00:40.0
O tara na, umpisa na natin eh!
00:43.0
Una, i-prepare muna natin yung chicken. Minamarinate ko lang yan.
00:47.3
Naglalagay ako ng toyo, cardic powder, ground black pepper at nagpipigarin ako ng lime.
00:53.5
Isang perasong lime lang ang gamit ko.
00:56.2
Kung kalamansi ang gagamitin ninyo, mga dalawang peraso yung kakailanganin.
01:00.1
At kung lemon naman, mga one-fourth piece ng lemon.
01:04.3
Haluin nyo lang na mabuti yan at ibabad lang ninyo overnight for best results.
01:08.8
Takpan lang muna ninyo itong bowl at ilagay ninyo sa loob ng refrigerator
01:12.2
para nang sa ganon maiwasan yung contamination at hindi kagad masira yung chicken.
01:17.0
Pero kung talagang nagmamadali kayo, kahit mga isa hanggang isa't kalahating oras ang pagbabad, pwede na rin yan.
01:24.0
At once okay na nga yung chicken,
01:26.2
ito naman, yung patatas at carrots ang i-prepare natin.
01:30.4
Piniprito ko lang ito.
01:32.0
Itong pagprito ay ginagawa ko para lang dito sa ating special version
01:35.5
kasi mas pinapaganda nito yung texture ng patatas.
01:38.9
Siyempre, pati na rin ang carrots.
01:40.8
At pagdating naman sa duration ng pagprito, mga 3 to 5 minutes ang pagprito ko dito sa patatas.
01:46.5
Naka-medium heat setting lang ako.
01:48.5
Ang importante, once na mag-light brown na yung kulay ng outer part, pwede nyo nang kunin yan.
01:54.6
Next naman ay nilalimot.
01:55.9
Nilalagay ko na yung carrots.
01:57.5
So same procedure lang.
01:59.3
Ang pagkakaiba lang dito yung duration.
02:01.8
Dahil itong carrot, mas mabilis itong mag-brown.
02:04.3
At mapapansin nyo, yung mga gilid nito, minsan magiging itim pa yan.
02:08.3
Dahil nga, merong sugar content ito.
02:10.4
So medyo mabilis masunog.
02:12.3
Kaya pagdating sa duration, mga 2 to 3 minutes lang, okay na yan.
02:16.5
Nilalagay ko lang sa isang bowl na may paper towel, itong patatas at carrots na naprito ko.
02:21.8
Itong paper towel ay nakakatulong para ma-absorb yung excess na mantika.
02:25.9
Ibig sabihin yan, hindi magiging ganun kamantika yung patatas at carrots na naprito ninyo.
02:31.2
Tinabi ko lang muna yun.
02:32.5
At tinabi ko din yung excess na mantika.
02:34.7
Medyo marami kasi, di ba?
02:36.3
Nagtira lang ako ng mga 3 tablespoons.
02:38.5
At doon ko nga ginisa yung bawang.
02:40.8
Ito ay minced garlic.
02:42.4
Naginisa ko lang hanggang sa mag-start ng mag-brown.
02:45.7
Nung nag-start ng mag-brown, nilagay ko na dito yung sibuyas.
02:49.0
Ang gamit ko ay dilaw na sibuyas.
02:50.8
Ito yung tinatawag na sweet onion.
02:53.2
Basa nga doon sa pangalan, alam natin na manamis na misa.
02:55.9
At mas maganda nga pala kung mas maraming sibuyas yung gagamitin ninyo.
03:00.5
Mas makakatulong yan para magpalasa dito sa ating kalderetang manok.
03:05.4
Ginigisa ko lang itong sibuyas hanggang sa lumambot na.
03:08.8
At itinutuloy ko yung pag-isa ng konti pa hanggang sa mag-umpisa ng mag-cramelize.
03:13.9
Mapapansin ninyo na unti-unti na rin mag-brown yan.
03:16.7
Sabay lagay ng chicken.
03:18.4
Huwag nyo munang isama yung marinade na natirahan, yung liquid.
03:21.7
Dahil nga, kapag nilagay ninyo yan, hindi natin mapapabrown kagad yung chicken.
03:26.9
Pag kalagay ng chicken ay niluto ko lang ito ng mga dalawang minuto.
03:31.1
And after 2 minutes, ay isa-isa ko nang binaliktad yung mga chicken pieces.
03:36.8
Habang binabaliktad, mapapansin ninyo, nag-brown na yung side na nasa ilalim.
03:42.7
Yan yung reason kung bakit hindi natin nilalagay kagad yung liquid marinade.
03:47.0
Dahil hindi natin maa-achieve yung ganyang kulay kapag medyo mamasa-masa yung mixture.
03:51.8
Tinuloy ko lang yung pagluto doon sa kabilang side ng 2 minutes rin.
03:54.8
And after 2 minutes,
03:55.9
2 minutes, nilagay ko na yung tomato sauce.
03:59.1
Aside from tomato sauce, pwede ko maglagay dito ng tomato paste.
04:03.7
Inahalo ko lang yung tomato sauce ng dahan-dahan para lang makot yung chicken.
04:10.5
Naglalagay din ako dito ng tubig.
04:13.2
Para mas masimot yung tomato sauce, naglalagay muna ako ng konting tubig doon sa lata.
04:17.7
Then nagdadagdag pa ako.
04:19.6
Kailangan pa kasing pakuluan yung chicken hanggang sulumambot ito ng tuluyan.
04:23.8
Alam nyo guys, ang sarap kumain ito.
04:25.7
Mukha pag umuulan na, no?
04:27.1
Sakto umuulan dito sa lugar namin.
04:29.1
Kaso mukhang napasobra.
04:30.6
Pero I'm sure may enjoy ko pa rin ang pagkain nito mamaya.
04:33.6
Kaya nga, dali-dali akong kumuha ng pinatuyong dahon ng lorel eh.
04:37.6
Dahil makakatulong ito sa lasa at mas magpapabango din dito sa ating dish.
04:42.3
Tinakpan ko na yung lutuan.
04:43.9
Hininaan ko yung apoy to the lowest setting.
04:46.3
At itinuloy ko yung pagluto ng 35 to 40 minutes hanggang sa maging sobrang lambot na ng chicken.
04:52.7
Yung iba sa inyo marahil mapapansin,
04:54.9
mabilis na mag-evaporate yung liquid.
04:56.7
Yung tipong hindi pa malamot yung manok pero papatuyo na yung liquid o yung sauce.
05:00.7
Kapag nangyari sa inyo yan, magdagdag lang kayo ng tubig.
05:04.8
Haluin nyo lang ng bahagi yan.
05:07.2
And at this point, okay na itong chicken.
05:09.7
40 minutes ko na itong naluto.
05:11.7
Para sa akin, saktong-sakto lang itong sauce.
05:14.4
Pero kung gusto ninyo na much lesser yung sauce,
05:17.1
pwede pa ninyo itong ituloy na pakuluan nung wala ng takip.
05:20.1
Hanggang sa mag-reduce lang ito.
05:21.9
Dun sa gusto ninyong dami.
05:24.9
At ngayon ay ilalagay ko nyo yung staple ingredient para sa chicken caldereta na version na ito.
05:30.5
At ang tinutukoy kong ingredient ay ito.
05:35.7
Ito kasi yung isang version ng caldereta kung sa naglalagay tayo ng liver spread.
05:39.8
O minsan ang tawag ng iba, Rino, di ba?
05:42.0
Pero kahit anong brand, pwede ninyong gamitin.
05:44.4
Kung walang liver spread na available, pwede kayong gumamit ng liver patay dito.
05:49.6
Yung isang version naman ng caldereta, instead of liver spread,
05:52.9
ang nilalagay, peanut butter.
05:54.9
So kung mas gusto ninyo yun, please feel free na gumamit ng peanut butter instead of liver spread.
06:01.3
At kung napansin ninyo kanina, hinalo ko muna ng bahagya yung liver spread sa isang location.
06:06.9
Hanggang sa mag-dilute lang ito ng tuluyan.
06:09.4
At dahan-dahan ko na nga itong hinahalo with the rest of the ingredients.
06:14.3
At ngayon ay ready na tayo para ilagay yung mga gulay.
06:18.7
Para sa recipe na ito, gagamit tayo ng green peas.
06:22.8
Itong gamit ko ay frozen peas.
06:26.5
So pwede ninyong ilagay yung green peas dito kahit frozen.
06:29.1
Walang problema dahil matutunaw naman kagad yung yelo dyan.
06:32.5
At pwede rin kayong gumamit ng nakalata na green peas, yung tinatawag natin na guisantes.
06:37.5
Or kahit yung nakalagay sa sachet, walang problema.
06:41.8
Gumagamit din tayo dito ng bell peppers.
06:44.8
Ito, importante talaga para sa caldereta.
06:47.6
Dahil ang bell peppers ay may unique na flavor.
06:49.8
Yung tipong manamis-namis.
06:52.1
Napagay na bagay talaga sa mga dishes na katulad nito.
06:55.8
Ang gamit ko dito ay kulay green at pulang bell pepper.
06:59.8
Walang problema kahit isang kulay na bell pepper lang ang gamitin ninyo.
07:03.8
Talagang sinadya ko lang na dalawang kulay para nang sa ganun maganda sa mata o maganda sa paningin.
07:09.0
Ibig sabihin, mas gaganahang kayong kumain, di ba?
07:12.7
Niluluto ko lang muna ito ng mga 2 minutes.
07:15.5
Gusto ko kasing manood talaga ng gusto yung lasa ng bell pepper dito sa sauce natin.
07:20.0
At pagdating sa paghalo, as in bahagya lang at dahan-dahan.
07:24.9
Tinitimplahan ko rin ito ng patis.
07:27.8
Aside from patis, pwede kayong magdagdag ng toyo dito.
07:31.0
Dahil kanina gumamit na tayo ng toyo during the marination process, di ba?
07:34.9
Or pwede rin kayong gumamit ng asing.
07:38.3
At dahil nga sa kagusuan ko talagang maging flavorful itong aking niluluto,
07:42.5
tinutuloy ko pa ang pagluto dito between low to medium heat setting
07:46.2
ng mga 3 minutes pa.
07:48.3
Kung baka tinatakpan ko lang uli yan para talagang kumapit sa sauce lahat ng lasa ng mga ingredients.
07:54.9
And after that, dyan ko pa lang nilalagay yung naprito natin na patatas at carrots.
08:01.1
Kung mapapansin ninyo, hinuhuli ko na to.
08:03.6
Dahil nga bahagyang luto na yan.
08:05.7
Kapag niluto natin ito sa medyo unang part, baka naman masobrahan yung lambot at madurog na lang.
08:12.7
Saglit na luto lang naman ito, mga 2 minutes lang okay na.
08:15.5
Huwag nyo nang tagalan dahil lalong lalapot yung sauce ninyo kapag nadurog yung mga yan.
08:20.7
Kaya importante sa prosesong to at sa step na to, yung dahan-dahan lang na paghalo.
08:25.3
Yung tipong parang tinutos lang ninyo.
08:29.5
So okay na ito ah. Titimplan lang natin ng ground black pepper.
08:34.4
Pwede kayong gumamit ng ground white pepper dito ah.
08:37.1
So walang problema pagdating doon sa paminta.
08:39.7
At yung iba nga pala sa atin, gusto yung kalireta yung medyong maanghang-anghang.
08:44.5
So pwede kayong gumamit dito ng fresh na siling labuyo or Thai chili pepper.
08:49.8
Pwede rin kayong maglagay dito ng chili flakes.
08:52.0
O kahit hot sauce lang eh. Walang problema.
08:54.9
Nasa sa inyo rin kung gano'ng karami.
08:57.8
Ganito din ba kayong magluto ng chicken caldereta?
09:00.9
Ano-ano pa yung mga ibang ingredients na nilalagay ninyo?
09:05.8
Yung iba sa atin, naalala ko lang, gusto nga pala yung makrema, yung medyo creamy.
09:11.5
At yung rich din, yung texture.
09:14.1
Kaya nga naglalagay ako ng itong ingredient na to.
09:17.9
May idea na ba kayo?
09:22.4
So Pinoy cheese yung gamit ko.
09:24.2
Ibig sabihin yung...
09:24.9
Yung usual na mga cheeses na gawa sa Pilipinas.
09:27.6
Bala na kayo kung anong brand yung gagamitin ninyo.
09:30.6
Nagbibigay kasi ito ng konting alat pa.
09:33.3
Tapos ginagawa nitong makrema at rich yung lasa nitong caldereta natin.
09:38.5
Pero ah, optional ingredient lang ito.
09:41.3
Pag kalagay ng queso,
09:43.0
halu-haluin nyo lang ng konti.
09:44.6
Pero kahit hindi nyo laluin, walang problema eh.
09:46.3
Dahil matutunaw naman usually yan.
09:49.0
Niluluto ko lang ng mga isang minuto pa.
09:51.3
Para lang matunaw yung queso.
09:52.9
At pagkatapos nga ay nililipat ko na to.
09:54.9
Sa isang serving bowl.
09:57.2
At sineserve ko na kasamang bagong saing na kanin.
10:00.7
Mayroon pa bang mga ingredients na sa tingin ninyo dapat natin ilagay pagdating dito sa ating kalderetang manok?
10:06.9
At ano yung mga usual na sangkap na ginagamit dyan sa lugar ninyo?
10:11.1
Pakomment naman eh.
10:13.0
O guys, ready na tong ating dish.
10:14.6
Ito na yung ating kalderetang manok.