"Dahil sa KANILA, hindi na ulit nag-OVERTIME nang mag-isa sa CUBAO OFFICE!" | HILAKBOT
00:41.0
or minsan ay hanggang alas 9 ng gabi
00:44.0
dahil sa workload
00:46.0
at dahil na rin sa nakasanayan kong tumambay muna bago umuwi
00:50.0
para makaiwas na rin sa siksikan
00:53.0
maging sa traffic ng bus sa EDSA.
00:58.0
Nasa top 7th floor po
01:01.0
and corner floor po yung assigned workplace ko noong time na yun.
01:06.0
Nakaharap ako sa pader
01:08.0
kaya most of the time
01:10.0
nakatalikod ako sa buong office floor namin.
01:15.0
Sanay na sanay na rin naman po ako that time
01:18.0
lalong lalo na kapag sumasapit ang alas 8 ng gabi
01:23.0
ako na lang ang naiiwan sa buong 7th floor
01:26.0
since lahat po ay nagsisi uwian na.
01:30.0
Sa mga ganitong oras
01:32.0
ay hindi na rin po bago sa akin
01:34.0
ang makadinig ng mga kaluskos
01:37.0
o kaya ingay ng mga papel
01:40.0
na parang binubuklat
01:43.0
o kaya ay kinukusot.
01:47.0
ang mga tunog na parang may bumabangga
01:51.0
sa ibang mga upuan.
01:54.0
Since naka-face nga po ako sa corner wall
01:57.0
madalas akong lumilingon
01:59.0
kapag nadidinig ko na ang ingay na yun.
02:03.0
Hindi naman din talaga ako matatakutin sa mga ganon bagay sir Red
02:07.0
kaya hindi ko rin alintana na lumingon
02:10.0
o tanawin ang malawak na opisina
02:12.0
kung saan ba nanggagaling ang mga tunog.
02:18.0
since ako na lamang ang tao sa floor namin
02:21.0
ay nagpapatutog na lang ako ng mga kantag
02:24.0
galing sa aking phone
02:25.0
at naka loudspeaker pa.
02:28.0
Lahat ng iyo na ay nakagawian ko na
02:31.0
hanggang sa may mangyari sa aking kakaiba
02:35.0
sa mismong opisina.
02:42.0
Same scenario naman ito sir Red
02:45.0
nung isang gabing yun.
02:48.0
at ako na lang ang mag-isa sa 7th floor.
02:52.0
Nag-start na naman ako na magpatunog ng malakas sa phone ko
02:56.0
para ma-distract yung isipan ko
02:58.0
dahil talagang sobrang tahimik na ng palikid
03:01.0
kaya talagang madidinig mo
03:03.0
kahit yung mga maliliit na ingay
03:06.0
na nanggagaling sa mga gilid.
03:09.0
Sa dami nga ng ginagawa ko nung time na iyon
03:12.0
halos hindi ko na rin punapansin
03:15.0
na 8.42pm na yun.
03:18.0
Asin ito talagang saktong oras pagkatingin ko.
03:22.0
Nawala na nga din ako sa focus ko sa ginagawa
03:26.0
dahil bigla pong nag-iba ang pakiramdam ko sa paligid.
03:32.0
Ang una kong napansin
03:34.0
ay yung mga balahibo ko sa kamay.
03:37.0
Bigla silang nagsitayuan
03:39.0
at nakaramdam ako nakakaibang lamig
03:41.0
na hindi po talaga normal sa tamang buga ng aircon.
03:46.0
Agad kong inikot yung upuan ko
03:48.0
para makalingon at makita yung buong floor nung office.
03:55.0
at nilibot ng saglit yung bawat table
03:58.0
at i-ilang mga cubicare sa buong 7th floor.
04:03.0
Chinek ko yung temperature ng aircon kung nagbago ba
04:07.0
pero wala naman ako nakitang kakaiba
04:09.0
o kahit man lang mali.
04:13.0
Matapos kong ang icheck
04:14.0
ay bumalik na rin ako sa pagkakaupo.
04:18.0
Humarap na lamang ako sa pader
04:20.0
o dun sa corner kung saan talaga ako humaharap
04:23.0
at ipinagpatuloy ko ang ginagawa
04:25.0
habang nagpapatugtog.
04:28.0
Pero ng ilang sandal pa lamang ang aking nagagawa
04:32.0
naramdaman ko sa carpet floor ng office namin
04:36.0
na parang may naglalakad ng pabalik-balik
04:40.0
as in nasa likod ko lang.
04:45.0
Mabilisan kong nilingon iyon
04:47.0
ngunit wala pong kahit nasino
04:50.0
as in walang tao.
