01:15.7
Ngayon pa lamang ay labis na ako nagpapasalamat para sa pagpili po ninyo ng aking sulat.
01:21.7
Alam ko kasi na maraming tagapakinig ng inyo.
01:24.0
At ang inyong Youtube channel ang nangangarap na mabasa ang kanilang sulat para makapagbahagi ng aral at kwento ng buhay.
01:32.7
Hindi madrama ang sulat kong ito pero masasabi ko na puno ng aral.
01:40.6
Hindi lang naman kasi sa madramang parte ng buhay tayo may makukuhang aral.
01:46.1
Kung hindi pati na rin po sa parte ng buhay natin na minsan ay mahirap ipaliwanag.
01:52.1
Masyado na yata ang paligoy-ligoy.
01:54.0
Ito ang sulat ko na ito. Pero hayaan nyo sana muna akong magpakilala. Itago nyo na lamang po ako sa pangalang Mickey. At 27 years old na ako sa ngayon.
02:07.9
Dito ako sa Maynila nagtatrabaho at nakatira pero sa isang probinsya ako lumaki na hindi ko na lamang babanggitin pa kung saan.
02:17.0
Sa totoo lang kasi ang kwentong ibabahagi ko ay parte ng buhay ko na hirap akong balikan at alalahanin dahil sa mga mabibigat na mga pangyayari noon na kailanman ay hindi ko makakalimutan.
02:33.5
Sa isang private school nga pala ako nag-aral ng high school papadudod. Medyo may kaya kasi ang pamilya namin lalo na at parehong negosyante, ang mga magulang ko.
02:44.8
Sa isang private school nga pala ako nag-aral ng high school papadudod. Medyo may kaya kasi ang pamilya namin lalo na at parehong negosyante, ang mga magulang ko.
02:52.3
Pero may yaya naman akong nag-aasikaso sa lahat ng mga kailangan ko bilang teenager pa lamang ako noon.
03:00.5
Alis na kami ng daddy mo. Si Yaya nang bahala sa'yo, okay? Paalam ni mami na nagmamadaling mag-ayos ng gamit niya.
03:10.3
Si daddy ay nasa may garahin at naghihintay kay mami.
03:14.8
Mami, ngayon po yung activity namin sa school na kailangan ng parents na kasama. Makakapunta po ba kayo?
03:23.5
Sa hapon pa naman po yun, ang wika ko.
03:27.3
Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni mami at doon pa lamang. Alam ko na kaagad ang sagot.
03:33.7
Sorry anak ah, marami kaming business meeting ng daddy mo. Si Yaya na lamang muna ang bahala sa'yo sa activity na yun.
03:45.5
Kasunod ang pagdukot ng pera mula sa wallet niya.
03:49.4
Itong extra allowance para makakain kayo sa labas na mga kaibigan mo. Mag-enjoy kayo mamaya.
03:55.3
Ang wika pa ni mami.
03:58.0
Parehong workaholic ang mga magulang ko, Papa Dudut.
04:01.3
Ang kwento nila ay pareho din silang lumaki sa hirap at yun ang ayaw nilang iparanas sa akin.
04:07.9
Kaya nagtatrabaho sila ng mabuti.
04:10.8
Gusto raw nilang ibigay sa akin ang lahat ng pangangailangan ko.
04:14.8
Nakalimutan ata nila na kailangan ko rin ang kalinga at pag-aalaga mula sa mga magulang ko.
04:21.6
Umalis na noon si na mami at daddy.
04:25.3
Nakaramdaman ako ng labis na lungkot ay hindi ko yon pinahalata.
04:29.9
Sanay na rin naman kasi ako na hindi talaga pumupunta sino man ki na mami at daddy sa mga school activity.
04:36.8
Nakailangan ang mga magulang.
04:39.3
Palagi silang busy sa mga trabaho o negosyo nila.
04:42.8
Palagi rin naman nilang pinapaalaga.
04:44.8
Nalala sa akin na ginagawa nila yon para sa magandang future ko.
