01:34.2
Halos araw-araw po kami magkasama ni Jay noon.
01:38.5
Papay school days man o kaya'y weekends ay talagang magkasama kami.
01:43.9
Nag-aaral at naglalakwat siya.
01:46.7
Kahit nga po sa paggawa ng thesis namin na kailangan ng apat o limang miyembro
01:52.0
ay napagpasyahan naming dalawa na lamang kaming gagawa
01:55.4
basta't bahala yung ibang members namin sa lahat ng gastusin,
01:60.0
lalong-lalo na sa snacks namin pagkakailanganin naming mag-overnight.
02:06.0
Hindi naman din po sa pagmamayabang.
02:08.0
Nasa top 5 po ako ng klase noon at si Jay ay hindi naman po nawawala sa top 10
02:15.0
kaya walang problema sa amin na kaming dalawa lang ang magtatrabaho noon.
02:23.0
Bigla na lamang hindi nakapasok si Jay at noong una inakala kong na late lamang siya doon.
02:30.0
Dahil kilala nga naman talaga siya sa pagiging late.
02:33.0
Lalo na kung alam niyang walang quiz o exam na naka-schedule.
02:39.0
Nang matapos ang last subject namin noong umagang iyon.
02:44.0
Mas lalo akong nagtaka dahil hindi namin gawaing umabsent kahit pa sa isang subject lang
02:50.0
sapagkat mahigpit ang eskwelahan namin sa tardiness ika nga.
02:56.0
Tiyak na babagsak ang rankings namin
02:59.0
dahil mahihila lamang kami nito.
03:02.0
Kaya noong lunch break
03:03.0
bago ako umuwi sa bahay
03:05.0
ay dumaan muna ako sa kanila upang siya ay kumustahin.
03:10.0
Kung lalakarin ay wala pa nga pong sampung minuto ang layo noong bahay ni na Jay sa school.
03:17.0
Kaya nang makarating ako sa bahay nila
03:20.0
agad na rin akong pumasok.
03:22.0
Nakita ko pa nga ang papa niya at binati pa ako ng tatlo niyang mga kapatid na babae
03:27.0
na pawang nasa edad 8 pababa pa lamang.
03:31.0
Ang kanyang nanay kasi ay isang OFW kaya stay at home dad yung tatay niya.
03:38.0
Yun nga lang babaero, sugarol at sabongero.
03:43.0
Pasensya na talaga si Red dahil bad trip kaming dalawa sa tatay niyang iyon
03:48.0
dahil siyempre napapabayaan sila.
03:52.0
But anyway, balik tayo sa kwento.
03:55.0
Bago niya ako pinaakyat sa second floor ay nasabi na sa akin ng tatay niya
04:01.0
na nilalagnat daw si Jay kagabi pa kaya hindi na ito nakapasok nung araw.
04:07.0
Ganoon na lamang ang pagtataka ko dahil gabi na kami naghiwalay ni Jay matapos naming magbasketball
04:14.0
at sa pagkakatanda ko, normal naman siya nung naghiwalay kami ng landas.
04:20.0
Niwala nga siyang sinabi na kahit na anong nararamdaman
04:23.0
as in wala siyang dinadaing.
04:27.0
Tumangon na lamang ako kahit na medyo confused
04:31.0
kaya umakyat na rin ako sa second floor para tiyakin yung lagay niya.
04:35.0
Dire diretsyo ako nagtungo sa kwarto niya dahil halos pangalawang bahay ko na rin naman kong tutuusin ng kanilang bahay
04:42.0
dahil alam ko na ang daan papunta roon at malimit talaga ako sa kanila.
04:48.0
Pagpasok ko ng kwarto niya,
04:51.0
bumungad nga sa akin ang nakahigang si Jay
04:55.0
at nakatulokbong pa nga siya ng kumot mula paa hanggang sa kanyang leeg.
05:01.0
Kita kong gising naman siya at nakatitig sa bandang paanan ng kanyang kama.
