni tatay.
07:35.0
Di kasi talaga namin kayang mawalay ng matagal sa isa't isa eh.
07:40.4
Isa lang ang gusto kong iparating sa inyo sa kwentong to.
07:43.6
Na kahit anong lakas pa ng bagyo ang dumating sa buhay natin, makakaahon at makakaahon pa din tayo.
07:49.3
Na kahit masalanta tayo, eh makakahanap pa din tayo ng bright side sa buhay natin para maging masaya kahit papano.
07:59.0
Kayo, ano yung di nyo malilimutang experience tuwi nagbabagyo?
08:02.9
Share nyo din dyan sa baba.
08:04.4
Comment kayo at share nyo din tong video sa mga kakilala nyo na makakarelate dito.
08:09.2
Thank you for watching at see you on my next video.
08:26.5
Thank you for watching!