04:49.3
Para mabigyan ako ng maginhawang buhay.
04:53.4
At hindi maranasan ang hirap na dinadanas nila noon sa kanika nilang pamilya.
04:59.4
Gusto raw nila nilang lumaki ako na walang kahit na anong mabigat na responsibilidad
05:03.7
na iniisip kong hindi ang sariling kasiyahan ko lamang.
05:08.9
Huwag ka nang malungkot.
05:10.1
Ubutah naman kita sa school activity ninyo.
05:12.5
Ang wika pa ni Aya.
05:14.8
Ayos ng sandwich na babaunin ko sa school.
05:19.0
Hindi naman ako nalulungkot pag didenay ko.
05:23.2
Hindi raw pero wala nang iti dyan sa mga labi mo.
05:27.2
Sige ka ikaw rin tatanda ka kagad.
05:30.1
Yung mukha mo kapag hindi kang umiti dyan.
05:33.4
Magiging kamukha mo na ako.
05:35.9
Pagpapatawa ni Aya sa akin na ikinatawa ko naman.
05:39.8
May kaitima na ang kulay ng balat ni Aya.
05:42.3
Malaki ang kanyang ilong at mga mata.
05:44.8
Makapalang labi at maliliit naman ang kanyang mga ngipin.
05:49.0
At kapag nalulungkot ako o nakasimangot,
05:52.3
palagi niyang sinasabi na magiging kamukha ko raw siya kapag hindi akong umiti.
05:57.9
Nang dahil doon ay hindi ko na napipigilan ang sarili ko na matawa.
06:03.9
Hindi dahil sa ayaw ko maging kamukha ni Aya.
06:07.1
Pero kasama na yon sa mga dahilan.
06:09.5
Kung hindi dahil sa facial expression na ginagawa niya.
06:13.7
Pinapalaki niya kasi ang buhay.
06:14.7
Ang butas ng kanyang ilong at nandindil at pa ang kanyang mga malalaking mga mata.
06:19.6
Kaya naman mapapabungis-ngis talaga ako ng tawa.
06:23.6
Miki, huwag ka sana magtatanim ng sama ng loob sa mga magulang mo.
06:28.9
Maniwala ka sa akin, mababait sila.
06:31.0
At wala silang ibang gusto kung hindi ang mapabuti ang buhay mo.
06:34.8
Gusto lamang nila na maging masaya ka.
06:37.1
Ang sabi pa ni Aya.
06:39.3
Kung gusto nila akong maging masaya,
06:41.4
bakit di nila ako samahan sa mga oras
06:43.9
na gusto ko silang makasama?
06:46.7
Bakit palagi na lamang silang walang oras sa akin?
06:50.3
Bakit inuuna nila ang trabaho at ibang tao kesa sa akin?
06:55.4
Sunod-sunod na tanong ko.
06:58.1
Hindi nila ginusto na hindi ka makasama.
07:01.7
Nagkataon lang na ganun silang magparamdam ng pagmamahal sa iyo.
07:06.2
Yung pagbibigay ng mga material na bagay na gusto at kailangan mo,
07:10.9
hindi lahat ng kabataan ay kasing swerte mo.
07:13.9
Parang ikaw, tanong ko.
07:18.1
Tipid ng ngiti ang ibinigay niya sa akin kasunod ang marahan na pagtago.
07:23.8
Itong taon lang ang tanda sa akin ni Aya at madalas niyang kinukwento ang tungkol sa mahirap nilang buhay.
07:31.0
Kinailangan niya na magtrabaho kaagad dahil may sakit ng kanyang mga magulang.
07:35.6
Siya na ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya.
07:39.9
Mahirap na malungkot pero kailanman
07:41.7
ay hindi siya nagtanim ng samanang loob sa kanyang mga magulang.
07:45.7
Dahil alam niya na hindi naman ginusto ng mga ito na mahirapan siya.
07:50.3
Naisip ko noon na ang swerte ng pamilya ni Aya na siyang naging pamilya ng mga ito.
07:57.6
Mapagbigay at mapagmahal na tao si Aya.
