00:58.2
At ikaw bilang isang business owner o nagbabalak pa lang na magsimula ng negosyo,
01:03.2
responsibilidad mo na matutunan kung paano patakbuhin ng maayos ang iyong negosyo
01:08.2
at iwasan ang common na pagkakamali na ginagawa ng ibang business owner.
01:12.7
Kaya naman sa video natin ngayon,
01:14.7
ibabahagi ko sayo ang 7 business mistakes na dapat mong iwasan para lalo mo pang mapalago ang iyong negosyo.
01:21.7
Siguraduhin mapanood mo ang buong video at malista mo ang mga mahahalagang aral.
01:26.7
So hindi na natin patatagalin pa at simulan na nating talakayin
01:30.7
ang unang business mistake na dapat mong iwasan.
01:35.7
Number 1. Ang hindi pagkakaroon ng business plan.
01:39.7
Ayon sa sinabi ng sikat na author na si Dale Carnegie,
01:42.7
an hour of planning can save you 10 hours of doing.
01:46.7
Ang paggawa ng business plan ay ang unang bagay na dapat mong gawin bago ka magsimula ng iyong negosyo.
01:52.2
Kahit mga established companies at startups ay merong business plan
01:56.2
dahil dito nakapaloob ang iyong mga plano kung paano mo maa-achieve ang iyong target.
02:01.2
Karamihan sa mga negosyo na nag-fail,
02:03.7
yun ay dahil ang business owner ay nagsisimula na walang business plan.
02:08.2
Sa tingin nila ay ok na na meron silang produkto at sapat na ito para magsimulang magnegosyo.
02:13.7
Pero hindi ito ang ginagawa ng mga matagumpay na business owner.
02:17.2
Bago sila nagsimula, gumagawa muna sila ng business plan dahil nakafocus sila sa long term.
02:22.7
So ano ba ang business plan at bakit mo ito kailangan?
02:26.7
Ang business plan ay isang document na kung saan ay nakasulat ang goal ng iyong negosyo
02:31.7
at ang detalyadong plano at strategies na kailangan mong gawin para maabot ang iyong goal.
02:36.7
Pwede mong isulat sa iyong business plan ang mission ng iyong negosyo,
02:40.7
kung sino ang iyong mga target customers, ang iyong marketing plan,
02:44.7
ang finance o perang kailangan sa pag-ooperate, operation, timeline at iba pa.
02:50.7
Kung gagawa ka ng iyong business plan,
02:52.7
hindi mo kailangan sundin ang template ng ibang kumpanya at isulat lahat ng business plan elements.
02:58.7
Kahit isang page na business plan ay pwede na.
03:01.7
Isulat mo lang kung ano ang kailangan at mahalaga sa iyong negosyo.
03:05.7
Kung bakit mahalaga ang paggawa ng business plan,
03:08.7
yun ay dahil matutulungan ka nitong mamanage at mapatakbo ng maayos ang iyong negosyo.
03:13.7
At isa pa, madalas sa mga bangko at mga investor ay humihingi ng business plan
03:18.7
dahil uobserbahan muna nila ito ng mabuti bago sila gagawa ng desisyon na magbigay ng kapital.
03:24.7
Kaya kung nagsisimula ka pa lang sa iyong negosyo at gusto mong mapalago ito sa long term,
03:29.7
huwag mong kalimutan gumawa ng business plan.
03:34.7
Number 2. Hindi mo na mamanage ang iyong pera
03:38.7
Mapapersonal man o negosyo,
03:40.7
ang karunungan sa pagmamanage ng iyong pera ay mahalaga kung gusto mong magtagumpay.
03:44.7
Para mapalago mo ang iyong negosyo, dapat ay uwasan mo ang mag-mismanage ng iyong pera.
03:50.7
Dahil ayon sa nagawang pag-aaral ng U.S. Bank,
03:53.7
ang pinakamalaking dahilan kung bakit majority sa mga small businesses ay nag-fail,
03:58.7
yun ay dahil sa poor cash flow management.
04:00.7
Hindi dapat natin kalimutan na pera ang isa sa mahalagang parte ng negosyo.
