ANO ANG PINAKA MALAKAS NA ESPADA?! | One Piece Tagalog Analysis
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ano ba ang pinakamalakas na espada sa mundo ng One Piece? Basically nga e halos lahat ng mga pinakamalalakas na karakter sa One Piece e gumagamit ng sandata,
00:11.6
specifically ng espada. Pero sa video nga na to e hindi yung user ng mga espada na to ang irarank natin, bagkos e yung espada lang alone.
00:21.7
Meaning e hindi porket gamit ni Big Mom yung Napoleon e otomatik na tong mataas sa listahan natin. Dahil oo, malakas si Big Mom. Pero malakas ba itong espada niya?
00:33.1
So sa video nga na to e irarank natin ang mga espada base sa grade nila, sa rarity nila at syempre sa ipinakita na nila.
00:41.9
Ipapaalala ko lang na itong mga espada nga sa listahan natin e yung mga nare-reveal pa lang. Meaning e kung hindi pa nare-reveal sa kwento e hindi natin isasama, gaya ng ilan sa 12 supreme grade swords.
00:55.0
Dahil nga sa technically e tatlo pa lang ang nare-reveal sa kwento at apat na ang pinangalanan, e hindi natin isasama yung mga hindi pa nare-reveal, since wala pa nga tayong information patungkol sa mga kulang.
01:08.2
At para umpisaan nga itong topic natin e bibigyan ko muna kayo ng refresher patungkol sa mga grade ng espada. Basically nga e may tatlong grades ng espada.
01:18.3
At ito nga e yung 50 skillful swords, 21 great grade sword at ang pinakamataas sa tatlo na 12 supreme grade sword. Bukod nga sa tatlong yan e may dalawa pang technically e kasama.
01:30.8
At ito nga e yung mga ungraded swords at yung mga unknown grade swords. So from the word itself, ungraded swords. Meaning e yung quality nga ng pagkakagawa sa mga espada na to e hindi gaanong mataas para maabot yung qualification na mapasama sa mga graded swords.
01:49.0
Ang best example nga dito e yung kikoku na ginagamit ni Trafalgar Law. Itong mga unknown swords naman e from the word itself din, unknown. Meaning e hindi pa officially nare-reveal yung mga grades nila.
02:02.3
Kaya possible na sa mga future chapters e yung ilan sa mga espada na nakita na natin e ma-reveal na kabilang pala sa 12 supreme grade swords, 21 great grade sword or 50 skillful swords. In short e wala pa silang pagkakakilanlan sa ngayon.
02:19.1
At ito nga yung isa sa magiging point ng video na to. Dahil yung ilan nga sa listahan natin e mga unknown grade swords. Pero dahil nga sa nakita na natin silang ginagamit e may knowledge na tayo sa mga espada na to. Ngayon e kung malinaw na nga ang lahat e game umpisa na natin itong topic natin.
02:37.5
Ang ikasampu nga sa listahan natin e itong Wado Ichimonji, Nidai Kitetsu at Amino Habikiri. So basically e kaya ko nilagay itong tatlong espada na to sa ikasampu sa listahan natin e simply dahil sa confirmado na nga yung grade ng sword nila. Which is kabilang nga sila sa 21 great grade sword na mas mababa lang ng isa sa mga supreme grade swords.
03:01.4
Pero siyempre as the story goes on at ma-reveal pa sa hinaharap yung ibang kabilang sa 12 supreme grade swords e bababa sa listahan natin itong tatlong espada na to. Ang ikasyam naman sa listahan natin e itong espada ni Vista. Hanggang ngayon nga e wala pang pangalan itong espada niya. Ultimo itong grade nga e unknown pa rin. Pero dahil nga sa ipinakita niya during Marineford War at ni-regards nga siya ni Mihawk plus kaya ngang sumabay ng espada niya sa Yoru
03:30.8
to the point na nasasalag niya pa ang atake ni Mihawk e I assume na isa ito sa 21 great grade sword. Pero dahil nga sa lack of information patungkol sa espada na to e ilalagay ko lang muna to sa ikasyam sa listahan natin. Ang ikawalo naman sa listahan natin e itong Shisui. Ang grade nga ng espada na to e kabilang sa 21 great grade sword. Meaning e above lang dito ng isa yung mga supreme grade sword. So ano bang kaibahan neto sa mga nabanggit ko na na 21 great grade sword?
04:00.8
Bali dahil nga yan sa rarity niya ito, since permanent black blade na nga ito. Although may alam na nga tayo ng konti sa history ng espada na to since ginamit nga ito ni Ryuma na legendary hero, e gusto ko pa nga rin malaman kung paano ba ito naging permanent black blade. Dahil other than sa pagiging black blade na ito at ginamit ito ni Ryuma, e parang wala nang special sa espada na to. Kaya naman nilagay ko nga sa mas mataas sa listahan natin itong Enma.
04:30.8
At ito nga yung ikapito sa listahan natin. E kuya Eneru, bakit naman mas mataas itong Enma kesa sa Shisui? E di ba similar lang naman silang kabilang sa 21 great grade sword plus black blade pa nga itong Shisui na wala sa Enma.