05:07.0
Sa tabi ng kama niya ay ang maliit na mesa at sa itaas nito ay isang baso ng tubig.
05:15.0
May lampshade, isang maliit na plangganan na may tubig
05:18.0
at labakarang ipinang pupunas siguro sa kanya upang humupa ang kanyang lagnat.
05:25.0
Bungad kong pagbati.
05:28.0
Pst! Uy Bugok! Ano nangyari sayo?
05:32.0
Habang marahang isinasara ang pintuan sa likuran ko.
05:37.0
Napakunot ako ng noo dahil hindi natinag ang pagtitig niya sa ibaba ng kama niya.
05:43.0
Sinundan ko ng tingin kung saan siya nakatitig
05:46.0
pero wala namang kakaiba doon.
05:50.0
Lumapit na lamang ako sa kama niya at saka ko ulit siya tinawag.
05:55.0
Uy Pre! Ayos ka lang?
05:59.0
Paulit ko ngunit hindi pa rin niya ako napapansin.
06:04.0
Doon na ako nagtataka dahil napuna ko na rin na parang may bahid ng takot ang minamarka niya sa kanyang mukha.
06:13.0
Doon na rin siya nagumpis ang umungol.
06:17.0
Nang tatangkain ko na sanang tapikin siya sa pisngi ay biglang nabahaling sa akin ang titig niya nang may pinaghalong gulat at takot.
06:28.0
Napaatras pa nga ang kamay ko na dapat ay ahawi sa mukha niya dahil nagulat din ako.
06:35.0
Ibang iba siya ng pagkakataong iyon si Red.
06:39.0
Kitang kita ko kung gaano kaputla ang mukha niya.
06:43.0
Nanginginig din ang kanyang labi at first time ko siyang makitang ganun.
06:50.0
Kapag ako naman ay nagkakalagnat iniisip ko naman yung sarili ko.
06:55.0
Hindi naman ako ganito.
06:58.0
Kasabay nga nito ang pagpalit ng ekspresyon niya mula sa takot at napalitan ng itsurang nagtatanong.
07:13.0
Anya na parang kinikilatis ng mabuti yung mukha ko.
07:19.0
Malamang sino po ba kakilala mong ganito kagwapo?
07:24.0
Pagbibiro ko na lamang sabay tawa pero hindi gaya ng nakagawian hindi siya sumabay sa biro ko.
07:34.0
Nung panahong iyon talaga si Red andun yung kaba sa dibdib ko pero pilit ko na lamang itinatago
07:41.0
upang alamin kung kumusta na ang kaibigan ko.
07:45.0
Natanong ko tuloy.
07:48.0
San ka ba nakatingin?
07:51.0
Ba't di mo ba ako napansin na pumasok?
08:01.0
Pamutol niyang sabi sa akin at halata ang takot at pagmamadali sa kanyang boses.
08:08.0
Agad naman akong nagpalingalinga sa buong kwarto niya.
08:11.0
Pero wala naman akong nakita sa mga kapatid niyang babae at ang alam ko ay nakita ko silang tatlo kanina sa ibaba bago ako umakyat.
08:21.0
Binati pa nga nila ako kanina.
08:31.0
Kako, naakala ko nga ay isa lamang sa mga kapatid niya ang tinutukoy niya.
08:36.0
Marahan niyang itinuro si Red ang kabinet niya sa paanan ng kanyang kama. Ilang metro lamang ang layo nito.
08:48.0
Habang itinuturo niya, kitang kita ko talaga kung paano man laki ang mga mata niya habang sinasabing,
09:02.0
Yung bata sa loob!
09:04.0
Lalabas siya diyan!
09:06.0
Bigla na lamang siyang napasigaw ng ganun.
09:12.0
Alam kong takot siya.
09:15.0
Takot siya na marinig ng kung sino o anumang nasa loob daw ng kabinet niya.
