#85 - Gaano kaposible tumira sa Metro Manila? / (Un)livability of Metro Manila
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast at ngayong araw pag-uusapan natin kung bakit halos hindi posibleng tumira sa Metro Manila.
00:23.4
At hindi ito talagang parang subjective na karanasan o opinion pero mayroong datos na nagsasabi na halos hindi posible o hindi maganda tumira sa Metro Manila.
00:50.6
At siyempre yung...
00:53.4
Yung ekonomiya ng Pilipinas ay nakasalalay sa capital, nakasalalay sa Metro Manila dahil 32% ng GDP ng Pilipinas ay galing sa Metro Manila.
01:18.7
Pero hindi ibig sabihin ay livable.
01:23.4
Ang lungsod na ito kasi may mga datos galing halimbawa sa Economic Intelligence Unit galing sa UK na meron silang ranking sa mga livability ng mga lungsod.
01:44.4
At nasa 109th place ang Pilipinas.
01:53.4
Out of 140 na mga lungsod.
01:58.8
So halos nasa dulo na ang Pilipinas.
02:04.1
Pero ano nga ba ang isang livable na city?
02:08.5
Ano ba ang criteria kung paano malalaman kung maganda tumira sa isang lungsod?
02:20.4
At siyempre yung...
02:23.4
At limang factors na ito.
02:26.4
Hindi pasado ang Metro Manila.
02:29.7
So una, yung favorable urban sprawl.
02:34.4
Ibig sabihin kung meron bang mga parke, meron bang mga open spaces, meron bang mga public recreational o cultural na mga center.
02:50.1
Yung pangalawa, yung inclusivity.
02:53.4
Ibig sabihin kung yung lungsod ba ay para sa lahat at hindi lang sa mga mayaman.
03:01.8
Hindi lang para sa mga elite.
03:05.8
At isang bagay dito yung kung meron public transportation.
03:13.1
Kung para sa mga kotse o yung walang o yung konting gated villages o exclusive spots.
03:23.4
Kung para sa mga sports club na madaming madami sa Pilipinas.
03:28.4
Pangatlo, yung sustainability.
03:31.8
So ibig sabihin kung mababa ba ang carbon footprint ng lungsod at meron bang renewable power or renewable energy na ginagamit ang lungsod.
03:49.5
So renewable ba? Sustainable ba ang lungsod?
03:53.4
Yung pang-apat, yung resilience.
03:57.5
So ito yung kakayahan ng isang lungsod na parang labanan o mag-bounce back kung meron mga natural disasters.
04:11.8
Kung meron baha, lindol at iba pa.
04:19.1
At pang-lima, yung smart.
04:25.5
Ibig sabihin kung digitalized ba ang lungsod.
04:31.2
Kung efficient ba ang supply chain, yung infrastructure ng lungsod.
04:39.8
At kung conducive ba sa innovation ang isang lungsod.
04:46.8
So yun ang smart city.
04:48.6
So sa tingin ko, hindi pasado ang Pilipinas.
04:53.4
Ang Metro Manila at siguro ang Pilipinas sa mga kriteria na yun.
05:01.9
Dahil may mga datos din na nagsasabi.
05:08.7
Halimbawa, yung ratio ng open spaces sa mga tao sobrang mababa sa Manila.
05:19.7
Yung 0.2% lang ng lungsod.
05:23.4
Yung landmass ng Manila ay open space.
05:28.6
So sobrang mababa.
05:31.7
At yung lungsod ay nakadesenyo para sa mga kotse at hindi para sa public transportation.
05:42.6
Kaya malala ang traffic sa Manila.
05:48.3
Halos walang mga sidewalk at mga promenades.
05:53.4
At makikita lang yun madalas sa mga private na subdivision, sa mga sports club, exclusive sports club.
06:02.7
At hindi sa mga publikong kalsada o sa mga parke.
06:09.5
Kunti ang mga parke, kunti ang mga green spaces.
06:15.2
At syempre yung population density malala sa Manila.
06:21.2
At yun, maraming problema.
06:29.1
Pero bakit nga ba kunti ang open spaces sa Manila?
06:34.7
Isang dahilan noong 1990s,
06:39.3
merong zoning ordinance ang Manila.
06:42.9
Ibig sabihin, may mga rules, may mga batas
06:51.2
parang i-safeguard yung yung interest ng publiko
06:55.7
sa mga publikong lugar, publikong mga spaces.
07:02.5
Pero nagdesisyon ang gobyerno na parang i-ratify yun.
07:09.8
Ibig sabihin, yung mga mayor ng mga lungsod,
07:15.7
pwede nila ibenta yung public space
07:18.9
sa mga private na public spaces.
07:23.1
Halimbawa, kung merong lupa, may open space,
07:28.1
pwede ibenta ng mayor sa isang developer
07:31.7
para gumawa ang developer ng gated community
07:36.6
o ng mga commercial development.
07:41.3
Kahit sa mga lugar na merong no-build zone,
07:45.9
dahil nasa fault line o malapit sa seismic fault line,
07:51.2
ang lugar o no-build zone dahil nagbabaha,
08:00.0
may baha sa lugar na yun kapag umuulan,
08:03.6
ay pwedeng ibenta.
08:05.5
So, magandang bagay yun para sa mayor
08:08.7
kasi pwede siyang kumita ng pera.
08:14.5
Pero hindi magandang bagay para sa publiko.
08:21.2
Doon, yung mayaman at may kapangyarihan
08:24.0
ang nagkaroon ng parang mas favorable na sitwasyon.
08:34.8
So, hindi lang yung real estate developers,
08:39.0
pati na rin yung mga ibang-ibang kumpanya
08:42.4
tulad ng mga office spaces
08:45.2
at syempre yung mga malls.
08:51.2
At kaya madaming malls din
08:53.7
dahil pinili ng mga developer yung mga open spaces
08:59.5
at syempre hindi nasusunod yung mga zoning ordinance.
09:07.7
At kung mapapansin nyo,
09:09.7
konti rin ang mga puno sa Maynila.
09:15.6
mababa din ang kalidad ng hangin.
09:21.2
medyo parang rant itong episode pero
09:23.8
pinapakita lang na may datos
09:27.7
bukod sa halata na hindi
09:32.0
isa sa mga livable na lungsod ang Maynila.
09:38.1
Nakakalungkot pero ito ang katotohanan.
09:41.3
So, yun lang ang episode ngayon.
09:44.4
Merong Patreon kung gusto nyo sumuporta sa proyekto
09:47.5
at merong transcript kung kailangan nyo.
09:51.2
Salamat at paalam!