04:05.7
Pera ang dahilan kung bakit nagkatotoo ang ideya
04:08.7
at pera rin ang dahilan kung bakit nananatili ang isang negosyo.
04:12.7
Ang kakulangan sa financial management ay isa sa business mistake na dapat mong iwasan.
04:17.7
Kung nagpapatakbo ka ng negosyo,
04:19.7
dapat ay meron kang awareness sa perang pumapasok at lumalabas dito.
04:24.7
Kahit malaki na ito at profitable,
04:26.7
kailangan mo pa rin alamin ang takbo ng iyong finances.
04:29.7
Mga ilang tips kung paano mamanage mo ng maayos ang pera sa negosyo ay number 1.
04:34.7
I-monitor mo ang iyong paggastos.
04:37.7
Kapag hindi mo ito gagawin, malaki ang chance na mapapagastos ka ng sobra
04:42.7
at mapapagastos ka ng mga bagay na hindi mo kailangan sa iyong negosyo.
04:46.7
Number 2. Paghiwalayan mo ang iyong business account at personal account.
04:51.7
Mahihirapan kang i-monitor ang iyong pera sa negosyo
04:54.7
kung parehong account ang gamit mo sa iyong mga personal na pangangailangan.
04:58.7
Number 3. Ilista mo ang iyong mga bayaring.
05:02.7
Kung meron kang binabayaran na utang at renta buwan-buwan,
05:05.7
mahalagang mabayaran mo ang mga ito sa tamang panahon
05:08.7
para maiwasan mo ang penalty at interest
05:11.7
at para hindi rin mababawasan ang iyong reputasyon sa mga taong nagpapahiram sa iyo ng pera.
05:16.7
Number 4. Dapat ay meron kang magandang sistema sa pagpapautang.
05:21.7
Hindi lalago ang iyong negosyo kung karamihan sa iyong paninda ay inuutang.
05:26.7
Kaya piliin mo ng maayos ang pinapautang mo ng iyong mga paninda.
05:30.7
Number 5. Gumawa ka ng budget.
05:33.7
Dapat meron kang plano kung saan mo gagamitin ang iyong pera sa negosyo,
05:37.7
kung magkano ang gusto mong gastusin at magkano ang gusto mong itabi.
05:41.7
At Number 6. Dapat ay meron kang nakareservang pera.
05:45.7
Ang paghahanda sa mga unexpected na pangyayari ay kasama rin sa pagmamanage ng pera
05:51.7
dahil kapag merong emergency,
05:53.7
hindi mo pwedeng gamitin ang perang nakalaan lang sa iyong negosyo.
05:57.7
Kapag mamanage ng pera sa negosyo ay hindi masyadong nalalayo sa iyong personal finance.
06:02.7
Isa ito sa mahalagang skills na dapat mong matutunan para magsaksid ang iyong negosyo.
06:09.7
Number 3. Tinitipid mo ang magmarket.
06:12.7
Ayon sa sinabi ni Henry Ford,
06:14.7
those who stop marketing to save money are like those who stop a clock to save time.
06:20.7
Ang purpose ng marketing ay para mabigyan mo ng awareness ang mga tao sa iyong negosyo,
06:25.7
kung anong produkto at serbisyo ang kaya mong ibigay sa kanila.
06:29.7
Dahil napaka-obvious na kapag walang nakakaalam ng iyong produkto, wala rin bibili sayo.
06:34.7
Kung gusto mong makilala ang iyong negosyo sa mga tao at magkaroon ng maraming customers,
06:39.7
kailangan mong isama sa iyong business plan ang paggawa ng marketing strategy.
06:44.7
Dahil sa negosyo, mahalaga ang atensyon.
06:47.7
Kung alam na mga tao ang iyong produkto at serbisyo at anong binipisyo ang makukuha nila galing dito,
06:53.7
siguradong ikaw ang una nilang choice kung bibili sila.
06:56.7
Ayon sa data na ibinahagi ng statista,
06:59.7
ang Coca-Cola ay gumagastos ng average $4 billion taon-taon sa kanilang advertising worldwide.
07:06.7
Ang makukuhang aral natin dito ay kahit malaki at sikat na ang Coca-Cola,
07:10.7
hindi pa rin nila nakakalimutan ang kahalagahan ng marketing.
