Close
 


PAANO YUMAMAN Gamit Ang UTANG? (LEVERAGE)
Hide Subtitles
Click any subtitle word to view Tagalog.com dictionary results.
Computer Shortcuts: Left / Right arrows to jump 2 seconds back or forward. +Enter or Space to toggle Play/Pause button. Full Screen Mode
Sa video natin ngayon, sabay nating talakayin ang ideya ng utang. Kung bakit ito masama sa karamihan at ginagamit naman na tool sa pag-asenso ng iilan. Kung oobserbahan natin ang mga taong merong utang, makikita nating karamihan sa kanila ay hindi masaya. Dahil sa halip na nai-enjoy nila ang mga bagay na kanilang inutang, nagiging burden na ito. Dahil sa bayarin na automatic na nakakaltas sa kanilang sweldo buwan2x. At yan ang madalas na katotohanan sa buhay ng taong may utang. Pero kahit ganun paman, ang paggamit ng utang ay hindi masama sa lahat ng panahon. CONTACT US; EMAIL: wealthymind07@gmail.com FOLLOW US; Instagram: https://www.instagram.com/wealthymindpinoy/ Facebook: https://fb.me/WealthyMindPinoyOfficial TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJD4Pfmn/ #utang #asensopinoy #WEALTHYMINDPINOY
WEALTHY MIND PINOY
  Mute  
Run time: 11:38
Has AI Subtitles




Video Transcript / Subtitles:( AI generated. About AI subtitles » )
00:00.0
Intro
00:00.5
Sa video natin ngayon, sabay nating talakayin ang ideya ng utang, kung bakit ito masama sa karamihan at ginagamit naman na tool sa pag-asenso ng iilan.
00:21.0
Kung oobserbahan natin ang mga taong mayroong utang, katulad ng kaibigan mong nangungutang ng cellphone, yung kapitbahay mong may utang na motor o di kaya ay sasakyan, at yung kakilala mong nangungutang para mapatayo ang kanilang bahay, makikita natin karamihan sa kanila ay hindi masaya.
00:38.6
Dahil sa halip na nai-enjoy nila ang mga bagay na kanilang inutang, nagiging burden na ito dahil sa bayarin na otomatik na nakakalta sa kanilang sweldo buwan-buwan.
00:48.6
At yan ang madalas na katotohanan sa buhay ng taong may utang. Pero kahit ganun pa man, ang paggamit ng utang ay hindi masama sa lahat ng panahon.
00:58.2
Totoo na maraming buhay na naging miserable dahil sa utang, pero kung strategic ka at kung gagamitin mo ito sa pagbuo ng isang asset, matutulungan ka rin itong yumaman.
01:08.9
At posible yun. Sa katunayan, lahat ng mga successful entrepreneur na kilala natin ngayon ay gumagamit ng utang sa pagpapalago ng kanilang negosyo.
01:18.6
At para na rin ma-maintain ang kanilang lifestyle. At ito ang tinatawag na leverage.
01:24.7
Sa halip na sarili mong pera ang gagamitin sa pagbuo ng isang asset, pera ng ibang tao ang iyong gagamitin kapital.
Show More Subtitles »