Naging Ghost City Dahil Sa Mga Mayayamang Chinese - Forest City Malaysia
Bakit naging GHOST CITY ang Forest City sa Malaysia dahil daw sa China?
Manood ng iba pa naming awesome videos:
PART 1 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/hi-I23W2d6A
PART 2 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/3HorD9ZJx-o
PART 3 - 10 KAKAIBANG HAYOP SA MUNDO - https://youtu.be/F8DBaM1DPrU
TOP 5 MGA TAONG MAY PINAKA MAHABANG KUKO SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/FwSM-OTU93U
9 KAKAIBANG AHAS SA BUONG MUNDO - https://youtu.be/h_ECOmgitJ0
▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬
Copyright Disclaimer under section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for “fair use†for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, education and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. ALL RIGHTS BELONG TO THEIR RESPECTIVE OWNERS*
#awerepublic
Bakit Naging Ghost City Ang Syudad Na Ito Worth P5.6 Trillion Sa Malaysia?‑ https://youtu.be/UC1-wDGEJ80
Awe Republic
Run time: 04:19
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Ito ang Forest City, isang $100 billion o 5.6 trillion pesos megaproject na itinayo sa Malaysia.
00:08.5
Isang bigating Chinese company ang developer nito, dinisenyo bilang isang dream paradise, eco-friendly at smart city.
00:16.9
May iba't-ibang luxury facilities gaya ng water park, shopping mall, hotels, beach, golf course at marami pa.
00:24.4
Sabi ng developer, nandito na daw lahat. Well, almost perfect na sana. Yun nga lang, tilang may kulang. Kulang sa tao.
00:33.4
Sa kabila ng ganda ng project na ito ay kaunti lamang ang mga taong tumira. Dahil dito binansagan ito bilang Ghost City.
00:42.3
700,000 katao sana ang target na titira sa syudad na ito. Ngunit as of today, halos lahat ng mga units ay walang nakatira.
00:50.5
Halos walang taong makikita sa paligid.
00:54.4
80% ng mga shops ay sarado. At sa gabi ay kitang-kita na kaunti lamang sa mga units ang okupado.
01:02.2
Empty abandoned skyscrapers. There's nobody around. It's all empty. Wow!
01:08.6
Ngunit alam nyo ba, lampas 80% ng mga units dito ay nabili na daw. Kaya ang malaking tanong, nasaan ang mga may-ari ng mga units? Bakit hindi sila tumira dito?
01:21.0
Taong 2016 nang inilunsad ang Forest City.
01:24.4
Isang joint venture ng local government ng Malaysia at Chinese giant real estate company na Country Garden.
01:31.6
Parte ito ng Belt and Road Initiative ng China na naglalayo na mapalawak ang network ng China sa iba't ibang bansa.
01:39.0
Ang Forest City ay mas malawak lang ng kaunti sa Makati City.
01:43.6
Itinayo sa reclaimed islands at strategic ang lokasyon nito dahil isang tulay lang ay mararating na ang Singapore.
01:50.3
Hindi naman totoo ang sabi-sabi na isa itong Ghost City.
01:54.4
Meron namang mga taong naninirahan dito.
01:56.9
In fact, sa kasalukuyan, nasa 9,000 na mga residente ang naninirahan sa Forest City ayon sa The Wall Street Journal.
02:04.7
Yun nga lang, napaka-kaunti lamang nito kumpara sa target nilang 700,000 residents na maninirahan sana dito.
02:12.0
May mga residente na gusto ang lugar dahil tahimik.
02:15.2
Ngunit ang iba naman ay gustong makaalis na dito.
02:18.2
Creepy at malungkot daw kasi ang lugar.
02:20.9
May beach na walang tao.
02:22.6
Playground na walang mga batang naglalakas.
02:24.4
Lalaro at dagat na hindi pwedeng paliguan dahil may mga buhaya.
02:29.4
Hirap din manirahan dito dahil malayo-layo ito sa syudad at mahirap magbiyahe ng walang sariling kotse.
02:35.9
Ang mga duty-free store sa Forest City na pangingganyo sa mga tao, ngayon dinadayo ng mga taong naghanap ng murang alak.
02:43.9
Ginawang tambayan ng lasinggero.
02:46.6
Ang dapat sanay investment ng mga property owners naging isang liability dahil sa laki ng binaba ng property value nito.
02:54.4
From average $280 per square foot, bumagsak ang value nito sa $116 per square foot na lamang.
03:03.2
Pero bakit nga ba napaka-kaunti lamang ng mga taong tumira dito?
03:07.5
Una, karamihan sa mga bumili ay mga foreigners at karamihan ay mga Chinese.
03:13.1
May mga bumili para gawing second home o bahay bakasyunan.
03:16.8
Pero mostly ay mga Chinese investors na walang planong tumira dito at gusto lang nilang parentahan ang mga units nila.
03:24.6
Kaunti lang din ang mga locals or mga Malaysian ang nagkainteres na magrenta dito.
03:29.8
Pangalawa, masyadong mahal ang mga units sa Forest City at hindi ito afford ng average Malaysian.
03:36.6
Tutol din kasi ang Prime Minister ng Malaysia na si Mahathir Mohamad na puro foreigners lamang ang bibili at titira dito.
03:44.3
Nasabayan pa ito ng pandemic na nagbababa sa income ng mga locals.
03:49.0
Kasalukuyan ding dumaranas ng real estate crisis ang China
03:52.6
at apektado ang developer na Country Garden.
03:55.7
Malaki ang losses nito at nahihirapan silang mabayaran ang utang na lumubo na sa $190 billion o 10.6 trillion pesos.
04:05.7
Kaya natigil na din ang construction ng iba pang phases ng Forest City.
04:10.4
Ikaw ka-awesome, gusto mo bang tumira sa Forest City?
04:13.4
This is your Ate O from Our Republic.
04:15.6
Hanggang sa muli and stay awesome!