01:25.7
Hili ko kasing manood, makinig at magbasa niyan.
01:30.0
Kasi nai-excite ako at natithrill.
01:34.3
Siya nga pala, Papadudut, bago ako magsimula ay tawagin nyo na lamang ako sa pangalang Aya.
01:42.6
25 years old, tubong Batangas pero kasalukuyang nakatira ngayon sa Muntinlupa City.
01:50.9
At ang isashare ko sa inyo ay totoong experience ko na nangyari may ilang taon na rin ang nakakalipas.
02:00.0
Natatandaan ko, sabi ng pastor namin, ay totoo daw ang mga lamang lupa,
02:08.4
ang mga masasamang espiritu,
02:14.0
at ang mga elemento,
02:17.0
maging ang mga inkanto.
02:19.9
Nasa paligid lang daw sila at sa sampung tao sa bawat araw
02:25.3
na iyong nakakasalubong isa daw doon ay hindi katulad natin.
02:30.0
Nagmula daw sila noong unang panahon
02:34.2
nang magrebelde sila sa Panginoon.
02:37.7
Kaya ang ginawa sa kanila ng Panginoon bilang parusa ay nilaglag sila dito sa lupa.
02:45.5
Bilang ganti naman nila,
02:47.6
ay tayong mga tao na espesyal na nilalang naginawa ng Panginoon
02:51.7
ang siyang ginagambala nila
02:54.3
at pinagbubunto na ng kanilang galit at paghihiganti.
03:00.0
Papadudot nagmula ako sa probinsya sa isang bayan
03:06.0
na may kanya-kanyang kwentong naririnig.
03:11.6
Mga aswang, multo, kapre, duwende, manananggal, digbalang,
03:16.5
tik-tik, white lady at iba pa.
03:20.0
Lahat na nga yata ng klase na mga nakakatakot na nilalang
03:23.2
ay nasa uta ko na at oo,
03:26.2
naranasan ko na rin marinig
03:28.0
ang mga tunog nila.
03:30.0
At makitang halos lahat sa kanila.
03:34.4
Ngunit may isa pa pala akong hindi nakikilala.
03:38.9
Ang Incubo o Incubus
03:42.0
o ang demonyong lalaki
03:44.9
at Sokobus o demonyong babae.
03:51.5
Isa silang sex spirit
03:52.7
na nangahalay ng mga tao upang mas tumaas
03:56.6
ang kanilang pamamalagi sa mundi.
04:00.0
Meron ako naging kaibigan sa trabaho.
04:06.7
Isang lalaking masayahin pero may tinatagong sikreto.
04:11.5
Nasabi kong may tinatago kasi alam kong hindi siya pangkaraniwang tao.
04:16.6
Katunayan, may hinala na ako noon
04:19.5
na meron siyang nakikita na hindi nakikita ng ibang normal na tao.
04:26.0
Yung tipong masayang-masaya siya at nakikipagtawanan sa amin.
04:30.0
Tapos biglang makikita ako sa mga mata niya
04:34.0
na magugulat siya at magbabago ng mood.
04:38.0
Maraming beses ko siyang napapansin na bigla siyang matatakot at napapapikit.
04:45.0
Tapos ay babalik siya sa kanyang workstation at doon ay matatanaw ko nang nagdarasal siya.
04:53.0
Naisip ko tuloy na baka si Jolan ang tao makakatulong sa aking problema.
04:58.0
Nilapitan ko siya noon at kinausap.
05:02.0
Nagkakwentuhan kami pero bago ko pa sinabi sa kanya.
05:06.0
Ang aking problema ay nagsabi na siya sa akin na labis kong ikinabhala.
05:12.0
Papadudot nung una daw niya akong nakilala.
05:16.0
Bilang isang masayahing tao, may kakaiba daw siyang nararamdaman at nakikita sa tuwing lumalapit siya sa akin.
05:25.0
Parang isang maitim na puwersa ang nasa likod ko na hindi niya maintindihan.
05:33.0
Hindi niya mawari kung anong uri ng elemento ang nagtatago sa akin likuran.
05:39.0
Isang araw ay kinuwento ko sa kanya ang paulit-ulit na kababalaghang nangyayari sa akin noon sa tuwing natutulog ako umaga man o gabi.
05:50.0
Papadudot nagsimula ang kababalaghang sa aking buhay.
05:54.0
Nang takutin ako ng pinsan ko sa lamay ng pinsan ng aking lolo.
