* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Gaano nga ba kalalim ang pwede nating hukayin sa Earth?
00:03.8
Nung bata ka, ang hilig mong maghukay, sa bakuran nyo, sa buhangin tuwing pumupunta kayo ng beach at sa skwela kasama ang mga kaibigan mo.
00:13.1
Kahit sa paglaki mo, nakikita mo pa rin ang silbi ng paghuhukay tuwing may ginagawang swimming pool o pag may hinahanap ang mga archeologist at syempre, medyo malungkot pero tuwing may libing.
00:24.7
Kaya ang tanong ngayon, gaano nga ba kalalim ang kaya at pwede nating hukayin? Tara, pag-usapan natin.
00:32.0
Ang Earth ay binubuo ng apat na layers. Ang inner core na siyang pinakasentro ng daigdig, ang outer core, ang mantle, at ang pinaka nasa labas na layer, ang crust.
00:43.8
Kung maghuhukay tayo, syempre, sa crust tayo magsisimula.
00:48.0
Ayon sa mga datos, ang crust ay may kapal na aabot sa 30 to 50 kilometers o 100 to 160,000 feet.
00:57.6
Kung inaakala mong makapal na ito, isipin mo na ang crust ay 1% lamang ng planet Earth.
01:04.6
Kung maghuhukay ka gamit ang kamay mo, huwag ka na lang mangarap ng malalim na hukay.
01:09.9
Mas maganda kung gagamit ka ng pala. Mas malalim ang mahuhukay mo. Pero, sa huli, ikaw lang ang magiging agrabyado dahil sa effort na gagawin mo para dito.
01:20.3
Kung gusto mo ng malalim na hukay, kailangan mo ng drilling machines.
01:24.6
Ano nga ba ang mga hukay, butas o ano pa mang mga underground destinations sa mundo?
01:29.3
Unang-una, 6 feet mula sa lupa ay ang karaniwan na hinhukay para sa paglibing sa mga patay.
01:35.4
Nagsimula ito noong 1665 nang lumaganap ang Black Plague sa England.
01:40.6
Dahil mabilis kumalat ang plague at nakakahawa ito kahit napatay na ang tao,
01:45.6
inutos ng Mayor ng London na gawing 6 feet ang hukay upang hindi ito makalabas mula sa katawan ng mga patay.
01:52.7
Kung narinig mo na ang phrase na 6 feet under, dito ito nang galing.
01:57.4
Gayun pa man, kung pharaoh ka at hindi ka isang ordinaryong tao, tila kulang lang ang 6 feet para sayo.
02:04.5
Tingnan mo naman ang tomb ni Pharaoh Tutankhamon na matatagpo ang nasa lalim na 13 feet.
02:11.9
Nadiskubre ito ni Howard Carter noong 1922.
02:15.4
Si William Little, isang British civil engineer na sumikat dahil sa kanyang paghuhukay ng mga tunnels sa ilalim ng kanyang bahay sa Hackney, London.
02:24.5
Sa laki ng nagawa niya na tunnels at caverns sa iba't ibang direksyon, umahabot pa ng 65 feet mula sa kanyang bahay ang kanyang nahukay.
02:33.0
Sa madaling salita, may mga tunnels si Little na nasa ilalim na ng bahay ng kanyang mga kapidbahay.
02:38.6
Nasa 26 feet ang lalim ng tunnels na hinukay ni Little.
02:41.8
Dahil sa nagawa niyang ito, binansagan siya bilang the Mole Man.
02:46.4
Kung mga hayop naman ang pag-uusapan, ang pinakamalalim na hukay ay ginawa ng Nile Crocodiles na may lalim na 40 feet.
02:54.2
Pag abot ng 60 feet, matatagpo ng underground city sa Beijing.
02:58.7
Ginawa itong bilang bomb shelter at nakapuesto sa ilalim ng capital city ng China.
03:04.0
Dagdagan mo lang ng 6 feet pa at matatagpuan mo ang Paris Catacombs.
03:09.4
May lalim ito na 66 feet at mahigit kumulang 6 na milyong tao ang nakaburol dito.
03:15.9
Ang Y-40 Deep Joy ang pinakamalalim na swimming pool sa buong mundo.
03:20.8
Matatagpuan ito sa loob ng isang hotel sa Montegrotto Term, Italy at may lalim ito na 131 feet.
03:28.5
Kung tatalon ka sa pool na walang laman na tubig, aabot pa ng 3 seconds bago ka makarating sa ibaba.
