01:19.0
Mabarkada ako at mabisyo at ginagawa kong lahat ng maisipan kong gawin.
01:24.0
Madalas ay umiinom ng alak at magyoyosi kasama ang mga tropa ko na mas malalapa sa akin ang patapong buhay.
01:34.0
Tumatambay kami sa iba't ibang school para mang chicks o sumipat ng mga hayop sa puti at kinis na mga hita at binti ng mga babaeng perfecto ang mga hubog ng katawan.
01:48.0
Nakikipagbasag ulo sa mga kapwa namin siga sa kung saan saan lugar.
01:53.0
Nakikipagtalik sa mga babaeng nakikilala namin.
01:57.0
Ayaw ko ng commitment hindi kagaya ng mga tropa ko na may kanya kanyang girlfriend pero nakakatikim pa sa putahin ng iba.
02:07.0
Ang sarap daw kasing makatikim.
02:10.0
Pero kahit na ganito kami ay pumapasok pa rin kami sa paaralan.
02:15.0
Ako nga ay pumapasok lang dahil sa allowance ko at sayang din kasi yon.
02:20.0
Panggastos sa mga trabaho.
02:23.0
Mga trip naming mga magtotropa.
02:27.0
Hindi naman ako ganun kasama talaga Papa Dudut.
02:30.0
Na-appreciate ko naman ang paghihirap ng nanay ko sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
02:36.0
Kaya kahit papaano ay nag-exert din ako ng efforts sa paaralan para mabigyan ako kahit pasang awang grado lamang.
02:44.0
Gumagawa naman ako ng assignments kapag trip ko at nakikipagparticipate minsan kapag may group activities.
02:51.0
Kapag nasa mood ako.
02:53.0
Medyo matulungin at masunurin naman ako sa mga teachers kapag hindi ako bad trip sa kanila.
03:00.0
Lahat kasi sila ay mga kontrabida.
03:03.0
Feeling mga Diyos.
03:05.0
Akala'y alam ang lahat.
03:07.0
At ipinagmamalaki ko rin na always present ako kahit na madalas ay tulog sa klase.
03:12.0
Kaya madalas din akong napapagalitan.
03:14.0
At kung minamalas, naigaguidance ako.
03:18.0
Sermon dito, sermon dyan.
03:21.0
Siyempre ako naman ay pasok sa isang tenga labas sa kabilang tenga.
03:26.0
Nasa huling baitang na ako ng high school noon.
03:29.0
Pero ang nasa isip ko ay gra-graduate pa kaya ko.
03:33.0
Dahil mukhang sawa na kasi yung buong faculty member sakin.
03:37.0
Pero sana'y ipasangawa pa rin nila ako para hindi ko na makita ang mga pagmumuka nila at hindi ko na marinig pa ang mga walang kwentang sermon at pangungutiya nila.
03:49.0
At para hindi sila paulit-ulit sa pagpapaalala.
03:53.0
Na sana'y hindi ka na lamang pumasok, sakit ka lang namin ang ulo.
03:58.0
Hindi ba? Ang bubutin nilang guro.
04:01.0
Nanguudyok na huwag na raw akong pumasok.
04:04.0
Isa pa ay ayaw ko na mag-aral dahil nakakatamad na.
04:07.0
Lalo pa ang mga guro ay may kanya-kanyang mga paborito.
04:13.0
Ganon ang mga paniniwala ko noon.
04:16.0
Ganon ako katarantado at walang kwenta.
04:19.0
Pero sinimulan kong magbago nang dahil sa isang babae, si Liancie.
04:26.0
Nakilala ko siya dahil sa kaibigan niya ang girlfriend ng isa sa tropa ko.
04:31.0
Kagaya ko ay sa isang private school din siya nag-aaral.
04:35.0
Pareho kaming graduating na.
04:38.0
Kilala siya papadudod sa buong campus nila dahil siya ang student council president.
04:44.0
Maliban sa katalinuhan niya ay maganda rin siya.
04:49.0
Ang lakas ng apin lalo na kapag nakangiti na ang mga labi niyang masarap halikad.
04:54.0
Unang kita ko pa lamang sa kanya noon ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso ko.
05:01.0
Yun yata yung tinatawag na love at first sight.
05:05.0
Nung una talaga papadudod ay bala ko lang siyang ikama para tikman.
05:11.0
Pero noong nakumpirma ko sa sarili kong gusto ko talaga siya.
05:15.0
Kagad kong sinabi yun nang walang paligoy ligoy pa.