04:46.8
Bali ang naging basihan ko nga dito e yung information. Dahil during Wano Arc nga e nalaman natin yung special ability netong Enma. At ito nga e yung nagagawa daw ng espada na to na mailabas ng user niya yung armament haki niya.
05:01.9
Kaya nga nakita natin si Zoro na nagagawang umatake ng mas higit pa sa intended niyang atake. Kumbaga may kakayanan itong Enma na ilabas yung full potential ng gagamit sa kanya. At isa pa inabanggit nga rin ni Sukiyaki na mataas daw ang posibilidad na itong Enma na maging black blade sa hinaharap.
05:20.8
Kaya kung potential lang ang pag-uusapan e mas far superior talaga itong Enma kesa sa Shisui. Anyway itong ikaanim, lima at apat naman sa listahan natin e ginawa ko nga tabla, since konti pa nga lang yung information ng mga espada na to. Pero yung potential nga nila e sobrang tataas. Hindi ko nga sila magawang itabla sa isang pwesto dahil magkakaiba nga sila, kaya kayo na lang ang bahalang mag-isip kung ano sa tatlong to ang mas superior o mas mahina.
05:50.8
Kumbaga kayo na lang ang hunusga kung sino yung number 4, 5 or 6 sa kanila sa listahan natin. Bale ang tinutukoy ko ng mga espada e itong espada na Ryu ni Shiryu, itong espada ni Silvers Rayleigh at itong espada ni Admiral Fujitora. Nilagay ko nga ng ganito kataas itong mga espada na to dahil nakita naman natin silang ginamit na. At yung potential nga ng mga to e mataas, gaya ng espada ni Rayleigh.
06:17.8
At kilala naman natin si Rayleigh na kanang kamay ni Roger, kaya imposibleng gumamit lang itong si Rayleigh ng mahinang espada. Itong si Shiryu naman e similar sa sitwasyon ni Rayleigh. Dahil nga sa kanang kamay siya ni Blackbeard e malabong pipitsuging espada lang itong gamit niya, plus binivisualize nga na siya ang makakaharap ni Zoro. At currently nga e ang hinahighlight sa kanya ni Oda e yung paggamit niya ng espada.
06:44.3
Bale ang ikatlo naman sa listahan natin e itong Gripon na ginamit ni Shanks. Currently nga e unknown pa yung grade ng espada netong Gripon. Pero dafak nga na sinasabing makailang beses nang naglalaban itong sila Mihawk at Shanks during sa kabataan nila at nagagawa ngang makasabay netong Gripon sa Yoru ni Mihawk. E hindi na nga ako magugulat kung at some point e marivel din na isa pala sa 12th Supreme Grade Sword itong espada na to.
07:11.2
Dahil may mga clue na nga rin na ipinapakita gaya ng paggamit ni Shanks ng Kamusari na nakita rin natin na ginamit ng dating Pirate King na si Roger sa espada niya. At speaking of Roger e ang ikalawa nga sa listahan natin e nagtabla. At eto nga e yung espadang Ace na ginamit ni Roger at yung mura kumugiri na ginamit naman ni Whitebeard.
07:33.4
Ganito nga kataas sa listahan natin itong dalawang espada na to hindi dahil sa malalakas na karakter ang gumagamit sa kanila. Bagkos e kaya sila nasa ikalawa sa listahan natin e dahil sa parehas silang kabilang sa 12th Supreme Grade Sword. Yes guys confirm na nga itong dalawa na to. At eto nga yung pinakamataas na grado ng espada.
07:54.3
Bali lilinawing ko lang sa mga nalilito sa mura kumugiri. Marami nga akong nababasa sa comment na bakit daw kabilang sa 12th Supreme Grade Sword ito. E hindi naman daw ito espada. Yes naginata nga itong mura kumugiri. At eto nga ang nagiisang non-Supreme Grade Sword na hindi espada. Pero yung blade kasi neto e kinuconsider as may mataas na grade level. Kaya technically e parang espada na rin eto dahil sa blade neto na nilagay lang sa ibang form.
08:23.9
Anyway ang nanguna nga sa listahan natin e itong Yoru ni Mihawk. So no brainer nga na hindi mauna sa listahan natin itong Yoru. Since bukod nga sa kabilang ito sa 12th Supreme Grade Swords e na-achieve na nga rin neto yung black blade na masasabi natin sobrang rare sa mga espada. At eto nga yung rason kaya mas mataas itong Yoru kesa sa mura kumugiri at ace since black blade nga ito.
08:49.0
Bale although hindi pa nga natin nakikita yung full potential ng espada na ito e pinakitaan naman na tayo ni Mihawk sa kung ano ang kaya neto magawa during Marineford War. At yes hindi pa nga seryoso si Mihawk sa Marineford War. Kaya what more kung makita pa natin siyang magseryoso sa laban o makita natin yung flashback niya gamit itong Yoru. Diba? Panigurado e sobrang hype neto.
09:13.8
Anyway ayan na nga yung listahan natin ng mga espada na pinakamalalakas sa series ng One Piece. Teka para sa inyo ba? Ano sa tingin nyo ang pinakamalalakas na espada sa One Piece? Kung may listahan nga rin kayo e wag na kayong mahihang i-comment yan sa ating comment section sa iba ba para mapag-usapan natin yan. So yun lang, peace!