5 DAHILAN ng CHINA Kaya Ayaw Bitawan Ang WEST PHILIPPINE SEA
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
July 12, 2016 nanalo ang Pilipinas sa International Tribunal para patunayan na ang West Philippine Sea ay sariling atin.
00:17.8
Pero hanggang ngayon matindi pa rin ang pagnanais at presensya ng China na kunin at angkinin ang bahagi ng teretoryo ng ating bansa.
00:29.6
Malalaking barko ang nagpapatrolya dito at malakas ang loob na sabihin na ang malaking bahagi ng South China Sea ay kanila kahit na pasok ito sa ating Exclusive Economic Zone o EEZ.
00:45.3
Bakit ganito na lang ang pagpipilit ng China na kunin ang mga teretoryo na kahit hindi naman talaga sa kanila ano bang meron sa buong karagatan?
00:56.4
At hindi ito mabitaw-bitawan ng China?
00:59.7
Limang dahilan kung bakit gustong kunin ang China ang buong South China Sea.
01:05.6
Yan ang ating aalamin.
01:13.5
Number 5, Pagpapalawak ng Teretoryo
01:17.4
Ang China ang pangalawa sa pinakamalaking bansa sa buong kontenente ng Asia na may sukat na aabot sa 9.6 million square kilometer na halos malapit sa one-fourth ang size nito kumpara sa sukat ng Asia.
01:34.6
Ibig sabihin napakalaki na ng bansang ito pero nagnanais pa rin sila na mapalawak ang kanilang nasasakupan.
01:43.5
Sa katunayan napalaki pa ng China ang kanilang hangganan sa pamamagitan ng paglalagay ng base militar at pagawa ng mga man-made islands sa West Philippine Sea.
01:56.3
West Philippine Sea ang tawag sa bahagi ng South China Sea na pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
02:04.9
Ito ay 200 nautical miles lamang meaning hindi natin inaangkin ang buong karagatan sa South China Sea.
02:13.4
Hindi gaya ng China na halos 80 to 90 percent o halos kanila na ang buong karagatan.
02:21.0
Mantakin mo maging bahagi ng Recto Bank na malayo na sa China at pasok pa sa EEZ sa ating bansa ay sinasabing kanila pa rin daw?
02:37.0
At ang isa sa maaaring makapagpaunlad sa isang bansa ay ang pagdevelop ng mahalagang langis at matatagbuan ito sa bahagi ng West Philippine Sea,
02:48.0
tinatayang aabot sa 11 billion ng langis o 190 trillion cubic feet na mga natural gas.
02:56.2
Kaya ganoon na lamang ang pagnanais ng China na kunin ang bahagi na kahit hindi naman sa kanila ayon sa batas.
03:04.6
Maging ang escarmorosol na sinasabing mayaman sa mineral, langis at natural gas ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas na nasa 124 nautical miles na nasa kanlurang bahagi ng Zambales.
03:20.7
Pero giit ng China, sila ang may-ari nito na tinawag pa nila ang islang ito na Huangjian Island dahil sila umano ang nakadiskobre ng isla noong Yuan Dynasty.
03:36.1
Number 3. Historic Rites
03:39.2
Ayon sa China, kanila ang halos buong karagatan ng South China Sea. Dahil ito ay bahagi daw ng kanilang kasaysayan, sa katunayan naglabas pa sila ng mapa na sinasabing kanila ang buong South China Sea.
03:55.3
Ito ang kanilang tinatawag na Nine Dash Line na naging Ten Dash Line. Ito ang gawa nilang mapa na sumasakop di umano sa buong South China Sea.
04:07.4
Sa mapang ito, kung ano daw ang saklaw ng mga kuhit ay pag-aari ng China. Dahil dito, pumalag ang mga bansang nasakop ng Ten Dash Line, pumalma ang Vietnam, Malaysia, Indonesia, Brunei at Pilipinas.
04:24.8
Dahil ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS, invalid ang historic claim ng China. Ang gawa-gawang mapa ng China ay walang visa at hindi sapat na basihan ang kanilang pag-angkin sa mga teretoryong hindi naman talaga sa kanila pero ayaw itong tanggapin ng China.
04:47.9
2. Lamang Dagat, Isda at iba pa
04:51.9
Nasa atin ang ganap na kapangyarihan sa ating AEZ sa lahat ng mga resources na makukuha sa West Philippine Sea. Ito ang ating sovereign rights. 10% din kasi ng mga isda na makukuha sa mundo ay dito nagmumula.
05:09.2
Kung may tumangkang manghimasok o kumuha ng ating resources ay ipinagbabawal ito ng ating saligang batas. Dahil walang visa ang mapa ng China, kung gayon wala silang karapatan na manghimasok sa AEZ ng ating bansa, kaya bawal silang kumuha ng mga likas na yaman, lamang dagat at iba pa.
05:33.7
3. Sila pa ang malakas ang loob para mang buli at pagbawalan ang ating mangingisda? Sineswerte!
05:43.4
1. Daan sa Kalakalan
05:47.4
Alam naman natin kung gaano karami at kalakas ang produktong Chino na halos iniimport ng iba't ibang bansa. Tulad ng Pilipinas, ang kabua ng South China Sea ay isang perfectong daanan o lagusan sa isang Kalakalan.
06:04.7
Ang mga ruta na meron dito ay isang magandang dako sa paghahatid ng kargamento at produktong labaspasok sa China. Ang South China Sea ay may konektadong lagusan, sa itaas nito ay makikita ang Taiwan Strait, sa kanlurang lagusan naman ay ang Indian Ocean na konektado sa Strait of Malacca.
06:28.1
At ang ruta naman na nagkokonekta sa Pacific Ocean, sa South China Sea, ay ang Luzon Strait. Kung makukuha kasi ito ng China, ay lalo silang magiging makapangyarihan sa Kalakalan at lalong uunlad ang kanilang ekonomiya. Kaya ganoon na lamang ang pagpipilit ng China na makuha ang buong teritoryong ito.
06:52.7
Sa patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea, ano ba ang dapat nating gawin na hindi umabot sa digmaan? Una, mainam na magkaroon talaga tayo ng strong political will ang ating pamahalaan ipaglaban ang sariling atin dahil napatunayan naman natin na atin talaga ang West Philippine Sea sa legal na basihan.
07:18.4
Ikalawa, patuloy tayong makipag-ugnayan sa mga kaalyadong mga bansa. Hindi basta-basta ang China, balakas at malaking bansa ito. Imaginin mo ang kaso ng Pilipinas sa China, yung magkapit bahay kayo pero sarili mong bakuran at teritoryo ay kinukuha at inaangkin na kanila daw ito? Alam naman ang gobyerno natin na sa atin iyon, pero hindi tayo makaporma kasi malaki daw ang
07:48.4
kalaban at baka magkabakbakan. Kaya kailangan talaga natin ng suporta mula sa ibang mga bansa. At ang ikatlo, maghai ng petisyon ulit sa Unclosed Tribunal kung kinakailangan upang lalong mapagtibay ang ating legal na basihan.
08:08.1
Ikaw, ano sa tingin mo ang pinakamagandang hapang na dapat gawin ng ating bansa sa isyo ng agawan sa teritoryo? E-commento mo naman ito sa ibaba, pakilike ang video, e-share mo na rin sa iba. Salamat at God bless!