00:55.0
Ako pa naman kakakayaning.
00:56.5
Kayang-kaya kong gumawa ng desisyon ng mag-isa.
00:59.8
Kasi alam mo Papadudod eh, pitong taon pa lamang kaming kasal.
01:04.7
Nang asawa ko na si Bert ay naghiwalay na kami.
01:07.5
27 pa lamang ako noon, Papadudod.
01:11.1
Si Bert mas matanda sa akin.
01:13.3
Ang panganay namin na anak si Melody nasa kinder pa lamang.
01:17.2
Sikit yung bunso namin ay preschool pa lamang yata.
01:20.9
Ako si Carol, ang asawang iniwan ni Bert para sa ibang babae.
01:26.5
Kaya ako lang ang nagpalaki sa mga bata.
01:29.6
Nagbibigay si Bert ng pandagdag na sustento para sagastusin sa eskwelahan at kung ano-ano pa.
01:36.6
Pero kaunti lamang natulong yun kung tutuusin.
01:40.6
Mas kailangan namin ang mga bata na nandun siya bilang ama sa buhay nila.
01:46.2
Na habang lumalaki sila ay alam nilang meron silang mga magulang na nagmamahal sa kanila.
01:53.8
Ito namang si Bert.
01:55.1
Kung munti rin yung binibigay sa akin na sustento kasi ang nangyari siyempre nagkaanak din sila noong bago niyang babae.
02:03.7
At mas marami pang ang anak, Papadudod.
02:07.0
Tatlo yung anak niya doon.
02:09.3
Kaya tuloy halos wala na siyang maibigay sa amin pagdating ng panahon.
02:14.6
Bumibisita, bisita na lamang siya pag wala ako sa bahay para makita ang mga bata.
02:20.0
Minsan ay lumalabas siya kasama ang mga bata.
02:23.6
Hinihiram pag Sabado.
02:26.4
Sinosoli naman pag Linggo.
02:28.8
Pero bihira na rin yun kasi nga may iba na rin siyang pamilya.
02:34.1
Ako hindi na ako nag-asawa ulit.
02:36.4
Ganyan yata madalas ang nangyayari sa mga babaeng hiwalay.
02:40.4
Mas madalas ang mga lalaki ang nakakatagpo ulit ng makakasama.
02:46.2
Feeling ko lang naman yun, Papadudod.
02:48.1
Pero sigurado ako na meron din naman mga babae na nag-aasawa ulit.
02:55.2
Pero ako, ganun ang nangyayari sa akin at naalala ko pa ang araw
02:58.8
nang nalaman kong hihiwalayan na ako ni Bert.
03:02.8
Akala ko ay sasaya ang buhay namin.
03:08.8
Wala akong kamuang-muang.
03:10.3
Dahil isang araw ay bigla na lamang sinabi ni Bert na kailangan niyang umalis ng bahay.
03:16.5
Kailangan niya akong iwanan.
03:18.6
Nung una ay hindi niya masabi sa akin ang kadahilanan hanggang sa umamin,
03:22.8
nakikita niya raw si Lani.
03:26.5
Papadudod si Lani ang classmate ni Bert nung high school.
03:30.2
Last year kasi nag-attend siya ng reunion.
03:33.1
Hindi ako nakasama kasi masama ang pakiramdam ko.
03:36.4
Dapat sasama ko kaya lang nagkatrangkaso ako.
03:40.4
So si Bert na lamang ang nagpunta.
03:43.3
Ayaw sana niyang magpunta para alagaan ako.
03:46.8
Kaya lang alam kong gusto niyang magpunta talaga so pinabayaan ko.
03:50.8
Si Lani, dating niyang crush.
03:52.8
At pagkatapos ng reunion, naging close sila ulit.
03:56.8
Nagpupunta pa nga dito sa bahay yon kasi malapit lang pala siya sa amin nakatira.
04:03.8
Okay lang sakin kasi alam ko na may asawa na rin si Lani.