06:01.0
Uy aya, bakit hindi ka lumalapit at tumitingin sa bangkay ni lolo?
06:08.0
Ang kalabit sa akin ni Ken, isang babae na pinsan kong buo.
06:13.0
Sampung taon na siya samantalang ako ay nasa walong taong gulang pa lamang.
06:18.0
Bilang isang paslit.
06:21.0
Takot ang mukha na ulo.
06:24.0
Pumiling ako bago sumagot sa kanya.
06:29.0
Tanggi ko sa kanya.
06:31.0
Takot akong tumingin sa mukha niya.
06:34.0
Kahit pa man sabi ng pamilya ko, nasa kanya ko raw naman na ang matangos kong ilong.
06:40.0
Maya-maya pa ay lumapit siya sa akin at bumulong.
06:44.0
Kapag hindi mo raw tinignan ang mukha ng isang patay ay susundang ka raw ng espiritu niya.
06:51.0
Mas lalo akong kinilabutan sa siya.
06:53.0
Ayokong mangyari yon lalong lalo na at uuwi pa kami sa bahay namin at masyadong madilim ang daan dahil nasa bukid pa kami noon.
07:03.0
Dahil sa kapaslitan na pag-iisip ko, wala akong nagawa kundi ang dahan-dahang lumapit sa bangkay na napakaloob sa kabaong at tinignan ang mukha ni Lolo Raga.
07:17.0
Yun ang pinakaunang pagkakataon na tumingin ako sa isang bangkay.
07:22.0
Sinamahan ako ni Ken at tinapiktapig pa ang aking likod.
07:27.0
Kahit papaano'y naibsan ang nararamdaman kong takot.
07:32.0
Nang papauwi na kami ay kakaibang lamig ng hangin ang aking nararamdaman.
07:37.0
Nakahawak ako sa kamay ng aking ina habang kalong-kalong niya ang aking lalaking kapatid.
07:43.0
Bilisan mo ang paglalakad.
07:46.0
Utos niya na sa palagay ko ay halos kalad ka rin ako.
07:52.0
Nang makarating kami sa maliit naming kubo ay pinatay na kaagad ni mama ang lampara sa kainutusan na kaming matulog.
08:00.0
Nasa gitna ang aking ina habang nasa magkabila kami ng aking kapatid.
08:06.0
Si papa naman ay nagpaiwan sa lamay upang tumulong sa pagbabantay.
08:11.0
Nang akmang ipipikit ko na sana ang aking mga mata ay bigla akong nahilo.
08:16.0
Nang parang may kakaibang hangin ang umikot sa aking harapan.
08:21.0
At isang maitim na elemento ang aking nakita.
08:26.0
Hindi ko matanto kung tao ba iyon.
08:30.0
Kinilabutan ako ngunit nang tawagin ko si mama ay tila hindi niya ako naririnig.
08:37.0
Pinilit kong umungol sa palagay ko ay nakagapos ang buo kong katawan.
08:43.0
O para bang niyayakap ng isang nila lang na nasa aking harapan.
08:49.0
Hanggang sa bigla akong nakagalaw at bigla akong napapuyos ng iyak.
08:54.0
At biglang niyakap si mama.
08:57.0
Agad naman siyang nagising at pinatahan ako.
09:02.0
Ilang taon rin ang nakalipas matapos mangyari iyon.
09:06.0
Ay pinagpatuloy ko ang aking pag-aaral ng sekundarya sa bayan ng Dumaguete.
09:12.0
Apat na oras ang biyahe nun mula sa aming probinsya.
09:17.0
Isang gabi ay nakikita ako.
09:18.0
Isang gabi ay nanaginip ako.
09:20.0
Nasa eskwelahan daw ako.
09:23.0
Mayos naman ang lahat na nakapila sa quadrangle.
09:28.0
Naghihintay sa pagsisimula ng flag ceremony.
09:32.0
Akala ko talaga noon.
09:35.0
Totoo ang nangyayari sa aking paligid.
09:39.0
Hanggang sa isang estudyanteng babae ang lumapit sa akin at binati ako.
09:46.0
Kaninong pangalan ba yang nakatatak sa uniform mo?
09:50.0
Patrick John Garcia?
09:52.0
At ayan pa o nasa noo mo rin nakasulat?
09:56.0
Ang salubong sa akin ng aking matalik na kaibigan na Sinela.
10:01.0
Gulat ang mukha nitong isa-isang itinuro ang nakasulat na pangalan sa aking uniforme pati na sa aking noo.