08:00.7
Kaya maswerte rin ako na siya ang Yaya ko.
08:03.6
Kasi kahit na hindi parte ng trabaho niya,
08:06.7
pinapaalala niya sa aking palagi kung gaano ako kaswerte
08:11.7
sa buhay ko at sa mga magulang ko.
08:14.9
Kaya dapat na hindi ako magtanim ng galit, tampo o samanang loob sa mga ito.
08:21.7
Yaya mo ulit ang kasama mo?
08:23.6
Tanong ni Vina, isa sa mga kaibigan ko sa classroom.
08:27.0
Tumangon naman ako bilang sagot.
08:29.4
Ano pa bang bago doon?
08:31.0
Yaya naman ang palaging kasama ni Miki sa mga school activity natin.
08:34.7
Ang wika naman ang isa sa mga kaibigan ko na si Shea.
08:38.6
Natawa na lamang ako doon sa halip na mainis ako kasi,
08:41.7
doon naman ang sinasabi niya.
08:43.7
Malaging si Yaya ang kasama ko sa mga ganong klase ng activity sa school
08:47.5
na kailangan ng mga magulang.
08:50.5
Si Shea, Vina, Derek at Jack
08:53.0
ang madalas ko nakasama sa school papadudot.
08:57.1
Mga kaklase ko sila at matagal na rin mga kaibigan.
09:00.8
Mababait naman sila kilala sa school dahil may kaya ang mga pamilya.
09:04.9
At masasabi ko na may kanya-kanyang kayabangan sa katawan.
09:10.8
Ganon pa man ay nagiging...
09:11.7
magkaibigan pa rin kami dahil nagkakasundo pa rin kami kahit pa paano.
09:17.0
Mayor, maraming pong salamat sa mga dinonate ninyo dito sa school namin.
09:22.3
Napakalaking tulong po noon para sa mga estudyante namin.
09:26.3
Wika ng class advisor namin sa daddy ni Vina.
09:30.4
Wala yun, basta para sa mga estudyante ng paaralan na ito.
09:34.7
Sabihin mo lang sakin kung ano pa ang pwede naming may tulong.
09:38.0
Ang sabi naman ni Mayor.
09:40.2
Manang-mana po talagang ang mga estudyante namin.
09:41.5
Pagka ang anak ninyo sa inyo, napakabait na bata.
09:44.7
Ang sabi pa ni Teacher.
09:47.0
Naku mas nagmana siya sa akin dahil sa itsura pa lang.
09:51.1
Para na kaming pinagbiyak na buo ko.
09:53.5
Ang wika naman ng mami ni Vina na sinangayuna ni Teacher at ni Mayor.
09:59.3
Basta sa recognition day, huwag sanang mawawala sa mga estudyante na aakyat ng stage ang anak namin.
10:05.5
Mahina ang boses ng mami ni Vina.
10:07.9
Pero sapat na para maintindihan ko ang sinasabi niyang yon.
10:11.5
Makakasa po kayo, First Lady.
10:14.5
Isa si Vina sa mga aakyat ng stage para sa bita ng medal.
10:19.2
Tugo naman ang Teacher namin na may napakatamis ng ngiti sa mga labi.
10:25.5
Lumapit sa amin ang mga magulang ni Vina at nagpaalam na sa kaibigan ko.
10:30.2
Bumata rin sila sa amin at sinabi na doon na kami magmeryenda sa bahay nila pagkatapos ng activity na yon.
10:37.3
Lahat namang kami ay sumangayon sa imbitasyon na yon ni Tita.
10:41.5
Papadudot anak ng Mayor sa lugar namin si Vina.
10:45.1
Kaya naman masasabi ko na siya ang pinakapaborito ng Teacher namin.
10:49.7
Madalas kasing magdonate ng iba't ibang gamit sa school si Mayor.
10:54.6
Kung hindi gamit ay pera naman na labis na kinakatuwa ng mga Teacher lalo na ng Principal.
11:01.9
Hindi matalino si Vina pero palagi siyang may academic award kada matatapos ang school year.