09:22.0
Kahit hindi ako matatakutin, ay talagang dinaluyan ako ng kuryente sa likuran at nagsitayuan ang aking mga balahibo sa buong katawan dahil sa tinuran niyang iyon.
09:36.0
Nung una ay baka kako nantitrip lamang siya kaya nang makabawi ako sa unang kilabot ko ay pinilit ko pangang tumawa.
09:46.0
Yung tipong tawa si Red na parang nagsasabing,
09:50.0
Wag mo akong takutin, animal ka!
09:53.0
Umamin ka lang na nagbibiru ka ha!
09:56.0
Pero as in, consistent siya si Red.
10:01.0
Hindi nagbago yung takot sa titig niya habang itinuturo pa rin niya.
10:07.0
Muli kong tinignan ang kabinet niya pero sa totoo lang ay wala naman akong naramdamang kakaiba doon at dahil nga matalino akong bata ay parang baliwala ko lamang ito.
10:20.0
Nilapitan ko talaga yung kabinet at binuksan.
10:24.0
Wala namang bata at sa itsura ng loob ng kabinet na iyon ay hindi naman magkakasya ang bata kahit na anong edad
10:34.0
sapagkat compartmentalized ito sa maliliit na bahagi.
10:39.0
Maliban na lamang kung sanggol ang ilalagay ay tiyak magkakasya doon.
10:49.0
Asan yung sinasabi mong bata dyan?
10:55.0
Huwi ka ako sa kanya habang ipinapakita yung loob.
10:60.0
I was trying to convince myself as well
11:03.0
na illogical na magkakaroon ng bata doon.
11:08.0
Mga six feet lang ang layo ko sa paana ng paa niya kaya kita kong bahagyang kumalma ang kanina'y balisanyang ekspresyon.
11:18.0
Ngunit hindi ko talaga inaasahan ang sumunod na nangyari si Red.
11:24.0
Nung una ay sa mukha ko siya nakatingin pero kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata
11:30.0
ay ang paglipat ng titig niya mula sa akin.
11:35.0
Patungo sa gilid ng mukha ko na parabang may kung ano rin siyang tinititigan at kinatatakutan.
11:46.0
Sapat na ang takot sa kanyang mukha upang maalarma ako.
11:51.0
Kulang na lang ay mala comical kong sabihin na...
11:56.0
nasa likuran ko no?
11:57.0
Dahil alam kong meron siyang nakikita sa gilid lamang ng aking ulo.
12:03.0
Mas mabilis pa sa taong nasi-CR ang takbo ni Jay at walang lingon-lingon na lumabas ng kanyang kwarto at iniwan pa talaga ako.
12:13.0
Napamura pa ako nang habulin ko siya dahil biglaan ulit akong natakot at sa ibaba na ng hagdan ko na siya nahabol.
12:21.0
At that moment saka ko lang napansing nakabrief lang ang walang hiya
12:26.0
at hingal na hingal na nakaupo sa floor sa tapat ng hagdan.
12:31.0
Nang makita ko siya kung nasaan siya tumakbo ay nabawasan ng takot at inis ko sa kanya kahit na iniwan niya ako doon sa loob ng kwarto.
12:42.0
Agad ko nga siyang binatukan at minura.
12:46.0
Uy! Ba't ka ba tumakbo? Tapos nakabrief ka lang pala!
12:52.0
Hindi ko na po alam
12:54.0
kung ano doon sa mga tanong ko ang mas gusto kong unahin niyang sagutin.
12:59.0
Although may general idea na ako base sa reaction niya kung anong nangyari pero gusto ko pa rin talagang makatiyak.
13:07.0
Nagalit pa nga ang tatay niya dahil sobrang lakas daw ng ingay na dinulot ng pagkaripas namin pababa ng hagdan.
13:17.0
Gawa kasi sa kahoy ang hagdan nila at talagang maingay kapag may aakyat o bababa.
13:22.0
Nang aalalayan ko siya patayo ay naramdaman kong sobrang init niya at namumula pa talaga ang mukha niya.