03:35.3
Siyempre, kung makakarating ka dito, huwag ka namang tumalun ng walang tubig. May hirap na.
03:40.4
Sa lalim na 328 feet, matatagpuan mo ang radioactive waste na nakalibing upang hindi ma-expose ang mga tao sa radiation nito.
03:49.4
Kung gusto mong matulog sa ilalim ng lupa, pwede mong bisitay ng Sala Silver Mine Hotel Suite sa Sweden,
03:55.9
na siyang may-ari ng pinakamalalim na hotel room sa mundo. May lalim ito na 508 feet.
04:01.9
Sa lalim na 695 feet, nagganap ang pinakamalalim na half marathon.
04:07.2
Nangyari ito sa Poland sa taong 2004.
04:10.6
Paglampas ng 1,000 feet, aabot tayo sa isang kakaibang water well.
04:15.2
Ang Wooding Dean Water Well, ang pinakamalalim na hand dug well sa buong mundo.
04:20.2
May lalim ito na 1,280 feet at nagbibigay ng tubig para sa isang workhouse sa Wooding Dean, England.
04:27.4
Hindi naging madali ang paghukay nito dahil hindi sila gumamin ang modern tools na mayroon tayo ngayon.
04:32.8
Isang grupo ng diggers gamit ang kanilang mga pala ang nagsimulang maghukay noong 1858 at tumabot ng apat na taon bago pa ito nila matapos.
04:42.2
Sa hirap ng kanilang naranasan, isang kasamahanang namatay sa paghukay.
04:46.6
Siyempre, kung palaliman ng underground na lang din ang pag-uusapan, hindi mo pwedeng baliwalayin ang mga mines.
04:52.8
Noong August 2010, isang grupo ng miners ang natrap sa San Jose Mines sa Bansang Chile matapos itong mag-collapse.
05:00.2
Ang mine na iyon ay may lalim na 2,297 feet.
05:04.5
Sa kabutihan palad, ligtas na nakalabas ang mga miners.
05:08.1
Isang dating mine din ang pinakamalalim na bat colony sa ngayon na may lalim na 3,800 feet.
05:15.3
Matatagpuan ito sa New York.
05:17.8
Kung nakakatakot ang nangyari sa Chilean miners, masaya naman ang nangyari sa isang miners sa Finland noong 2007.
05:25.4
Sa lalim na 4,166 feet, nag-concert ang Agonizer Band na siyang nag-set ng record ng pinakamalalim na naganap na concert sa kasaysayan.
05:37.4
Ang pinakamalalim na coal mine ay matatagpuan sa Donbass Region, Ukraine at may lalim itong 4,920 feet.
05:46.0
Bago tayo magpunta sa pinakamalalim na mine sa buong mundo, mag-detour muna tayo ng saglit.
05:51.4
Sa lalim na 5,920 feet, matatagpuan ang pinakamalalim na parte ng napakalaking Grand Canyon.
05:58.6
Sa lalim na 7,257 feet, matatagpuan mo sa Abcaya, Georgia ang pinakamalalim na cueva sa buong mundo,
06:07.0
ang Veruvkina Cave.
06:08.8
Paglagpas mo ng 10,000 feet, isang mine naman ang matatagpuan mo, sa Moab Kotsong Gold Mine.
06:16.0
Matatagpuan ang pinakamalalim na single shaft elevator sa buong mundo.
06:20.3
Pagsumakay ka dito, mula sa ibabaw, aabutin ka ng 4.5 minutes bago makarating sa pinakadulo.
06:28.2
Kung nagmamadali ka at gusto mo na lang tumalon, tatagal ka ng 25 seconds sa ere bago ka lumanding.
06:34.7
Kaya kung makarating ka man doon, gumamit ka ng elevator ha, kaibigan?
06:40.0
Ang gold mine na ito ay matatagpuan sa South Africa at marami pang mines doon.
06:45.1
Sa katunayan, sa 22 largest mines sa mundo, 16 dito ay matatagpuan sa South Africa.
06:51.5
At kabilang sa 16, ang pinakamalalim na mine sa buong mundo, ang Mponeng Gold Mine.
06:57.6
Ang Mponeng Gold Mine ay may lalim na 12,801.84 feet at ito ang pinakamalalim na destination na pwedeng puntahan ng isang tao.
07:08.2
Sa sobrang lalim ng mine, umaabot sa 66 degrees Celsius ang temperature sa loob nito.
07:14.3
Sa katunayan, kailangan pa nila magpump ng slurry ice sa loob ng mine upang mabawasan ang napakainit na temperature.