11:11.0
Pero dahil sa kaibigan ko siya at mabait naman siya sa amin pati na ang kanyang mga magulang ay hindi ako nagsasalita ng kahit na anong hindi magandang bagay tungkol sa kanya.
11:24.0
Nang araw nga na yon ay doon kami dumiretsyo sa malaking bahay ni Vina.
11:30.0
Three story house yon.
11:32.2
May dalawang nakatatandang kapatid si Vina pero hindi namin gaano nakakausap o nakakabatian.
11:39.2
Kapag nandun kami sa bahay nila ay tanging mami lamang niya ang madalas naming nakikita.
11:45.2
Ito na ang mga merienda ninyo.
11:47.2
Pansit palabok with puto, grey ham cake at soft drinks.
11:52.2
Wika ng mami ni Vina.
11:54.2
Kahit na sa bahay lamang ito ay nakamakeup at nakapostura pa rin na parabang may party na pupuntahan.
12:00.2
Kaya sa aming magkakaibigan ay si Vina pa rin ang madalas na nakamakeup.
12:05.2
Nasaan ang yaya mo Micky?
12:07.2
Bakit hindi mo pa siya papustura?
12:08.2
Bakit hindi mo pa siya papasukin dito?
12:10.2
Tanong ng ginang.
12:12.2
Doon na lang daw po siya sasasakyan, maghihintay sakin.
12:20.2
Para raw po hindi maistorbo ang pagbabanding namin dito.
12:25.2
Sa bagay may punto siya.
12:27.2
Sige, padadalhan ko na lang siya ng pagkain doon ha sa may garahe.
12:31.2
Sila ng driver na kasama mo.
12:33.2
O siya maiwang ko muna kayo sa sala at may gagawin lang ako sa kusina.
12:37.2
Paalam pa ng ginang sa amin.
12:40.2
Namili si Vina ng DVD na panonuori namin.
12:43.2
Horror movie ang napili niya na The Ring ang title.
12:47.2
Yun talaga ang madalas naming gawin sa bahay nila.
12:51.2
Ang magbanding kwentuhan, manood ng movie at magtakotan bago maguwian.
12:56.2
Friday pa naman noon kaya sinuli talaga namin ang araw dahil wala kaming pasok sa school kinabukasan.
13:03.2
Saka malapit na rin ang bakasyon namin
13:05.2
kaya matagal-tagal na naman kaming hindi makakapagbanding.
13:09.2
Uuwi kasi ang mga kaibigan ko sa iba't ibang probinsya para dalawin ang mga kamag-anak nila.
13:15.2
Kaya sinusuli talaga namin noon ang bawat araw na magkakasama kami kasi sobra naming mamimiss ang isa't isa.
13:23.2
Natapos ang araw na yun na masaya kaming magkakaibigan.
13:26.2
Kumusta naman ang school activity ninyo kanina?
13:29.2
Tanong ni Daddy habang nagdi-dinner kami sa bahay.
13:32.2
Late dinner kasi late na silang nakauwi.
13:35.2
Sakto lang din naman para sa akin kasi medyo busog pa ako dahil sa masarap na merienda sa bahay ni Navina.
13:42.2
Okay naman po Daddy.
13:44.2
Nagparticipate po si Yaya sa mga activity doon at nanalo siya ng ilang prizes.
13:49.2
Natuto ang kwento ko.
13:51.2
Magaling kasi talaga si Yaya pagating sa mga games o activity.
13:55.2
Kung ako ang kasama mo kanina baka hindi ka nanalo.
13:59.2
Natatawang wika pa ni Mami.
14:01.2
Pero huwag kang maglalala next time.
14:03.2
Kami naman ang Mami mo ang sasama sayo.
14:05.2
Ang sabi pa ni Daddy.
14:09.2
Biglang na-excite na tanong ko.
14:11.2
Oo basta ayusin lang namin mabuti ng Daddy mo ang schedule namin para naman makabawi kami sayo.