13:32.0
Habang nanlalaki pa rin ang kanya mga mata ay agaran niyang sinulya pa ng likuran ko ngunit nang tila walang nakita ay muli siyang sumalampak sa sahig at kamuntikan pa nga rin akong maitumba.
13:50.0
Hinahabol pa ni Jay ang hininga niya habang nagpapaliwanag.
14:01.0
Nakasakay sa likod mo yung bata kanina!
14:08.0
Kung nung unay kilabot lamang ang naramdaman ko.
14:13.0
Sa pagkakataon namang iyon ay parang nanghina ang mga tuhod at nagumpisa na akong mamamali.
14:20.0
Nang malamig si Red.
14:23.0
Di ko rin magawang tumanaw sa itaas ng hagdanan dahil sa takot ko at baka nga meron akong makita na kung ano na siyang mas ikahihina ng pantog ko at baka doon pa akong maihi sa sala nila.
14:41.0
Kung papansinin po ninyo talaga na kung bakit parang panay biro pa rin ang pagsusulat ko nito.
14:48.0
Ito po kasi ay sa kadahilanang hanggang ngayon ay tinitindigan ako ng balahibo sa balikat at gabi pa naman habang isinusulat ko ito.
14:60.0
Hindi man ako naniniwala ay kailangan ko po talagang magbiro upang may icebreaker din ang kilabot na nararanasan ko ngayon at hindi pa po ito ang mas nakakatakot na parte sa mga nangyari.
15:15.0
Nang makarecover nga ang kaibigan kong ito.
15:17.0
Meron din siyang inamin.
15:21.0
It's far more nightmare inducing and I hope na hindi po ako bangungutin ulit after kung maikwento o maisulat ito.
15:32.0
Matapos nga po noon ay minabuti kong umuwi na lang agad dahil may pasok pa ako sa hapon at hindi ko na matagalan pa ang pag-i-stay doon nung araw na yun.
15:42.0
Subuong klase ng hapon na iyon ay hindi mawala-wala sa isipan ko ang nangyari.
15:47.0
Naikwento ko rin sa mga kaibigan namin yung naganap sa bahay nila Jay.
15:53.0
Pinaghalong pagtawa at pang-aasarang inabot ko sa mga kabarkada namin ngunit mangilan-ngilan sa mga babaeng tropa namin ang talagang natakot rin pero napagbintangan pa akong nantitrip at nagsisinungaling.
16:09.0
Truth be told ang kwento ko naman talaga ay puro.
16:15.0
Sabi ni Jay ganito.
16:17.0
Sabi ni Jay ganyan.
16:19.0
Dahil nga naman wala akong nakita at tanging salaysay lamang ni Jay na nilalagnat pa ang aking pinagbabasehan ng kwento.
16:29.0
Dahil mabuti naman akong kaibigan, minabuti kong hintayin na lang siyang makapasok sa klase at doon na lamang usisain at siya na muna ang bahalang makipagbuno sa kung anumang impakto ang nasa loob ng cabinet niya.
16:44.0
Hindi niya talaga ako mapapabalik na sa bahay nilang iyon hanggat hindi siya siguradong wala na siyang nakikita roon.
16:55.0
Kinagabihan ay nag-text ako sa kanya at sabi niyang sa kabilang kwarto sa itaas na siya natutulog. Katabi na rin niya ang kanyang mga kapatid.
17:07.0
Naglatag na lang daw sila ng kutsyon sa sahig at doon na rin daw sila nagpaumaga.
17:12.0
Sabi rin niya ay medyo okay naman na siya at pipilitin na rin niyang makapasok kinabukasan.
17:19.0
And true to his words, nakapasok nga rin siya kinabukasan ngunit medyo mainit-init pa siya pero mas gusto pa raw niyang pumasok kesa mag-stay sa bahay.
17:32.0
Which only stated na talagang may kababalaghang nangyayari doon.
17:39.0
Pagkakita pa lamang namin sa isa't isa,
17:42.0
nung umaga ay agad naming pinag-usapan ang nangyari.