04:07.8
At mapagtiwala akong klase ng tao, Papadudod.
04:12.8
Alam kong mahal ako ng asawa ko at mabait siyang tao.
04:17.8
Bakit naman niya magagawa sa aming pamilya sa akin na asawa niya?
04:23.8
Bakit niya sisirain ang magandang buhay namin na maayos ang takbo?
04:28.8
Kasi kinasal kami pagka graduate namin.
04:31.8
Nagkaanak ayon sa plano naming panahon.
04:34.8
Nagiipon kami para makabili ng bahay, nakabili na kami ng sasakyan.
04:38.8
Lahat ng mga gusto namin ay nakaplano na naming makamit Papadudod.
04:43.8
Hanggang sa dumating ang ganitong usapan.
04:47.8
Pinababayaan kita.
04:49.8
Binibigyan kita ng pagkakataon para dyan sa reunion na yan.
04:52.8
At makasalamuha ulit yung lani na yan.
04:55.8
Tapos eto palang kahihinatnan?
04:58.8
Hihiwalayan mo ko?
05:00.8
Iiwanan mo kami ng mga anak mo para sa kanya?
05:03.8
Sigaw ko kasabay ang paghahagis ng mga pinggan.
05:07.8
Pabayaan mo kong ipaliwanag sa'yo too, please?
05:10.8
Pakiusap pa ni Bert.
05:12.8
Pabayaan kang magpaliwanag?
05:14.8
Pinabayaan na nga kita, hindi ba?
05:17.8
Kaya nga tayo napunta dito.
05:19.8
Wala ka nang kailangang ipaliwanag.
05:23.8
Hindi ko ginusto to Carlota.
05:27.8
Ang kapal na mukha mo?
05:29.8
Hindi mo ginusto to?
05:31.8
Eh bakit mo gagawin?
05:33.8
Bakit mo magagawang sirayin ang buhay natin kung hindi mo to gusto?
05:38.8
Kung hindi mo to gusto, hindi sana hindi kita sinisigawan ng ganito.
05:46.8
Pari na ang nangyari.
05:48.8
Hindi ko plano na mapunta doon ang relasyon namin ni Lani.
05:52.8
Pero nagkita kami sa reunion at doon na nagsimula.
05:58.8
Gaano katagal na kayo nagkikita?
06:00.8
Naiiyak na tanong ko.
06:05.8
Yung reunion ninyo, kailan lang yun?
06:07.8
Wala pang tatlong buwan.
06:09.8
Ang sinasabi mo sa akin ay simula nang magkita kayo tatlong buwan pa lamang ang nakakalipas.
06:13.8
Bigla na lang kayong magdidesisyon na magsama?
06:20.8
Hindi lang, hindi lang tatlong buwan kaming nagkikita.
06:23.8
May pag-aalilangan na wika pa niya.
06:26.8
Anong ibig mong sabihin?
06:30.8
Matagal na kami Carlota.
06:32.8
Una ko pa lang nanakilala siya, gusto ko na siya.
06:35.8
Bago pa mag reunion, nagkita na kami sa internet.
06:39.8
Doon kami nagkausap at nagkakilala pa lalo.
06:41.8
Nagsimula sa kumustahan hanggang sa kung ano nang pinag-uusapan namin.
06:46.8
Nagchat-chat kayo ganun?
06:48.8
Putol ko sa sinasabi niya.
06:51.8
Oo, kwentuhan ng buhay, ganun.
06:53.8
At hanggang sa nagkaayaan na magkita sandali.
06:58.8
Gano'ng katagal na to?
07:01.8
Mga tatlong taon na.
07:04.8
Lumayas ka na rito.
07:06.8
Kung gusto mong umalis, umalis ka na.
07:08.8
Bakit mo pa ako kinekwentuhan ng love story ninyo?
07:12.8
Magsama na kayong dalawa?
07:16.8
Carlota, huwag naman ganyan.