14:18.2
Ang sabi naman ni Mami.
14:21.2
Thank you po Mami, Daddy.
14:23.2
Kagad na tugon ko.
14:25.2
Pareho silang nangako na masasamahan nila ako sa next activity na kailangan ng mga magulang.
14:31.2
Isang pangako na kahit kailan ay hindi naman natupad.
14:37.2
Inaalala ko na lamang palagi ang sinabi ni Yaya na lahat ng pagtatrabaho na ginagawa ng mga magulang ay para yun sa akin.
14:45.2
Na masuwerte pa rin ako na sila ang mga magulang ko.
14:50.2
Papadudot nang magsimula ang summer vacation ay wala kaming pinuntahan na ibang lugar o probinsya na mga magulang ko.
14:57.2
Kagayang nang dati naging abala na naman sila sa mga trabaho.
14:59.2
Ako naman ay palagi lang nasa bahay o kaya minsan ay nasa mall, sa may clubhouse, o nagbabike sa loob lang din ang subdivision namin.
15:10.2
Napaka boring ng summer vacation ko pero wala naman akong ibang magagawa noon.
15:16.2
Kasi wala rin akong alam na ibang pwedeng puntahan na kakaiba.
15:20.2
Hanggang isang umaga ay nagbike ako sa may subdivision namin at medyo napalayo na ako.
15:26.2
Bigla na lamang may humabol sa akin na dalawa.
15:28.2
At natumba ang bike ko.
15:31.2
Akala ko talaga ay lalapain na ako ng dalawang aso na iyon.
15:35.2
Mabuti na lamang at may isang babae na kaedad ko lang din ang bigla na lamang pinagbabato ang dalawang aso hanggang sa umalis sa mga ito.
15:44.2
Okay ka lang ba? Tanong niya sa akin.
15:47.2
Magkasing tangkad kami pero kayumanggi ang kulay ng balat niya.
15:51.2
Bulot ang buhok at sungki ang mga ngipin.
15:54.2
Ayos lang ako. Tugon ko.
15:58.2
May sugat ka? Pansin niya sa braso at tuhod ko.
16:02.2
Ayos lang ako. Kaya ko namang maglakad.
16:06.2
Uwi ka ako pero nang subukan kong maglakad.
16:09.2
Ay masakit palang binti ko dahil sa pagkakatumba ko at pagkakagasgas nito sa simento.
16:15.2
Halika. Tutulungan na kitang maglakad. Ako na rin ang hahawak sa bike mo. Aniya.
16:21.2
Tatanggis sana ako pero hirap na talaga akong maglakad kaya hinayaan ko siya na alalayan ako hanggang sa makauwi ako sa bahay niya.
16:26.2
Tatanggis sana ako pero hirap na talaga akong maglakad kaya hinayaan ko siya na alalayan ako hanggang sa makauwi ako sa bahay niya.
16:27.2
Tatanggis sana ako pero hirap na talaga akong maglakad kaya hinayaan ko siya na alalayan ako hanggang sa makauwi ako sa bahay niya.
16:29.2
Nang makita ako ni Yaya ay kagad niya akong inalalayan at naiyak naman akong sinabi sa kanya ang nangyari.
16:35.2
Hindi ko na naalala ang babaeng tumulong sa akin na bigla na lamang umalis noon at iniwan ako.
16:42.2
Kinagabihan nang makita ng mga magulang ko ang sugat ko ay pinaalalahanan nila ako na magingat palagi lalo na sa dulong bahagi ng subdivision namin.
16:52.2
Dahil maraming bakanting lote doon.
16:55.2
Nakikita ko sa kanilang babaeng tumulong sa akin at tinatanong nila kung nakapagpasalamat ako sa kanya.
17:01.2
Doon ko na realize na hindi man lang ako nakapag-thank you doon sa babae.
17:06.2
Kinabukasan papadudod ay nakita ko yung babae sa may clubhouse at hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya at pasalamatan.
17:14.2
Doon ko nalaman na Josie pala ang pangalan niya at tita niya ang may-ari ng bahay sa subdivision namin.
