* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sa ilalim ng kinakalawang na metal na ito ay matatagpuan ang pinakamalalim na hukay na ginawa ng tao.
00:08.0
Ito ang Kola Superdeep Borehole ng Russia.
00:11.5
Umabot sa 12,262 meters ang ilalim nito.
00:16.0
Hinukay ito ng Russia para sa scientific research.
00:19.5
Pero ito'y natigil at hindi na naipagpatuloy pa.
00:23.5
Pero alam mo ba, sa kasalukuyan, ang China ay naghuhukay rin ng butas sa lupa.
00:29.5
Ito ang magiging pinakamalalim na butas sa China at isa sa pinakamalalim sa mundo.
00:36.0
Layunin nilang makahukay na may lalim na 11,100 meters.
00:41.0
Imaginin nyo, kasing lalim nito ang taas ng halos 35 na pinagpatong-patong na Grand Hyatt Manila
00:49.0
na siyang pinakamataas na building dito sa Pilipinas.
00:54.0
Pero alam mo rin ba, nababahala ang mga eksperto.
00:57.5
Dahil daw sa ginagawa ng China ay maaaring magising at marilis
01:02.5
ang mga virus na ilang siglo nang natutulog sa kailaliman ng lupa.
01:08.0
Mga virus na maaaring magdulot ng sakit.
01:11.0
Bakit nga ba naghuhukay ang China ng napakalalim na butas?
01:16.0
Ano ba ang kanilang hinahanap?
01:21.5
Nito lamang June ay nagtweet ang CGTN, ang opisyal na media ng China.
01:26.5
Inumpisahan na daw ng bansa noong May 30, 2023 ang paghuhukay ng napakalalim na butas.
01:33.5
At meron pa nga silang hashtag China inspires.
01:37.5
Noon kasing 2021, hinimog ni President Xi Jinping ng China
01:42.5
ang mga siyentipiko na maglunsad ng deep earth exploration.
01:46.5
At isa nga ang paghuhukay na ito sa apat na strategic frontiers
01:51.5
para sa siyentipikong pananaliksik na isinusulong ng 13th Five-Year Plan ng China.
01:57.5
Ang tatlo pang frontier ay ang Deep Sea, Deep Blue,
02:00.5
na tumutukoy sa computer science at information technology, at Deep Space.
02:05.5
Ang proyektong paghuhukay sa lupa ay pinangungunahan ng China National Petroleum Corporation,
02:11.5
ang pinakamalaking oil producer ng bansa.
02:14.5
Ang proyekto ay tinatawag na Project Deep Earth One Yujin Three 3XC Well,
02:21.0
naglalayon itong maghuhukay sa lupa na may eksaktong lalim na 11,100 meters.
02:27.0
Ayon sa Sinopec, ang state-owned oil refiner na bahagi rin ng proyekto,
02:32.0
ang layunin daw ay mag-drill ng underground Mount Everest.
02:36.0
Pero kung iisipin, ang lalim nito ay mataas pa kesa sa height ng Mount Everest.
02:42.0
Bukod sa lalim ng butas, ang isa pang nakamamanghang aspeto ng proyekto
02:46.0
ay ang bilis ng planong pagawa nito sa loob lamang ng 457 days.
02:52.0
Higit na mabilis ito kung ikukumpara sa Kola Superdeep Borehole na umabot ng 20 years ang paghuhukay.
03:00.0
Ayon sa korporasyon, merong dalawang layunin ang proyektong ito ng China.
03:05.0
Una ay para sa scientific exploration at pangalawa ay para makahanap ng oil at gas.
03:11.0
Gamit ang mga drill bit at drill pipe na may bigat na nasa 2 million kilograms,
03:17.0
tatangkain itong tumagos sa hanggang 10 continental strata o layer ng bato.
03:22.0
Ang layunin nila ay maabot ang cretaceous layer o layer ng mga bato na nabuo,
03:28.0
mga 66 hanggang 145 milyong taon na ang nakalilipas.
03:33.0
Sa pamamagitan daw nito ay malalaman natin ang internal structure at evolution ng ating mundo.
03:40.0
Pero ayon naman kay Kuanyo Liu, isang profesor na pamilyar sa proyekto,
03:44.0
maaari pa itong umabot sa mas matandang Cambrian Strata na nabuo mahigit 500 milyong taon na ang nakalilipas.
