* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sinasabi na sa oras na ang kaluluwa ay humiwalay sa katawang lupa, ito ay maaaring mapunta sa langit o sa impyerno, depende sa kung papaano namuhay ito nang siya ay nabubuhay pa.
00:13.4
Ngunit bago pa ito namangyari, sa paniniwala ng mga katoliko ay meron pa na dapat na pagdaan. Ito ay ang tinatawag nila na ang purgatorio.
00:24.0
Ngunit ano nga ba ang lugar na ito? Saan ito na nagmula? At ang pinaka-importanting katanungan, meron nga ba talaga na purgatorio?
00:33.6
Ibabahagi ko sa inyo mga katinagalog ko sa segment natin sa araw na ito, ang kwento ng purgatorio.
00:45.8
Nagmula ang paniniwalang ito sa mga pagano, ang lugar kung saan ang mga kaluluwa ay nililinis.
00:52.4
Kumbaga isa itong lugar kung saan ang mga kaluluwa ay nililinis.
00:54.0
At kung saan may huling pagkakataon pa ang isang kaluluwa na linisin ang kanyang mga kamaliang ginawa sa lupa.
01:02.6
Ang konsepto ng purgatorio ay unang pinaniniwalaan na para lamang sa mga kaluluwa na nasa gitna, o yung hindi naman talaga masama at hindi rin naman nananagpakabuti.
01:15.5
Sa kalagitnaan ng siglo, ang mga mga ngaral at maging ang mga pastor at santo papa ay pinalawig ang konsepto.
01:24.0
Sa panahon ito, ipinalagay nila na ang purgatorio ay lugar sa pagitan ng langit at ng impyerno.
01:33.2
Sa mga sinuunang panahon, dahil walang makapagpaliwanag ng lugar na ito, ay mas tila ba naging mahiwaga ito sa mga tao na naniniwala dito.
01:43.9
Ngunit kung ang banal na aklat na Biblia ang pagbabasihan, walang kahit na anong nakasulat tungkol sa lugar na tinatawag na ang purgatorio.
01:53.4
Unang ginamit ang salitang purgatorio ng ikalabing dalawang siglo, Ratatos Purgatorio Santi Patrici, ito ay isinulat ng isang monghe na nagmula sa bansa ng Ireland.
02:07.0
Ayon sa kasulatan na ang kabalyerong si Owen ay talaga namang tapat sa kanyang tungkulin at kasama sa kanyang mga gawain ay ang tuparin ang sa kanya ay iniatas na kautosan.
02:19.3
Ngunit sa dami ng kanyang digma ang nilahukan, minsan napaisip ang kabalyero na sa dami ng kanyang kasalanan na nagawa, ano namang kaya ang mangyayari sa kanya sa oras na lisanin na niya ang kanyang katawang lupa.
02:34.6
Kaya naman napagpasyahan nitong si Owen na siya ay mangungumpisal. Kaya naman nagtungo ito sa isang bishop ng simbahan at mula noon ipinangako nito ang kanyang sarili na babaguhin niya ang kanyang masasama na gawain.
02:49.3
Ito ay upang makakuha siya ng kapatawaran sa kanyang mga nagawang matitinding mga kasalanan. Upang ipakita ang kanyang labis na pagsisisi ay nagpa siya ito na magtutungo siya sa purgatorio nitong si St. Patrick. Ito ay upang maging ganap ang kanya na kapatawaran.
03:10.7
Ngunit ayon mismo sa bishop na hindi na ito kinakailangan pa.
03:19.3
Nais nito na magpunta sa purgatorio dahil sa pangako na sa lugar na ito ay may pagkakataon na malinis ang kanyang marumi na kaluluwa.
03:31.2
Kasama sa kasulatan ng ikalabing dalawang siglo na si St. Patrick ay nakakuha ito ng turo mula sa amang lumikha. Ito ay tungkol sa purgatorio.
03:43.2
Si St. Patrick ay isang misyonaryo na nabuhay ng ikalimang siglo. Nais nito na isalba.
03:49.3
Ang mga Irish mula sa paganismo. Ngunit ayaw naman ang mga ito na lumipat sa paniniwala ng mga Kristyanismo.
03:57.9
Kung hindi itong si St. Patrick ay makararating sa kabilang mundo at muling makababalik sa mundo nating mga buhay na tao.
04:06.8
Ayon sa kwento na isang gabi, habang natutulog ang santo ay binisita ito ng amang lumikha.
