Philippine American War (1899 - 1902) | Wars in the Philippines
00:54.8
Ngunit nagkaroon ng pagbabago sa mga namumuno sa gobyerno ng Espanya.
00:59.0
Ang dating partido ay napalitan ito ng Conservative Party at ang pagbabagong ito ay nagresulta sa pag-apoint ng bagong Governor General sa Pilipinas.
01:09.4
Ang bagong general ay hindi pamilyar sa sitwasyon sa pagitan ng mga Pilipino at Spanish government.
01:15.8
Dagdag pa rito ang namumoong tensyon sa pagitan ng Spain at US kasagsagan ito ng pagre-rebelde ng mga Cubano laban sa Espanya.
01:25.0
Dahil may interes din ang US sa Cuba, ay naging kakampi sila ng mga ito.
01:29.6
Bukod pa dito, gustong gusto na rin ang Amerika na palawaki ng kanilang impluensya.
01:34.8
Naghihintay lamang sila ng tamang tempo upang simulan ang gera laban sa Espanya.
01:41.2
Habang ang Espanya naman ay sinusubukan na huwag kalabanin ang Amerika dahil alam nila na malakas ito.
01:47.6
Ngunit, isang insidente ang nagbigay ng sapat na rason sa mga Amerikano upang tuluyang magdeklara ng war.
01:55.8
Ang ambasador ng Spain sa Amerika ay nagpadala ng liham sa kanyang kaibigan sa Cuba at ang laman ng liham na ito ay nagsasabing si President William McKinley ay isang mahinang lider.
02:07.8
Ninakaw ang liham na ito na na-publish sa mga newspaper, dahilan upang tuluyang uminit ang ulo ng mga Amerikano sa Espanya.
02:16.4
Bukod dito ay masama na ang pagtingin ng mga Amerikano sa Spain dahil sa di umano di mabuting pagtrato sa mga Amerikano na nasa Cuba.
02:25.6
Pero ang talagang nagsimula ng Spanish-American War ay ang pagsabog ng US warship na Maine sa Havana Harbor na ikinamatay ng 246 na katao.
02:36.4
Ang Havana ang kapital ng Cuba. Ibinintang ito ng US sa Spain kung kaya't mas lalong umigting ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
02:46.2
Noong April 25, 1898, nakatanggap ng telegrama si General George Dewey na noon ay nakapuesto na malapit sa Pilipinas.
02:55.2
Idineklara na ang simula ng war sa pagitan ng Spain at Amerikano. Ito ang hudyat niya upang magleag mula sa Mears Bay, malapit sa Hong Kong, patungong Manila Bay.
03:07.6
Umaga ng May 1, 1898, narating ni Dewey ang Manila Bay. Hindi niya doon naabutan ang puwersa ng Spain na noon ay nasa Sangley Point, Cavite.
03:17.6
Ipinagutos ni Dewey na bumalik sila patungo sa direksyon ng Sangley Point at nang masiguro niya na pwede nang tamaan ang mga puwersa ng Spain, inutusan niya ang kapitan ng flagship na Olympia.
03:29.5
Simulan mo ang magpaputok kung handa ka na, Gridley.
03:32.8
Halos massacre ang nangyari. Walang kalaban-laban ng Spain sa mga armas ng Amerika. Ang pagkapanalo na ito ng Amerika ang nagbigay ng excitement sa mga Amerikano na noon ay hindi alam kung nasaan sa mapa ang Pilipinas.
03:47.3
Matapos matalo ni General Dewey ang mga barko ng Spain sa Battle of Manila Bay, hinarangan niya ang Intramuros upang walang makaalis o makapasok na barko mula sa Espanya.
03:59.1
Sa kasagsagan nito, si Aguinaldo at ang kanyang government na in exile ay nasa Hong Kong. Nabalitaan nila ang kaguluhang na ganap sa pagitan ng Spain at Amerika at napagtanto na oportunidad ito upang tuluyang patalsikin ang mga Espanyol sa Pilipinas.
