Pagsakop Ng Japan Sa Pilipinas WWII (1941–1945) | Wars in the Philippines
01:15.0
na magsilbi sa kanilang bayan. Ang U.S. naman ay walang planong sumali sa World War II noong una, ngunit isang pangyayari ang
01:23.0
nagbigay sa kanila ng rason. Ito ang pagbomba ng mga Japonese sa Pearl Harbor sa Hawaii. Alam ng Japan na makapangyarihan ng U.S.,
01:32.0
kaya't malaking sugal na kalabanin ito. Pero kailangan nilang maalis ang impluensya ng U.S. sa Southeast Asia upang makontrol nila
01:40.0
ang mga natural resources dito. Kapag may kontrol na sila dito, magiging madali na lang ang pagdepensa sa mga teritoryong nasakop nila sa Southeast Asia,
01:50.0
laban sa mga Western countries. Nang makita ng Japan na nasa Pearl Harbor ang American Pacific Fleet na pwedeng umatake o kumalaban sa kanila,
01:59.0
inunan nila itong sirain dahil sa pag-aakalang hahayaan lang ito ng U.S. Ngunit nagkamali ang Japan. Napakahalaga pala ng
02:09.0
Southeast Asia para sa U.S. Nung una pa lamang, alam na ng U.S. na strategic ang lokasyon ng Pilipinas sa Southeast Asia,
02:18.0
at malaki ang presensya nito sa Pacific. Ngunit sa paglakas ng kapangyarihan ng Japan, nagkaroon ng pangamba ang U.S.,
02:26.0
kaya napagpasyahan ng Commonwealth Assembly na ipasa ang Commonwealth Act No. 1 o ang National Defense Act.
02:34.0
Nung naisip nila na maaaring sakupin ng Japan ang Pilipinas, isinama ang U.S. Army sa mga Pilipino Reserve at Regular Army.
02:43.0
Ang pinagsamang pwersa na ito ay tinawag na United States Army Forces in the Far East o USAFE.
02:50.0
Noong una ay sinubukan pa ng U.S. na pigilan ang gyera sa pamamagitan ng pagpigil ng aset ng Japan.
02:57.0
September 1941, pinadala ng Japan si Admiral K. Nomura sa Amerika upang pag-usapan umano ang kapayapaan.
03:05.0
Ngunit sa kasagsagan ng pag-uusap na ito ay inatake ang Pearl Harbor sa Hawaii.
03:10.0
Naggalit ng sobra ang U.S. at nagdeklara sila ng gyera laban sa Japan.
03:16.0
Apat na oras pagkatapos mapahina ng Japanese ang pwersa ng Amerika sa Pacific sa pamamagitan ng pagbomba sa Pearl Harbor,
03:24.0
ay binomba naman ang Japan ang iba't ibang lugar sa Pilipinas.
03:28.0
Una na dito ang Clark Field noong umaga ng December 8, 1941.
03:33.0
Inatake din nila ang Davao, Baguio at Apari.
03:37.0
Kasama dito ang Nichols Field at Sangley Point.
03:40.0
Sinunod ng mga Japanese ang Manila noong patapos na ang December.
03:44.0
Dineklara itong open city ni General MacArthur upang maiwasan ang labis na destruction.
03:50.0
Sa kabilan ito, patuloy lang ang pagbomba ng mga Japanese sa Manila.
03:54.0
Madaling araw noong December 8, dumating ang mga army force ng Japan sa Bataan Island.
04:00.0
Pagkatapos ng dalawang araw, ay nag-landing naman sila sa Apari at Pandan.
04:05.0
Mula sa Palau Island sa Timog, ay lumapag naman sila sa Legazpi.
04:09.0
Sunod ay sa Davao at sa Hulo.
04:12.0
Dahil sa kakulangan ng pwersa militar, halos walang sumalubong sa mga pag-landing na ito ng mga Japanese.
04:19.0
Nagkaroon ng bulong-bulungan na darating ang mga makapangyarihang war aircraft ng US upang wasakin ang mga aeroplano ng mga Japanese.