17:46.0
Halata kong takot pa rin siya sa pag-uusap namin na iyon dahil tila nang gagaling na naman kami sa parehong senaryo.
17:56.0
Naikwento pa rin naman niya kahit na medyo may takot sa kanyang isipan at puso.
18:05.0
Nagumpisa raw kasi ang lahat ng isang gabi.
18:08.0
Ito ay ilang araw matapos daw nilang mabili yung cabinet na iyon.
18:14.0
Habang nagre-review daw siya sa kama niya ay bigla raw merong kung anong langit-ngit siyang nadinig sa kung saan.
18:23.0
Ayon pa nga sa kanya, nung una'y inakala niyang daga lamang daw iyon o kaya bubuwit patakbo-takbo daw sa loob.
18:33.0
Hindi na rin po siya na bother at first para siyempre mag-investiga.
18:38.0
Pero habang tumatagal ay para na nga daw itong nanggagaling sa bukas na cabinet niya.
18:45.0
Bukas na raw ito nang mapansin niya pero sigurado siyang isinara daw niya iyon matapos niyang kumuha ng damit after niyang maligo.
18:55.0
Susandali daw niyang tinitigan nito at nakinig.
18:59.0
Nagbaba ka sakali na matitsyempuhan kung ano ang gumagawa ng tunog.
19:04.0
At doon nga ay muli niya itong narinig at sa pinaghalong pagtataka at kaba ay biglang nagsara ang pintuan nito na siya palang pinanggagalingan ng ingay na kanina pa niya naririnig.
19:21.0
Hindi naman daw kalakasan yung pagsara nito.
19:25.0
Ang pilit niyang sinasabi sa sarili ay baka nahahagip ng hangin na galing po sa electric fan yung cabinet door
19:33.0
at ito po yung dahilan kung bakit nagbubukas sara ito pero anya, imposible din naman sapagkat malayo yung tama ng hangin sa cabinet dahil may kalayuan ito mula sa kama niya.
19:48.0
Ipinagsawalang bahala na lamang muna niya ito and then kalaunan tuluyan na niyang nakalimutan.
19:57.0
After few days, muli na naman siyang pinagparamdaman
20:02.0
pero sa pagkakataon daw na iyon ay sobra ang takot na itinulot sa kanya nito na siya naman pong dahilan ng biglaan niyang pagkalagnat.
20:13.0
Isang gabi ay napabangon daw siya sa kama dahil muli na namang nag-ingay ang pintuan nito.
20:20.0
Nakabukas itong muli at dahil tanging ilaw ng lampshade sa gilid ng kama niya, ang tanging pinanggagalingan ng liwanag ay hindi niya lubos maaaninag ang cabinet
20:31.0
pero sigurado siyang nakasara ito.
20:37.0
Walang ano-ano'y nanigas ang buo niyang katawan at hindi niya maigalaw kahit padulo ng kanyang daliri.
20:45.0
Sobrang ilakbot daw ang natunghayan niya.
20:49.0
Marahang nagbukas ang pintuan ng cabinet at doon nga'y isang figura daw ng batang nakabestida ang marahan pang lumalabas mula roon.
21:02.0
Puti ang damit ng bata at ang mismong bata ay malabo sa kanyang paningin.
21:09.0
Maaaring dahil na rin sa kakulangan ng liwanag sa parting iyon ang kwarto niya kaya hindi po niya na-recognize kung anong klaseng nilalang ito.
21:19.0
Tila ba napako ang kanyang mga mata sa itaas ng damit sa kung saan ang tingin niya ay nakalugar yung ulo ng batang iyon.
21:27.0
Panay kadiliman man ang nakikita niya ay sigurado siya sa sarili niya na nakatitig rin ito sa kanya.
21:36.0
Kasabay ng mahinang yapak ng mga paan ito ay ang paglalakad daw ng nasabing nilalang palapit sa dulong bahagi ng kama ni Jay at doon niya unang nakita ang itsura ng batang babae.