04:15.7
Ngunit noong panahon nito ay nagkakaroon ng tensyon sa loob ng kanilang grupo dahil sa hatian sa pera na natanggap mula sa gobyerno ng Spain noong pinirmahan nila ang biyak na bato.
04:27.3
Dahil dito, dinemanda ni Isabelo Artacho si Aguinaldo. Hindi dinaluhan ni Aguinaldo ang hearing. Tumakas siya patungong Singapore kasama si Gregorio del Pilar at Jay Leyva.
04:39.6
Doon ay kinausap siya ni E. Spencer Pratt, ang American Consul sa Singapore. Dito sinabihan ni Pratt si Aguinaldo na magtiwala at lumaban kasama ang Amerika laban sa Espanya.
04:51.4
Nagpahayag naman si Aguinaldo ng kanyang kagustuhan na bumalik sa Pilipinas upang muling simula ng revolusyon. Sinabi ito ni Pratt kay Dewey na kaagad namang sinabi na pabalikin si Aguinaldo sa Hong Kong.
05:03.6
Ngunit noong bumalik siya, nakaalis na ng Hong Kong si General Dewey. Ngunit inabutan naman niya ang American Consul sa Hong Kong na si Roonzeville Wildman at sinabi nito sa kanya na nag-iwan ng utos si Dewey para sa pagbabalik ni Aguinaldo sa Pilipinas.
05:19.3
Inabisuhan niya pa ang general na magtayo ng military government pagdating sa Pilipinas. Ngunit pagkatapos ng gera, dapat ay pareho sa US ang gobyernong kanyang itatayo.
05:30.3
Kasunod nito, inutusan ni Aguinaldo si Wildman na bumili ng mga armas para sa Pilipinas. Ang unang batch ng mga armas ay nabili niya pa, ngunit ang pangalawa ay hindi na. Hindi niya na rin ibinigay pabalik kay Aguinaldo ang pera.
05:45.3
Bago bumalik sa Pilipinas ay nagkaroon ng meeting ang Hong Kong Junta, ang gobyerno ni Aguinaldo sa Hong Kong. Sa meeting na ito, ay tuluyang napagdesisyonan na dapat silang bumalik sa Pilipinas upang muling lumaban.
05:58.3
Tuluyan siyang nakabalik sa Cavite noong May 1988. Pagkatapos nito, ay nag-usap sila ni General Dewey sa flagship na Olympia kung saan sinabi niya na walang intensyon ng Amerika na gawing kolonya ang Pilipinas.
06:13.3
Ang balitang bumalik na si Aguinaldo sa Pilipinas ay muling bumuhay sa mga Pilipino. Marami sa kanila ang nag-volunteer para sa panibagong revolusyon at sa mga panahong ito ay isa-isa nang bumabagsak ang mga probinsya sa kamay ng mga rebeldeng Pilipino, at unti-unti nang humihina ang kapangyarihan ng Spain sa Pilipinas.
06:34.3
Halos buong Luzon, maliban sa Cavite at Port of Manila ay nasa kamay na ng mga Pilipino. Ngunit, iba ang takbo ng tadhana para sa mga Pilipino. Walang plano ang mga Amerikano noong panahong ito na atakihin ang Intramuros dahil kulang ang kanilang mga sundalo.
06:51.3
Ang grupo naman ni Aguinaldo ay pinalibutan ang Intramuros at pinutol ang supply ng mga pagkain at tubig. Kaya naman, gutom at uhaw ang inabot ng mga naninirahan sa loob. Sinabihan ni Aguinaldo ang noon ay Governor General na si Agustin na sumurender na, ngunit hindi ito sumuko dahil ito ay kalapastanganan sa kanilang Code of Honor.
07:15.3
Noong dumating ang reinforcement mula sa Amerika, dito na nagsimula ang paghahanda para sa pagkatake sa Manila. Habang nangyayari ito ay sinubukan ni Dewey na kausapin si General Agustin para sumurender sa pamamagitan ng Belgian Consul. Alam na ni Agustin na tiyak na sila ay matatalo kaya't may plano na siyang sumuko ngunit nang malaman ito ng Peninsular Government, pinalitan nila si Agustin at ginawang Heneral si Haudene.