07:18.8
Kalmadong sabi pa ni Bert.
07:23.8
Huwag ganyan pagkatapos mong makipagkita at makipagrelasyon sa ibang babae?
07:28.8
Sa nakaraang tatlong taon, ikaw pa ang may kapal na mukha na pagsabihan ako na huwag naman ganyan Carlota?
07:35.8
Ang kapal kapal ng mukha mo?
07:38.8
Sasabihin mo pa na dati ko na siyang crush?
07:41.8
Ang kapal na mukha mo?
07:44.8
Matuwa ako para sa iyo kasi pagkatapos ng maraming taon ay nakuha mo na yung crush mo?
07:49.8
Hayop kang lalaki ka?
07:51.8
Sigaw ko pa sa kanya kasunod ang paghahagis ng mga pinggan sa kanya pero hindi naman siya tinamaan.
07:58.8
Walang natira sa mga pinggan namin Papa Dudut.
08:03.8
Buti na lamang ang mga kasirola matibay at mga kutsara at tinidor hindi nasisira kapag hinahagis.
08:10.8
Nagsisisi ako na hindi ako naglabas ng kutsilyo.
08:14.8
Sana isinaksa ko na lamang si Bert para masaktan siya talaga.
08:18.8
Kasi alam ko naman ang mga lalaki Papa Dudut.
08:21.8
Kahit na anong pagsisigaw ng misis o girlfriend nila, kaya nila nakalimutan yun at isang tabi na lamang.
08:29.8
Ang dalinin yung mga lalaki na mag move on.
08:34.8
Hindi tulad naming mga babae Papa Dudut.
08:37.8
Kung ano-ano ang naging kalat ng kusina namin ang araw na iyon.
08:41.8
Sa dami na mga basag na pinggan at baso ay ganun din ang itsura ng puso ko.
08:49.8
At buti na lamang at wala mga bata sa bahay, buti na rin iyon.
08:53.8
Kasi kung merong mang makakaligpit at linis na mga nawasak na pinggan,
08:58.8
baso at kobyertos ng kusina at puso ko,
09:05.8
Lumipas ang panahon Papa Dudut.
09:09.8
Mahirap at nag-business din ako ng pagbebenta ng makeup at tupperware para makadagdag sa sweldo ko.
09:16.8
Buti na lamang at matatalino ang mga bata kasi naka-scholarship sila ng college.
09:22.8
Ang panganay ko na si Melody.
09:25.8
Mahilig kasi ako dati sa My Melody kaya ganun ang pangalan niya.
09:29.8
Masipag na mag-aral.
09:32.8
Simpleng ganda lang siya Papa Dudut, hindi naman pang beauty queen pero may appeal.
09:36.8
Pasensya ka na kung ganyan ako magsalita Papa Dudut.
09:39.8
Ayoko kasing nagsisinungaling sa mga anak ko.
09:42.8
Kung pinupuri ko sila, yung sapat lang.
09:45.8
Dati kasi ang saya-saya ng buhay namin tapos yun pala ay hindi.
09:49.8
Kasi yung tatay nila ay may iba palang iniisip na babae habang nagsasama kami.
09:54.8
Kaya ang pagpapalaki ko sa mga anak ko ay nakatungtong sa realidad ng buhay.
09:58.8
Na huwag umasa sa iba.
10:01.8
Na ang buhay ay puno ng kabiguan.
10:03.8
Na ang maasahan mo lamang ay sarili mo.
10:06.8
At nakala ko ay sapat na yun para ituro sa mga anak ko para maging matuwid ang mga buhay nila.
10:11.8
Kaya tanong gulat ko na lamang nang ganito ang ibalita sa akin ng panganay ko.
10:17.8
Natanggap daw siya sa inaplayan niyang trabaho.
10:20.8
Yun ang kumpanya na matagal na niyang gustong pasukan.
10:23.8
Matagal ko na rin yun na naririnig sa kanya.
