* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Paano kung magkaroon ng World War 3 o ikatlong digma ang pandayigdig? Anong gagawin mo? Saan ka pupunta? Katapusan na ba ng mundo kapag mangyari ito? Yan ang ating aalamin.
00:19.1
Alam niyo bang nasa Russia ang pinakamalakas na nuclear bomb sa buong mundo? Ang Tsar Bomba.
00:31.5
Sila rin ang may pinakamaraming nuklear na tinatayang nasa 6,000 nuclear weapons. At ang China naman ang may pinakamaraming sundalo sa buong mundo na mahigit sa 2 million active duty military personnel.
00:46.4
At ang USA pa rin ang tinuturing na superpower country dahil sa kanilang napaka-advance na mga gamit pandigma.
00:54.3
Alam din natin araw-araw sa ating mundo ay patindi ng patindi ang mga nangyayaring tensyon. Kaya maraming mga bansa ngayon ay talaga namang fully equipped at nagre-ready na pagdating sa kanilang mga armas at gagamitan.
01:09.7
Nariyan ang pagpaparami ng sundalo, high-tech na armas, mas malalakas na nuclear bomb,
01:15.2
at pina-improve na mga sasakyang pandigma. Ayon sa kasaysayan, noong unang digmaang pandayigdig, nasa estimated na 20 million ang nawalan ng buhay, at halos 21 million naman ang mga sugatan.
01:30.8
At noong ikalawang digmaang pandayigdig, nasa 75 to 80 million ang nawalan ng buhay.
01:37.1
Ang isang matinding digmaan ay maaaring magsimula dahil sa paghihiganti o pagpaslang sa isang kilala at makapangilala.
01:45.2
O kaya naman ay dahil sa paggagawan ng natural resources tulad ng langis, teritoryo, at marami pang iba.
01:54.8
At kung maganap o sumiklab man ang sinasabing ikatlong digmaang pandayigdig, ano-ano ang mga posibleng mangyayari?
02:02.6
Una, ang isa sa makikita sa digmaan ay mga advanced technology. Massive troops at ang mga militar ay gagawa ng exoskeleton na mga sundalo.
02:14.3
Bagamat hindi ito tulad ng suot ni RoboCop Iron Man, ang kasuotang pandigma na ito ay makakatulong sa mga sundalo para palakasin ang kanilang mga katawan at makatagal sa digmaan kahit may mga mabibigat na armas.
02:29.6
Ikalawa, ang labanan sa panahon ng gera ay gagamit ng libu-libong mga drones o baka higit pa.
02:37.0
Ito ay upang maiwasan ang pagkabawas ng mga sundalo.
02:41.2
At dahil high-tech ang mga drones, mas pulido ang pagtarget nito sa mga kalaban at ito ay magagamit din sa pagpapabagsak ng mga bomba sa kalaban.
02:53.2
Ang isa pang pwedeng mangyari ay ang pag-hack ng mga computer systems sa isang bansa, gaya ng pag-shutdown ng power source nito at makakakuha ng mahalagang impormasyon ng mabilis.
03:04.9
Bukod dyan, magkakaroon din ng biological warfare.
03:09.3
Ang biological warfare ay
03:11.1
Paggamit ng mga nakakalasong chemicals, virus at nakakahawang sakit para tumapos ng buhay ng maraming tao na ginagamit sa digmaan.
03:21.8
Kung gumamit ang mga bansa ng biological warfare, ang ganitong sakit ay kayang makahawa nang wala pang isang araw sa buong syudad, kaya nakakatakot at nakapangingilabot ang kaganapang ito.
03:35.0
At kung sakaling nakaligtas ka man sa mga naunang posibleng mangyari, itong kasunod ay talaga naman.
03:41.1
Ang paggamit ng nuclear weapons
03:45.3
Noong 1945, ang Amerika ay nagpabagsak ng tig-isang atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki, Japan.
03:53.9
Ang pagsabog na ito ay tumapos ng buhay ng daan-daang libong katao na halos ilang dekada din bago nakarecover ang mga syudad.
04:03.1
Masasabi nating matindi ang pagsabog ng atomic bomb na ito sa mga syudad sa Japan.
04:09.2
Pero paano na kaya ngayon na ilang dekada na ang nakalilipas?
04:14.8
Siguradong mas malalakas at mas pinatindi ang mga nuclear weapons na mga naiimbento ng mga bansa.