04:13.4
At saka dinala siya nito sa isang walang buhay na lugar. Tila ba ito ay isang disyerto?
04:19.9
Saka ay pinakita sa kanya ang isang tila ba, tila ba, malalim na hukay.
04:24.8
Ayon sa Diyos Ama na kung sino man ang doon ay mananatili, nang isang araw at isang gabi ay mapapatawad ang kanyang pagkakasala.
04:34.7
Sa pagising ni St. Patrick, sa harap niya ay mayroong tungkod na at isang libro pa.
04:39.6
Ito ay mula sa amang lumikha. Tanda ito na totoo ang naranasan niya.
04:45.4
Sa tagal ng panahon, nag-ibaman ang bersyon ng kwentong ito.
04:49.3
Iisa naman ang kinatapusan ng kwento.
04:52.8
Dahil sa ibinigay na karunungan ng amang lumikha sa kanya, natanto ni St. Patrick ang butas na sa kanya ay sinasabi ng Diyos Ama.
05:02.1
Ito ay ang tinatawag niya na ang butas ng purgatorio.
05:06.0
Naging napakalaga ng butas ng purgatorio lalo na sa kalagitnaan ng kanilang siglo.
05:11.4
Ngunit bago pa man si St. Patrick, ang sinuunang santo na si St. Augustine ay nagsabi na mayroon na ang mga buhay.
05:19.3
Ngunit bago pa man si St. Patrick, ang sinuunang santo na si St. Augustine ay nagsabi na mayroon na ang mga buhay.
05:19.3
Ang mga lumisan sa mundong ito na hindi naman masyadong masama, na hindi na sila pakikitaan ng awa.
05:26.6
Di rin sila masyadong mabuti na garantisado na walang katapusan ang kaligayahan para sa kanila.
05:33.5
Dagdag ng santo na ang kaluluwang ito ay makasalanan, ngunit sila ay marapat nabigyan pa ng isa pang pagkakataon.
05:42.2
Ito ay upang linisin ang pagkakasala nila nang sila ay nabubuhay pa.
05:47.2
Magaganap ito sa isang lugar.
05:49.3
Ayon sa santo, isang daang mga taon ang lumipas.
05:53.5
Ang santong si Isidore ng Servil ay siyang maigi pa na nagpaliwanag.
05:59.3
Base sa kasulatan ng Mateo 12.32
06:03.9
Sino mang magsalita laban sa anak ng tao ay patatawarin.
06:08.9
Ngunit sino mang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.
06:14.8
Maging sa panahong ito o sa panahon na darating.
06:19.3
may mga kasalanan na patatawarin at may mga kasalanan na lilinisin gamit ang apoy.
06:26.5
Ito ay magaganap sa kalagitnaan.
06:28.9
Magaganap ito sa oras na iwan ng kaluluwa ang katawang lupa.
06:33.6
Di ito nagaganap sa langit o sa impyerno.
06:36.9
Dito na nabuo ang konsepto ng purgatorio.
06:40.2
Sa purgatorio dinadala ang mga kaluluwa na may pag-asa pa upang malinis ang mga kasalanan na nagawa nila nang sila ay nabubuhay pa.
06:49.3
Dahil sila ay marapat pa nabigyan ng pagkakataon na maisalba.
06:54.9
Mga katinagalog ko,
06:56.0
mas malalim at mas mahaba pa po ang eksplenasyon ng pinagmulan ng konsepto ng purgatorio.
07:03.8
Ngunit ang ibinahagi ko po sa inyo ay ang pinakapinagugatan nito para sa mga neniniwala at para na rin sa mga hindi.
07:12.1
Ito ay upang mas maunawaan po ng madla ang pinanggalingan ng konseptong ito.
07:18.3
Paalala po mga katinagalog.
07:19.3
Mga katinagalog ko, hindi po ako ang gumawa ng konseptong ito.
07:23.5
Ipinaliliwanag ko lamang po sa inyo ang kasaysayan sa usaping ito upang mas lalo po ito na mas maunawaan.
07:32.1
Mga katinagalog ko, kung kayo po ang tatanungin, naniniwala po ba kayo na may purgatorio?
07:38.3
Isulat po ang inyong saluubin sa comment section sa ilalim upang sama-sama naman po na ito ay ating basahin.
07:45.0
Ang may pinaka makabuluhang sagot po ay magkakamit pa rin.
07:49.3
Mga katinagalog ko, maraming salamat po sa pagsama ninyo sa isa na namang segment natin sa araw na ito.