05:18.0
Mga bakla lang ang nagpapaligoy ligoy.
05:21.0
Pero yun nga medyo nakaramdam ako ng pagkadismaya nang sagutin niya lamang ako ng nakakalokong tawa niya.
05:29.0
Hindi ko matanggap yun kasi wala pang gumagawa noon sakin.
05:34.0
Tinatawanan mo ba ako para magpakiyot sakin o tumatawa ka dahil pareho tayo nang nararamdaman?
05:40.0
Gusto mo rin ako tama ba?
05:43.0
Sabi ko na ikinangiti na lamang niya at ikinailing ng konti.
05:47.0
Tinatawa nang kita kasi nakakatawa ang joke mo tapos bagya ulit siyang natatawa.
05:56.0
Tanga ka ba? Sa itsura kong to sa tingin mo ay nagbibiro ako?
06:00.0
Gusto kita. Sa tingin ko nga ay mahal na nga yata kita. Seryosong sabi ko.
06:06.0
Tatangat tanga eh. Nagtatapat na nga ako tapos ginagawa lang niyang katatawanan ang feelings ko.
06:12.0
I love you. With feelings pang sabi ko sa kanya.
06:17.0
Humalukip-kip siya at diretsyong tinignan niya ako sa mga mata.
06:22.0
I love myself too. Sabay ngiting sabi niya.
06:26.0
Buwisit na babae. Kung hindi ko lang talagang mahal to sinapa ko na to sa pagiging pelosopo niya.
06:33.0
Pero dugtong niya na ikinawala ka agad ng pagka bad trip ko.
06:38.0
Kung gusto mo talaga ako well see kung hanggang saan ang kaya mo para magustuhan din kita.
06:43.0
Pero sasabihin ko sa iyo gaya ng madalas kong sabihin sa iyo.
06:46.0
Hindi ko maipapangako na maibibigay ko ang inaasahan mong sagot sa akin.
06:52.0
Malabong sabi niya bago niya ako tinalikuran.
06:55.0
Nasabi ko na lamang sa sarili ko papadudot na hai minsan na nga lang magseryoso ay komplikado pa.
07:03.0
Napapailing na lamang ako saka ako tuluyang umalis palayo sa para lang pinapasukan niya.
07:08.0
Pero kahit man gaano kalabo ang sagot niyang iyon at least binigyan niya ako ng chance para ligawan siya.
07:15.0
Iparamdam sa kanya ang pagmamahal at kaseryosohan ko sa panliligaw sa kanya.
07:24.0
Sinimulan ko ang panliligaw sa kanya papadudot.
07:27.0
Araw-araw ko siyang binibigyan ng flowers and chocolates.
07:31.0
Yung chocolates ay galing pa sa package na padala ni mama sa amin ng kapatid kong babae.
07:36.0
Okay na iyon, imported pa.
07:38.0
Nang hindi ako nagagasos saanang masyado.
07:41.0
Ang mahal na nagagasos ko sa bawat bulaklak araw-araw tapos ay binigyan ko.
07:44.0
Tapos ay bibili pa ako ng chocolate.
07:46.0
Kung may chocolate namang pinadala si mama.
07:49.0
Ano siya, sinaswerte?
07:51.0
Buti sana kung girlfriend ko na siya.
07:53.0
Lahat ng gusto niya ay ibibigay ko.
07:55.0
Anong status ko na dyan sa puso mo?
07:58.0
Tanong ko isang hapon sa kanya nang magkita kami sa MacDo.
08:02.0
Kailan mo ba ako sasagutin?
08:04.0
Sinasagot mo na ba ako ngayon?
08:07.0
Pangungulit ko pero ang seryoso na ng mukha niya.
08:11.0
Kasi simula mo palang manligaw.
08:13.0
Tapos atot ka ng saguting kita.
08:15.0
Halos isang buwan na ako nanliligaw.
08:17.0
Tapos para sa iyo, kakasimula ko palang.
08:20.0
Pinaglalaroan mo yata ako eh.
08:23.0
Diretsyang tanong ko sa kanya.
08:25.0
Ganito talaga ako.
08:27.0
Straight forward.
08:28.0
Bakit pa ako magpapakatanga kung ayaw niya sa akin?
08:32.0
Kaya hanggat maaga pa lamang ay gusto kong malaman na.
08:36.0
Ayaw na ayaw ko ng pinapaasa.
08:39.0
Hindi kita pinaglalaroan.
08:41.0
Kung ganun ang tao.