10:10.0
Hindi ako nagsasanita at wala akong kalamalam sa sinasabing niyang pangalan na nakasulat sa aking uniforme.
10:14.0
Hindi ko rin kilala kung sino yun.
10:20.0
Bigla ako na lamang naramdaman ang isang napakalakas na malamig na hangin na halos ay tinangay ako patungo sa direksyon ng isang lalaking nakaitim.
10:35.0
Alam kong siyang itim na nila lang na nakikita ako noong bata pa ako sa probinsya.
10:39.0
Iyon ang kinagising ko nang may humila sa aking kamay.
10:43.0
Nakataas ang kanang kamay ko nang talagang may humila nito.
10:49.0
Agad kong binawi iyon at nanginginig na pumaloob sa makapal na kumot.
10:54.0
Doon ko na napansing umiiyak na pala ako.
10:58.0
Umiiyak nang dahil sa takot at panginginig.
11:02.0
Iyon ang pangalawang pagkakataon na binangungot ako.
11:07.0
Akala ko ay hanggang doon na lamang iyon ngunit nasundan pa.
11:11.0
Nang napakaraming beses.
11:16.0
Kinabukasan ay isa-isa kong tinanong ang mga kaklasiko kung may kakilala ba silang pangalan na nasabi sa aking panaginip ngunit lahat sila ay tumanggi.
11:28.0
Samantala pagsapit naman ang gabi ay maaga akong natulog ngunit nanalangin muna ako.
11:34.0
Bago ako pumikit ay umaasa akong hindi na mangyayari ang nangyari sa akin noon.
11:40.0
Ngunit bago pa man ako nakatulog ay naka-aninag ako ng isang itim na anino sa aking tabi pero agad namang nawala iyon.
11:51.0
Imaginasyon lang iyon bulong ko sa aking sarili.
11:55.0
Nang ipikit ko na sana ang aking mga mata, isang naka-itim na lalaki ang biglang lumitaw sa harapan ko.
12:04.0
Hindi ko ma-aninag masyado ang kanyang muka dahil nasa 400 ang grado niya.
12:10.0
Pero sigurado akong parang nakita ko.
12:14.0
Nakita ko na ang lalaking iyon.
12:17.0
At kahit malayo ang aking mga mata, naa-aninag kong nakangiti siya.
12:22.0
Isang ngiti na tila ba nagsasabing kaya niyang gawin ang gusto niya sa anumang oras na iyon.
12:29.0
Nagpumiglas ako ngunit hindi ako makagalaw.
12:33.0
Halos manayo ang lahat ng balahibo ko sa aking katawan.
12:40.0
Nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin.
12:44.0
Ramdam na ramdam ko ang aking pamamawis papadudot.
12:48.0
Kakaibang ngiti ang ipinupukol niya sa akin.
12:54.0
Masama ang ibig sabihin nun.
12:56.0
Alam ko sa isipan ko na sumisigaw ako ngunit walang nakakarinig sa akin.
13:01.0
Ramdam kong hilam na sa luha ang aking mga mata.
13:06.0
Hanggang sa buong lakas akong nagpumiglas.
13:09.0
At bigla na lamang ako nagulat ng isang itim na pusa ang nakapatong sa aking tiyan.
13:14.0
Agad itong tumakbo palayo at biglang tumalon sa nakabukas na bintana namin.
13:22.0
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni na mama at papa at doon na ako nagpalipas ng gabi.
13:29.0
Hindi na ako nakatulog.
13:32.0
Papadudot akala ko ay hanggang doon na lamang iyon ngunit ng mga sumunod ay iba na ang nangyayari.
13:39.0
Sa tuwing natutulog ako ng hapon man o gabi ay ginagalaw na niya ako.
13:44.0
Hinahalikan, hinahawakan pati na ang mga pribadong parte ng aking katawan.
13:49.0
Akala ko bangungot lang ang lahat ng iyon, ngunit hindi.
13:55.0
Pinipilit ko palagi ang magpumiglas dahil natatakot ako.
14:00.0
Ngunit nakigising na lamang akong nanghihina.
14:04.0
Minsan ay wala na akong nagagawa kundi ang magpatangay na lamang habang magpumiglas.
14:08.0
At yun nga papadudot ang ikinawento ko noon sa aking kasamahan sa trabaho.
14:17.0
Kuya, alam mo ba kung anong klaseng mga nilalang sila?
14:22.0
Ang tanong ko kay Jolan.
14:25.0
Matiim na tinignan niya ako.