21:53.0
Wala daw laman ang nagdurugong mga mata nito.
21:56.0
May umaagos na masaganang pulang likido sa wasak niyang ilong at gilid ng kanyang magkabilang tenga.
22:06.0
Ang bibig daw nito ay maihahalin tulad sa black hole at tanging gilid lang nito ang gumagalaw at nagbubukas sara.
22:21.0
Gumagalaw ang bibig ng batang babae na tila may sinasabi niya.
22:26.0
Ang tunog daw ng boses ng batang babae ay parang ganun daw sa tunog ng niri-rewind na diskplate.
22:36.0
Mabilis at matinis na tunog kasabay ng mabilis ring paggalaw ng bunganga nung bata.
22:46.0
Paulit-ulit daw ang sinasabing iyon ng bata.
22:50.0
Hindi niya maalala kung gaano katagal pero paulit-ulit lang daw ang tunog na ginagawa niya.
23:01.0
Hindi niya maintindihan. Hindi niya alam kung sa sobrang takot ba o dahil talagang iyon ang tunog ng pananalita nun.
23:11.0
Ang akala niya doon na magtatapos ang lahat.
23:16.0
Pero mas pinanghinaan daw siya ng loob at parang hihimatayin nang bigla daw lumapit palalo ang bata at ngayoy nasa gilid na ito ng kama niya.
23:28.0
Mga ilang di pa na lang ang layo sa gilid niya si Red.
23:34.0
Mas lalong pinanlakihan ng mga mata itong kaibigan kong ito nang masilayan niya ng malapitan
23:43.0
at muli daw itong nagsalita at sa pagkakataon.
23:46.0
Sa pagkakataong iyon ay naunawaan na niya ang ibig nitong sabihin.
23:53.0
Sabi daw sa kanya si Red nung batang babae
23:58.0
Tulungan mo ko kuya. Ipagdasal mo ko.
24:07.0
At biglang napabalikwa si Jay sa kama at nahulog sa gilid kasamay ng malakas niyang pagsisigaw.
24:14.0
Nang hanapin na daw niya ang bata ay wala na ito sa kahit na anong sulok ng kwarto niya.
24:21.0
Dahil sa dulo ng pasilyo sa second floor ang kwarto ng tatay niya ay agad na pumasok ito nang marinig siyang sumisigaw dahil sa takot.
24:32.0
May dala pa nga raw baril yung tatay niya nang maikwento ito sa akin ni Jay.
24:39.0
Binuksan daw agad nito ang ilaw at naaabutan ng anak na si Jay niya.
24:44.0
Nasa gilid ng kama at nanginginig sa takot.
24:49.0
The same night, agad ay nilagnat daw si Jay at iyon ang dahilan kung bakit hindi na siya nakapasok kinaumagahan.
24:59.0
Nang dalawin ko nga raw siya ay muli lang din siyang nagising dahil may ingay na naman daw na nanggagaling doon sa cabinet.
25:09.0
Doon na niya naaabutan ng sarili.
25:12.0
Nang mawalan siya ng malay dahil sa lagnat.
25:17.0
Nagkataon lang daw na napadalaw ako at naaabutan ko siyang nakatitig na sa nag-iingay at bukas sara na pintuan ng cabinet.
25:30.0
Doon niya naaabutan ang sarili.
25:34.0
Nang mawalan siya ng malay dahil sa kanyang lagnat.
25:38.0
Nagkataon lang daw na napadalaw ako at naaabutan ko siyang nakatitig doon sa nag-iingay na pintuan ng cabinet.
25:49.0
Sa katunayan pa nga niyan, Sir Red, habang isinusulat ko ito, katsyat ko ang kaibigan kong si Jay at ipinapaalam ko sa kanya kung pwede ko bang isubmit ang kwento niyang ito at umokey naman siya.