08:42.0
Kung ganun ang tawag sa sitwasyon natin, pinapaasa mo ko.
08:48.0
Mukhang below the belt na yata ang nasabi ko at inayos niya ang buhok niya.
08:52.0
Inipit ang kumawalang ibang hibla sa tenga niya sa kanya.
08:56.0
Ipinatong ang isang kamay sa mesa.
08:59.0
Bakit ba kayong mga lalaki?
09:02.0
Kapag ginusto ninyo, gusto agad din niyong makukuha.
09:08.0
Sa tingin mo ay makukuha mo ko sa mga regalo mo lang at paminsan-minsang libre.
09:11.0
Tapos ay umiling-iling siya.
09:15.0
Kung pagod ka na, tigilan mo na ang panliligaw sa akin at humalap ko na lang ng iba na mabilis kang sasagutin.
09:22.0
Ano nga, sabay tayo at alis palabas.
09:26.0
Napatayo ako at sinubukan siyang habulin pero mabilis siyang nawala.
09:31.0
Hindi ko alam kung saan direksyon siya pumunta.
09:34.0
Napamura na lamang ako ng wala sa oras.
09:38.0
Bakit ba kasi ang atat kong magtapos?
09:40.0
Kasi ang atat kong maging kami na?
09:42.0
Ang gago ko talaga?
09:44.0
Kinabukasan papadudod ay sinubukan ko siyang kausapin para humingi ng sorry.
09:51.0
Hindi ko alam kung ano ang malalang kasalanan ko kung bakit ako magsusorry.
09:57.0
E nagsabi lamang ako ng katotohanan.
10:00.0
Bakit ba kasi ang sensitive ng mga babae?
10:03.0
Tapos ang dami pang mga kaartihan.
10:06.0
Kapag nililigawan, tinetest muna ang maniligaw.
10:09.0
Pinahihirapan pa kami mga lalaki sa panliligaw sa kanila.
10:13.0
Ang ending naman ay madalas na basta din kami.
10:16.0
Swerte na lamang kung minsan ay hindi.
10:21.0
Todo effort kami tapos sa huli dudurugin din nila ang puso namin.
10:27.0
Pangaayo ko sa kanya habang nakaluhod sa harapan niya.
10:32.0
Tumayo ka nga dyan.
10:34.0
Muli niyang sabi at hinilan niya ako para may tayo.
10:37.0
Nandito kami sa harapan ng paaralan nila malapit sa gate.
10:41.0
Parami na rin ang parami ang mga estudyante na nakatingin sa amin lalo na sa akin.
10:47.0
Karamihan may kumakantsyaon na patawarin mo na at yung iba naman ay kumukuha pa yata ng video o letrato.
10:54.0
Hindi ako tatayo dito hanggat hindi mo ko pinapatawad.
10:57.0
Nagpa cute pa ako sa kanya.
10:59.0
First time ko tong gawin ang humingi ng sorry.
11:02.0
Lumuhod, magmakaawa ng konti at mas lalong magpa cute.
11:06.0
Ta eh, ang putik ng feeling.
11:09.0
Kung hindi ko lang talaga siya gusto hining hindi ko to gagawin.
11:16.0
Tumayo ka na nga dyan.
11:18.0
Medyo naiinis na sabi niya.
11:20.0
Kulang na lang ay iwanan na niya ako dito.
11:23.0
Napangiti ako at mabilis na tumayo sabay abot sa kanya ng dalakong mga bulaklak.
11:28.0
Nakinuha naman niya pagkatapos bumuntong hininga.
11:32.0
Hindi ako huminto sa paniligaw sa kanya.
11:37.0
Araw-araw ay pumupunta ako sa paaralan nila.
11:40.0
Tuwing uwian ng hapon ay nagmamadali akong puntahan sa paaralan nila para hintayin siya sa labas at ihatid sa bahay nila.
11:48.0
Sa loob ng dalawang buwan na paniligaw sa kanya ay ngayon lang niya ako pinayagang ihatid siya hanggang sa bahay nila.
11:55.0
Pero hindi niya ako pinapapasok.
11:57.0
Ayos na rin yun at least alam ko na kung saan siya nakatira.
12:02.0
Dati-rati kasi hanggang sa kayan lang.
12:04.0
Nang jeep niya ako pinapayagang ihatid siya.
12:07.0
May mga nabalitaan akong hindi maganda tungkol sa iyo, Jaycee.
12:12.0
Simulan niya noong minsang mag-date kami.
12:17.0
Kunot noong pagtatakang itinuro ko pa ang sarili ko.