10:27.8
Na mahirap raw makapasok sa kumpanya na yun dahil hindi madali ang exam na ibinibigay sa mga nag-a-apply.
10:35.8
Nang ibalitan niya sa akin na sa wakas ay natanggap na siya sa kumpanya na yun ay sobra akong natuwa para sa kanya.
10:43.8
Kasi alam ko kung gaano niya kagusto na makapasok doon.
10:47.8
Marami akong magagandang bagay na naririnig mula sa kanya na dahilan kung bakit gusto niyang maging parte ng kumpanya na yun.
10:55.8
Dahil sa marami raw benefits at sigurado siya na hindi niya ito iiwanan sa oras na makapasa at makapasok siya.
11:03.8
Pero nang araw na yun na ikinuwento niya sa akin na sa wakas ay natanggap na siya sa kumpanya na yun, may lungkot din akong nakita sa mga mata niya.
11:12.8
Sinabi niya sa akin na nagdadalawang isip na siyang ituloy ang trabaho na yun.
11:17.8
Ano bang dahilan kung bakit ayaw mo nang tumuloy na pumasok doon? Tanong ko.
11:26.8
Sabihin mo na sa akin kahit ano pa yan at iintindihin ko ang sabi ko pa.
11:32.8
Saglit na tumahimik si Melody na tila naiwas sa topic na yun.
11:38.8
Pero hindi ko siya tinigilan at muling kinumbinsin na sabihin sa akin ang katotohanan.
11:43.8
Naalala niyo ba si Jerry ang ex-boyfriend ko? Tanong niya.
11:48.8
Oo kasi siya lang naman ang lalaki na pinakilala mo sa akin na boyfriend mo. Tugon ko.
11:53.8
Kasi siya lang din naman po ang naging boyfriend ko. Pagtawa ng anak ko.
11:58.8
Ano bang meron sa kanya? Muli ay pag-uusisa ko.
12:03.8
Saglit na muli siyang tumahimik bago sinalubong ang mga tingin ko.
12:07.8
Magiging magkatrabaho ba kayo? Panguhula ako sa nais niya ang sabihin.
12:12.8
Umiling si Melody.
12:15.8
E ano? Tanong ko pa.
12:18.8
Magkiba kami ng kumpanya pero nasa isang building po kami.
12:22.8
Ang wika ni Melody.
12:25.8
Magkiba naman pala ng kumpanya at opisina. Anong masama doon? Tanong ko.
12:30.8
Nasa isang building nga po kami. Tugon niya.
12:33.8
Oo tapos. Tanong ko.
12:36.8
Pwede po kami magkita kasi pwede kami magkasabay sa elevator.
12:40.8
Tapos baka kausapin niya ako. Wika niya.
12:44.8
E di huwag mong kausapin. Sugestyon ko.
12:48.8
Sana po kaya kong gawin yun. Wika niya.
12:51.8
Mahal mo pa ba? Tanong ko.
12:54.8
Oo po yata pag-amin niya.
12:57.8
Mahal mo pa pala eh. Bakit hindi mo nalang balikan? Tanong ko pa.
13:02.8
Mahirap po yung sitwasyon eh. Wika niya.
13:06.8
Paano naging mahirap saka bakit ka ba nakipaghiwalay sa kanya noon?
13:10.8
Tanong ko pa na muling kinatahimik ng anak ko.
13:13.8
Papa Dudot ganito pala ang nangyari. Ang anak kong si Melody ay takot sa pag-ibig.
13:19.8
Ang saya-saya raw nila ni Jerry at ang ganda ng samahan nila.
13:23.8
Ito namang si Jerry forever na ang bukang bibig kay Melody.
13:27.8
Gusto niya na sila na ang magsama sa panghabang buhay.
13:31.8
Si Melody naman dahil alam niya ang kwento namin ng tatay niya ay natakot.
13:37.8
Natakot na mabigo ng isang lalaki na ang ganda ng intensyon at sa tingin niya ay may magandang pagkatao.
13:44.8
Napagkatapos ng ilang taon na pagsasama ay iiwanan din siya.
13:48.8
Kaya ang ginawa niya ay imbes na siya ang iiwan, siya na ang mang iiwan.
13:53.8
Kung mahal mo siya, bakit hindi mo siya balikan?
13:57.8
Hindi nga po pwede. Tugon niya.
14:01.8
May girlfriend na ba siya? Tanong ko.
14:05.8
Sabi nung pinsan niya na nakakausap ko hanggang ngayon, single pa rin daw po si Jerry. Tugon niya.
14:13.8
Sakto pala kasi wala ka rin namang boyfriend. Baka ito ng second wife.
14:17.8
Baka ito ng second chance ninyong dalawa. Wika ko.
14:21.8
Pero hindi nga po po pwede. Sabi pa niya.
14:25.8
Bakit ba kasi hindi pwede? Pareho naman kayong single. Naguguluhang. Tanong ko.
14:32.8
Mahal mo pa siya, hindi ba? Tanong ko ulit.
14:36.8
Tumangon naman si Melody.
14:38.8
Bakit hindi mo pabalikan? Tanong ko.
14:42.8
Natatakot po kasi ako eh. Tugon niya.
14:46.8
Natatakot ka saan? Tanong ko.
14:49.8
Natatakot po ako na matulad kami sa inyo ni Papa. Kasi hindi ba ganito rin ang sitwasyon ninyo ni Papa noon?
14:58.8
Hindi kayo magkatrabaho pero nasa yung isang building lang ang opisina ninyo.
15:03.8
Doon kayo nagkakilala hanggang sa iyon nagsimula na ang love story ninyo ni Daddy.
15:08.8
Ang love story na wala namang happy ending. Tugon niya.
15:14.8
Tama si Melody, Papa Dudut. Parehong building kami ni Bert, magkaibang department.
15:20.8
Hindi kami magkasama sa opisina, iba ang mga boss namin pero doon din kami lagi nagkikita.
15:27.8
Sa koridor. Sa elevator. Sa canteen.
15:31.8
Sa sakay ng jeep. Sa mga office party.
15:35.8
Para bang pinagbabangga kami ng tadhana kaya doon kami nauwi bilang mag-asawa.
15:41.8
Alam ni Melody ang kwento namin at ayaw niya.
15:43.8
Ang maging kwento nila ni Jerry.
15:48.8
Ginawa ko ang kailangang gawin Papa Dudut. Kailangan kong harapin si Bert.
15:54.8
Hindi ko na pinaalam kay Melody pero dahil matalino yung bata na iyon.
16:00.8
Alam ko na alam niya na eto rin ang gagawin ko.
16:03.8
At pumayag naman si Bert.
16:05.8
Ang nakakainis dito ay hindi ko alam na yung petsa ng pagkikita namin ay mahalagang petsa pala.
16:11.8
Nagsimula ang pag-uusap namin sa kasual na paghaharap Papa Dudut.
16:15.8
Ayoko na nga sanang patagalin pa ang pag-uusap na iyon kasi ayoko rin nang nakakasama ng matagal ang dati kong asawa.
16:22.8
Hindi ako nasasaktan pero labis akong nakakaramdam ng inis sa kanya.
16:27.8
Masasabi ko naman na nakamove on ako pero hindi ko pa rin maialis ang inis sa dibdib ko.
16:34.8
Na para bang sinayang ko ang ilang taon ng buhay ko nakasama ko siya.
16:39.8
Ano bang gusto mong pag-usapan?
16:40.8
Ano bang gusto mong pag-usapan natin tungkol kay Melody?
16:44.8
Natatanda mo ba si Jerry yung ex-boyfriend niya?
16:52.8
Mahal pa ni Melody ang lalaki na iyon eh.
16:54.8
At magiging magkasama sila sa isang building para magkatrabaho.
