* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Isang disyertong lugar, binaha ng matindi, binayo ng napakalakas na ulan at rumaragas ang baha ang Dubai, tatlong OFW pa nga ang nasawi.
00:12.1
Ang UAE ay maituturing na isang disyerto kaya marami tuloy ang nagtataka at nagtatanong kung bakit ang lugar na malayo sa katubigan ay dinayo ng matinding baha.
00:24.7
Ano nga ba ang dahilan at marahas ang baha na ito sa Dubai? At ano ang tila nakalimutan ng mga tao dito pagdating sa kalikasan?
00:35.2
Ang matinding baha sa Dubai, yan ang ating aalamin.
00:45.4
Ang Dubai ay isang mayamang lugar sa UAE.
00:49.8
Nagsisitaas ang mga gusali, mga nagniningning na mga luxury items gaya.
00:54.7
Kaya ng mga mamahaling bags, ginto at mga dyamante.
00:59.2
Mga Arabong nakasakay sa mga mamahalin at mga high-end na mga sasakyan.
01:04.7
Maging ang maingay at grandiyosong buhay sa gabi.
01:08.5
Kilala ang Dubai sa ganitong uri ng pamumuhay.
01:12.0
Sikat sa mga tao at pinapangarap ng karamihan ang ganitong karangyang buhay sa Dubai.
01:17.7
Ang buhay na moderno sa Dubai ang isa sa pinakasikat na katangian ng lungsod na ito.
01:24.7
sa hindi mapigilan at mabilis na modernisasyon ng lungsod, isang mahalagang aspeto rin ang naisasakripisyo.
01:33.4
Ito ang kalikasan.
01:35.3
Nitong April 2024, binisita ng hindi inaasahang dilubyo ang lungsod.
01:41.7
Sa unang pagkakataon, binaha ang isa sa tila moderno at pinaka-advanced na lugar sa buong mundo.
01:48.9
Maraming mga lugar ang nilubog dahil sa malakas na ulan at nagpatigil sa operasyon.
01:54.6
At naapektuhan ang mga motorista sa mga kalsada, bahay at mall sa financial center ng Middle East.
02:04.0
At dahil sa tindi ng dilubyong ito, tatlong OFW ang nasawi.
02:09.5
Ang isa ay nasawi matapos na mahulog sa sinkhole ang kanyang sasakyan.
02:14.5
Samantala, suffocation naman sa kanilang shuttle service ang ikinasawi ng dalawa pang OFW.
02:21.1
Ayon sa National Meteorology Center,
02:24.6
nabot ang buhos ng ulan sa Al Ain lungsod sa UAE Oman border sa 254 mm sa loob ng wala pang 24 oras.
02:35.9
Ito umano ang pinakamatinding buhos ng ulan mula noong 1949.
02:41.4
Sinabi ring katumbas na ng pang isang taon ang dami ng tubig ulan na bumuhos sa UAE.
02:47.5
Mabilis na kumalat sa social media kung paano naapektuhan ang mga residente dito.
02:53.7
Maraming mga videos,
02:54.6
ang nagpakita kung saan inabot sa tuhod ang lalim ng baha.
02:59.4
Dahil sa taas ng baha at imposible ang pag-drive, kaya naiwan na rin ang sasakyan sa taas ng baha.
03:06.6
Ang iba naman, mas pinili ang paggamit ng bangka para lamang makatawid sa paruroonan.
03:13.3
Ano-ano nga ba ang dahilan ng pagbaha sa Dubai at kalapit na mga lugar?
03:18.2
Hinihinala ng mga eksperto na epekto ng climate change ang bumuhos na malakas na ulan
03:24.6
sa bahaging iyon ng Middle East.
03:27.0
Ang climate change ay isang matinding problema sa klima ng bansa.
03:31.6
Habang patuloy na sinisira ng UAE ang kanilang kapaligiran, kapalit ng teknolohiya, modernisasyon at industriya,
03:40.5
ang epekto ng pagtaas ng carbon dioxide emissions at paglawak ng urbanisasyon
03:46.6
ang nagtutulak sa rehyon sa mas malaking suliranin.
03:50.3
Ang Climate Change
03:52.0
Ang coastal cities ay nasa bantayan ng iba.
03:53.7
Ang coastal cities ay nasa bantayan ng iba.
03:54.4
Ang coastal cities ay nasa bantayan ng iba.
03:54.5
ng pagtaas ng level ng tubig ng karagatan na direktang makakaapekto sa ekonomiya,
04:00.7
pamumuhay at kaligtasan ng mga taong nasa mabababang lupa.