04:53.0
So habang iginagala ko ang paningin sa buong floor namin nayon
04:58.0
bigla na rin akong nakarinig
05:00.0
na parang mga hakbang na gumagasga sa carpet
05:04.0
ngunit hindi ko mapinpoint kung saan nang gagaling.
05:08.0
Dali-dali ko na lamang pong pinatahimik yung phone ko
05:11.0
at pinatay ko yung aircon
05:13.0
para totally wala akong madidinig na kahit na anumang mga ingay sa paligid
05:19.0
at nang matuntun ko kung saan nang gagaling yung ingay nayon.
05:26.0
Habang chinecheck ko ang mga table at maging yung cubicle
05:31.0
napapansin ko na parang gumagalaw din yung pinanggagalingan ng tunog.
05:39.0
Nakaramdam talaga ako ng hilakbot noon sir Red
05:43.0
at otomatikong gumapang sa katawan ko.
05:47.0
Narealize ko na lamang
05:49.0
na yung tunog na parang gumagasgas na hakbang
05:53.0
ay nagmumula sa likod ko.
05:57.0
Parang sumusunod sa bawat lakad ko
06:01.0
at nagtatago lamang sa likuran ko.
06:04.0
Huminga ako ng malalim
06:06.0
at dali-daling naglakad
06:08.0
habang bahagyang nakayo ko patungo sa pwesto ko
06:12.0
upang isarado ang laptop at ilagay sa cabinet.
06:17.0
Di ko na niligpit yung mga papel na tinatrabaho ko kanina
06:20.0
at yung mga gamit as inagkalat sa desk ko.
06:25.0
Dali-dali kong kinuha yung bag ko
06:27.0
at patuloy na naglakad papunta sa sasabihin ko.
06:31.0
Patuloy na naglakad papunta sa 7th floor lobby
06:34.0
upang magabang ng elevator.
06:40.0
tuloy-tuloy ko paring nadidinig
06:42.0
yung gasgas na hakbang na iyon na nanggagaling sa likod.
06:48.0
Hindi ko na rin inisip
06:50.0
na patayin yung ilaw sa floor na iyon
06:53.0
na dapat ay gawin ng kung sino mang huling lalabas sa aming opisina.
06:59.0
Pagkalabas sa floor lobby,
07:01.0
ay paulit-ulit ko pang pinindot yung up button
07:05.0
habang nakatayo sa mismong pinto nung elevator.
07:09.0
Makailang saglit pa
07:11.0
ay nagulat ako nang biglang may lumabas na lalaki sa elevator
07:16.0
at agad-agad akong napagilid at nagsorry
07:19.0
dahil baka mag-anak siya nung presidente ng kumpanya namin
07:23.0
at baka patungo din siya sa president's office
07:27.0
na matatagpuan din sa same floor.
07:31.0
Matapos niyang dumaan,
07:33.0
agad-agad na rin akong pumasok sa elevator at pinindot yung down.
07:39.0
Habang pababa na yung elevator,
07:42.0
nakaramdam din ako kahit kokonte ng ginhawa sa pakiramdam
07:47.0
ngunit bigla akong naisip yung lalaking na kasalubungan ko sa elevator.
07:53.0
Bahagya ko lang kasing nasulyapan yung lalaki
07:56.0
dahil na rin sa nagmamadali ako
07:58.0
pero sure akong naka-formal attire siya.
08:02.0
White na short-sleeve polo,
08:05.0
may dalang black na case
08:07.0
at medyo maputi na yung buhok at masasabi kong may edad na.
08:12.0
Mabango yung amoy niya nung nag-pass by siya
08:15.0
at hindi ko mawari kung anong klaseng pabango yun.
08:19.0
Nang nasa ground floor na ako at mag-a-out na sa logbook ni kuyang guard,
08:23.0
tinanong niya ako kung napatay ko daw ba yung ilaw at aircon bago ako lumabas.
08:29.0
Ang sabi ko, yung aircon lang ang nasara ko pero yung ilaw ay hindi.
08:36.0
Idinugtong ko rin na okay lang naman kasi may umakyat pa din naman sa second floor na papunta sa president's office.
08:46.0
Natigilan si kuya guard at tumitig lamang sa akin ng makahulugan.
08:51.0
Tinanong ko siya kung may mali sa nasabi ko.
08:55.0
Sinabi niya sa akin agad na ako nalang daw ang tao sa taas
09:01.0
at wala naman siyang pinapasok o pinaakyat na kahit sino maliban sa mga nakalag na mag-o-overtime katulad ko.