14:29.0
At nagpakawala ng isang malalim na hininga bago sumagot.
14:36.0
Siya palang napapansin ko sa tuwing lumalapit ako ay parang may itim na pwersa na umaaligid sayo.
14:44.0
Inaabing ko matagal ko nang napapansin yan, ngunit hinihintay ko lang na ikaw mismo ang magsabi sakin.
14:54.0
Ano ba yun? Inkanto? Kapre? Tikba lang? Ano bang klase siyang nilalang? Usisa ko.
15:01.0
Hindi pang karaniwan yan, Aya.
15:07.0
Seryosong wika ni Jolan sakin.
15:10.0
Bigla kong naramdaman ang pananayon ng aking mga balahibo.
15:15.0
Naniwala ako noon at buong akala ko na inkanto lamang na may gusto raw sakin ang nilalang na iyon.
15:22.0
Ngunit hindi. Kakaibang nilalang ang kinakalaban ng aking katawan. Mas nakakatakot.
15:30.0
Sumapit ang gabi at ganun pa rin ang nangyayari.
15:32.0
Naparabang ginagahasa ako, pero hindi ko alam kung sino.
15:39.0
Isang araw ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa aming pastor ang halos labing apat na taon nang nangyayari sakin.
15:49.0
Na pagdesisyonan niya ang ipanalangin ako. Halos umabot sa sampung minuto ang ginawa niyang pagtaboy sa demonyong nakatago saking likod.
15:59.0
Pagkatapos noon ay tinapikta ako.
16:01.0
Tapos noon ay tinapik-tapik niya ang aking likod bago nagsalita.
16:05.7
Manalig ka lang sa Panginoon.
16:08.3
Huwag mong kalimutang manalangin at tawagin palagi ang kanyang pangalan.
16:12.6
Bago mo ipikit ang iyong mga mata.
16:16.0
Isang malakas at masamang demonyo ang kinakalaban natin.
16:20.8
Ang kinakalaban mo.
16:23.4
Huwag mong hahayaang tangayin kanya.
16:26.0
Tandaan mo na mas nagwawagi pa rin ang kabutihan kesa sa kasamaan.
16:34.5
Tatlong magkasunod na tango ang isinukli ko sa aming pastor.
16:39.4
Kinagabihan kahit sobrang takot pa rin akong pumikit,
16:43.1
ay hindi ko pa rin kinalimutan ang manalangin bago matulog.
16:47.9
Ngunit nagising na lamang ako ng isang malamig na tinig ang dala ng isang malamig na hangin.
16:53.4
Na tila ba bumubulong sakin?
16:58.6
Walang epekto sakin ang dasal mo.
17:02.7
Napabalikwas ako pagkarinig ko ng tinig na iyon.
17:07.0
Sa hindi kalayuan mula sa aking kamay nakita ko ang isang nilalang na nakatayo sa gitna ng dilim.
17:15.2
Sumigaw ako hanggang sa humaguluhol na ako ng iyak at nanginginig na pumaloob sa aking kumot.
17:22.0
Naramdaman ko ang paggapang ng nilalang sa aking kama.
17:27.5
At kahit na nararamdaman ko na siyang palapid sa akin, ay hindi na ako nangahas na silipin iyon.
17:34.3
Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?
17:38.4
Naiiyak na ako noong mga sandaling iyon.
17:41.8
Patrick John Garcia.
17:44.6
Sagot ng tinig ng nilalang sa labas ng aking kumot.
17:50.6
Natigilan ako at...
17:52.0
Muli kong naalala ang pangalang Patrick John Garcia.
17:55.9
Anong kinalaman ito sa buhay ko?
17:58.6
Muli kong inalala ang lahat ng memories ko simula pagkabata at wala naman akong matandang lalaki na may pangalang Patrick John Garcia.
18:07.7
Hanggang sa biglang may pumasok na nakakatakot na alaala sa aking isipan.
18:13.0
Six years old ako noon.
18:15.3
Nasa kinder pa lamang ako noon.
18:18.2
May kaibigan akong nagnangalang Myla at madalas kaming matatagal.
18:23.9
Ngunit isang araw habang nasa school kami, sa playground ay lumapit sa kanyang isang lalaki.
18:30.7
Siguro yung mga nasa 15 hanggang 20 anyos ang edad.
18:35.1
At sinama ng lalaking yon si Myla.
18:38.5
Hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking yon at naaminin kong nakaramdam ako ng kaba.