12:22.0
Gaya ng sinabi ko hindi maganda tungkol sa iyo.
12:25.0
I-emphasize pa niya yung huli niyang sinabi.
12:29.0
So what's your point?
12:31.0
Seryoso ka ba sa akin?
12:33.0
Tanong niya na ikinatawa ko.
12:36.0
Stop laughing, I'm serious.
12:38.0
Pinigilan ko ulit na matawa.
12:41.0
Nakakaiwan lang kasi yung tanong niya.
12:43.0
Ano bang klaseng tanong yan?
12:45.0
Obvious naman kung ano ang sagot ko.
12:49.0
Gagawin ko bang lahat ng efforts na ginagawa ko?
12:51.0
At gagawin ko pa kung hindi ako seryoso sa iyo?
12:54.0
Tinignan ko siya ng mabuti.
12:57.0
Kitang-kita ko pa rin ang pag-aalinlangan niya.
13:00.0
Kung totoo nga yan,
13:02.0
Gusto kong magbago ka.
13:04.0
Ano yan na ikinangangako papadudot ng bahagya.
13:08.0
Muli siyang nagpatuloy sa pagsasalita at inisa-isa ang ayaw at gusto niya.
13:13.0
Sa madaling salita ay gusto niya akong baguhin at kung hindi ko magagawa.
13:18.0
Ang mga kondisyon niya ay tikilan ko na lang dawang panliligaw sa kanya.
13:25.0
Ako babaguhin ang isang babae?
13:28.0
Kailangan ko ba talagang baguhin kung ano ako para lamang sa kanya?
13:30.0
Papadudot pa unti, unti kong sinubukang baguhin ang sarili ko dahil unti-unti na rin na lumalalim ang pagkakagusto ko sa kanya.
13:41.0
Hindi na ako madalas tatutulog sa klase at hindi kagaya ng madalas kong gawin noon.
13:46.0
Gumagawa na rin ako palagi ng mga assignments at projects ng ako na mismo.
13:51.0
At hindi na ipinapagawa sa iba.
13:54.0
Lahat ng mga hindi magagandang gawain ko noon ay binago ko ang lahat ng iyon.
13:58.0
Maliban lang sa isa sa gusto niyang gawin ko.
14:01.0
Ang layuan ang mga barkada ko.
14:04.0
Hindi ko kayang layuan sila pero ang tanggihan ang mga gimmick kasama sila.
14:09.0
Yun ang ginawa ko para kay Liana C.
14:13.0
Naintindihan naman ang mga kaibigan ko na nagpapaka good boy na ako.
14:17.0
Pero hindi pa rin ako nakatakas sa panunokso at pang-aasar nila.
14:21.0
Kahit na ganoon sila ay supportado nila ang buhay pag-ibig ko.
14:25.0
At habang tumatagal, Papadudot ay tinutulog.
14:28.0
Rawon rin nang nagbago.
14:30.0
Nagpakasipag sa pag-aaral ng dahil sa kagustuhan kong makita niya ang nagbago na ako.
14:37.0
Hanggang isang araw ay natagpuan ko na lamang na ang puso ko ay nasa kanya na.
14:43.0
Tuluyan na akong nahulog sa kanya.
14:46.0
Lumipas sa mga buwan at patuloy pa rin ako sa masugid na panunuyo sa kanya.
14:51.0
At hinihintay na sabihin niya sa akin na gusto niya rin ako.
14:56.0
Hanggang sa dumating ang araw na espesyal para sa lahat ng estudyante.
15:00.8
Ang graduation ceremony at hindi ko inaasahan na isa ako sa mga makakatanggap ng diploma.
15:07.6
May bonus pang ilang parangal at mga medalya. Lahat ng ito ay dahil sa kanya kay Liana C.
15:15.1
Pareho ng araw at oras ang graduation ceremony nila at sa amin kaya pagkatapos kong matanggap ang diploma at mga parangal sa akin ay mabilis na tumungo ako.
15:26.5
Tumakbo at sumakay ng tricycle para puntahan siya. Balita ko ay siyang valediktoryan sa paaralan nila.
15:34.0
Gusto ko siyang i-congratulate at the same time ay magpasalamat at ialay sa kanya ang natanggap kong mga medalya.
15:41.4
Pagdating ko sa paralang pinapasukan niya ay nakiusap ako sa security guard na nasa bungad ng gate at gumawa ko ng palusot upang makapasok.
15:50.1
Pinapasok naman kagad ako.