04:05.2
Noong 2010, naglabas ng anunsyo ang Abu Dhabi Environmental Agency
04:10.4
na 85% ng kabuang populasyon ng UAE ay direktang apektado ng rising sea levels,
04:18.2
kasama na ang 90% ng mga infrastruktura nito.
04:21.9
Samantala, ang mga dust storm o bayulenteng hangin ng disyerto
04:26.7
dulot ng dehydration ng dati ng tuyot na lupa ay nakitaan ng mga pagbabago sa katangian nito.
04:34.6
Climate change ang itinuturong dahilan nito.
04:37.5
Dahil ang mainit na temperatura ng hangin sa regyon
04:41.0
ay nagre-react sa industrial pollution at airborne dust ng mga lungsod
04:46.6
na hindi lamang makakaapekto sa status ng hangin at tubig na inumin.
04:51.9
Kundi pati na rin sa kalusugan at kaligtasan ng mga taong naninirahan doon.
04:58.1
Nakadagdag naman daw sa problema ng pagbaha ang kawalan ng UAE
05:02.5
sa drainage infrastructure o walang maayos na daluyan ng baha
05:07.5
para tanggapin ang ganoong katinding pagulan,
05:10.9
na dahilan para lumubog sa baha ang maraming lugar.
05:14.8
Bukod sa climate change,
05:16.9
pinaniniwalaan na nakadagdag sa dami ng ulan ang isinagawa o manong
05:21.9
cloud seeding operations.
05:24.1
Ang cloud seeding ay ang paghahagis ng asin sa ere
05:27.4
o sa ulap para umulan sa mga lugar na hindi pa nakararanas ng pagulan.
05:33.6
Pero itinanggi ng isang forecaster mula sa National Meteorology Center
05:38.0
na may ginawang cloud seeding operations bago nangyari ang pagulan.
05:44.9
Ang Dubai ang pinakamataong syudad ng UAE.
05:48.1
Ito rin ang tahanan para sa iba't ibang komersyal
05:51.9
At batay sa survey, mayroon itong halos 48,000 business establishments
05:57.5
at mahigit 1.8 milyon na mga sasakyan noong 2022.
06:02.7
Sa datos na ito, mas higit pa ang bilang nito ng mga komersya at mga sasakyan
06:08.0
kesa sa iba pang major cities tulad ng New York at London.
06:12.8
Dahil dito, mataas ang ambag ng Dubai sa lala ng air quality sa bansa.
06:17.9
Ang air quality index ng Dubai ay nasa
06:21.9
mas mataas ng 1.9 sa inire-recommendang air quality ayon sa guidelines nito.
06:28.7
Land degradation and desertification.
06:31.9
Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng bansa kasabay ng pagdami ng human activities
06:37.9
ang siyang naka-apekto sa kalidad ng lupa at paggamit nito para sa mga komersyal na proyekto
06:44.9
gaya ng mga building, parke, institution at marami pang iba.
06:49.9
Unti-unti nitong sinistema,
06:51.9
isira ang lupa at siya namang epekto ng mataas na temperatura sa regyon
06:56.9
ang tagtuyot at over-exploitation ng limitado nitong natural resources.
07:02.9
Dahilan upang tumaas din ang level ng desertification o pagkatigang
07:07.9
ng mga dapat sanay lupang pupuno sa mga kakulangan sa pagkain at tubig.
07:13.9
Ang pagkaubos ng kanilang pinagkukunang yaman, tubig, puno at lupa para sa urbanisasyon,
07:20.9
kasabay ng labis na paggamit ng pesticides, fertilizers at over-grazing ng kanilang mga damo
07:28.9
ang siyang dumadagdag sa bigat ng kanilang suliranid.
07:32.9
Baliwala ang nagtataasang mga gusali, makikinang nakagamitan at marangnyang pamumuhay kung sa huli
07:40.9
ay lulubog ito sa ilalim ng disyertong lupa na pinalambot ng pagbaha.
07:46.9
Malinaw ang epekto ng gawain ng tao sa mga mga mabuhay.
07:49.9
Mga tao sa mga pagbabago sa ating kapaligiran at klima, gaya ng Dubai na hindi naman kadalasang binabaha.
07:56.9
Ipinapakita lamang nito na kahit ang mga lugar na hindi natin inaasahan ay wala pa ring ligtas sa bagsik ng ganti ng kalikasan.