Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, sumampa sa 2-M nitong Marso | #TedFailonandDJChaCha
Narito ang mga balitang konsyumer at pangkalakalan ngayong Huwebes, May 9:
• Bilang mga Pinoy na walang trabaho, sumampa sa 2-M nitong Marso
• Farm output, halos 'di gumalaw nitong Q1 2024
• Singil sa kuryente, nagbabadyang tumaas ngayong Mayo
• Metro Manila Wage Board, sisilipin ang minimum wage rate sa May 16
• Dollar reserves ng Pilipinas, lumaylay nitong Abril
#TedFailonandDJChaCha #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM
---
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph
News5Everywhere
Run time: 03:56
Has AI Subtitles
* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Sa mga balitang consumer at kalakalaan, mga kapatid,
00:02.9
tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Marso.
00:06.8
Ayon sa Philippine Statistics Authority,
00:08.9
naitala sa 3.9% ang unemployment rate sa bansa.
00:13.4
Katumbas yan ang 2 milyong Pilipino.
00:16.2
Mas mataas yan kumpara sa 3.5% na unemployment rate noong Pebrero.
00:21.6
Bumaba naman sa 11% ang underemployment rate mula 12.4 noong Pebrero.
00:27.0
Katumbas ito ng halos 5.4 milyon na Pilipino na naghahanap ng dagdag na trabaho o extra raket.
00:34.5
Ayon sa PSA, bumaba ang employment sa mga sektor ng transportasyon at maging sa construction.
00:42.2
Pero sa sektor ng agrikultura, naitala ang pinakamalaking pagbaba ng bilang ng mga trabahador.
00:48.8
Malaki raw kasi ang epekto ng matinding tagtuyot sa mga trabaho at produksyon ng nasabing industriya.
00:57.0
Kaugnay naman ang balitang yan, halos hindi gumalaw ang halaga ng output mula sa agriculture at fishery sector sa unang tatlong buwan ng taon.
01:05.9
Naitala ito sa 428.99 billion pesos sa first quarter.
01:10.7
Nasa 0.05% lang ang lamang nito kumpara sa naitala noong first quarter ng taong 2023.
01:17.9
Humina raw kasi ang produksyon sa lahat ng subsectors katulad ng crops, livestock at fisheries.
01:23.6
Tanging poultry sector lamang daw ang tumaas ang output.
01:27.1
Ang paliwanag ng Agriculture Department, malaking dagok daw sa industriya ang matinding init at kawala ng ulan.
01:35.9
Posible namang bumigat ulit sa ating mga bulsa ang bill ng kuryente ngayong Mayo.
01:40.8
Tinataya kasi ng Meralco at iba pang power utilities na magkakaroon ng dagdag singil ngayong buwan.
01:46.2
Base raw sa paunang komputasyon ng Meralco, hindi naman daw ito lalagpas ng piso kada kilowatt hour.
01:52.6
Kaya naman hindi na raw kailangang utay-utayin pang singil dito.
01:57.0
Nagdag ng isang bagsakan sa susunod pang bill.
02:00.6
Bukas, Mayo adjusts, iaanunsyo ang pinal na dagdag singil para sa mga susunod na billing.
02:05.9
Nauna ng sinuspindi ng Energy Regulatory Commission o ERC ang wholesale electricity spot market o WESM
02:12.9
dahil nga sa pagsipa ng presyo ng kuryente rito sa gitna ng sobrang init.
02:18.8
Paglilinaw ng ERC, hindi nasakop ng suspensyon ang pagtaas ng presyo ng kuryente na nangyari kasagsaga ng yellow at red alerts.
02:26.2
Sa WESM humuhugot ang mga power utilities ng dagdag na supply ng kuryente.
02:33.6
Sisilipin naman ang Wage Board ng Metro Manila ang minimum wage rate sa regyon sa susunod na Webes, May 16.
02:41.5
Kasunod yan ang direktiba ng Pangulong Bongbong Marcos Jr. na suriin ang mga Wage Board ang arawang sahod sa kanilang mga regyon.
02:49.4
Sabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, NCR daw ang unang regyon na susunod dito.
02:55.4
Pero nasa sampung regyon daw ang inaasahang magsisimula ng review bandang Hulyo o Agosto.
03:01.4
Ayon pa kay Laguesma, hindi na raw kakailanganin ng petisyon para sa umento sa sahod para sa Wage Board review ng minimum wage.
03:11.8
Bumaba naman ang foreign exchange buffer ng bansa nitong Abril.
03:16.4
Ayon po sa datos ng Banko Sentral, nasa higit isandaang bilyong dolyar na lamang ang Gross International Reserve sa endang Pilipinas.
03:25.4
Mas mababa po yan.
03:29.0
O mas mababa nga ito ng 0.7% o halos isang bilyong piso kumpara noong Marso.
03:35.8
Ito na ang pinakamababang level ng GIR mula noong Pebrero.
03:39.7
Paliwanag ng BSP, kinailangan kasing humatak ng gobyerno ng foreign currency para babayaran ang ilan nitong utang at maging mga gastusin.
03:48.6
Ted Filon at DJ Chacha ngayon nasa Radyo 5 92.3 News FM.