17:21.2
Nakikita na siya doon at mula siya sa malayong probinsya.
17:24.2
Namamasukan din siyang kasambahay nito kapalit ang pagpapaaral na gagawin nito sa kanya.
17:29.2
Wala nang araw na yun ay si Josie na ang kasakasama ko madalas noong summer vacation.
17:35.2
Dinala ko na rin siya sa bahay namin at madalas ay nagpo-food trip kami at movie marathon.
17:40.2
Mabait si Josie at walang kaarte-arte o yabang sa kanyang katawan.
17:45.2
Malungkot din ang kwento ng buhay niya dahil halos kabaliktaran yun ng kwento ng sa akin.
17:52.2
Kinailangan niya kasi.
17:54.2
Na magtrabaho ng maaga para sa pamilya niya kasi panganay siya.
17:59.2
Sa mga magkakapatid at umaasa ang mga magulang niya na sa oras na makapagtapos siya ng pag-aaral ay may-ahon niya ang pamilya nila mula sa hirap.
18:10.2
Kung bagay nag-aaral siya para sa responsibilidad niya para sa pamilya.
18:15.2
Ako naman ay nag-aaral para sa sarili ko.
18:18.2
Doon ko nga na-realize ang sinasabi ni Yaya na totoong maswerte ako sa buhay
18:23.2
kumpara sa ibang tao.
18:25.2
Papadudot nang matapos ang summer vacation namin ay nagulat ako.
18:29.2
Nang ipakilala si Josie ng class advisor namin bilang bagong classmate namin.
18:34.2
Hindi ko inaasahan na sa school namin siya mag-aaral dahil mataas ang tuition fee doon.
18:39.2
Ayon pala ay nakakuha siya ng scholarship kaya naman nakapasok siya doon.
18:44.2
Habang ipinapakilala nga siya ng teacher namin ay malaki ang ngiti sa mga labi niya at kumakaway pa sa akin.
18:51.2
Kilala mo ang tsakan na yan?
18:53.2
Tanong pa ni Shay.
18:55.2
Huwag mong sabihin na kaibigan mo yan ha.
18:58.2
Eww, pabulong na dagdag pa ni Vina.
19:01.2
Ano kapitbahay namin siya?
19:03.2
May pagkaanin langan na sagot ko.
19:06.2
Mabuti naman kasi tsurang yan eh.
19:08.2
Hindi dapat na kinakaibigan kaya wala sa inyo ang papansin sa kanya kung ayaw ninyong maging invisible din sa barkada na ito.
19:16.2
Napapailing na wika pa ni Vina.
19:19.2
Papadudot ayoko sanang sundiin ang sinasabing niyo ni Vina.
19:24.2
Pero kilala ko kasi siya.
19:26.2
Madalas na napapahamak ang mga estudyante na kinakaayawan niya ng mga kaibigan ko.
19:33.2
Kaya naman hindi ko talaga pinansin si Josie at para siyang naging invisible sa paningin ko.
19:39.2
Micky! Malakas na pagtawag ni Josie nang makapasok ako sa kantin.
19:44.2
Mabuti na lamang papadudot at nauna ako sa mga kaibigan ko kaya hindi nila nakapahamak.
19:47.2
Dito ka na. Sabay na tayong kumain. Pagtawag pa niya.
19:54.2
Pilit akong ngumiti pero hindi ako lumapit sa kanya.
19:57.2
Kaya naman nagulat na lamang ako nang bigla siyang lumapit sa akin para hilahin ako sa may lamesa niya.
20:03.2
Saktong dumating naman si Vina at nakita yon.
20:06.2
Kaagad na tinulak ni Shae si Josie at bumagsak ito sabay sa hig.
20:11.2
Pwede ba? Umuha ang hinahawakan ng kaibigan namin.
20:15.2
Bulyang ni Shae sa kanya.
20:16.2
Nagtingin na ng mga tao sa loob ng kainaan sa pwesto namin.