04:28.0
Ngunit ito ay usap-usapan lamang para mapalakas ang moral ng mga Filipino.
04:33.0
Walang dumating na pwersa sapagkat ang mga aeroplanong pandigma ay nawasak na ng Japan sa Clark Field at Nichols Field noong unang paglapag palamang nila.
04:44.0
December 22, 1941. Lumapag ang mga Japanese sa Lingayen at walang nagawa ang USAF dito. Mula dito ay naabot nila ang Central Luzon.
04:55.0
Habang nangyayari ito, ay nag-landing naman sa Lamon Bay ang isa pang pwersa ng Japan.
05:00.0
Ngayon ay dalawang pwersa na ang pumapasok sa Luzon, mula sa Norte, ang nasa Lingayen at mula sa Timog, ang nasa Lamon Bay.
05:08.0
Kahit na may pwersa ang USAF, ay halos walang oposisyon na humarap sa mga Japones at noong January 2, 1942, ay tuluyan na nga nilang napasok ang Manila.
05:19.0
December 24, 1941. Sinabihan ni MacArthur si Quezon na kailangan niyang lumikas sa Corregidor kasama ang pamilya.
05:28.0
Nagpatawag si Quezon ng huling meeting sa kanyang gabinete upang sabihin ang desisyon na ito.
05:34.0
Sinabi niya na sasama sa kanyang paglikas si na Secretary of Justice Jose Abad Santos, Vice President Sergio Osmeña, General Basilio Valdez, at Colonel Manuel Nieto.
05:46.0
Inais din ni Josepi Laurel na noon ay Chief Justice na sumama. Ngunit ang sabi ni Quezon,
05:52.0
Huwag Laurel, kailangang may humarap sa mga Japones. Kailangan ng mga tao ng proteksyon. Magiging mahirap ang mga pangyayari. Kailangan ng matatag na leader. Kailangan mong manatili rito.
06:05.0
Ngunit alam ni Laurel na marami nang hihilingin ang mga Japones. Kaya't nagtanong siya, paano ako makikipagkasundo sa kanila?
06:14.0
Si MacArthur ang sumagot nito. Pwede mong gawin ang lahat. Huwag ka lang manumpa sa bandilan ng Japan. Kung may gagawa man nito, ako mismo ang babaril sa kanya pagbalik ko.
06:25.0
Doon na din mismo nanumpa si Laurel bilang bagong Secretary of Justice. Nagbigay naman ang huling habilin si Quezon sa mga opisyal ng Commonwealth.
06:35.0
Gawin nyo ang lahat. Makiusap kayo sa kanila kung maaari. Gawin nyo ang lahat upang manatiling iisa ang Pilipinas. Protektahan nyo ang mga Filipino laban sa mga pagmamalupit ng mga Japones.
06:47.0
May mga kailangan kayong pagisipan na desisyon, ngunit gawin nyo ang lahat para sa kinabukasan ng Pilipinas.
06:55.0
Noong December 30, sa korehedor na din nanumpa si Quezon para sa kanyang pangalawang termino bilang Pangulo ng Commonwealth.
07:03.0
Naging efektibo ang pagtakas ni Quezon kasama ang Pwersa Militar ng Amerika. Nahirapan ang mga Japones na mapasuko ang mga U-safe at hindi din nila mapasok ang korehedor dahil sa higpit ng depensa dito.
07:16.0
Ngunit nang tumagal, dumating ang tulong na nagmumula sa US para sa mga sundalong nasa korehedor.
07:23.0
Ito ay dahil sa Europe First Policy kung saan inuna ng US na talunin ang pwersa ng Germany at mga kakampi nito na nasa Europe.
07:32.0
Dumagdag pa sa paghina ng U-safe ang pagalis ni MacArthur papuntang Australia noong March 11, 1942.
07:40.0
Si Quezon ay umalis noong February 18 sakay ng submarine na Swordfish.
