#93 - Ang “Bagong Pilipinas†ni Ferdinand Marcos Jr.
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hello, kamusta? Ako si Miguel at ito ang Comprehensible Tagalog Podcast.
00:13.4
Ngayong araw, pag-uusapan natin ang Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos Jr.
00:22.9
So, yung Bagong Pilipinas ay isang kampanya ni Pangulong Marcos Jr. ngayon.
00:34.9
So, lagi itong binabanggit sa balita, sa mga interview.
00:40.1
So, parang yun ang hindi lang tagline pero talagang campaign.
00:45.7
So, para yung sa presidensya niya, sa pagiging presidente niya,
00:52.9
parang layunin ng gobyerno, yung Bagong Pilipinas.
01:00.1
At interesante kasi bakit ba ito ang paksa natin?
01:07.0
Bakit tungkol ulit sa politika?
01:09.8
Dahil pumunta ako sa isang evento ni Pangulong Marcos Jr.
01:18.2
At pumunta siya sa Czech Republic.
01:22.9
At gusto ko makita kung anong gagawin sa programa.
01:29.1
Gusto ko makita yung mga ibang mga Pilipino.
01:32.5
Kung mga supporter ba yung mga tao doon.
01:37.4
O kung meron bang protesta.
01:40.6
Kung ano yung mood.
01:43.9
Kung ano yung talumpate ng Pangulo.
01:50.1
At sobrang interesante kasi yung...
01:52.9
mga Pilipino doon, lahat sumusuporta kay Marcos sa tingin ko at lahat masaya na parang kasi unang beses ng Pangulo dito at talagang masaya yung mga tao masaya na makakita ng ibang Pilipino at masaya kasi parang party lang.
02:19.9
So, mayroong karaoke.
02:22.9
Mayroong mga madaming umaawit sa stage.
02:27.8
Madaming kumanta sa stage.
02:29.9
Mga sobrang magaling.
02:31.6
May mga sumayaw ng Pilipino.
02:35.6
At may mga nagjo-joke.
02:38.6
So, yung MC, yung host, magaling.
02:44.9
At masaya. Masaya lahat ng tao.
02:47.5
Parang nasa Pilipinas lang.
02:50.2
Parang lahat nag-i-enjoy lang.
02:52.9
Lahat walang problema.
02:54.9
Sa limang oras na nandoon ako.
02:56.9
Madaming pagkain.
03:00.9
Talagang walang problema.
03:02.9
Pero, nung nagsimula na yung program.
03:07.9
So, yung MC, nagtatanong siya sa mga tao, sa mga audience.
03:15.9
Siyempre, kailangan niyang banggitin lagi yung bagong Pilipinas.
03:20.9
At may tanong siya sa mga tao, sa mga audience.
03:21.9
At may tanong siya sa mga tao, sa mga audience.
03:22.9
At may tanong sila sa audience na,
03:24.9
Ano para sa'yo ang bagong Pilipinas?
03:29.9
Ano ang bagong Pilipinas para sa'yo?
03:33.9
At madaming mga tao sa audience ang sumagot.
03:38.9
At halos lahat, parang ganito yung mga sagot.
03:43.9
So, may sumagot na,
03:46.9
Sana mura ang ticket ng Airbus.
03:51.9
Ticket ng aeroplano.
03:53.9
Para mas madalas ako makauwi sa Pilipinas.
03:58.9
O, sana pwede pumunta dito yung pamilya ko.
04:04.9
At tumira sila dito sa Czech Republic.
04:08.9
O yung isa pa, sabi,
04:10.9
Sana maraming trabaho sa Pilipinas.
04:14.9
Para hindi na ako kailangan pumunta dito.
04:20.9
Sana pwedeng magnegosyo sa Pilipinas. May suporta.
04:25.9
O sana may mga paraan para mag-invest sa Pilipinas.
04:31.9
At sana libre ang healthcare sa Pilipinas. Katulad sa Europa.
04:41.9
So, madami sa mga sumagot, iniisip nila yung pamilya nila.
04:50.9
Para sa mga Pilipino, yung importante.
04:54.9
Para sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.
04:59.9
Hindi talaga yung buhay nila yung iniisip nila dito sa bansa.
05:10.9
Pero mas iniisip talaga nila yung pamilya nila.
05:13.9
At na sana meron silang oras.
05:23.9
Yung pamilya nila.
05:25.9
Dahil sa tingin ko, lahat nang nagtatrabaho na Pilipino sa ibang bansa.
05:31.9
Mas gusto na magtrabaho sa Pilipinas.
05:35.9
Kung pareho ang oportunidad.
05:37.9
Kung pareho ang sweldo.
05:41.9
Kung pareho ang kalidad ng buhay.
05:44.9
Siyempre mas gusto na magtrabaho sa Pilipinas.
05:50.9
Hindi, o pinili nila na hindi gawin iyon.
05:55.9
Pwedeng konti ang oportunidad sa Pilipinas.
05:58.9
Dahil mababa ang sweldo.
06:00.9
At madaming problema.
06:02.9
So, ibig sabihin na yung bagong Pilipinas.
06:10.9
Ay sana nagumanda ang Pilipinas.
06:15.9
Para pwede na silang umuwi.
06:18.9
Para pwede na silang hindi umalis ng bansa.
06:22.9
At makasama na yung mga pamilya nila.
06:26.9
Hindi na kailangan magsakripisyo.
06:29.9
At sana, sana narinig iyon ng Pangulo.
06:34.9
At sana hindi makalimutan ng mga tao sa gobyerno.
06:40.9
Na marami sasagot ng mga Pilipino.
06:44.9
Ay tungkol sa pamilya nila.
06:48.9
At tungkol sa na makasama nila yung pamilya nila.
06:53.9
Kasi minsan talagang siyempre mga bayani o hero ang tingin sa mga OFW.
07:03.9
Pero dapat yung layunin ng gobyerno ay hindi paramihin ang OFW.
07:12.9
Sa opinion ko, hindi masaya ang gobyerno na dumadami ang OFW.
07:21.9
Dapat may paraan na umuwi ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa.
07:30.9
Para makasama ang pamilya.
07:33.9
At para yung talino, yung sipag, yung kayod.
07:42.9
Nung mga Pilipino ay makikinabang ang Pilipinas.
07:47.9
At siyempre, sa tingin ko, malayo pa tayo doon.
07:51.9
Pero sana, sana narinig yun ng Pangulo.
07:55.9
Yun lang ang episode ngayon.
07:59.9
Kung kailangan nyo ng transcript, meron sa description.
08:03.9
At pwede kayong sumuporta sa Patreon.
08:07.9
Salamat at paalam.
08:12.9
Thank you for watching!