07:21.6
Sa pamamagitan nito, bumababa sa 30 degrees Celsius ang temperature.
07:26.9
Maghukay pa tayo ng mas malalim.
07:28.8
Pag umabot ka ng 36,000 feet, kasing lalim na ito ng pinakamalalim na bahagi ng karagatan, ang Mariana Trench.
07:36.6
Subalit, pag lagpas mo ng 40,000 feet, isang kakaibang butas na ang sasalubong sayo,
07:42.9
ang Kola Superdeep Borehole na matatagpuan sa Kola Peninsula sa Russia, ang pinakamalalim na hukay sa dry land sa mundo.
07:51.8
May lalim itong 40,230 feet, isa itong project ng Soviet Union kung saan sinubukan nila magdrill papunta sa crust ng Earth.
08:00.5
Nagsimula ang pag-dig nila noong May 1970 gamit ang Uralmash-4E at Uralmash-15,000, mga heavy, high-powered na drilling machines.
08:12.2
Pagdating ng 1995, itinigil ng grupo ang dig nang lumagpas sa kanilang calculations ang temperature sa ilalim na
08:19.8
kahit ang high-tech drilling machines nila ay hindi na kaya makahukay. May diameter lamang na 9 inches ang butas kaya imposibleng may mahulog na tao dito.
08:30.2
Pero kung maghuhulog ka ng bariya sa butas, aabot pa ng 50 seconds bago ito makarating sa pinakadulo.
08:38.6
Hanggang ngayon ay napakalalim pa rin ng butas na ito at nilagyan nila ito ng takit upang masigurong walang mahuhulog na anumang bagay dito.
08:48.5
Sa loob ng ilang taon, ang Kola Superdeep Borehole ang pinakamalalim na hukay sa buong mundo, pero ngayon ay nalagpasan na ito ng isang hukay sa ilalim ng dagat.
08:59.1
Ang Z44 Chaiwo Oil and Gas Well ay may lalim na 40,604 feet.
09:06.2
Kailangan mo ng 15 Burj Khalifa, ang pinakamataas na building sa buong mundo, upang matapatan ang lalim nito.
09:14.2
Makikita ito sa Sakalin Islands at isa itong joint project ng Sakalin Government, Russian Federal at ng subsidiary Xen Mobile.
09:23.5
Balak ng grupo na itap ang petrol reserve sa area at sinimulan nila ito noong 2003.
09:30.5
Gaya ng sinabi ko, may kapal na 100 to 160,000 feet ang crust ng Earth, kaya kung 40,000 lamang ang pinakamalalim na hukay ngayon, malayo-layo pa tayo.
09:42.3
Habang mas lalalim ang ating bagdrill, mas magiging mahirap din ito dahil sa temperature.
09:48.0
Mas lalalim, mas mainit. Ito ang rason kung bakit kumigil sa paghukay ang Colossal Superdeep Borehole, dahil hindi na kinaya ng kanilang mga machines ang init.
09:58.2
Ang init na ito ay dahil sa isang prosesong nangyayari sa sumusunod na layer pagkatapos ng crust, ang mantle.
10:05.0
Ang mantle ang pinakamakapal na layer sa Earth. Dito rin nangyayari ang convection currents,
10:10.6
isang fenomenon kung saan ang mga mainit na bato ay lumalapit sa crust habang ang mga batong may normal na temperature ay nababaon sa core.
10:19.0
Pero hindi rin magtatagal ang normal na temperature ng mga batong ito, dahil ang core ang pinakamainit na parte ng Earth.
10:25.4
Ayon sa mga datos, tinatayang nasa 3,000 hanggang 4,000 degrees Celsius ang temperature ng core.
10:32.4
Kaya kung iniisip mong pwede tayong tumuloy sa core kung sakaling makaluso tayo sa crust at sa napakakapal na mantle, hindi yan mangyayari.
10:41.4
Paano mahuhukay ng tila malaimpierno na parte ng Earth? Kaya ang tanong, gaano nga ba kalalim ang pwede nating hukayin?
10:49.4
Sa lahat ng mga sinabi ko, mahirap siyang sagutin. Pero ang pinakasimpleng sagot sa ngayon ay kaya nating mahukay hanggang sa crust ng Earth, mga 100 hanggang 160,000 feet.
11:01.8
Alin sa mga underground destinations na nabanggit ko ang gusto mong bisitahin? Darating kaya ang araw na mahuhukay natin ang buong crust ng Earth?