* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ang mga islang ito ay bahagi ng West Philippine Sea, pero bakit puro infrastruktura at artificial island na gawa ng China?
00:09.6
Ang mga artificial island ng China ay parang mga kabuting nagsulputan at parang nakakahawang sakit na unti-unting kumakalat sa West Philippine Sea.
00:19.8
Hindi lamang isa o dalawa, kundi napakarami na ang kanilang naipatayo mula ng sabihin nilang gagawa lamang sila ng masisilungan ng kanilang mga manging isda.
00:31.5
Ano ba ang nangyari at nakapagpatayo ng maraming artificial island ang China ng basta-basta sa sarili nating bakuran?
00:40.1
Bakit hindi pinigila ng Pilipinas ang China sa simula pa lamang para hindi na umabot sa pambubuli at matinding labanan?
00:48.3
Ang pagdami ng artificial island ng China sa West Philippine Sea, yan ang ating aalamin.
00:59.9
Maraming umaangkin sa malaking bahagi ng South China Sea dahil magpapayaman ito sa ekonomiya ng isang bansa.
01:08.6
Mula sa isda, langis, natural gas at turismo at tiyak na malaking pakinabang ito.
01:15.6
Daungan din ito ng mga barko mula sa isa.
01:18.3
Sa iba't ibang pantalan na nagdadala ng kanilang produkto at kalakal patungo sa iba't ibang bansa.
01:24.7
Ilang ulit nang nagtangka ang mga bansa na magkaroon ng joint exploration para mabakinabangan ito ng lahat ng mga bansang umaangkin dito.
01:34.1
Pero walang may gusto dahil karamihan sa mga bansa lalo na ang China ay gustong angkinin ito lahat.
01:41.3
Patuloy pa rin ang China sa pagpapatayo ng artificial island sa West Philippine Sea upang sila ay maging dominante.
01:48.3
Ang kanilang pwersang military sa oras na mangyari ang malaking digmaan.
01:54.0
Dahil na rin natalo ang China sa kanilang iginigiit na 9-9 na nagsasabing kanila ang halos lahat ng South China Sea,
02:03.0
mas naging mapangahas at agresibo ang China pagdating sa pagpapagawa ng mga artificial island sa West Philippine Sea.
02:12.2
Ito ay upang maging dominante pa rin sila sa pinag-aagawang teritoryo.
02:17.1
Isa sa dahilan kaya ganito kalakas ang loob ng China sa pag-angkin dahil nanalo ang Pilipinas sa maritime rights at hindi pangkahalatang soberanya ang nadesisyonan ng tribunal.
02:30.7
Kaya tuloy pa rin ang mga bansa sa pagtatalo sa mga teritoryo.
02:35.4
Nakakapagpatayo sila ng mga facilities, isla at estruktura sa mismong teritoryo natin, nakakagawa ng artificial island at may mga base military pa.
02:47.1
Akalain mong naitayo nila ito noon na walang tumututol o pumapalag na opisyal sa ating bansa at patuloy pa rin nila itong isinasagawa hanggang sa kasalukuyan.
02:58.7
Posibleng halos walang nakikialam na mga bansa sa sigalot ng China at Pilipinas dahil sa una pa lang ay wala namang ginawang hakbang ang ating bansa.
03:09.4
Kiniisip tuloy ng iba na ayos at okay lang ito sa Pilipinas.
03:17.1
Tutol ay yan at ang China ay patuloy sa paggawa at pagpapatayo ng kung ano-anong estruktura sa bahagi ng teritoryong sakop natin.
03:27.5
Nagsimula ang creeping expansion ng China sa West Philippine Sea noong taong 1988.
03:34.0
Creeping expansion dahil unti-unting pag-angkin ng China sa mga bahagi ng West Philippine Sea.
03:40.2
Unang inangkin ng China ang Itoaba na bahagi pa rin ng West Philippine Sea.
03:47.1
Ay nagsilbing submarine base ng mga Japon noong World War II sa kanilang pananakop sa Pilipinas.
03:54.3
Ito rin ang pinakamalaking bato sa Spratly Island.
03:58.5
Pangalawa ay ang Subi Reef noong 1988.
04:02.3
Kung kailan ang pangulo sa panahong iyon ay si Cory Aquino na kuha ito ng dinalalaman ng gobyerno.
04:10.3
Ayon sa mga eksperto sa mga panahong iyon ay wala pa umanong ideya ang Pilipinas kung ano,
04:17.1
kasunod naman nito ay sinakop nila ang Mischief Reef.
04:22.3
Nakuha ito noong 1995 at si Fidel Ramos ang pangulo noon.
04:28.1
Nalaman ito ng ating pamahalaan pero wala ding nagawa ang Pilipinas.