07:41.3
Ngunit alam din ni Haudene na tiyak na ang kanilang pagkatalo kaya't upang hindi mapahiya, nakipagnegosasyon siya kay General Dewey at kay General Merritt na magkaroon ng mock battle upang hindi sila masyadong mapahiya. Sumangayon dito si Dewey, ngunit sinabi ni Haudene na hindi dapat makapasok ang mga rebeldem Pilipino sa pagdadausan ng mock battle. Sumangayon dito si Dewey at sinabi pa na hindi nila hahayaan na makapasok ang mga Pilipinong rebelde.
08:09.3
Habang nangyayari ito, naniniwala pa rin ang mga Pilipino na kakampi nila ang mga Amerikano. Noong mga panahon ito ay halos kontrolado na ng mga Pilipino ang buong Manila. Sila din ang nagsilbing watchdog sa mga Espanyol na nasa Intramuros. Ngunit noong dumating na ang reinforcement mula sa Amerika, sinabihan ng mga Pilipino na umalis na sa Bayside ang Intramuros dahil ito ay popwestuhan ng mga Amerikano.
08:36.3
Noong una ay sinabi ni Aguinaldo na dapat ay nakasulat ang utos na ito mula kay General Merritt. Sinabi naman ng Heneral na gagawin niya ito matapos nilang lisanin ang Bayside. Ginawa ito ng mga Pilipino. Ngunit ang nakapagtataka ay sunod-sunod pa rin ang pagdating ng mga reinforcement mula sa Amerika kahit halos matalo na ng mga Pilipino ang mga Espanyol. Dito na nagduda ang gobyerno ni Aguinaldo sa totoong layunin ng mga Amerikano.
09:03.3
Ang Amerika naman ay unti-unting pumuesto para sa kanilang mock battle, habang si General Anderson ay nagpadala ng telegrama kay Aguinaldo at sinabing huwag pumasok o pumuesto sa Passig River dahil sila ay papuputukan.
09:17.3
August 13, tuluyang nangyari ang mock battle matapos ang ilang negosasyon kay Heneral Jodene kahit na sinabihang huwag sumali sa pag-atake. Pinusisyon pa rin ni Aguinaldo ang mga Pilipino sa left plank ni General MacArthur. Tumagal ng ilang oras ang mock battle at bandang 1130 itinaas ng mga Espanyol ang puting bandila, senyales ng kanilang pagsuko.
09:41.3
Habang nangyayari ang lahat ng ito sa Manila, ay nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan ng Amerika at Espanya para sa pagkakaroon ng peace treaty. At habang nagaganap ito, ay napagkasunduan na dapat walang munang putukan sa pagitan ng dalawang kampo. Ngunit dahil pinutol ni Dewey ang lahat ng uri ng komunikasyon patungo sa Manila matapos ang Battle of Manila Bay, ay hindi na niya natanggap ang telegrama na nagsasabi nito.
10:07.3
Matapos mapirmahan ng Treaty of Paris, pinalabas naman ni President McKinley ang Benevolent Assimilation na naglalaman ng totoong intensyon ng Amerika sa Pilipinas. Nakasaad sa dokumentong ito na magiging kontrolado ng United States ang gobyerno ng Pilipinas. Noong mabasa ito ni General Oris, nakita niyang maaaring maging negatibo ang dating nito sa mga Pilipino.
10:30.3
Dahil ang nais ng Amerika ay makuha ang loob ng mga Pilipino at upang makuha ang kanilang loob, hindi dapat nila maramdaman na sasakupin sila. Kaya't noong ilinathala ang Benevolent Assimilation, binago ni Otis ang ibang parte nito upang ang dating ay, nandito ang Amerika upang tulungan ang mga Pilipino.