03:52.0
At ang layer na ito ay pinaniniwalaan ng ilang geologists na pinagmumula ng langis at gas.
03:59.0
Ginagawa ng China ang paghuhukay sa Tarim Basin na matatagpuan sa pinakamalaking disyerto sa China,
04:06.0
ang Taklamakan Desert.
04:08.0
Ang disyertong ito naman ay matatagpuan sa Xinjiang, ang pinakamalaking probinsya ng China.
04:15.0
Ang lokasyon kasing ito ay kilala sa mayamang reserba ng langis at natural gas.
04:20.0
Sa katunayan, one-third ng natural gas at oil reserves ng China ay matatagpuan dito.
04:26.0
Ang Xinjiang din ang source ng 38% ng coal reserves, habang 730 million tons naman ng iron reserves ang nakukuha dito.
04:36.0
Nais ng China na makadiskubri pa ng mayayamang mineral at mapagkukunan ng lokal na supply ng inerhiya
04:43.0
para mabawasan ang pagdipende sa mga dayuhang supply.
04:47.0
Sa pagkalap ng mga data tungkol sa kaloob-loobang istruktura ng mundo,
04:51.0
umaasa rin ang mga eksperto na makakatulong ang eksplorasyong ito sa pag-estimate ng mga panganib na hatid ng natural disasters
05:00.0
gaya ng lindol at pagsabog ng gulkan.
05:03.0
Pagbabasehan ang nakikitang layunin ng proyekto na isulong ang sentipikong pananaliksik
05:08.0
at ikalawa ay para tumuklas pa ng source ng langis at gas,
05:12.0
masasabing tunay na makabuluhan nga ang proyektong ito.
05:16.0
Pero di maiaalis ang pangambah kung meron bang piligrong hatid ang pagsasagawa ng napakalalim na butas.
05:23.0
Ika nga, worth it ba ang binipisong makukuha dito kumpara sa anumang panganib na maaaring idulot nito?
05:31.0
Ano nga ba ang mga problemang maaaring idulot ng hukay?
05:38.0
Ayon sa mga eksperto, ang ginagawa ng China ay hindi madali.
05:42.0
Iba kasi ang kondisyon ng environment sa ilalim ng lupa.
05:45.0
Kapag lumalim na ay tumataas o umiinit ang temperatura na umaabot sa 200 degrees Celsius
05:52.0
at meron pang atmospheric pressure na 1,300 times na mas mataas kaysa sa ibabaw ng lupa.
06:00.0
Ayon nga sa scientist na si Sun Jian Cheng,
06:02.0
ang pagsasagawa daw ng drilling project ay maihahalin tulad sa isang malaking track na minamaneho sa dalawang manipis na kable na bakal.
06:12.0
Kung pagbabasehan ang description ito, parang it's a disaster waiting to happen.
06:18.0
Pero ang higit na kinatatakutan ay ang pusibling mga di kanais-nais na maaaring matuklasan sa ilalim ng hukay tulad ng mga virus.
06:28.0
Kung sa pag-aaral na isinagawa ng Deep Carbon Observatory, 70% ng mga bakteria at archaea ay matatagpuan sa ilalim ng lupa.
06:37.0
Kay naman pinangangambahan na may mga matagal ng dormant viruses ang ma-re-release dahil sa pag-ungkay na ito.
06:44.0
Sa katunayan, marami ng siyentipiko ang nag-aaral tungkol sa mga viruses na matatagpuan sa ilalim ng lupa.
06:51.0
At meron pa ngang mga scientist sa Russia na binuhay pa ang 48,500 years old na mga tinatawag na zombie viruses.
07:00.0
Kung nais nyo pong malaman ang tungkol dito, meron po kaming separate video para dito.
07:05.0
Ilalagay po namin ang link sa description at comment section.
07:08.0
Malaking proyekto, malaking binipisyo, pero pusibling may malaki ring piligro.
07:14.0
Kaya mahalagang timbangin kung alin ba ang mas mahalaga.
07:17.0
Ang mga matutuklasang yaman at kalaman o ang pagsiguro sa kaligtasan ng sangkatauhan.
07:24.0
Kung nagustuhan nyo po ang content natin ngayon, pakicomment ng Big Yes!
07:28.0
This is Ratio from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!