15:52.3
Nagtanong ako sa ibang mga nakasalubong ko kung saan ang gymnasium.
15:56.5
Kagad naman niyong itinuro sa akin pero hindi ko inaasahan ang makikita ko ng mga oras na iyon.
16:03.8
Ang saya at pagkasabik na makita at makausap siya ay kagad na napalitan ang pagkabigla at pagkalito sa mga nakita ko.
16:11.5
Si Liana C. may kasamang lalaki.
16:14.2
Sa forma at angas na nakikita ko ay sigurado kong malayo ang lamang nito sa akin.
16:19.4
Bigla tuloy ako nanliit sa sarili ko.
16:22.0
Magkahawa kamay ang mga ito.
16:24.6
Na nagpapakuha ng mga letrato habang magkalapit pa ang mga mukha.
16:30.1
At yung puso ko papadudot pakiramdam ko.
16:33.6
Ay pinipigan ang matindi habang pinapanood sila.
16:39.0
Napahigpit ang pagkakahawa ko sa mga medalya at diploma ko.
16:43.3
Gusto kong sugurin ang lalaking yon at bugbugin.
16:46.6
Pero pinigilan ko ang sarili ko at ilang sandali lang ay napansin kong napansin ako ni Liana C. na nakatingin sa kanila.
16:53.0
Kitang-kita ko ang pagkagulad sa mga mata niya nang makita ko.
16:58.3
Hanggat may pagpipigil pa ako sa nararamdaman kong galit at selos,
17:03.3
mabilis na akong humakbang palabas ng gymnasium.
17:09.7
Dinig na dinig kong tawag niya sa akin.
17:12.9
Uminto ako sa paglalakad at nakayukom ang mga kamay.
17:17.2
Mababanayad ang sakit na nadarama ng puso ko sa mukha ko.
17:22.3
Pumunta siya sa mga kamay.
17:22.9
Pumunta siya sa mga kamay.
17:23.0
Pumunta siya sa mismong harapan ko.
17:25.0
Tara sa labas, mag-usap tayo.
17:28.3
Sa malamig na paraan, sabay hilan niya sa braso ko.
17:32.2
Nagpatianod lamang ako sa paghilan niya sa akin hanggang sa makarating kami sa bakanting lote,
17:38.6
sa likod ng paaralan nila.
17:40.9
Maya-maya'y bumitaw siya mula sa pagkakahawak sa braso ko.
17:44.8
Napangisi ako ng sarkastiko.
17:47.9
Ayos ah, sobrang layo na nito sa gymnasium.
17:50.9
Hindi ko mapigilang maging sarkastiko.
17:53.0
Tinindang ko siya at ilang segundong katahimikan ang namagitan sa amin.
18:00.1
Tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
18:02.7
Pinilit kong umitik kahit na ang sakit na sa dibdib.
18:08.5
Bakit pa nga pala ako magtatanong eh halata naman kung sino ang lalaking yon para sayo.
18:13.4
May hinanakit na sabi ko.
18:15.2
At mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya pagkatapos.
18:19.6
Oo, tama ka, boyfriend ko siya.
18:22.2
Na ikinasabog ng emosyon kanina pa ang gustong kumawala sa dibdib ko.
18:27.2
Napamura ako at napasuntok sa simento malapit sa back gate ng paaralan nila.
18:34.9
Matagal na ba ha?
18:36.5
Puno ng hinanakit na tanong ko na ikinalihis ng mga mata niya papunta sa ibang direksyon.
18:44.6
Bakit mo ko niloko?
18:46.6
Mahal na mahal naman kita.
18:48.7
Akala ko ba yung mahal mo ko?
18:54.3
Tinignan niya ako ng diretsyo.
18:56.6
Ano bang pinagsasasabi mo?
18:58.5
Hindi kita niloko dahil una pa lamang na hindi naman tayo.
19:02.1
Hindi naging tayo, walang tayo.
19:04.9
Oo, mahal kita pero bilang kaibigan lang.
19:08.1
Matagal ko nang sinabi sa iyo na wala kang aasahan sa akin.
19:11.6
Pero ikaw itong mapilit.
19:13.7
Ikaw itong isinisiksik ang pag-ibig mo sa akin na paulit-ulit kong tinatanggihan.
19:18.7
Kaya wala kang karapatan na akusahan akong niloko kita.
19:22.2
Akala ko ba malinaw na sa iyo ang lahat?
19:25.7
Akala ko ba ay okay na sa iyo na maging magkaibigan lang tayo?