10:50.3
Ngunit si General Miller sa Iloilo ay inilathala ang orihinal na bersyon nito, napasakama ito ng mga revolusyonaryo at nalaman ang totoong nais ng Amerika. Binatikos ito ni Luna sa pahayagang La Independencia. Kasunod nito, nagpalabas naman ang Counter Proclamation si Aguinaldo o pagkontra sa proclamation na ito.
11:12.3
Malinis ang layunin dito ni Aguinaldo, ngunit para kay Oris, ang Counter Proclamation na ito ay nangangahulugang naghahanap ng gera si Aguinaldo. Sinubukan pa ng pamahalaan ni Aguinaldo na pakalmahin ang tensyon na nangyayari sa pagitan ng dalawang kampo. Nakipag-usap sila sa mga Amerikano sa isang conference.
11:30.3
Pinaniwala naman sila ng mga ito na pakikinggan nila ang mga hinahing ng mga Pilipino, ngunit naging taktika lamang nila ito upang huwag munang magkaroon ng labanan sa pagitan ng dalawang kapo, dahil wala pa ang kanilang reinforcement.
11:45.3
Ang lumalalang tensyon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas ay tuluyang pumutok noong February 4, 1899, nang magkaharap ang mga Amerikano at Pilipinong sundalo sa San Juan Bridge. Ayon kay Private William Grayson, noong nakasalubong niya ang armadong mga sundalong Pilipino, sumigaw siya ng Halt, ngunit patuloy itong gumalaw. Sumigaw siya muli ng Halt, sumigaw naman pabalik ang sundalo ng Halto.
12:12.3
Dito na niya pinaputukan ang sundalo. Agad itong gumagsak. Noong sumunod na araw, nakaabot ito kay MacArthur. Nang malaman ito, hindi nagdalawang isip si MacArthur na ideklara ang pagsisimula ng gera sa pagitan ng dalawang kampo. Si Aguinaldo naman ay sinubukan pang padalhan ng liham si Ores upang linawi na hindi kautusan ni Aguinaldo ang gulong nangyari. Ngunit ang sabi ni Otis, dahil nagsimula na ang kaguluhan, ipagpatuloy na lamang ito.
12:41.3
Sinubukan pa ni Aguinaldo na paimbestigahan ang nangyari, ngunit ang mga Amerikano ay nagsimula nang atakihin ang iba't ibang parte ng Manila. Napasakamay nila ang Pasig at iba pang lungsod sa Maynila. Pagkatapos mapasakamay ang La Loma, sunod nilang naging target ang Kaluokan kung saan naghihintay si Heneral Luna. Nanalo ang mga Amerikano dito, ngunit nagkaroon ng plano si Luna na muling kunin ang Manila. Ngunit nabigo siya dito.
13:08.3
Tumakas siya papuntang Pulo kung saan itinatag niya ang kanyang headquarters. Noong dumading ang reinforcement ng mga Amerikano, nakuha nila ang Pulo at narating ang Malolos kung nasaan ang gobyerno ni Aguinaldo. Tumakas naman si Aguinaldo at ang Republika patungong San Isidro, Nueva Ecija. Pagkatapos magpahinga ng saglit sa Malolos ay sinunod naman ni MacArthur ang Kalumpit. Maganda ang depensa dito ng mga sundalo ni Heneral Luna dahil nandyan ang Bagbag River.
13:37.3
na kailangan pang tawirin ng mga Amerikano. Ngunit nabigo silang depensahan nito. Ang dahilan, noon, ang mainiting ulo na si Luna ay kailangan pumunta sa Pampanga upang harapin si Mascardo at tanging si Heneral Gregorio del Pilar ang naiwan upang magdepensa. Natalo sila at dito na nagsimula ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga probinsya at lungsod sa mga Amerikano.
14:04.3
Sa kabilan ito, may namumoong tensyon sa loob ng gabinete ni Aguinaldo at nagresulta ito sa pagpatay kay Luna, na siyang may tanging kakayahan upang labanan ang mga Amerikano. Hindi nasunod ang mga plano ni Luna.