26:06.0
Pero nang usisain kong muli na baka panaginip lamang talaga niya ang lahat ng nangyari dahil na rin sa sobrang taas ng kanyang lagnat.
26:16.0
Ang tanging nasabi lamang niya ay hindi raw siya sigurado.
26:22.0
Kung panaginip daw nga iyon, e bakit hanggang ngayon ay malinaw pa rin daw sa kanyang memorya ang nangyari?
26:31.0
Namura pa nga po niya ako dahil ipinapaalala ko pa daw sa kanya.
26:36.0
Ang nangyaring iyon.
26:41.0
May mga kwento pa po ako na aking ibabahagi soon kung sisipagin po ako na magsulat.
26:48.0
Sana po'y mapagtsagaan niyo ang isinan kong kwento at naway nakapaghatid ng hilakbot sa inyong mga solid HTV positive listeners.
27:01.0
P.S. Sir Red, ilang beses ko na pong gustong ilahan.
27:06.0
Ipagatagad ang istoryang ito sa tuwing nakikinig ako sa inyo dito sa sindak at sa hilakbot.
27:13.0
Pero dahil nga busy at may kahabaan ito ay ngayon ko lamang po napagtsagaang gawin.
27:20.0
Matagal na rin po pala akong fan ng horror stories.
27:24.0
Dated back when I was still in high school.
27:28.0
Actually tambak po ang kwarto ko noon ng mga ghost story books,
27:32.0
At kung may pagkakataon na may magre-regalo sa akin sa tuwing birthday or Christmas
27:38.2
Horror story books po talaga ang hinihiling ko
27:42.0
Kaya sobra po ang tuwa ko nang malaman kung may podcast po palang kagaya ng sa inyo
27:49.2
Hindi naman po sa nais ko pong magsipsip o kaya naman eh kung ano
27:54.5
Yours is my favorite dahil iba po kayo magkwento
27:58.5
At dahil na rin po sa naaayo ng boses ninyo sa ganitong genre in a good way
28:04.0
At dahil na rin po siguro sa relatable ako sa himas na himas ng madulas
28:12.2
At this point gusto ko lang din pong sabihin na hindi po ako naniniwala sa kahit nanong istoryang paranormal or espiritual
28:20.4
Pero hindi po ito naging hadlang sa pagkakahumaling ko sa mga istoryang katatakutan
28:26.2
Hili ko nga po noon nakulitin sina lola, mama at tita na sila po yung mga tubong bikol
28:34.4
Dahil marami talaga sila mga kwentong katatakutan lalong lalo na ang mga aswang at mga topics sa paranormal
28:42.1
Mga istorya na para sa akin ay nakapagpapagaan ng loob
28:48.1
Mga istorya na kung mapapayagan ay ibabahagi ko rin po ulit sa inyo
29:10.6
Kung nagustuhan mo ang kwentong katatakutan na ito
29:13.8
Hit like, leave a comment at i-share ang ating episode sa inyong social media
29:18.7
Suportahan ang ating writer sa pamamagitan ng pag-follow sa kanyang social media
29:23.3
Check the links sa description section
29:25.7
Don't forget to hit that subscribe button at ang notification bell for more Tagalog Horror Stories, Series and New Segments
29:33.6
Suportahan din ang ating mga brother channels
29:36.5
Ang Sindak Short Stories for more one-shot Tagalog Horrors
29:40.3
Gayun din ang Hilakbot Haunted History for weekly dose of strange facts and hunting histories
29:45.6
Hanggang sa susunod na kwentuhan, maraming salamat mga Solid HTV Positive!
29:50.8
Mga Solid HTV Positive
29:56.7
Ako po si Red at inaanyayahan ko po kayo na suportahan ng ating bunsong channel
30:01.6
Ang Pulang Likido Animated Horror Stories
30:09.3
Ngayong taon, tuloy-tuloy ang ating kwentuhan at unlitakutan dito sa Hilakbot Pinoy Horror Stories Radio
30:18.2
It's your first 24x7 non-stop Tagalog Horror Stories