07:45.0
Ang pumalit kay MacArthur ay si General Jonathan Wainwright.
07:49.0
Nahirapan ang hukbong sandatahan sa ilalim ng US kaya noong April 9 na pagpasyahan ni General Edward P. King na isuko na lamang ang kanyang pwersa sa bataan.
08:00.0
Humigit kumulang 7,000-8,000 ang pwersang sumuko. Humigit kumulang naman na 2,000 ang nakatakas papuntang korehedor.
08:09.0
Ang pagsurrender na ito ay pagsurrender lamang ng pwersa sa bataan at hindi ng buong U-safe.
08:15.0
Naging malaking balita ito sa buong mundo, ngunit na natiling matatag ang U-safe na nasa korehedor.
08:21.0
Ang mga sundalong sumurrender sa bataan ay pinagmarcha papuntang San Fernando.
08:27.0
Napakabrutal ng marcha na ito. Iyong mga nanghihina na dahil sa sakit at gutom ay tuluyan na lang pinapatay.
08:35.0
Sa sobrang brutal ay tinagurian itong Death March. Pagdating sa Kapas ay ikinulong sila na parang mga hayop, ginutom at nagkakasakit.
08:46.0
Ngayong bumagsak na ang bataan, dinirekta naman ng Japan ang kanilang depensa sa korehedor.
08:52.0
Mula umaga hanggang maggabi ay walang tigil ang pagbomba nila sa isla.
08:57.0
Noong umaga ng May 6 ay tuluyang napagpasyahan ni General Wainwright ang sumuko sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe na Voice of Freedom kay General Homma ng Japan.
09:10.0
Ang plano ni Wainwright ay isosurrender lamang ang pwersang nasa ilalim niya,
09:16.0
na isuko niya ang buong pwersa ng USAFE sa buong Pilipinas. Kaya't wala siyang nagawa. Doon na rin opisyal na bumagsak ang Pilipinas sa kamay ng mga Japonese.
09:26.0
Nagkaroon ng maraming reforma ang mga Japanese sa Pilipinas. Binago nila ang sistema ng pamahalaang Commonwealth. Ngunit may mga sinunod din naman silang sistema.
09:37.0
Katulad ng Amerika ay nangako din sila ng independence at pilit na pinaniwala ang mga Pilipino na nandito lamang sila upang iligtas ang Pilipinas sa impluensya ng West o ng Amerika.
09:49.0
Ngunit ang pangako nilang pagligtas sa mga Pilipino ay hindi pinaniwalaan ng mga tao. Malaki pa din ang tiwala ng mga tao na darating ang mga Amerikano upang sila ay tulungan.
10:01.0
Sa gitna ng mga kaguluhan, ang pinakaunang naapektuhan ay ang ekonomiya. Dahil nga naging kontrolado na ng mga Japonese ang mga lupain, pinataniman nila ito ng cotton.
10:12.0
Humina ang supply ng bigas at ibang produkto. Pero bago pa dumanding ang mga Japonese sa Manila, noong nalaman ng mga tao ang posibilidad na gera, ay nagkaroon na ng hoarding o labis na pagbili at pagnanakaw ng iba't ibang produkto.
10:26.0
Pati mga pulis ay walang nagawa kundi makisali na din sa mga taong sumusugod sa mga grocery stores. Kinuha ng mga tao ang lahat ng pagkain, pati mga furniture.
10:37.0
Kalaunan, noong dumating ang mga Japonese at naantala ang paggalaw ng ekonomiya, binenta nila ang mga ninakaw na mga pagkain at furniture.
10:46.0
Dahil nga may kakulangan sa pagkain, particular na ang palay ay kinailangan nilang ibenta ang mga mahaling alahas, gamit sa bahay at mga damit kapalit ng palay at iba pang gulay.
10:58.0
Noong mga panahon ito ay mas naging pabor ang mga pagkakataon sa mga mahihirap na magsasaka. Nagkaroon sila ng mga marangyang kagamitan kapalit ng mga palay na kanilang binenta sa mga mayayaman.