19:29.8
Pero ano itong ginagawa mo?
19:31.9
Kitang-kita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
19:35.5
Mabilis niya yung pinunasan gamit ang mga kamay niya.
19:39.4
Tama talaga ang mga friends ko.
19:41.7
Hindi ka pa rin nagbago.
19:43.7
At wala kang karapatan para bakuran ako.
19:47.1
Sino ka ba sa inaakala mo?
19:49.4
Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya.
19:54.3
Sorry ha Liana si Rain.
19:56.9
Sorry sa pagiging tanga ko lalo na ng puso ko pagdating sa iyo.
20:02.3
Sorry dahil kahit nanong pagtaboy mo sa pag-ibig ko patuloy pa rin akong minamahal ka at patuloy na umaasang mamahalin mo rin ako.
20:12.3
Pinunasan ko mga luhang bingnan na lamang tumulo sa mga mata ko.
20:16.9
Pero sana hindi mo na lamang ako pinaasa sa pamagitan ng mga kondisyon mo.
20:22.2
Dahil ang sakit lang.
20:26.7
Inilagay ko ang kanang palad ko sa dibdib ko.
20:30.4
Pinilit kong baguhin ang sarili ko para sa iyo.
20:34.0
Iniwasan ko mga bagay na ayaw mo.
20:37.3
Pero sa ngayon naisip ko na lahat pala yun ay pagkukunwari lang.
20:42.0
Malungkot akong umiti at pinilit kong umiti para ipakita sa kanya na hindi ako ang talunan.
20:50.3
Salamat dahil kahit pinaasa mo ako.
20:52.1
At iniwan sa ere.
20:53.8
At pinagmukhang tanga.
20:57.1
Ikaw ang dahilan para makagraduate ako.
20:59.6
Salamat sa pagiging inspirasyon.
21:02.5
Kahit na sandali lang.
21:04.7
Huminga ako ng malalim para pahupain kahit papaano ang bigat sa dibdib ko.
21:09.8
Bago ko sinabi ang huling mensahe ko sa kanya.
21:14.0
Happy graduation and congrats sa pagiging valediktorian.
21:17.9
Matapos kong masabi yun sa kanya ay nilampasan ko na siya at tuluyang iniwanan.
21:22.8
Hinding hindi na ako magmamahal pa.
21:25.1
Yan ang pinangako ko sa sarili ko habang naglalakad palayo sa kanya.
21:30.2
Siguro nga'y hindi siya talaga para sa akin dahil kung mamahalin lamang niya ako.
21:35.4
Ang bago ako at hindi niya kayang tanggapin ang tunay na ako.
21:39.1
At ang mga mali ko'y hindi siya nararapad sa pag-ibig ko.
21:42.7
Hindi ko na kailangan pang ipagpatuloy ang pagpapatang ako sa kanya.
21:47.6
Sampung taon nang lumipas sabang binabagtas ko ang daan papasok sa gate ng parangayon.
21:52.1
Talaan kung saan ako nakapagtapos ng high school.
21:55.4
Ay hindi ko maiwasan na maalala ang naging buhay ko noong teenager pa ko.
22:01.9
And each time I would recall the broken moments of my teenage life.
22:07.2
Matagal na yun marami nang nangyari, marami nang mga magagandang alaala
22:10.9
ang tumabon sa masakit na alaala ng pagkawasak ng puso ko noon.
22:15.9
Still that memory was vivid.
22:19.0
Tumingin ako sa itaas ng gate may banner na nakapaskil doon.
22:22.8
In-announce ang gagawing Christmas Charity Event.
22:26.1
Para sa mga batang mag-aaral from grade school to high school.
22:30.2
Na nagmula sa mga iba't ibang public schools sa aming lugar.
22:34.2
Pagkatapos ay may pangalan na guest of honor and speaker.
22:40.8
Kahit maraming taon na ang lumipas at marami nang nangyari lalo na sa buhay ko.
22:46.0
Sa tuwing maaalala ko ang pangalan niya ay laging merong kirot sa dibdib ko.
22:52.1
Siguro dahil hindi pa ako nakakahingin ng tawad sa kanya at ganoon din siya sa akin.
22:58.1
Pagkarating ko sa gymnasium ay nataki ako ng nostalgia.
23:01.9
Naging bahagi ito sa paghubog ng pagkatao ko.
23:05.5
Igit sa lahat ay nagpapaalala sa akin ng naranasan kong first heartbreak
23:10.6
at ang sugat na nilikha noon.
