* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.1
Wala nang kaagaw sa espasyo ang mga nais mag-exercise sa Ross Boulevard tuwing linggo ng umaga
00:06.2
dahil yan sa ipapatupad na car-free Sundays ng lokal na pamahalaan.
00:11.3
Nasa front line ng balitang yan si Ian Suyu.
00:16.1
Hirap ba kayong maghanap ng ruta para mag-jogging o mag-bisikleta?
00:22.0
Sa Maynila, may car-free Sundays alinsunod sa isang bagong ordinansa ng lungsod.
00:27.0
Tuwing linggo, mula alas 5 hanggang alas 9 ng umaga, isasara sa mga sasakyan ang ilang bahagi ng Rojas Boulevard.
00:35.6
Ito'y para bigyang daan ang mga gustong mag-ehersisyo.
00:39.0
Sa dry run kanina, isinara ang bahagi ng naturang kalsada at naglaan ng hiwalay na lane para sa mga jogger at siklista.
00:47.6
Mula May 26, ipatutupad na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang car-free Sundays
00:52.2
kung saan isasara ang northbound at southbound ng Rojas Boulevard.
00:55.9
Mula yan sa may Padre Burgos hanggang sa may Quirino Avenue.
00:59.6
May kabuang distansya yan na 8 kilometro.
01:02.0
At para sa mga siklista at mga joggers na nakausap natin, napakalaking bagay nito para sa kanila.
01:08.6
Ikinatuwa ng senior citizen na si Cesar ang proyektong ito ng lungsod.
01:12.9
Hindi na raw niya kakailanganing dumayo pa sa Makati at Pasay para lang mag-bike.
01:17.9
Malaking bagay din ito pag-bike araw-araw.
01:20.5
Dapat lagi sa'yo na bikers at saka runners.
01:25.9
Medyo dapat ito sa bikers, gitna pa kunti. Para sa ayala, para sa luwag.
01:32.5
Ang grupo naman ni Kenshin, agad sinubukan ang bagong ruta na tatakbuhan nila.
01:37.5
Especially dito sa Manila, wala masyadong spaces para magkaroon ng safe space for runners and cyclists.
01:43.9
So malaking tulong ito kahit once a week.
01:47.6
Ininspeksyon ni Manila Mayor Hany Lacuna ang lugar para masigurong maayos ang pagpapatupad ng road closure.
01:53.6
Tiniyak naman ang lokal na pamahalaan na may madaraanan pa rin ng mga motorista.
01:59.1
Kung mapapansin nyo may service road naman po tayo.
02:01.8
So yung service road natin magagamit for light vehicles, pati yung mabini, madadaanan din.
02:08.6
And tapos yung mga mas malalaki yung mga sasakyan ay bubuksan po natin o padadaanin natin sa Taft Avenue.
02:18.5
Maaari pa rin gamitin ang service road sa tabi ng Rojas Boulevard.
02:22.0
Pwede rin umikot sa Maria Orosa Street patungong Kalaw o di kaya'y dumaan sa MH Del Pilar.
02:28.4
Nakatakdang pirmahan bukas ang ordinansa.
02:31.2
Patuloy naman ang rehabilitasyon sa mga kalsada para sa maayos na pagpapatupad nito simula May 26.
02:38.3
Nagbabalita mula sa Frontline, Ian Suyo, News 5.
02:43.2
Mga kapatid, Andre Felix po.
02:45.5
Iba na ang may alam at may pakialam sa panahon ngayon.
02:48.4
Para sa tuloy-tuloy na balitaan sa Frontline kahit weekend, mag-follow at subscribe sa social media pages ng News 5.