09:13.0
Dagdag pa niya, sa lahat daw nang nag-overtime ay ako nalang ang hindi lumalabas
09:19.0
na siya namang mapapatunayan nang nilingon ko yung overtime logbook na hawak ko.
09:26.0
Ako ang pinakahuling pumirma doon.
09:30.0
Ako nalang din pala ang hinihintay na lumabas bago isara ang building.
09:37.0
Nagtatalo na sa isip ko ang mga nangyayari.
09:42.0
Pasimula doon sa parang gasgas na humahakbang hanggang sa kung sino yung nakasalubungan ko.
09:50.0
Muli ay ginapangan ako ng hilakbot sa katawan.
09:55.0
Pinauwi na lamang ako ni Kuya Guard at baka istres daw ako.
09:59.0
Baka daw napapagod na ako sa kaka-overtime.
10:03.0
Sa aking pag-uwi, madadaanan ko sa aking paglalakad ang kilalang tumpok ng tindahan ng mga bulaklak sa Kubaw
10:12.0
bago makarating sa sakayan ng bus sa Maygawing BDO.
10:17.0
Habang naglalakad ako sa bulaklakan, doon ngay may sumagi sa aking isipan.
10:25.0
Naamoy ko yung pamilyar na amoy.
10:29.0
Parehong-pareho ito sa amoy nung nakasalubungan kong nalaki na lumabas sa elevator kanina
10:36.0
at akala ko ay papunta sa President's Office.
10:42.0
Muli akong nakaramdam ng takot.
10:46.0
Kahit na madami pang tao sa daanan nun sa red.
10:50.0
Tumingin na lamang ako sa paligid hanggang sabiglang mawala ang atensyon ko dahil inalok ako ng tindera doon sa isang stall sa mga bulaklakan.
11:01.0
Tumanggi ako at sinabing hindi naman ako bibili.
11:04.0
Ngunit nagtanong ako kung sa bulaklak ba nila nanggagaling yung amoy na kinatatakutan ko.
11:11.0
Isa-isa niyang itinuro at sa katunay ay prinesyuhan pa nga yung mga bulaklak na sa tingin niya ay pinagmumula nung tinutukoy kong amoy.
11:22.0
Napatigil ako sa huling itinuro niyang bulaklak.
11:26.0
Yung puti at nakalagay sa parang stand.
11:31.0
Doon ngay na-confirm ko na yun yung naamoy ko kanina sa lalaki.
11:35.0
Parehong-pareho sa nakasalubungan ko sa elevator.
11:42.0
Biglang nagsalita si ating tindera na bakit daw yun ang inaamoy ko.
11:49.0
E bulaklak daw para sa patay yun.
11:53.0
Natigilan ako ng bahagya at nang makabwelo ay agad-agad akong napabilis ng lakad papunta sa sakaya ng bus.
12:02.0
Wala na rin akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao dahil nagtataka sa ikinikilos ko.
12:09.0
Pero ang iniisip ko lang talaga noon ay makauwi.
12:14.0
Hindi talaga ako nakatulog nung gabing Iyon Seren na siyang nagrisulta para hindi ako makapasok kinabukasan at sa mga sumunod na dalawang araw pa.
12:25.0
Simula nga po noon ay hindi na rin ako nagpagabi sa opisina kahit na madami pa akong gagawin.
12:34.0
Never na rin ako nagpaiwang mag-isa hanggang sa tuluyan na nga rin akong mag-decide na mag-resign last year.
12:45.0
Ito po yung una kong kananasan sa ganitong klaseng mga bagay.
12:48.0
Pwedeng sabihin talaga nung ilan sa mga nakikinig na baka produkto lamang ito ng kapaguran ko sa lahat na mga nangyari sa akin noong nagdaanggabi nung mga panahon yun.
13:00.0
Ngunit para sa akin ay totoong totoo po ito.
13:18.0
If you liked this scary story, hit like, leave a comment, and share our episode in your social media.
13:46.0
Supportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media. Check the links sa description section.
13:53.0
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog horror stories, series, and news segments.
14:01.0
Supportahan din ang ating mga brother channels, ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog horrors.
14:08.0
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for a weekly dose of strange facts and haunting histories.
14:13.0
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HDV Positive!
14:19.0
Mga Solid HDV Positive! Ako po si Red, at inaanyayahan ko po kayo na supportahan ang ating bunsong channel, ang Pulang Likido Animated Horror Stories. Subscribe na or else!
14:37.0
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio.
14:45.0
Your first 24x7 non-stop Tagalog horror stories sa YouTube!