17:01.8
O edi okay. Baka magkabalikan na sila.
17:06.8
Ayaw ni Melody na magkabalikan sila ni Jerry.
17:12.8
Akala ko ba mahal niya?
17:14.8
Bakit ayaw niya makipagbalikan?
17:16.8
Pagtataka ni Bert.
17:19.8
Dahil ayaw niyang magaya sa ating dalawa.
17:22.8
Hindi mo na ba natatandaan?
17:24.8
Doon din tayo nagsimula.
17:26.8
Doon tayo nagkakilala hanggang sa maging mag-asawa tayo.
17:29.8
Magkaroon ng anak at hanggang sa...
17:32.8
Hindi ko maituloy ang nais ko pang sabihin.
17:39.8
Nakaramdam uli ako ng inis bago nilaksaan ang boses ko.
17:44.8
Hanggang sa lokohin mo akong hayob ka, pagtataas ko ng boses.
17:49.8
Carlota hanggang ngayon ba? Hindi mo pa rin ako napapatawad? Tanong niya.
17:55.8
Napatawad na kita pero hindi ibig sabihin nun. Nakalimutan ko na ang panloloko mo sakin. Singhal ko.
18:02.8
Doon ko na nagsimulang hindi napigilan ang sarili ko papadudut.
18:07.8
Kaya rin ayoko nang nagkakaharap kami ni Bert dahil tumataas sa ulo ko ang dugo ko.
18:12.8
At nang may lumapit na waiter na may dalang cake ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na itapon yon sa mukha ng dati kong asawa.
18:20.8
Carlota, bakit mo naman tinapon sa akin ng cake?
18:23.8
Gulat na tanong ni Bert.
18:25.8
Bakit ba kasi may hawak na cake yung waiter na yan?
18:28.8
Inis na, tanong ko rin.
18:30.8
Kasi inorder ko yan para sayo.
18:34.8
Para sakin, bakit? Tanong ko pa.
18:37.8
Dahil ngayon lang naman ang wedding anniversary natin at akala ko.
18:41.8
Kaya ka nakipagkita sa akin dahil sa date ngayon.
18:44.8
Tugon pa ni Bert.
18:46.8
Hindi ko natikman yung cake papadudut pero yung dati kong asawa ay natikman siya.
18:53.8
Kasi hinampas ko yung cake na yon sa mukha niya at sabay walk out.
18:57.8
Ang ganda pa ng timing.
19:00.8
Tinapos ko yung kanta ng mga waiter at pinabayaan kong magpalak pa ka ng ibang mga kumakain sa restaurant sabay alis.
19:06.8
Ang nasa isip ko ay kailangan kong makausap si Melody.
19:12.8
Kumusta na kayo ni Jerry?
19:14.8
Tanong ko kay Melody.
19:16.8
Okay naman po ma.
19:18.8
Tipid na, sagot niya.
19:24.8
Okay as in okay kami.
19:26.8
Ang totoo po ay nagkausap na kaming dalawa nung nakaraan lang wika niya.
19:31.8
Anong pinag-usapan ninyo?
19:33.8
Pag-uusisa ko pa.
19:35.8
Tungkol po sa aming dalawa, nag-decide kami na dapat hindi namin minamadali ang mga bagay-bagay.
19:42.8
Kayong dalawa na ba ulit?
19:44.8
Nagkabalikan na ba kayo?
19:47.8
Umiling siya pero nakangiti ang mga labi.
19:50.8
Kita at ramdam ko na kahit papaano ay may gaana sa dibdib niya.
19:55.8
Not officially pero sinisimulan na po naming ayusin ang lahat.
20:03.8
Huwag ninyong masyadong minamadali ang mga bagay-bagay sa inyong dalawa.
20:08.8
Para hindi kami matulad sa inyo ni Daddy, tanong pa ni Melody.
20:13.8
Ako naman ang ngumiti bago nagbitaon ng buntong hininga.
20:18.8
Sa totoo lang eh, wala namang pwedeng makapagsabi kung ano ang pwedeng mangyari sa inyo sa hinaharap.
20:25.8
Kahit gaano ninyo kamahal ang isa't isa, pwedeng dumating pa rin ang panahon na bingla na lang magbago ang lahat.
20:32.8
Andun palagi ang posibilidad na isa sa inyo ni Jerry ang maasaktan.
20:37.8
Pero ang mahalaga naman dun ay natutunan ninyo ang magmahal ng totoo minsan sa buhay ninyo.
20:45.8
Nagsisisi po ba kayo na si Daddy ang naging asawa ninyo?
20:48.8
Tanong pa ni Melody.
20:50.8
Aaminin ko na medyo may parte sa sarili ko ang nagagalit pa rin hanggang ngayon sa kanya.
20:56.8
Pero ang hindi ko pinagsisisihan ay yung nagkaroon ako ng anak na kagaya mo.
21:01.8
Melody, sorry kung dahil sa paghiwalay namin ng Daddy mo ay naapektuhan ka at ang relasyon ninyo ni Jerry.
21:08.8
Pero sinasabi ko sa iyo na kung ano man ang nilalaman itong puso ko, huwag kang matakot na sundin iyon.
21:14.8
Huwag na huwag kang matatakot na sumugal at magmahal.
21:18.8
Payo ko sa anak ko.
21:20.8
Papadudot, mahigpit na yakap ang sinagot sa akin ni Melody noon.
21:25.8
Nagpasalamat siya sa mga salitang binitawan at pinayo ko sa kanya.
21:29.8
At ng mga sumunod na linggo ay hindi na ako nagulat nang sabihin niya sa akin na totoong nagkabalikan na sila ni Jerry.
21:36.8
Mahal naman kasi nilang isa't isa kaya walang dahilan para pigilan nila ang nararamdaman nila.
21:42.8
Sa ngayon ay casual na lamang kong magkita at magkausap kami ng dati kong asawa na si Bert.
21:48.8
Wala eh, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na magalit sa kanya.
21:52.8
Ganon talaga siguro kapag labis kang nasakta ng isang tao.
21:56.8
Pero sigurado naman ako na sa paglipat, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na magalit sa kanya.
21:57.8
Ganon talaga siguro kapag labis kang nasakta ng isang tao.
21:58.8
Pero sigurado naman ako na sa paglipat, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na magalit sa kanya.
22:01.8
Tatawanan ko na lamang ang kirot na nararamdaman sa dibdib ko nang dahil sa dati kong asawa.
22:07.8
Hanggang dito na lamang palang sulat ko na ito, Papa Dudut.
22:11.8
Lubos na gumagalang, Carlotta
22:16.8
Maraming salamat Carlotta sa pagsulat mo sa aking YouTube channel.
22:20.8
Tama ang sinabi mo, na kapag labis tayong nasakta ng isang tao ay nahihirapan tayo ng magpatawad.
22:27.8
Pero ang mahalaga ay bukas ang isip at puso mo sa kapatawaran na hinihingi ng dati mong asawa na si Bert.
22:34.8
Kaya dalangin ko na sana'y dumating na ang araw na maging magaan na rin ang dibdib mo at maibigay ang tunay na kapatawaran sa kanya.
22:57.8
Papadudut Stories
22:59.1
Laging may karamay ka
23:04.3
Mga problemang kaibigan
23:13.4
Dito ay pakikinggan ka
23:20.3
Sa Papadudut Stories
23:25.4
Kami ay iyong kasama
23:29.9
Dito sa Papadudut Stories
23:37.4
Ikaw ay hindi nag-iisa
23:41.8
Dito sa Papadudut Stories
23:50.9
May nagmamahal sa'yo
23:55.4
Papadudut Stories
24:01.5
Papadudut Stories
24:09.1
Papadudut Stories
24:25.4
Papadudut Stories