23:14.1
Sugat na akala ko ay hindi na magihilom.
23:18.1
I blink and push away the memories.
23:20.9
I smile before I headed towards the gymnasium.
23:24.2
It had long been renovated and improved.
23:27.6
Sobrang dami na ang mga nagbago.
23:30.1
Ilang minuto lang nagsimula na ang programa.
23:33.8
Nagpadasal at pinagpatuloy ko ang pagsasalita sa harapan ng lahat ng mga batang nakangiti sa aking harapan.
23:40.6
Wabanaag ko sa bawat mga mukha nila ang pagka-excite sa mga regalong ibabahagi namin mamaya sa kanila.
23:47.7
Matapos ang pagdarasal.
23:49.4
I muli akong tumayo sa gilid at sinimulan ng mag-perform na mga kasama ko upang pasahin ang mga bata.
23:56.8
Pagkatapos ay muli akong tinawag.
23:59.1
Nagpalakpa ka ng mga tao at karamihan ay nagtitilian na ikinatawa ko na lamang.
24:04.4
Inabot ko ang mikropono, I cleared my throat and I began to talk about my life.
24:09.9
Kung ano ako noon, mga aral na natutunan ko sa buhay at ang mga pagsubok na dinaanan at nalampasan ko.
24:18.5
Pagkatapos ng sinubukan, I nabot ko sa gilid at sinimulan.
24:19.2
I nabot ko sa gilid at sinimulan.
24:19.3
Pagkatapos ng seremony, inanyayahan na ang lahat na kumain.
24:22.9
Tumulong na rin ako sa pamimigay ng mga pagkain sa mga bata at mga taong naroon.
24:28.0
Matapos naming mabigyan, ang lahat ay inanyayahan ako kasama ang mga volunteers para sa kaunting sano-sano na inihanda ng butihing prinsipal.
24:39.4
Nagtungo kaming lahat sa faculty room kung saan may naghihintay ring mga pagkain.
24:44.4
Kasalukuyang kaming nagkagwentuhan ni ma'am prinsipal nang may mapansin akong pamilyar na mukha.
24:49.3
Nakasalukuyang nakikipag-usap sa isa sa mga kasamahan ko.
24:54.0
Naglalakad din ang mga ito at makakasalubong namin sila.
24:58.5
Lianasi, sambit ko.
25:01.0
Napahinto naman ito sa paglalakad at pakikipag-usap.
25:05.2
Napalingon ito sa akin.
25:07.5
At natiti akong siya nga ito.
25:10.0
Lianasi, ikaw nga.
25:11.7
Napangiti ako sa sobrang kagalaka na makita ko siyang muli.
25:16.4
Kitang-kita ko ang pagkalito sa ekspresyo ng mukha niya.
25:20.0
Maging siya mismo ay parang kinikilala pa ako.
25:25.1
Hindi siguradong sabi niya.
25:27.2
Tumangwa ko at ngumiti.
25:29.2
Ako nga, kumusta ka na?
25:31.0
Kitang-kita ko ang pagkaaninlangan sa mga mata niya, Papa Dudut.
25:37.9
Eto, mabuti, sagot ko.
25:40.6
Mukhang magkakilala kayong dalawa, namamanghang tanong ni ma'am prinsipal.
25:45.5
Opo, she's my crush back din.
25:47.3
Fine, sagot ko na ikinangiti ni ma'am prinsipal at ikinatingin sa akin ni Lianasi.
25:53.2
Kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya ang guilt.
25:57.9
Why don't we go inside?
25:59.9
Yaya ni ma'am prinsipal sa aming lahat.
26:02.7
Sumunod kami dito, papasok at inanyayahan kami nitong kumuha ng pagkain sa buffet table
26:07.3
at nang matapos kaming makakuha ng pagkain ay dumiretso ako sa mesa kung saan ay nakaupo si Lianasi.
26:18.6
Sure, aniya at ngumiti.
26:21.1
Naupo ako paharap sa kinakaupuan niya.
26:23.9
Nagsimula akong kumain at siya naman ay parang naiilang kaya kinausap ko siya.
26:29.7
Lianasi, tawag ko at napatingin siya sa akin.
26:35.2
Sorry nga pala sa mga nangyari noon.
26:38.7
Ngumiti siya ng kaunti.
26:40.5
Wala na yun sa akin.
26:42.0
Ako nga ang dapat na mag-sorry kasi nasaktan kita noon.
26:45.6
Marami akong nasabi.