11:12.0
Habang ang mga taga-Maynila naman, na walang lupain, ay napilitang ibenta ang mga kagamitan. Ang mga walang maibenta ay naghuhukay na lamang ng mga bangkay sa sementeryo at kinukuha ang mga damit at alahas na mga nakalibing at pinagpapalit sa mga pagkain.
11:28.0
Maging ang mga doktor na gumagamot dapat sa mga kapwa-Pilipinong sundalo ay tinatago ang mga gamot at ibinibenta ito sa mas mataas na halaga sa mga Pilipinong sundalo, particular na iyong nakasali sa Death March.
11:42.0
Ang mga hapones naman ay sinakya ng ganitong uri ng kalakalan. Dito na nabuo ang Mickey Mouse Money. Bagamat mayroong pera na ginagamit, sa sobrang hina ng halaga nito ay kailangang magkaroon ng isang basket ng Mickey Mouse Money upang makabili ng isang kilong bigas.
12:00.0
Sa kabila nito, ang mga opisyal sa bagong gobyerno ng mga hapones na pinamumunuan ni Jose P. Laurel bilang presidente ng republika ay ginawa ang lahat upang maprotektahan ang mga tao. May mga repormang isinulong si Laurel ngunit ang mga ito ay hindi masyadong halata. Pinapamukha nilang nakikipagkaisa sila sa layunin ng mga hapones para sa Pilipinas. Pero ang totoo niyan ay sinasakyan lang nila ang sinasabi ng mga ito.
12:27.0
Sinulong ng mga hapones ang pagbubukas ng mga elementary schools. Ito ay dahil naniniwala silang pinakamainam na turuan ng isang tao habang bata pa lamang. Upang maalis ang impluensya ng Amerika ay tinuro ang Japanese language sa paaralan. Ngunit isinulong ni Laurel ang pagtuturo ng wikang Filipino at history at ang magtuturo nito ay mga gurong Filipino. Ngunit dahil sa hirap ng buhay, kaunti lang rin ang nakapag-aral sa elementary.
12:56.0
Dahil mas pinili ng mga bata na tumulong sa kanilang mga magulang. Dahil sa kakulangan din sa pagkain, ay pinag-utos niya na magtanim ng gulay sa mga bakanting lupain kung kaya't ang mga eskinita ng Manila ay napuno ng kangkong. Naging malaking tulong ito upang maibisan ang gutom na dinaranas ng mga tao.
13:16.0
Bagama tinaguri ang puppet president, ginawa ni Laurel ang lahat upang makipag-negosasyon sa mga Hapones habang pinapanatili ang loyalty sa Pilipino at sa Pilipinas. Naging mahirap ang pamumuhay sapagkat maraming naging kalaban ang mga Pilipino. Una na dito ang mga Kempeitai o ang tinatawag na Japanese soldiers. Naging marahas sila sa mga Pilipino.
13:40.0
Pinasok nila ang mga bahay na may mga hindi-rehistradong radio. Kinukulong ang mga pinaghihinalaang guerilla sa Fort Santiago at dito ay tinutorture. Tinatali nila ang isang kamay ng bilanggo at binibitin habang pinapalo ng 4x4 na kahoy. May pagkakataon pa na sapilitan silang paiinumin ng galung-galung tubig. May parusa din kung saan pinapaso ang balat nila ng mainit na plancha o di kaya ay mainit na wire.
14:09.0
Ang mga nahuhuling guerilla ay pinutulan ng ulo. Nilapastangan din nila ang mga kababaihan. Naging strikto din sila sa pagbaw o pagyuko ng mga Pilipino. Hindi common sa ating kultura ang pagbaw sa mga tao pero sa mga Japanese ito ay isang kaugalian. Hindi nila lubos na maintindihan na hindi natin ito kultura kung kaya't sinasampal o di kaya ay kinukulong nila ang mga Pilipinong hindi nagbabaw.