04:33.7
Noong 1996 nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Chinese Navy at Philippine Navy.
04:40.3
Nagkaroon ng putukan ng baril.
04:43.0
Pagkatapos ng insidente ay sinimulan na ang joint exercise ng Pilipinas.
04:46.2
Pagkatapos ng insidente ay sinimulan na ang joint exercise ng Pilipinas.
04:47.0
Pagkatapos ng insidente ay sinimulan na ang joint exercise ng Pilipinas.
04:47.1
Pagkatapos ng insidente ay sinimulan na ang joint exercise sa pagitan ng US Navy at Philippine Navy sa Palawan.
04:52.1
Taong 2012 naman nang angkinin ng China ang Scarborough Shoal kung saan si Noinoy Aquino naman ang naging pangulo.
05:00.6
Noong taong din iyon nagkaroon din ng sigalot sa pagitan ng Chinese Navy at Philippine Navy na tumagal ng dalawang buwan.
05:09.6
Muling umangtiin ng China ng ating teritoryo noong 2017, ang Sandy Cay.
05:17.0
Ang pangulo naman sa panahong ito ay si Rodrigo Roa Duterte.
05:21.1
At noong taong 2022 ay inaangkin na rin ang Julian Felipe Riffs kung saan daang-daang militia boat ng China ang nandito.
05:32.3
Mula Mischief Riff hanggang Scarborough Shoal, ilang beses nang hinamon ng China ang karapatan ng Pilipinas sa sarili nating teritoryo.
05:42.4
Pero kailan at paano nga ba nagsimula ang tensyon?
05:47.0
Ang bahura ay bahagi ng Kalayaan Island Group sa South China Sea na may mga bahaging inaangkin hindi lang ng China at Pilipinas, kundi ng mga bansang Taiwan at Vietnam.
06:11.7
Ito ay nasa 127 nautical miles lamang ang layo sa panahong ito.
06:17.0
At nasa loob pa rin ng 200 nautical miles exclusive economic zone o EEZ ng Pilipinas, kumpara sa mahigit 1,600 nautical miles na distansya ng China na napakalayo kung ikukumpara sa ating bansa.
06:34.0
Ang mga kubo na sinabi noon ng China na magsisilbing silungan lang daw ng kanilang mga banging isda, isa na ngayong military garrison ng China.
06:45.5
Nangyari ito matapos tuluyang umalis ang mga tropang Amerikano sa mga base militar nito sa ating bansa.
06:52.3
April 2012 naman nang magkagirian ang mga barko ng Pilipinas at China sa Panatag o Scarborough Shoal, na kilala rin bilang Bajo de Masinloc.
07:04.0
Nagsimula ang lahat ng masabat doon ng barko ng Philippine Navy ang ilang barkong pangisda ng China na may mga iligal na aktibidad sa isla.
07:14.6
Kung mula pa man sa simula ay inalmahan na ng Pilipinas ang unang attempt ng China na makisilong at magtayo sa ating teritoryo ay di sana umabot sa ganitong panghaharas
07:27.8
at patuloy na pambubuli ang ginagawa nito sa ating mga kababayan at sarili natin.
07:34.0
Dahil halos sila pa ang nagiging dominante at matapang sa pag-angkin sa mga lugar na di naman sa kanila.
07:42.7
Halos ilang dekada na ang panahon sa pag-angkin ng China sa ating teritoryo at marami na rin pangulo ang nagdaan.
07:50.6
Pero hindi matuldukan ang isyo ng agawan, kundi bagpustuloy-tuloy pa rin sa pagpapalawak ng nasasakupan ng China na bahagi na ng ating teritoryo.
08:02.2
Masyado na yata tayong kapatid.
08:04.0
Pampante, tahimik at masyadong mabait kaya naaabuso ng ibang bansa.
08:09.4
Gaya ng China sa ganito nating ugali ay naging mas agresibo at mabanamantala sa ating kahinaan.
08:16.7
Hindi na rin natin maitatanggi na may mga anomalya at kapabayaan sa ating pamahalaan.
08:22.9
At tayo ay mapapaisip na lang na baka may mga protektor ang China mula sa ating bansa para makapagpatayo sila ng mga artificial islands sa ating teritoryo.
08:34.0
Dahil nakapagpatayo na ang China at mas pinapalawak pa ang kanilang hangganan kahit nasa ating teritoryo,
08:42.7
anong mabisang hakbang na nga ba ang dapat gawin ng ating pamahalaan para matigil na ang ginagawang ito ng China?
08:51.7
I-commento mo naman ito sa iba ba, pakilike ang ating video, i-share mo na rin sa iba.
08:57.9
Salamat at God bless!