26:46.9
May nangyari na mga masasakit na salita na hindi ko talaga sinasadyang sabihin.
26:52.2
Malungkot na ngumiti siya pagkatapos.
26:55.1
Napatawad na kita at maraming salamat dahil napatawad mo na ako.
26:59.8
Sabi ko sa kanya.
27:03.1
Mukhang pumayad ka ha.
27:04.5
Pagbibiro ko na ikinatawa niya.
27:08.9
Ani yang natatawa.
27:11.5
Yang masyado sa Canada eh.
27:13.4
Sobrang busy sa work.
27:14.8
Napaparami ang pagkain.
27:16.9
Anong trabaho mo doon?
27:18.9
Chef sa isang kilalang klaseng hotel.
27:22.9
Ikaw mukhang gumagwapo ka ha.
27:27.9
May asawa ka na girlfriend?
27:30.9
Ana niya at muling sumubo.
27:33.9
Ngumiti ako at buong pusong sinagot ng mga katanungan niya.
27:37.9
Wala akong asawa o kasintahan.
27:39.9
Pero may nagmamay-ari na ng puso ko.
27:45.9
Masaya akong paglingkuran siya at ibahagi sa lahat ang kanyang mga salita at aral.
27:50.9
Isa na akong pare ngayon, Liana C.
27:53.9
Kitang-kita ko ang pagkagulat niya.
27:56.9
Pare? As in priest?
27:58.9
Ano niya na kumukurap-kurapa?
28:02.9
At napangiti ako sa nakita kong reaksyon niya.
28:05.9
Sa nakalipas na mga minuto na nagkasama kaming dalawa ni Liana C. sa pangalawang pagkakataon,
28:10.9
nalaman kong dalaga pa siya at priority din niya ang kanyang pamilya.
28:14.9
At tinanong din niya ako kung pwede siyang mangumpisan sa akin.
28:18.9
At doon ko nalaman na ginusto niya raw talaga ako noon pero pinigilan lamang daw niya ang kanyang sarili dahil mga bata pa kami noon.
28:26.9
At yung lalaking kaholding hands niya noong graduation ay pamangkin niya na mas panganay pa sa kanya.
28:33.9
Sabi din niya hanggang ngayon daw ay crush pa rin niya ako pero malabo na raw ang forever sa aming dalawa dahil sa paglilingkod kay God ang naging forever ko.
28:43.9
At nang araw na yon ay binigyan na naman ako ng Panginoon ang maraming blessings at isa na doon ang kapatawaran naming dalawa ni Liana C. sa bawat isa.
28:53.9
At alam ko na makikilala rin niya ang tamang lalaki na mamahalin niya at magmamahal sa kanya.
29:00.9
At makakasama niya sa panghabang buhay.
29:03.9
Yours truly, Father J.C.
29:07.9
Hi Father J.C. Thank you so much.
29:12.9
Thank you so much sa pagsulat niyo dito sa aking YouTube channel.
29:15.9
Nakakatuwa na nagbigay kayo ng oras para makapagbahagi ng kwento ng inyong buhay.
29:20.9
Pero mas nakakatuwa na natutunan ninyong magpatawad noon pa man.
29:24.9
Ramdam ko na deserve ninyo ang profesyon na meron kayo ngayon dahil nagawa ninyong kalimutan ng pait ng nakaraan para makapagpatawad ng ibang tao.
29:34.9
Dalangin ko na sana ay mas magpalain pa kayo ng buong may kapal.
29:38.9
Sa lahat ng ating mga tagapakinig huwag kalimutan na mag like, subscribe, and share.
29:40.9
Maraming salamat po sa inyong lahat.
30:10.9
At saya sa Papa Dudut Stories.
30:18.9
Laging may karamay ka.
30:26.9
Mga problemang kaibigan dito ay pakikinggan ka.
30:40.9
Papa Dudut Stories.
30:44.9
Kami ay iyong kasama.
30:52.9
Dito sa Papa Dudut Stories.
30:56.9
Ikaw ay hindi nag-iisa.
31:05.9
Dito sa Papa Dudut Stories.
31:09.9
Ikaw ay hindi nagmamahal sa iyo.
31:16.9
Papa Dudut Stories.
31:21.9
Papa Dudut Stories.
31:29.9
Papa Dudut Stories.
31:36.9
Hello mga ka-online!
31:37.9
Ako po ang inyong si Papa Dudut.
31:38.9
Huwag kalimutan na mag like, mag share, at mag subscribe.
31:42.9
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanoodin nyo.
31:47.9
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.