20:22.2
Alam mo, hindi ka bagay sa school na to. Dapat sa iyo ay kinikick out dito. Dagdag pa ni Vina.
20:30.2
Gumaling ang tingin ni Josie sa akin na tila humihingi ng tulong pero wala akong nagawa papadudot at hindi ko siya tinulungan.
20:38.2
Papadudot hindi nagtapos doon ang pang-aapi at pangbubuli ng mga kaibigan ko kay Josie.
20:44.2
Kapag wala ang teacher sa loob ng classroom ay nagsisimula na silang magparinig ng kung ano-anong mga masasakit na salita sa kanya.
20:52.2
May isang beses pa na kinuha ni Jack ang baunang pagkain ni Josie at tinapon sa pagda niya na uniform.
20:59.2
Ang laman noon ay pinangat na tulingan.
21:02.2
Umaling asaw tuloy sa buong classroom ang maasim na amoy ng pinangat.
21:07.2
Kadiri naman niyang pagkain mo. Parang nabubulok na isda ang wika pa ni Jack.
21:13.2
Sa bagay, sanay ka naman sa ganyang amoy kasi ganyan din ang palagi mong amoy eh, maasim.
21:20.2
Dagdag ni Shane na sinundan pa ng tawanan ng iba ko pang mga kaklase sa loob ng classroom.
21:26.2
May oras din at tinapon nila sa basurahan ng bag ni Josie.
21:30.2
Noong bumalik si Josie mula sa kantina at pinatid siya ng isang kaklase naming, naging dahilan ng pagkakasubsob niya sa sahig.
21:38.2
Hindi kaagad siya nakabangon at ang akala namin, umaarte o maasimula.
21:43.2
Kaya umiiyak lamang siya pero nang lapitan siya ng isang kaklase namin.
21:47.2
Nalaman namin noon na inatake na pala siya ng hika.
21:51.2
Natarantang lahat lalo na nang dumating ang teacher namin.
21:54.2
Kagad itong hinanap ang inhaler pero walang nakapagturo kung nasaan.
21:58.2
Dahil walang gustong umamin kung sino sa mga kaklase ko ang nagtapo ng bag ni Josie sa basurahan.
22:06.2
Papadudot ng araw na iyon ay binawian si Josie ng buhay.
22:10.2
Walang sino man sa amin ang nakatapos.
22:12.2
Sa amin ang nakakaalam na may asma pala siya.
22:15.2
Wala rin umamin sino man sa mga kaibigan ko sa ginawa nila kay Josie.
22:20.2
At wala rin kahit na isa ang pumunta sa burol o libing niya.
22:24.2
Naging invisible pa rin siya sa klase namin kahit na huling sandali ng buhay niya.
22:29.2
Pero mula noon ay parabang mas naramdaman kong bigla ang existence niya sa buhay ko.
22:36.2
Dahil palagi siyang laman ng mga panaginip ko.
22:39.2
Mali sapagkat bangungot pala.
22:42.2
Dahil walang araw na hindi niya ako dinalaw sa pagtulog ko.
22:46.2
Galit siya, umiiyak at lumuluhan ng dugo at sinusumbat ang kanyang pagkamatay sa akin.
22:53.2
Iniisip ko noon na baka nakokonsensya lamang ako nang dahil sa pagkamatay niya pero hindi pala.
22:59.2
Hindi lang pala ako ang dinadalaw niya.
23:02.2
Pati ba kayo? Napapanaginipan niya siya?
23:06.2
Tanong ni Vina ng magkakasama kaming magkakaibigan.
23:10.2
Nagtinginan muna kaming lima bago sabay-sabay na tumango.
23:14.2
Lahat kami ay nakakaramdam na hindi okay at hindi pa nakakatawid si Josie kahit na ilang buwan nang lumipas mula nang mamatay siya.
23:26.2
Wala naman tayong kasalanan kung bakit siya namatay.
23:29.2
Hindi natin siya pinatay no.
23:31.2
Ang wika ni Shay na kaagad na sinangayunan ng lahat.