14:38.0
Malaking insulto ito sa mga Pilipino kapag sinasampal sila kaya mas lalong tumindi ang galit nila sa mga Japon. Pangalawang naging kalaban ng mga Pilipino ay ang mga mismong guerilla na pinapatay ang mga pinaghihinalaang nakikisapi sa mga Japones. Dagdag pa rito ang mga Filipino na espya ng mga Japon na nakikinig sa mga pinaguusapan ng mga Pilipino.
15:02.0
Pero kahit na naging magulo ang panahon ito ay umusbong naman ang mga theater na nagpapalabas ng mga drama, maging ang pagsusulat sa wikang Pilipino. Naging popular noong panahon ito ang haiku.
15:15.0
Kahit halos buong bansa ay nasa ilalim na ng mga Japones na natiling matatag ang paniniwala ng mga Pilipino na babalikan sila ng mga Amerikano, kaya't noong sumuko ang puwersa sa bataan at korehidor ay bumuo ng mga guerilla groups ang mga pinagsamang Amerikano at Pilipinong sundalo.
15:33.0
Ang mga guerilla unit na ito ang responsable sa pagpublish ng mga guerilla newspaper na naglalaman ng totoong pangyayari sa labas ng bansa. Ito ay dahil pinagbawalan ng mga Japanese ang pakikinig sa radyo na hindi aprobado ng Japanese government.
15:49.0
Ang mga guerilla unit din na ito ang naging dahilan kung bakit alam ni MacArthur ang nangyayari sa Pilipinas. Sila ang nagbabalita sa kung ano na ang nangyayari sa puwersa militar ng Japanese sa Pilipinas.
16:03.0
Samantalang si Quezo naman ay pinamunuan ng government in exile sa Washington hanggang sa mamatay noong Agusto 1, 1944. Si Osmeña ang sunod na naging pangulo ng Pilipinas. Habang nandoon sila, ay may mga paghahandang nangyayari kung paano babawiin ang Pilipinas mula sa mga Japonese.
16:22.0
Ang pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas ay nagsimula noong 1944. Mula sa Australia ay unti-unti nilang binawi ang mga isla sa Pasifik. Ang Battle of Philippine Sea ang naging importanteng hakbang dito.
16:36.0
October 1944, nagsimula ang unti-unting pagbawi ng Amerika ng mga teritoryong sakop ng mga Japonese sa loob ng Pilipinas. Simula sa Leyte hanggang sa unti-unti nilang napahina ang puwersa ng Japonese dahil sa sunod-sunod na pag-atake sa mga barkong pandigma at aircraft ng mga ito.
16:56.0
Upang muling bawiin ang Manila, nag-landing sa Lingayeng Gulf ang mga Amerikano. Mula dito, dinaanan nila ang Tarlac, Pampanga at Bulacan hanggang sa marating ang Manila. Ang mga Japonese naman noong nakitang natatalo na sila ay lalong nagalit. Pinagmamasaker nila ang mga nasa ospital at pinipilit na magtrabaho sa kanilang airfields ang mga inosenteng madaanan sa kalye. Sinunog nila ang mga building at mga bahay.
17:25.0
February 3, 1945, 530 hanggang 6 o'clock ng gabi, tuluyan nang napasok ng mga Amerikano ang Manila. Pinalaya agad ang mga bilanggo sa University of Santo Tomas. Sa sobrang tuwa ay napakanta ng God Bless America at Star Spangled Banner ang mga bilanggo.
17:43.0
Sa wakas, February 27, 1945, tinurnover ni MacArthur kay President Osmeña ang civil government. Masalimut na panahon ang World War II para sa mga Pilipino. Pero sa kabila nito, ay nanatiling malakas ang mga Pilipino at matapang sa kanilang layunin na makamit ang kalayaan.
18:03.0
Hindi dito nagtatapos ang kwento sapagkat madami pang pinagdaanan ng bansa upang tuluyang maging malaya. Pero sa pagtatapos ng World War II ay nagkaroon ng bagong simula tungo sa demokratikong pamamahala.