04:22.4
At masasabi nating 2,000 times ang lakas kumpara sa mga atomic bomb na pinasabog noong 1945 sa Hiroshima at Nagasaki sa Japan.
04:33.5
Lalo kapag kasing lakas ng Tsar Bomb na mayroong 50 megatons.
04:39.2
Ano ba ang mangyayari kung sumabog ang kasing lakas ng isang Tsar Bomb?
04:44.3
Wala pang isang segundo ng pagsabog ay makakalikha ng napakalaking fireball.
04:50.1
At lahat ng nakapaligid at malapit dito ay agad na maglalaho.
04:54.8
Mapatao, hayop at mga infrastruktura.
04:58.0
Kung nasa loob ka ng fireball para kang tubig na malulusaw dahil sa tindi ng pagsabog.
05:04.7
Kasabay ng fireball ay may matinding flash of light.
05:09.2
Ang lakas ng liwanag nito ay maaari kang mabulag kung malapit ka.
05:13.9
Bukod dito ay may napakalakas na hangin na mas malakas pa kaysa tornado, na kung tawagin ay shockwave.
05:22.2
Hindi rin maliligtas sa napakatinding init ang lahat ng sakop ng radius.
05:27.9
Kaya tirible, nakakakilabot at nakakagimbal ang ganitong pangyayari.
05:33.8
Isa pa, parami ng parami ang mga nuclear weapons ngayon.
05:39.2
Parami ng Rasya, Amerika, China, North Korea at marami pang iba na kung gagamitin lahat ito sa digmaan, then it's game over.
05:50.9
Dahil kung ang isang bansa ay magbabagsak ng isang nuclear bomb at gantihan at gayahin ng iba pang mga bansa,
05:59.1
na mayroong napakalalakas na nuclear bomb ay siguradong mawawasak ang malaking bahagi ng mga bansa
06:06.7
at sobrang tindi ng pagkasiraan.
06:09.2
Mga bahagi ng mundo at milyon-milyong mga inosenteng tao ang mawawalan ng buhay.
06:16.0
At ang pangyayaring ito, siguradong hindi malilimutan sa kasaysayan ng daigdig.
06:22.6
So sino nga ba ang nagtagumpay sa digmaang ito?
06:25.9
Ang isang malaking sagot ay wala.
06:28.9
Ang lahat ay talo.
06:30.7
Hindi maganda ang digmaan, kaya dapat itong mapigilan kung mangyari man sa hinaharap.
06:36.4
Sa panahon ng digmaan, saan ka?
06:39.2
Pagpunta, saan ang pinaka-safe na lugar?
06:43.0
Ayon sa pag-aaral ang Iceland at Switzerland ang pinaka-safe na bansa sa panahon ng gyera.
06:49.7
Dahil sa geographic location at defensive strategy ng bansa,
06:54.3
ang Switzerland din ang isa sa bansa na hindi nakisangkot sa digmaan noong unang digmaang pandaigdig
07:01.7
at ikalawang digmaang pandaigdig.
07:04.2
Kahit pa napalibutan ito ng mga bansa na sangkot sa gyera,
07:08.6
ang ibang mga tao, posibleng gumawa ng kanya-kanyang bunker.
07:13.8
Ang bunker ay matatagpuan sa ilalim ng lupa.
07:17.7
Ginagamit upang protektahan ang mga tao na nasa loob nito mula sa iba't ibang uri ng pag-atake,
07:24.8
lalo na sa mga pagsabog ng bomba.
07:27.4
Pero ang higit sa lahat at napakamakapangyarihang sandata na pwede natin gawin
07:33.0
ay patuloy na manalangin at magtiwala sa Diyos.
07:37.4
Dahil aminin natin,
07:38.4
walang pinakaligtas o safe na lugar kung hindi tayo iingatan at tutulungan ng Diyos.
07:46.6
Kaya ngayon pa lang ay magpakabait na tayo.
07:50.3
Magbalik loob sa paglilingkod sa Diyos para kung dumating man ang napakatinding digmaan na ito,
07:57.5
may Diyos na gagabay at mag-iingat sa atin.
08:01.5
Kaya kung maganap ang World War III, anong gagawin mo?
08:06.0
At saan ka pupunta?
08:07.6
I-comment mo naman ito sa iba ba.
08:10.6
Kung nagustuhan ang video, pakilike, magsubscribe at maraming salamat sa panunood ka Soksay!