18:43.9
Para sa aking kaibigan kaya sinubukan ko siyang pigilan.
18:47.3
Pero sumama pa rin noon si Myla at yun nga papadudot ang huling araw.
18:52.0
Na nakita kong buhay si Myla.
18:56.4
Dahil kinabukasan ay natagpuan na lamang si Myla.
19:00.3
Nahubotubad at walang buhay na lumulutang sa isang creek sa barangay namin.
19:07.1
Nang magkaroon ng investigasyon at isa ako sa mga napagtanungan.
19:12.9
Agad kong sinabi sa kanilang itsura at pagkakakilanlan ng lalaking kumuha kay Myla.
19:19.3
Agad naman itong nahuli ng mga pulis.
19:22.0
Ngunit bago makarating sa presinto ang lalaki ay kinuyog na siya ng galit na galit na taong bayan.
19:31.1
Nasaway ang lalaking yon noong araw na nahuli siya ng mga pulis.
19:37.2
Kaya napapatanong ako noon sa aking sarili.
19:40.9
Hindi kaya siya si Patrick John Garcia.
19:45.8
Samantala naging tahimik noon ang buong kwarto ko kaya inakala kong wala na ang misteryosong nilalang.
19:52.0
Na gumugulo sa akin.
19:54.9
Kaya lakas loob akong lumabas ng kumot pero papadudot isang malaking pagkakamali yon dahil pagangat ko ng kumot ay bumungad sa akin ng nakaitim na nilalang.
20:07.9
At kahit malabo ang mata ko ay namukhaan ko siya.
20:11.6
Siya ang lalaking kumuha noon kay Myla.
20:14.6
Siya yung rapist na pinatay ng taong bayan.
20:17.7
Ang pinagkaiba lang.
20:19.2
Dahil sa nakalapit ang aming mga muka.
20:23.3
Doon ko lang napansin na tila naaagnas na ang kanyang pisngi at pulang-pula ang kanyang mga mata.
20:31.0
Kung ganun ay siya nga si Patrick John Garcia.
20:35.1
Ang rapist na nahuli at napatay ng taong bayan dahil sa tulong ko.
20:41.8
Dahil dito ay napasigaw ako ng malakas.
20:45.0
Pero sa puntong yon papadudot ay sinakal niya ako at muling.
20:49.6
Inihiga sa aking kama.
20:52.2
At doon ay para siyang halimaw na uhaw na uhaw sa aking katawan.
20:57.9
Sinubukan kong magpumiglas.
21:00.1
Pero para bang may external o supernatural force na pumipigil sa buong katawan ko.
21:07.1
Hanggang sa naramdaman ko ang pag-init ng aking katawan.
21:11.2
Ang hapdi sa aking masiselang parte ng katawan.
21:14.5
Hindi nagtagal dahil sa sobrang sakit ay nawalan ako ng malay.
21:19.2
Nagising na lamang ako kinaumagahan at addad ng kamot ang aking katawan.
21:25.3
Doon ay napaiyak na ako.
21:27.5
Pero tumahan din ang bigla kong maalala ang Panginoon.
21:31.6
Agad akong naligo, nagbihis at umalis ng bahay.
21:36.2
Dumiretso ako sa simbahan kung saan.
21:39.1
Namit ko ang isang pare na kilala ding exorcist sa lugar namin.
21:44.1
At doon ko ay kinuwento sa kanyang lahat ng mga nararanasan ko.
21:48.7
Pagkatapos, ako ay nangyari.
21:49.2
Pagkatapos noon ay nagpaalam siya sa akin dahil may kukunin lamang siya.
21:53.6
Hindi nagtagal, pagbalik niya ay may dala na siyang isang itim na aklat.
21:58.3
At itim na kandila.
22:00.2
Sa likod naman niya ay ang kanyang sakristan na may daladalang maliit na palangganang may tubig.
22:07.2
Pagkatapos noon, Papa Dudot ay meron siyang ginawang ritual na sigurado akong wala sa Catholic rites.
22:14.2
Sinindihan niya ang hawak na itim na kandila.
22:19.2
May mga binabanggit siyang orasyon na alam kong wikang latin.
22:24.2
Mamayang kaunti ay binasbasan niya ako ng holy water gamit ang kaliwang kamay.
22:28.9
Habang ang hawak niyang kandila sa kanang kamay ay pinapatakan ang palangganang may tubig.
22:36.3
Nagintay pa ako ng ilang minuto bago siya tumigil sa kanyang orasyon.
