#42 - Unang Babaeng Filipino-Canadian sa Parlamento ng Canada
Kilalanin ang unang babaeng Filipino-Canadian sa Parlamento ng Canada. Sino nga ba si Rechie Valdez at bakit siya ang pinili sa posisyon na 'to?
[FREE] Ito ang libreng transcript para sa'yo:
â https://drive.google.com/file/d/1yYzNskMXkxjF3_WCpK1QeGUURDEWhLKK/view?usp=sharingâ
May comment ka? O gusto mo sumuporta sa proyekto na 'to? Gusto mo sumali sa Telegram Immersion Group?
Patreon:Â â â â https://www.patreon.com/ComprehensibleTagalogPodcastâ â â
Gusto mo magbook ng lesson?
Email me:Â â â â learnrealtagalog@gmail.comâ â â
Maraming salamat!
About this project:
I created Comprehensible Tagalog Podcast to create interesting content with transcripts for intermediate Tagalog learners. I teach Tagalog online and I'm always inspired by my students. They come from different parts of the world but they share the same passion and curiosity for Tagalog. Unfortunately, there aren't enough content for learners especially at the intermediate level. This stage is vital and I believ
Comprehensible Tagalog Podcast
Run time: 06:19
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw pag-uusapan natin si Rechi Valdez, ang unang babaeng Filipino-Canadian sa Parlamento ng Canada.
00:21.9
Noong Hulyo 2023, naitalaga si Rechi Valdez na unang babae na Filipino-Canadian sa Minister of Small Business sa Canada.
00:43.5
So, kasaysayan ito dahil siya ang unang Filipino-Canadian na babaeng.
00:51.9
At si Rechi Valdez ay isang nire-respeto na negosyante sa Canada, isang personalidad sa telebisyon at isang tagagawa o tagapaggawa ng batas sa Canada.
01:21.9
Siya ay pinanganak at lumaki sa Zambia, Southern Africa, so sa timog ng Afrika, at lumipat sila sa Canada kasama ang magulang niya na si Normita Salazar at Sosimo Salazar, mga Pilipino, noong 1989.
01:51.9
Nine years old siya, lumipat sila mula sa Zambia, papunta sa Canada.
02:00.4
At ngayon, merong asawa, si Rechi Valdez, at meron siyang dalawang anak.
02:09.8
So, sino ba itong si Rechi Valdez? Ano ba ang background niya? Ano ba ang karanasan niya?
02:21.9
Dati, nagtrabaho si Rechi Valdez ng labing limang taon bilang isang corporate banker.
02:33.4
So, corporate banker yung trabaho niya dati.
02:38.4
At meron din siyang negosyo na kung saan nagbe-bake siya, so gumagawa siya ng mga pastries.
02:49.5
At yung pangalan?
02:54.4
So, doon sa mga pastries niya, sinasamahan niya ng mga impluensyang Pilipino.
03:02.9
So, kakaiba yung mga pastries niya.
03:07.8
At yung mga produkto niya, yung produkto ng negosyo niya, pwede niyo makita sa mga grocery sa Mississauga.
03:24.0
At isa rin siyang community organizer.
03:28.9
So, tumutulong siya sa iba pang mga babaeng negosyante.
03:36.5
At yun, magiging siyang representante ng Liberal Party sa Mississauga Streetsville.
03:47.2
At yun, mahalaga ito.
03:51.9
dahil tulad ng nasabi ko kanina, siya ang nag-iisang Filipino-Canadian na miyembro ng parlamento sa Canada.
04:07.4
So ngayon, siya ang nag-iisa pero sa kasaysayan, siya ang pangalawa dahil dati meron ng miyembro ng parlamento na si Ray Pagtakhan. Ito yung pangalan niya. Liberal party din siya pero yung unang babae si Reggie Valdez.
04:35.6
At ang talagang focus niya ay yung magandang healthcare investment at yung gender equality gap. So yung sweldo ng mga lalaki at babae maging pantay at maging patas.
04:55.9
At isa pang focus niya ay yung mga maliliit na negosyo dahil negosyante siya.
05:03.9
So yung dalawa sa importanteng bill na nagawa niya dati ay yung isa doon yung National Women's Entrepreneurship Day bill at yung isa pang bill ay yung National Indigenous Teachers Day.
05:26.8
At ngayon sa role niya, sa trabaho niya bilang...
05:33.9
Si Valdez ay ang magiging responsable sa committee ng mga veterano at sa agrikultura at sa agri-food.
05:50.8
So yun lang ang kwento natin ngayon tungkol sa unang babaeng Filipino-Canadian na parte ng Canadian Parliament.
06:03.9
Salamat sa pakikinig niyo. Sana naging interesante. Pwede kayong magdownload ng transcript at pwede kayong sumuporta sa Patreon. Salamat at paalam!