07:14.7
So kung gusto mong makuha ang atensyon ng mga tao at gusto mong pang dumami ang iyong customers,
07:20.7
huwag kang magtipid sa marketing.
07:23.7
Number four, ang pag-hire ng maling empleyado.
07:27.7
Ayon sa sinabi ni Josh Kaufman, ang author ng sikat na librong The Personal MBA,
07:32.7
ang bawat negosyo ay merong limang parte.
07:35.7
Merong value creation o pag-alam sa demand ng mga tao at paggawa ng produkto basis sa demand na iyon.
07:41.7
Merong marketing o pagbibigay awareness sa mga tao tungkol sa iyong produkto at serbisyo.
07:46.7
Merong sales o pagbibenta.
07:48.7
Merong value delivery o pagbibigay satisfaction sa iyong mga customers.
07:53.7
At merong finance o pagkakaroon ng pera para patuloy mong mapatakbo ang iyong negosyo.
07:59.7
Merong iba't ibang purpose ang bawat parte ng negosyo
08:02.7
at magkaiba rin ang skills ang kailangan para mag-function ito ng maayos.
08:06.7
Kaya napakahalagang meron kang empleyado na competent at dedicated sa kanyang trabaho.
08:12.7
Hindi sapat na meron lang willing magtrabaho para sa iyo.
08:15.7
Dapat ay meron din siyang skills na equal sa kanyang trabaho para makapag-produce siya ng magandang resulta
08:21.7
at para profitable din ang iyong investment sa iyong mga employee.
08:25.7
Kaya kung kailangan mo ng tauhan sa iyong negosyo, mas mabuting mag-set ka ng standard.
08:31.7
Huwag mong piliin agad ng mga kaibigan at kamag-anak.
08:34.7
Mahalagang alam mo pa rin kung competent ba sila sa trabaho.
08:39.7
Number five, ang hindi pag-adapt sa pagbabago ng market.
08:43.7
Normal na sa panahon natin ngayon ang mga disruptors
08:47.7
o mga kumpanya na kayang baguhin ang nakasanayang gawain at preference ng mga tao
08:52.7
at posibleng baguhin ang isang industry.
08:54.7
Mga ilang halimbawa ng disruptors ay ang Amazon.
08:58.7
Sa halip na pupunta ka pa ng physical store para bumili ng gamit,
09:01.7
kaya mo nang mag-process ng iyong order online.
09:05.7
Kung dati ay nagre-renta ka pa o bumibili ng DVD para makapanood ng paborito mong palabas,
09:11.7
ngayon ay kaya mo nang manood ng maraming movies sa iyong cellphone o laptop.
09:16.7
Ito na ang modern at upgraded version ng taxi.
09:19.7
Mabilis na ang pagbabago ngayon.
09:22.7
Madalas ay hindi mo mamamalayan na meron na palang bagong pamamaraan sa pagpapatakbo ng isang negosyo.
09:28.7
Kaya kung gusto mong magtagumpay ang iyong negosyo, dapat ay willing ka rin na mag-adapt sa pagbabago ng market.
09:34.7
Tingnan na lang natin kung ano ang nangyari sa Blackberry at Nokia.
09:38.7
Kahit sila ang number one sa market noon at mataas ang demand sa kanila mga cellphone,
09:43.7
nawalan pa rin sila ng negosyo at nakakalimutan na natin sila ngayon dahil hindi sila nakasabay sa pagbabago.
09:50.7
Mahalagang i-welcome mo ang pagbabago para patuloy ka lang sa pag-innovate ng iyong produkto
09:55.7
at para palagi mong maibigay ang kasalukuyang demand ng mga tao.
10:00.7
Number six, mag-isa ka lang na nagtatrabaho sa iyong negosyo.
10:05.7
Merong kasabihan na if you want to go fast, go alone.
10:09.7
If you want to go far, go together.
10:12.7
Kung nagsisimula ka pa lang at maliit pa ang iyong negosyo, okay lang na mag-isa ka lang na nagtatrabaho.
10:18.7
Pero kung malaki na ang iyong negosyo at marami ka ng customers,
10:21.7
kailangan mo nang mag-hire ng ibang tao dahil limited lang ang iyong magagawa kung mag-isa ka lang
10:26.7
at matinding stress din ang aabutin kung patuloy mo itong gagawin.
10:31.7
Kahit kaya mong patakbuhin ang iyong negosyo na mag-isa,
10:34.7
hindi ibig sabihin na kailangan mo itong gawin.
10:37.7
Bilang business owner, kailangan mong mag-focus sa pagpapalaki ng iyong negosyo
10:41.7
at mahalagang mag-hire ka ng mga tao para meron kang katulong sa pag-execute ng iyong mga plano.
10:47.7
Isang malaking pagkakamali kung iisipin mo na okay lang na mag-isa ka lang sa iyong negosyo.
10:52.7
Dahil ang katotohanan, kailangan mo ng katulong.
10:56.7
Kung gusto mong mabawasan ang iyong stress,
10:58.7
magkaroon ng ekstrang oras para gawin ang ibang bagay na mahalaga sa iyo
11:02.7
at mapalago ng mabilis ang iyong negosyo, dapat ay hindi ka mag-isa na nagtatrabaho.
11:09.7
Number 7. Underpricing
11:11.7
Ito ang common na pagkakamali na ginagawa ng mga bagong business owner.
11:15.7
Binibenta nila ng mura ang kanilang produkto at servisyo
11:19.7
para marami ang gustong bumili at ma-outshine ang kanilang mga kompetitor.
11:23.7
Naniniwala sila na ito ang magandang strategy sa pagsisimula ng negosyo.
11:28.7
Pero ang hindi nila alam, merong negative consequences ang ganitong desisyon.
11:33.7
Una, marami kang benta pero wala kang profit.
11:37.7
Dahil sa mura ang iyong produkto, wala kang sapat na perang matitira pagkatapos ng iyong mga expenses.
11:43.7
Pangalawa, kapag mura ang isang produkto, ang madalas na pumapasok sa ating isipan ay low quality.
11:50.7
Mura nga pero baka madali lang masira o di kaya ay fake.
11:54.7
At pangatlo, mahihirapan kang i-adjust ang price ng iyong produkto sa hinaharap.
11:59.7
Kung sakaling gusto mo nang taasan ang presyo ng iyong produkto,
12:02.7
paniguradong mawawalan ka ng customers.
12:05.7
Dahil ayaw ng mga customers ang mabilis na pagbabago, lalong lalo na sa pagtaas ng price.
12:11.7
Iisipin nila kung gaano kamura ang iyong produkto noon at mabigat yun sa kanilang kaluuban kung tataasan mo ang presyo ng iyong produkto ngayon.
12:20.7
Kaya sa halip na mag-underprice o magbenta ng mura, presyohan mo ang iyong produkto base sa kanilang value.
12:27.7
Nang sa ganun ay meron kang sapat na profit at hindi maaapiktuhan ang iyong negosyo kung may pagbabago sa presyo sa hinaharap.
12:36.7
So in summary, ang 7 pagkakamali sa negosyo na dapat mong iwasan ay
12:41.7
1. Ang hindi pagkakaroon ng business plan
12:44.7
2. Hindi mo na mamanage ang iyong pera
12:48.7
3. Tinitipid mo ang mag-market
12:51.7
4. Ang pag-hire ng maling empleyado
12:54.7
5. Ang hindi pag-adapt sa pagbabago ng market
12:58.7
6. Mag-isa ka lang na nagtatrabaho sa iyong negosyo
13:02.7
At number 7, Underpricing
13:05.7
Aling bahagi ng ating video ang marami kang natutunan? Magbigay ka ng iyong comment sa ibaba.
13:11.7
Sana ay marami kang natutunan sa video natin ngayon.
13:15.7
Huwag kalimutang mag-subscribe sa aming YouTube channel para lagi kang updated sa mga bago naming videos.
13:20.7
Bisitahin mo na rin ang iba pa naming social media account at mag-follow.
13:24.7
I-like kung nagustuhan mo ang video, mag-comment ng iyong mga natutunan.
13:29.7
At i-share mo na rin ang video nito sa iyong mga kaibigan.
13:32.7
Maraming salamat sa panunood at sana ay magtagumpay ka!