14:19.3
Sa ibang parte naman ng Pilipinas, naging pahirapan para sa mga Amerikano na makuha ang Iloilo sapagkat pinagutos ng mga rebelde na sunugin ang sentro ng Iloilo upang hindi ito magamit ng mga Amerikano bilang base ng kanilang operasyon. Ngunit napasakamay pa rin nila ito.
14:37.3
Sunod naman ang Cebu na hindi din naging madali sapagkat pinapatay ng mga rebelde ang mga sumusuko sa mga Amerikano kung kaya't hindi naging madaling kunin ang loob ng mga Cebuano. Ang Negros naman ay maka-Amerikano at kusang nakipag-alyansa sa kanila. Nagpasa pa sila ng konstitusyon sa mga ito.
14:56.3
Ang mga Muslim naman at Amerikano ay nagkaroon ng Bates Treaty kung saan sinubukang kunin ng mga Amerikano ang tiwala ng mga Muslim. Nakasulat sa treaty na ito ang sovereignty ng U.S. sa Sulu, ang respeto sa mga Muslim at marami pang kasunduan. Si Aguinaldo naman ay nagpalipat-lipat ng kampo.
15:16.3
Inakyat niya kasama ang pamilya at natitirang sundalo ang kabundukan hanggang sa narating nila ang Tirad Pass. Dito ay sinubukan ni Del Pilar na pigilan ang mga Amerikano na masundan si Aguinaldo habang siya ay tumatakas. Dito na din natakos ang buhay ng Batang Heneral.
15:34.3
Panoorin ang aming video tungkol kay Goyo para sa mas maraming detalye. Narating ni Aguinaldo ang palanan. Maraming sundalong Pilipino na ang sumurender dahil sa kawalan ng lakas na lumaban. Gusto na lamang nila ng kapayapaan.
15:49.3
Plano na noon ni Heneral Funston na nakadestino sa Nueva Ecija na hulihin si Aguinaldo. Ginamit niya ang mga makabebes at dalawang sundalong dati ay nasa Pilipino Army, sina Lazaro Segovia at Hilario Tal Placido.
16:05.3
March 23, katatapos lamang ng Kaarawan ng Pangulo, dumating sina Segovia at Placido na akala ay babati lamang ng maligayang Kaarawan sa Presidente. Hinintay muna nila na makaabot ang mga makabebes sa kampo nila Aguinaldo dala-dala ang mga Amerikano na nagpapanggap na nahuli ng mga makabebe.
16:25.3
Nang tama na ang tempo, nagbigay ng signal si Segovia na magpaputok. Noong una ay hindi ito pinansin nila Aguinaldo. May sumigaw pa na huwag magaksaya ng bala. Huli na ng makita ni Aguinaldo na patungo sa kanya ang mga bala. Hinila ni Tal Placido si Aguinaldo at inupuan siya. Mataba si Tal Placido kaya't walang nagawa ang Presidente laban sa kanya.
16:50.3
May iba-ibang bersyon kung paano nangyari ang kaguluhan ito, ngunit natapos ito sa pagpasok ni na Funston sa loob ng bahay at pag-aresto kay Aguinaldo sa ngalan ng United States. Dinala si Aguinaldo sa Manila.
17:05.3
April 1 ay nanumpa siya ng katapatan sa United States at April 19 ay nagpalabas siya ng proclamation na nagsasabing tanggapin ang sovereignty ng United States. Ngunit alam natin na hindi dito natapos ang mga labanan sa pagitan ng U.S. at mga natitirang puwersa na mga Pilipino. Nandyan pa sila Miguel Malvar, Macario Sakay at San Miguel at iba pang mga natitirang revolusyonaryo sa ibang parte ng Pilipinas.
17:33.3
Ang aral sa kwentong ito ay dapat hindi basta-bastang naniniwala sa sinasabi ng mga dayuhan o ng ibang tao. Lahat tayo ay may pansariling interes, kaya't una nating tingnan kung totoo ba talaga ang kanilang hangarin na tumulong o may gusto lang silang makuha sa atin.
18:03.3
Thank you for watching!