Bakit Sobrang Daming Gulong sa Gitna Ng Disyerto Ng Kuwait?‌
Sa disyerto ng Kuwait ay makikita ang tinatawag nilang “Tire Graveyardâ€, na itinuturing pinakamalaking tambakan ng gulong sa buong mundo. Nasa 60 milyon na mga lumang gulong daw ang nakatambak dito.
Bakit kaya sobrang daming gulong ang nakatambak sa gitna ng disyerto ng bansang Kuwait?
Ating alamin sa vidyong ito!
Manood ng iba pa naming awesome videos:
PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A
PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o
PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU
TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U
9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use†for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permit
Awe Republic
Run time: 06:24
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ito ang sinasabing pinakamalaking tambakan ng gulong sa buong mundo na makikita sa disyerto ng bansang Kuwait.
00:13.0
Binansagang Tire Graveyard o Libingan ng mga Gulong.
00:17.0
Nasa 60 million na mga gulong daw ang nakatambak dito.
00:21.0
Ang nakikita natin ay parang tip of the iceberg lamang dahil sobrang dami pang mga gulong ang nakabaon sa ilalim ng buhangin.
00:30.0
Sa sobrang dami ng gulong dito ay malinaw na itong nakikita mula sa space.
00:36.0
At dahil isa sa pinakamaliit na bansa ang Kuwait, minsan ay kusa nalang nagliliyab ang mga gulong at ilang beses nang nagkaroon ng napakalaking sunog sa tambakan na ito.
00:49.0
Gaya noong 2020, nasa 1 million mga gulong ang nasunog at umabot pa ng ilang araw bago nila naapula ang apoy.
00:58.0
At mas matindi pa ang nangyaring sunog noong 2012 dahil umabot sa 5 million na mga gulong ang natupok ng apoy.
01:08.0
Ang makapal at napakaitim na usok ay nagdadala ng mga toxic chemicals na lupang nakakapinsala sa kalusugan ng mga tao, lalo pat malapit lang ang tambakan sa mga kabahayan.
01:21.0
Bakit kaya sobrang daming gulong ang nakatambak sa disyerto ng Kuwait?
01:26.0
Ayon sa Reuters, may mahigit 42 million daw na mga gulong ang nakatambak sa tire graveyard ng Kuwait na naipon sa loob ng halos dalawang dekada.
01:39.0
Ngunit ayon naman sa France 24 ay umaabot daw ng 60 million gulong ang nakatambak dito.
01:47.0
Taon-taon naghukay sila ng malalaking butas sa disyerto para lang tabunan at lagyan ng mga gulong.
01:54.0
Ang Kuwait ay may estimated population na 4.5 million at mayroong nasa 2.4 million sasakyan noong 2019.
02:03.0
Hindi naman pala ganun kadaming sasakyan sa Kuwait para magkaroon sila ng ganito kadaming tambak ng mga lumang gulong.
02:11.0
So saan ang galing ang mga gulong na ito?
02:14.0
Noong 80s hanggang 90s kasi ay naging negosyo ng Kuwait ang pag-i-import o pag-angkat ng mga lumang gulong galing sa iba't ibang bansa sa Europe at pati na sa Amerika.
02:26.0
Nire-recycle nila ang mga lumang gulong at binibenta naman nila sa ibang bansa.
02:32.0
Ngunit noong 2001 ay itinigil ito ng gobyerno at mula noon ay naiwan ng nakatiwangwang ang milyon-milyong mga gulong sa mga tambakan ng disyerto ng Kuwait.
02:44.0
Ano kaya ang ginagawang mga hakbang ng Kuwait para sa problemang ito?
02:51.0
Sa ngayon plano ng Kuwait government na itransform ito mula sa pagiging tambakan ng gulong at gawing smart city.
02:59.0
Plano nilang magtayo ng 25,000 na mga bahay dito.
03:03.0
Kaya noong September 2021 ay sinimulan nila ang paghakot ng mga gulong papunta sa isang recycling plant kung saan nire-repurpose nila ang mga gulong upang gawing bagong produkto.
03:16.0
Dito ang mga gulong ay dumadaan sa proseso ng shredding.
03:21.0
Ilan sa mga consumer products na kanilang nagagawa mula sa gulong ay gaya ng tiles na maaaring gamitin sa mga playgrounds, walking tracks at pagawa ng mga infrastruktura.
03:32.0
Kaya daw nilang makapag-recycle ng halos 3 milyong gulong kada taon.
03:37.0
Sa gabilang banda, hindi lang ang bansang Kuwait ang dumaranas sa problema sa basurang gulong, maging ang buong mundo ay kinakaharap din ang problemang ito.
03:47.0
Ayon sa mga reports, mayroong mahigit 1 bilyong gulong ang umaabot ng end-of-life tire kada taon.
03:56.0
End-of-life tire ang tawag kapag luma na ang isang gulong at kailangan ng palitan.
04:02.0
Karamihan sa mga used tires ay tinatapon sa mga landfills.
04:06.0
Umaabot ng 50 to 80 years o mas matagal pa bago mabulok o madecompose ang isang gulong.
04:14.0
Kaya naman malaki ang negatibong epekto nito sa ating environment.
04:19.0
Kabilang narito ang pulusyon sa hangin at tubig, bakterya sa lupa, tirahan ng mga lamok na maaaring pagmulan ng denge at sunog.
04:28.0
Malaking problema ang basurang used tires kaya ang mga bansa ay kanya-kanyang diskarte upang masolusyonan ito.
04:37.0
Sa Eastern Turkey, ginagamit nila ang gulong upang makapagproduce ng kuryente.
04:43.0
Araw-araw ay nagsusunog sila ng libo-libong gulong upang makapaggenerate ng kuryente na nagsusuply sa halos 30,000 kabahayan.
04:53.0
Sa India, ginagawa nila itong mga sandals.
04:56.0
Dito sa atin sa Pilipinas, madalas ay naiipon lang din ang mga lumang gulong sa mga landfills.
05:03.0
Madalas ginagamit lang ang mga lumang gulong sa mga rubber flowerpots, mga pampublikong playgrounds at mga racetracks.
05:11.0
Dahil sa aminin man natin o hindi, hindi pahanda ang Pilipinas para sa large-scale recycling.
05:18.0
Pero may ilan tayong kababayan sa sobrang innovative ay nakagawa rin ng mga produkto mula sa gulong.
05:25.0
Isa na rito ay ang Bakoko Bag na ginawa ng isang couple mula sa
Taguig City bilang parte ng kanilang advokasya na magpromote ng environmental awareness.
05:36.0
Gamit ang inner tubes ng gulong ay ginawa nila itong eco-friendly at sustainable na bag, perfect gamitin sa outdoor, mapaulan o araw.
05:46.0
Maging ang mga sikat na sapatos sa Marikina ay gumagamit din ng mga lumang gulong bilang materyales sa kanilang paggawa.
05:54.0
Ito ay mga leather shoes kung saan ang mismong suelas o sole ng sapatos ay gawa sa recycled tires na talaga namang 100% Pinoy-made.
06:04.0
Nagustuhan niyo po ba ang video natin ngayon? Kung oo ay mag-comment ng Big Yes!
06:10.0
This is Ate O from Our Republic. Hanggang sa muli and stay awesome!