22:42.9
Iha, may gumugulo nga sa iyong inkubo o inkubus.
22:48.0
Uwi ka ng pare sakin.
22:51.0
Pero father, ang itsura niya ay yung lalaking rapist na kumuha at pumatay noon sa kaibigan ko.
22:58.0
Ang pangalan pa niya ay Patrick John Garcia, ang sabi ko sa kanya habang naguguluhan.
23:06.1
Ginagamit lamang niya ang imahe ng lalaking yun dahil alam niyang yun ang kahinaan mo.
23:11.4
Sagot naman sakin ang pare, magingat ka sa ganitong klase ng demonyo.
23:18.0
Ako ay mga demonyong nananamantala sa katawan at pagnanasa ng isang tao.
23:24.9
Ginagamit nila ang katawan mo para manatili siya sa mundong ibabaw.
23:31.2
Father, ano po bang dapat kong gawin para matigil na ang pangugulon ng inkubo sakin?
23:40.4
Magdasal ka araw-araw.
23:44.1
At saka magsuot ka ng pwedeng panangga sa mga demonyo.
23:53.1
Pagkatapos ay may dinukot siyang kung anong bagay sa kanyang bulsa.
23:57.6
Nang ilabas niya yun, eto ay walang iba kundi isang rosaryo.
24:02.3
Sa'yo na to, Aya.
24:04.1
Palagi mong bitbitin yan sa angkaman magpunta.
24:09.7
Salamat po, Father.
24:11.5
Natutuwang wika ko sa pare.
24:14.7
At yun nga, Papa Dudut, simula noon ay lalo akong...
24:18.0
naging madasalin.
24:19.9
Hindi ko na rin binitawan ng rosaryong binigay sakin ng pare.
24:23.7
Kaya simula noon ay hindi na ako nakaramdam ng pangugulo sakin ng inkubo
24:27.7
at nakumpirma ko nga na wala na nga ang masamang elemento
24:31.7
na sumusunod sakin ng sabihin ng kasamahan kong si Jolan
24:36.0
na gumaganda na raw ang aura ko
24:38.8
at doon na nga nagtapos ang bangungot na matagal kong tiniis
24:42.8
sa buong buhay ko.
24:46.8
napaka-misteryoso ng ating mundo.
24:50.2
Marami pa rin mga bagay
24:51.4
ang hindi may paliwanag ng
24:55.3
Itong ikinuwento ko sa inyo ay pawang totoo
24:57.7
at talagang nangyari sa akin.
25:00.1
Huwag niyo na akong alalahanin
25:01.9
dahil masaya na ang aking buhay.
25:05.6
May asawa na rin po ako
25:06.7
although wala pa rin kaming anak hanggang ngayon.
25:10.0
Naka-move on na rin ako
25:11.2
sa nangyari sa akin
25:12.9
pero patuloy pa rin akong nagdarasal
25:16.8
Para masigurado na walang inkubo
25:19.5
o masasamang elemento
25:20.5
ang manggugulo pa sa aking buhay.
25:23.3
Muli maraming salamat sa inyo
25:24.7
at magandang gabi.
25:26.7
Lubos na gumagalang
25:29.4
Maraming maraming salamat po
25:33.6
sa lahat ng mga tumutok sa ating programa
25:36.3
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share
25:38.3
at mag-subscribe.
25:40.3
Babasahin ko po ang mga komento
25:44.0
Maraming maraming salamat po.
25:58.8
🎵 Ang buhay ay mahihwaga 🎵
26:05.8
🎵 Laging may lungkot at saya 🎵
26:12.0
🎵 Sa papatudod stories 🎵
26:15.8
🎵 Laging may lungkot at saya 🎵
26:16.3
🎵 Laging may karamay ka 🎵
26:23.5
🎵 Mga problemang kaibigan 🎵
26:31.0
🎵 Dito ay pakikinggan ka 🎵
26:37.9
🎵 Sa papatudod stories 🎵
26:41.7
🎵 Kami ay iyong kasama 🎵
26:46.3
Dito sa Papadudud Stories
26:53.3
Ikaw ay hindi nag-iisa
26:57.8
Dito sa Papadudud Stories
27:06.8
May nagmamahal sa'yo
27:11.1
Papadudud Stories
27:17.3
Papadudud Stories
27:25.0
Papadudud Stories
27:38.0
Hello mga ka-online!
27:39.6
Ako po ang inyong si Papadudud
27:41.1
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe
27:44.9
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanoodin nyo
27:49.5
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala