NAKU! NAGPAULAN ng 300 MISSILES ang IRAN sa ISRAEL | Sa GALIT ng Israel Nakahandang Gumanti?
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Iran, inatake ng napakaraming missile ang Israel. At pagkatapos nito, nagsaya pa ang mga Iranian.
00:17.7
Anim na buwan na matapos atakihin ang Hamas ang Israel.
00:21.3
Isang panibagong hamon ang kinakaharap ngayon ng Israel nang sa unang pagkakataon ay inatake sila ng Iran.
00:28.2
Amerika, nangakong handa silang depensahan at ipagtanggol.
00:33.0
Anong nangyayari sa ating mundo?
00:35.2
Muling umugong ang air raid siren sa Jerusalem, Israel, nang tila mga bulalakaw na dumating ang mga nasa 300 na cruise missiles, ballistic missiles, at attack drone ng Bansang Iran sa kanilang teritoryo.
00:49.5
Bagamat sinalag ang mga ito ng Iron Dome, ang kanilang air defense system, may mga nakalusot at tinamaan ang isa sa Israeli military.
00:58.2
Ito ang kauna-unahang direktang pag-atake ng Iran sa Israel bilang paghigante sa anilay air strike o pagbomba nito sa Iranian consulate sa kanilang embahada sa Syria noong April 1, na ikinamatay ng pitong Islamic Revolutionary Guard Corps Elite Quads Force, kasama ang dalawang top commanders nito.
01:20.2
Kasunod ang pag-atake ng Iran, kinausap ni Israel Prime Minister si U.S. President Joe Biden na nangako namang ipagtatanggol.
01:28.2
Ang kaalyadong bansa, paano umabot sa puntong napatid na ang PC ng Iran? At bakit posibleng madamay ang U.S. sa babala ng Iran ng isang mas malaking pag-atake? Diyan ang ating aalamin.
01:45.5
Ang tensyon sa Middle East ay umaakyat sa iba't ibang lugar at senaryo.
01:50.1
Habang nagaganap ang gera ng Israel laban sa Hamas sa Gaza, isang militanting grupo ng Palestina, suportado ng Iran,
01:57.5
sa pamamagitan ng financial aid at mga armas, merong nagaganap na palitan ng putok at labanan sa mga cross-border sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah,
02:08.0
ang militanting grupo mula sa Lebanon, at maging mga pag-atake ng Houthi militia ng Yemen sa Red Sea.
02:15.0
Ang Hamas, Hezbollah at Houthi ay mga pinupondohan at sinusuportahan ng Iran.
02:19.5
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin noong April 1 sa Damascus, kung saan naganap ang highest-profile killing ng mga Iranian military leaders sa loob ng maraming taon.
02:29.5
Isang Iranian diplomatic building ang tinamaan ng airstrike na pinaniniwalaan nilang kagagawan ng Israel.
02:36.1
Walang nilabas na pahayag ang Israel patungkol dito kaya isinapubliko ng Iran ang kanilang pagbabanta na sila ay gaganti sa Israel dahil sa ginawa nito.
02:45.8
Dagdag pa nila, posibleng madamay daw ang U.S.
02:49.5
sa gyerang kanilang sisimula na.
02:51.4
Ang depensa ng Israel at U.S.
02:53.6
Simula April 4, may mga Israeli na nagreport ng GPS errors kung saan makikita sa mga mapa na ang Tel Aviv, Israel, ay nakalocate na sa Beirut, ang kapitolyo ng Lebanon.
03:05.8
Ang dahilan ng Israeli military, nais nilang buluhin o iscramble ang GPS signals sa Israel upang lituhin ang direksyon ng mga missile at drones na posibleng pakawalan ng Iran.
03:17.6
Upang bigyan ng clear path ang Iron Dome ng Israel, isinara nito ang airspace sa pamamagitan ng pagcancel ng mga flights at dinisable ang GPS location services sa ilang mga lugar nito.
03:30.2
Ipinatigil din ang kanilang gobyerno ang mga klase, maging mga pagsasama-sama ng hindi bababa sa isanlibong katao upang maiwasan ang posibleng pinsala at piligro sa mga mamamayan nito.
03:43.7
Nang nadetect ng U.S. Intelligence at Israel ang mga ipinadalang drone at missiles ng Iran patungong Jerusalem, nagsimulang mag-operate ang Iron Dome system ng bansa abang isinapubliko naman ang U.S. National Security Team na tumulong ang U.S. sa pagpabagsak ng halos lahat ng mga drones at missiles na nasa ere pa lang.
04:03.0
Naglalakbay mula sa magkabilang panik ng Middle East.
04:06.2
Patunay dito ang mga U.S. assets sa Caspian Sea, Red Sea, Iraq at Syria.
04:11.9
na matatagpuan sa gitna ng Iran at Israel na siyang nagpatumba sa mga nadetect nitong drone at ballistic missiles ng Iran at mga kaalyadong militanteng grupo nito.
04:22.7
Kabilang na dito ang USS Corny, isang destroyer ship at itinalaga sa dagat upang depensahan ng Israel.
04:30.0
Ang barkong ito ay kilala sa pagpapaatras ng mga Houthi at Hezbollah na mga proxy group ng Iran.
04:36.7
Lunes nang dumating sa Israel ang mga ipinadalang regalo ng Iran.
04:40.8
Ayon sa Israeli government, tumakbo sa bilis na 700 miles per hour ang airstrikes ng Iran.
04:47.4
Ito ang nagbigay sa kanila ng sapat na panahon upang iligaw ang mga missile at drone sa direksyon o trajectory nito,
04:55.4
na di kaya'y patumbahin nito kapag nasa range ng kanilang Iron Dome System.
05:00.2
Isa sa mga drone na nilaunch ng Israel ay ang isang one-way attack drone na kung tawagin ay Shahed Model.
05:06.9
Ito ay isang uri ng drone na balot na mga pampasabog.
05:10.8
Sasabog ito kapag tumama sa isang target, halimbawa ay lupa o mga building.
05:16.5
Kaya nitong lumipad sa layong 1,500 miles.
05:20.3
Sakto sa kalkuladong layo ng Iran sa Israel na nasa 1,600 hanggang 1,900 miles at sa bilis na 100 miles per hour.
05:30.3
Mabagal man ngunit mababa ang lipad nito sa ere, kaya naman mas mahirap itong ma-detect at ma-intercept.
05:36.5
Ilang oras bago ma-detect ang drone at missile launch ng Iran,
05:40.8
pinagpaliban ni Biden ang kanyang bakasyon at bumalik muli sa White House upang kumunsulta sa kanyang National Security Team.
05:48.1
Alam niyang aatake na ang Iran at dahil sosuportahan nila ang Israel,
05:52.2
kailangan nilang maghanda sa posibleng pag-atake din ito sa kanilang bansa.
05:56.3
Ngunit hindi niya inaasahan na mabilis nakikilos ang Iran kesa sa kanyang kalkulasyon.
06:00.7
Ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa ay nagsimula noong 1950s at nagpatuloy sa dekada 2000 hanggang sa kasalukuyan.
06:09.4
Ang mga issue tulad ng populasyon,
06:10.7
ang programa ng nuklear ng Iran,
06:12.8
ang mga pagsuporta ng Iran sa mga terorista na grupo sa Middle East,
06:17.0
at ang pag-atake sa mga Amerikanong tropa sa Iraq at Afghanistan
06:20.6
ng mga rebelding grupo na sinisuportahan ng Iran ay ang mga naging sentro ng kanilang hindi paglalaban.
06:27.1
Dahil dito, ang US ay nagpatupad ng mga pagsanibwersa at mga parusa laban sa Iran,
06:32.7
kabilang ang mga pang-ekolomiang sanctions.
06:35.2
Ang pag-atake ng Iran ay hindi lamang isang major eskalasyon ng nagaganap na tensyon sa Middle East,
06:40.7
kundi isang bagong hamon para sa administrasyong Biden.
06:45.2
Dahil sa gabundok na death toll sa Gaza at lumala lang humanitarian crisis doon,
06:50.8
hinihikayat na di umano ni Biden ang mga Prime Minister ng Israel na tapusin na ang gera laban sa Hamas
06:57.1
sa kabila ng pagsuporta nito sa bansa sa pamamagitan ng pagpondo sa mga military actions nito laban sa Palestine.
07:05.3
Anya, malaki ang posibilidad na ang pag-atake ng Iran ay magdadala sa mga pulweng,
07:10.7
na direkta ang ma-involve sa gera ng Iran at Israel sa hinaharap.
07:16.7
Hindi malinaw kung talaga bang sa Israel nagmula ang misil na kumitil sa buhay ng mga sundalong Iranian
07:22.6
at pumatid sa PC ng gobyerno nito na direkta ang paulanan ng atake ang Israel bilang paghihigantil.
07:30.4
Ngunit ang pagsaklolo ng Israel sa kaalyado nitong US ay pagpapatunay na hindi ito handa na magsagawa ng isang mas malaking gera.
07:38.6
Ano sa tingin mo ang kahahantungan?
07:40.7
Ano sa tingin mo ang kahahantungan ng Israel kung sakaling maglunsad pa ng sunod na atake ang Iran?
07:44.9
Patikim lang kaya ito ng Iran upang puwersahin ang US sa mga kilos ng Israel?
07:49.9
I-comment mo naman yan sa iba ba at huwag kalimutang i-like at i-share ang video na ito.
07:55.2
Hanggang sa muli mga kasoksay! Maraming salamat!