23:35.2
Papadudot ewan ko at hindi ko alam kung tama ba ang sinabing niya ni Shay.
23:39.2
Hindi ko rin alam kung coincidence lamang ba ang mga sumunod na nangyari.
23:44.2
Namatay si Jack dahil sa carjack arrest.
23:47.2
Nasagasaan ng truck si Derek.
23:49.2
Nahulog sa tulay ang van na sinasakyan ni Shay.
23:54.2
Si Vina na nakita kong umiiyak sa panaginip at humihingi ng tulong sakin.
24:00.2
Kinabukasan ay nalaman ko na lamang na hindi na siya nagising mula sa pagkakatulog niya.
24:06.2
Akala ko papadudot.
24:08.2
Ako na ang susunod na mamamatay.
24:11.2
Akala ko ay mawawala na rin ako sa mundong ito.
24:14.2
Kaya pumunta ako sa puntod ni Josie umiiyak at humingi ng tawad.
24:19.2
Nakarinig ako ng mahihinang iyak pero wala akong kahit na sinong nakita.
24:24.2
Wala akong kahit na anong nakita pero may naramdaman ako.
24:28.2
Na may malamig na hangin ay umakap sa katawan ko.
24:32.2
At hindi ko alam kung sinyales ba iyon na pinapatawad na ako ni Josie.
24:41.2
Hindi ako nakisali sa pangbubuli na ginawa nila kay Josie.
24:45.2
Pero hinayaan ko na maging invisible din siya sa buhay ko at sa buong classroom.
24:50.2
Bagay na sobrang pinagsisisihan ko.
24:53.2
Kaya sana sa mga nakakarinig ng kwento ko,
24:57.2
huwag nating hayaan na may ibang tao na apihin sa harapan ninyo.
25:02.2
Gumawa tayo ng paraan
25:04.2
para matulungan sila at huwag tayong maging bulag sa pangaapi ng iba sa mundong ito.
25:11.2
Dito na po nagtatapos ang sulat ko.
25:16.2
Lubos na gumagalang,
25:20.2
Maraming maraming salamat sa iyo Micky sa pagbabahagi ng iyong Papadudot Stories.
25:27.2
Sa ating mga kay YouTube,
25:29.2
marami sa atin ang nagpapadala ng sulat
25:32.2
para may bahagi ang kwento ng buhay nila na labis nilang pinagsisisihan.
25:37.2
Hindi ba natin maibalik ang panahon para may tama ang mga maling bagay na nagawa natin?
25:44.2
Pwede pa rin tayong gumawa ng mas tamang bagay sa ngayon.
25:48.2
Sana'y dumating ang araw na mapatawad mo rin ang sarili mo.
25:52.2
Alam ko at nararamdaman ko na hanggang ngayon,
25:56.2
dala mo pa rin ang bigat dyan sa dibdib mo.
26:00.2
Magdasal ka sa poong may kapal,
26:02.2
humingi ng gabay at kapatawaran,
26:05.2
at ipagdasal mo rin ang kaluluwa ng mga namayapa mong kaibigan.
26:11.2
Hanggang sa muli, ako po ang inyong si Papadudot.
26:14.2
Maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat.
26:30.2
Ang buhay ay mahihwaga
26:44.2
Laging may lungkot at saya
26:50.2
Sa Papadudot Stories
26:54.2
Laging may karamay ka
27:00.2
Mga problemang kaibigan
27:07.2
Dito ay pakikinggan ka
27:15.2
Sa Papadudot Stories
27:19.2
Kami ay iyong kasama
27:27.2
Dito sa Papadudot Stories
27:29.2
Ikaw ay hindi nag-iisa
27:39.2
Dito sa Papadudot Stories
27:44.2
May nagmamahal sa'yo
27:52.2
Papadudot Stories
27:59.2
Papadudot Stories
28:06.2
Papadudot Stories
28:13.2
Hello mga ka-online!
28:14.2
Ako po ang inyong si Papadudot.
28:16.2
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share, at mag-subscribe.
28:20.2
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood ninyo.
28:25.2
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang