01:03.8
Halina't pakinggan natin ang liham na pinadala ng ating letter sender.
01:12.1
Magandang gabi po sa inyo, Papagdudud, at magiging sa inyong mga tagapakinig.
01:18.0
Tawagin niyo na lamang po ako sa pangalang Shane, hindi ko tunay na pangalan.
01:24.0
Napasulat ako ng liham sa inyong programa dahil nais kong ibahagi ang isa sa aking mga karanasan nung ako ay bata pa lamang.
01:35.2
Ngayon pa lamang po ay humihingi na ako ng pasensya dahil hindi ako magaling sa pagsusulat at magkwento.
01:41.1
Ngunit ginawa ko ang abot ng aking makakaya para maisalaysay ang lahat ng aking natatandaan.
01:48.2
Papagdudud, lumaki ako sa isang simpleng pamilya na may simpleng pamumuhay.
01:54.0
Ang trabaho ng tatay ko ay isang jeepney driver at sinanay naman ay nagtitinda ng mga gulay noon sa bangketa, kung saan minsan ay sumasama kaming magkapatid.
02:05.7
Dalawa lamang po kami ng kapatid ko na si Shasha, hindi niya rin po tunay na pangalan.
02:11.6
Ako po ang panganay at siya naman ang bunso.
02:15.6
Mula nang wala nang nag-aangkat ng gulay kay nanay ay natigil na ang kanyang pagtitinda kaya naman napilitan siyang mga muhan.
02:22.8
At lumipat na rin kami ng bahay na matitirhan na malapit din sa bahay na pinagtatrabahuhan ni nanay.
02:30.3
Si tatay naman ay patuloy pa rin sa pamamasada ng kanyang jeep.
02:35.8
Uwian ang naging trabaho ni nanay noon at hindi siya nag-stay-in.
02:40.6
Nagbabantay lang naman kasi siya ng bata at buko noon ay tumutulong din sa paglilinis sa isa pang kasambahay na si Manang Teresa.
02:50.2
Kapag nakakauwi na ang mag-asawang pinag-aangkat, si Manang Teresa ay tumutulong din sa paglilinis sa isang kasambahay na si Manang Teresa.
02:52.8
At ang pinangangamuhan niya galing sa trabaho ay oras na rin ng pag-uwi ni nanay at Manang Teresa.
03:00.9
Sakto lang para sa aming apat ang bahay na aming inuupahan papadudot.
03:07.3
Masaya rin kaming pamilya dahil kahit papaano ay hindi naman kami kinakapos.
03:13.1
At naibibigay naman nila nanay at tatay ang pangangailangan naming magkakapatid.
03:18.7
Isang araw ng sabado ay naisipan naming maglaro ni Sasha.
03:22.4
Dahil bawal kaming lumabas ng aming bakuran, ay naglaro na lamang kaming magkapatid ng tago-taguan.
03:30.9
Doon ko nadiskubre ang isang balon na matatagpuan sa likod ng bahay na aming inuupahan.
03:39.7
Tago-taguan, maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim-diliman, dinig kong kanta ni Sasha dahil siya ang taya sa aming dalawa ng mga oras na yon.
03:52.4
Habang ako naman ay abala sa pagkahanap ng matatagpuan at nang makita ko na ang maaari kong pagtagpuan sa likod ng bahay, ay saka ako sumigaw.
04:04.0
Sabi ko pagkatapos ay nanahimik na ako para hindi ako matuntun ni Sasha.
04:09.1
Nang makarating sa likod bahay, ang bunso kong kapatid ay naririnig ko ang maing hinang yapak ng paa niya.
04:15.9
Nalo na't kapag natatapakan niya ang malulutong na dahong na lalaglag.
04:20.4
Mula sa malaking puno na nasa likod din ang aming bahay.
04:24.4
Ilang sandali pa ay nawala na ang mga yabag ng mga paa, kaya naman hindi na ako nakatiis at mula sa aking tinataguan ay tumayo na ako.
04:34.2
Nakita ko pa ang isang batang babae na nakatalikod mula sa aking kinakaroonan, kaya naman agad ko yung nilapitan sa pagkakalang si Sasha yon.
04:45.0
Inihakbang ko na ang aking paa upang lapitan ang batang yon.
04:49.6
Nang marinig ko ang kapatid,
04:50.4
Bum ate! May galak na sabi pa nito.
04:56.9
Nilingon ko ang direksyon ni Sasha ng may pagtataka.
05:01.2
At saglit kong ibinalik ang aking paningin sa kinatatayuan ng batang babaeng kanina lamang ay nakita ko.
05:07.3
Ngunit wala na yon doon na labis kong ipinagtataka.
05:11.4
Kinosot ko pa ang aking mata dahil hindi ako maaaring magkamali.
05:15.1
Mayroong batang babaeng nakatayo.
05:17.4
Nang patalikod malapit sa tinataguan ko kanina.
05:20.4
Ate, ikaw nang taya ha?
05:23.4
Sabi pa ng bunso kong kapatid sabay lapit sa akin.
05:27.1
Ate, okay ka lang?
05:30.0
Parang namumutla ka ate.
05:34.2
Sa totoo lang papadudot ay kinakabahan ako ng mga oras na yon.
05:38.9
Bilang bata ay nagisip ako kaagad na multo yon at baka nagpakita sa akin.
05:45.7
Ate, may balon pala dito sa likod ng bahay natin.
05:48.4
Nakita ko ang pagkamangka sa mukha ni Shasha at curious itong lumapit sa balon.
05:54.1
Nabaling naman muli ang atensyon ko doon at noong ko napansing may harang ang pinakabutas o bukana ng balon.
06:01.6
Ate, tanggalin natin yung harang.
06:03.7
Baka merong isda dyan o mga palaka.
06:06.3
Na-excite na sabi nitong ngunit tumanggi ako na buksan yon.
06:09.9
Sinabi ko na lang na hapo na rin at kailangan na naming maglinis ng bahay at magsaing dahil pauwi na sina nanay at tatay.
06:17.3
Yun kasi ang mga nakikita.
06:18.4
Nakatokang gawain sa amin tuwing hapon.
06:21.8
Noong sumapit ang gabi ng araw na yon, Papa Dudut ay naikwento ni Shasha ang tungkol sa balon sa likod ng aming bahay.
06:28.5
Alam na pala ni tatay ang tungkol doon.
06:30.8
Kaya naman sinabihan niya kami na huwag na huwag kaming maglalagi doon.
06:35.9
Dahil baka malaglag kami sa balon at hindi pa kami makuha.
06:41.8
Nang mga oras din na yon ay nalaman ni nanay ang tungkol sa balon sa likod ng bahay namin.
06:46.5
At kagaya ni tatay pinagsabihan niya rin kami na huwag kaming maglalagi sa likod bahay malapit sa balon dahil baka nga kung mapaano kami.
06:55.2
Wala kaming nagawa ni Shasha kung hindi ang sumunod na lamang.
06:59.2
Matapos kumain ay naghugas ng mga pinggan si nanay abang si tatay ay nagsigarilyo sa labas ng bahay.
07:06.8
Kami naman ni Shasha ay naghugas ng aming mga katawan dahil ilang minuto na lamang ay matutulog na rin kami.
07:14.2
Nang bigla ay narinig namin nagsalita.
07:20.3
Tigilan nyo na mga paglalaro at takbuhan.
07:23.3
Hindi pa't pinaglilinis namin kayo ng tatay ninyo ng katawan dahil matutulog na?
07:27.8
Sigaw ni nanay habang naghuhugas ito ng pinagkainan.
07:31.9
Agad namang kaming nagtakang magkapatid noon dahil sabay na kaming naghuhugas ng katawan gaya ng gabi-gabi naming ginagawa bago matulog.
07:41.3
Sino bang kausap mo Lourdes?
07:42.8
E naghuhugas na ng katawan ang dalawang bata.
07:45.4
Ang sabi ni tatay na pumasok na sa loob ng bahay matapos nitong magsigarilyo.
07:51.5
E sino yung napatigil si nanay nang makita kaming dalawang magkapatid na nakabalot ng tuwalya matapos naming maghugas ng katawan?
08:02.4
Sino yung alin? Tanong ni tatay rito.
08:06.2
Wala. Siguro ipagod lang ako.
08:09.2
Tanggipan ni nanay.
08:11.7
Hanggang sa isang araw sa labis na curious.
08:15.4
Nang aking kapatid na si Shasha kung ano ang makikita sa loob ng balon.
08:20.0
Ay napilitan akong tulungan siya na tanggalin ang nakatakip na trapal sa ibabaw noon.
08:26.3
Tanghali noon papadudot at magkasama kaming nakasakay sa duyan na ginawa ni tatay para sa aming dalawang magkapatid.
08:33.8
Nang maisipan ni Shasha ang tungkol sa balon sa likod bahay.
08:37.9
Ate, hindi ka palagtataka kung anong meron dun sa balon sa likod ng bahay natin?
08:43.4
Tanong ito sa akin na puno ng...
08:47.2
Ano mang ibig mong sabihin? Balik kong tanong dito.
08:51.1
Wala lang. Baka kasi may isda doon eh. O kaya mga palaka.
08:56.1
Ha? Ewan ko sa iyo Shasha. Kung ano-anong naiisip mo?
08:59.8
Hindi ba sabi nga sa atin ni tatay na iwasan natin na pumaroon doon sa balon dahil baka malaglag daw tayo?
09:06.7
Sige ka. Gusto mo ba na magalit si nanay at si tatay sa atin? Pananakot ko sa kanya.
09:12.1
Kung malalaman nilang pumunta tayo...
09:15.4
Basta natin yung takip nun, kaya't napagagalitan tayo.
09:18.9
Pero kung hindi nila malalaman, eh hindi sila magagalit.
09:23.0
Sabi pa nito na animo ay mas matanda pang mag-isip kumpara sa akin.
09:28.1
Sige na kasi ate. Samahan mo ko sa likod ng bahay. Buksan lang natin saglit.
09:33.5
Ibabalik din natin kaagad yung takip kapag nakita na natin ang loob ng balon.
09:38.6
Pamimilit pa nito sa akin.
09:40.5
Sa hindi ko maintindihan dahilan papadudod ay pumayag din naman ako sa gustong mangyari.
09:45.4
Ang bunso kong kapatid.
09:47.3
Marahil ay kinikiniti din ang aking curiosity sa kung ano nga ba ang pwede kong makita sa balon.
09:56.5
Sinamantala namin ng pagkakataon habang wala si nanay at tatay sa bahay.
10:02.0
Nang mga oras na yun ay dali-dali kaming pumunta sa likod ng bahay para isagawang naisip ng aking kapatid.
10:09.6
Sa una ay tinanggal muna namin ang mga ilang piraso ng kahoy na nasa ibabaw ng trapal.
10:15.4
Pagkatapos doon ay magkabila namin hinawakan ng trapal.
10:20.9
May kabigatan yun papadudod kaya't nakailanghila din kami bago bumungad sa amin ang laman ng balon.
10:29.2
Agad akong napatakip ng ilong dahil sa maalingasaw na amoy na nagmumula roon.
10:36.8
Sa risaring insekto din ang lumabas doon may langaw, lamok at gamugamo na siya namang hinawi naming magkapatid.
10:43.8
Para agad na makikita.
10:45.4
Nakikita ko anong meron sa loob ng balon.
10:48.5
Sa bukana nito ay medyo natatakot pa akong lumapit dahil baka kung anong bumungad sa akin ngunit agad-agad namang sumilip si Shasha.
10:56.8
Nang walang takot, gayon man ay agad din siyang napatras.
11:00.9
Napansin ko rin ang kanyang mukha na nakabusangot.
11:05.1
O, e bakit anong meron? Nakakita ka ba ng mga isda o palaka na gustong-gustong mong makita?
11:11.6
Agad na tanong ko dito.
11:13.3
Ang baho ating nakakasalita.
11:15.4
Kaso ka yung amoy ng balon?
11:17.4
Ang sabi nito ng naduduwal.
11:20.2
Ayan kasi, nagpumilit ka pang buksan.
11:23.1
Isarado na natin.
11:24.3
Baka maabutan pa tayo ni nananay at tatay dito at pagalitan pa tayo ang wika ko.
11:30.4
Teka lang ate, hindi mo pa nga sinisilip yung loob eh.
11:34.1
Saad naman ang bunso kong kapatid.
11:36.8
Eh ano naman titignan ko dyan?
11:38.1
Ikaw lang naman ang nagpupumilit na buksan yan eh.
11:40.7
Tinulungan lang naman kita.
11:42.9
Kahit na, isasarado na lang natin.
11:49.1
O sige na, sige na.
11:51.1
Nang sabihin ko yun ay agad naman akong sumilip sa balon habang takip-takip ng kaliwang kamay ko ang aking ilong.
11:57.6
Dahil na rin sa maaling ngasaw na amoy mula roon.
12:01.1
Nang mga oras na yun, Papa Dudut, ay wala naman akong ina-expect na kung anong makikita doon bukod sa putik.
12:07.1
At natuyong tubig mula roon.
12:09.9
Ngunit, gano'n na lamang ang takot na nadam ako.
12:12.9
Nang makakita ako ng isang babaeng...
12:15.4
puting-puti ang mukha na nakatingin sa akin habang kumakamay.
12:21.0
Blanko ang ekspresyo ng mukha nito.
12:23.2
Kaya naman hindi naging malinaw sa akin ang kanyang imahe.
12:27.0
Hindi ko matandaan ang lahat dahil agad akong umatras mula sa pagkakasilip sa balon na yun.
12:32.7
Ngunit sa kabila ng dilim sa loob ng malalim na balon ay tila may liwanag na nakalaan para lang makita ko ang kanyang mukha
12:40.0
at rumihistro sa akin ang kanyang nakakakilabot na anyo.
12:45.4
Natulala ka na dyan? Ang baho no? Nakakasok ka?
12:49.4
Tara na, isarado na natin.
12:51.4
Uwi ka ng kapatid ko, ngunit hindi agad ako nakatugon dahil nagpoproseso pa ang utak ko sa aking nakita mula sa loob ng balon.
12:59.4
Ate, okay ka lang ba?
13:01.4
Tanong pang muli sa akin ni Shasha.
13:03.4
Oo, ayos lang ako. Tara na, itakip na natin ang trapal sa balon.
13:09.4
Agad naming ginawa yun at hindi na ako tumitig pa sa loob noon.
13:13.4
Dahil natatakot akong balon.
13:14.4
Dahil natatakot akong balon.
13:14.9
Dahil natatakot akong balon.
13:15.4
Baka makita ko ulit ang mukha ng babae na iyon na ayaw ko nang muli pang masilayan.
13:21.4
Hanggang sa sumapit ang gabi ay hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa batang babae sa loob ng balon.
13:29.4
Kahit na nga init na init at maalinsangan ang panahon ay nagtalukbong ako ng kumot dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay makikita ko ulit ang batang babae na iyon.
13:40.4
Hanggang sa pagtulog ay dala ko pa rin ang pag-iisip tungkol doon.
13:44.9
Dahilan para sumagi sya maging sa aking panaginip na sobrang linaw at hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang nangyari.
13:49.9
Dahilan para sumagi sya maging sa aking panaginip na sobrang linaw at hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang nangyari.
13:54.9
Hapo noon at maulan, nakadungaw lamang ako sa aming bintana kong saan ay tanawang likod ng aming bahay na kung saan ay naroon ang balon.
14:05.9
Kita ko rin sa labas ang isang batang lalaki at babae na naliligo sa malakas na buhos ng ulan.
14:10.0
Kita ko rin sa labas ang isang batang lalaki at babae na naliligo sa malakas na buhos ng ulan.
14:13.9
Hanggang sa mahabol ng batang babae ang batang lalaki at nataya niya ito.
14:22.0
Kita naman sa itsura ng batang lalaki ang pagkainis at sa hindi sinasadyang pangyayari na itulak niya ang batang babae sa balon na naging dahilan ng pagkahulog niya rito.
14:32.3
Matapos noon ay tila natulala ako dahil sa mga nangyari hanggang sa napalitan ng eksena sa panaginip ko
14:40.7
kung saan ay nakahikaraw ako sa papag at nakapaimbabaw sa akin ang batang babae na hindi ko maaninagamuka.
14:48.7
Habang sakal-sakal ako nito, nang mahigpit sa aking liig dahilan upang hindi ako makahinga ng maluwag.
14:55.8
Napabango na lamang ako nang maramdaman ko ang tapik ni nanay.
15:00.5
Tanghali na pala ng mga oras.
15:02.3
Ang sabi ni nanay ay kanina pa niya akong tinatawag para gumising ngunit hindi raw ako tumutugon.
15:10.0
Kaya naman tinabik na niya ako para gisingin dahil nakita niya raw na para daw akong nahihirapang huminga.
15:16.3
Sa mga nagdaang araw papadudot ay nawala sa isipan ko ang tungkol sa batang babaeng multo na yon.
15:22.4
Hanggang sa isang araw ay maging si tatay ay pinaramdaman na rin ito.
15:27.5
Tanghali noon oras ng siyesta.
15:30.0
Nakahiga noon si tatay sa upuang yari sa kawalan.
15:32.3
Na nasa maliit naming balkonahin ang bigla niya kaming sawayin.
15:37.4
Siya siya Shane, tingilan niyo na nga ang paglalaro.
15:41.6
Kapag hindi kayo natulog ngayong tanghali ay hindi kayo makakapaglaro mamayang hapon.
15:46.9
Tila naiirit ang sabi nito.
15:49.9
Ano ka ba naman Hernan? Nananahimik ang mga anak mo?
15:52.9
Tugon ni nanay rito.
15:55.0
Kanina pa ako nakakarinig ng hagig hikan dyan eh paanong nananahimik?
15:60.0
Sa mga pagkakataon yun ay hindi naman.
16:02.3
Ay namuling sumagot pa si nanay.
16:04.4
Ako naman ay nanahimik at nagmunimuni na lamang at hindi pinansin pa si tatay.
16:10.0
Kilala ko kasi si tatay papadudot ayaw niya nang sinasagot siya.
16:14.8
Lumipas ang ilang pang minuto nang hindi pa rin ako inaantok ng tanghaling yun.
16:20.2
Samantalang si siya siya tatay at nanay ay nakaidlip na.
16:23.9
Dinig ko pa nga noon ang mahihinang hilik ni tatay na bigla na lamang akong nakakarinig ng mahina ring hagig hik.
16:32.3
Ipinagtaka ko naman kung saan galing yun dahil imposibleng may hagig hik dahil bukod sa akin ay wala namang iba pang gising.
16:41.4
Maya maya pa ay narinig kong parang umuungol si tatay ngunit hindi ko kaagad yun pinagtuunan ng pansin.
16:48.3
Madalas na kasing mangyari sa kanya yun kapag natutulog.
16:52.1
Lalo na at kapag pagod siya sa pamamasada ng jeep.
16:55.8
Mas binigyan ko ng pansin ang mga mahihinang hagig hik na hindi ko alam kung saan ang gagaling.
17:02.3
Ilang sigundo pang nagdaan papadudot iba ang nagiging pakiramdam ko.
17:06.7
Kasabay ng tila mahihinang hagig hik ay ang paglalim ng umuungol ni tatay.
17:12.8
Napabangon ako ng dahil doon at tinanaw ko siya mula sa aking pwesto.
17:17.3
Tila malalim na ang paghinga niya papadudot na parabang kinakapos na siya ng hangin.
17:23.2
Dadi-dali ko namang ginising si nanay at sinabi ko ang nangyayari kay tatay.
17:27.5
Agad namang nagising si nanay mula sa mababaw na idli.
17:32.3
At bumangon para tapikin at gisingin si tatay.
17:35.9
Nang magmulad si tatay ng kanyang mga mata,
17:38.7
ay napahawak siya sa kanyang dibdib habang habol ang kanyang hininga.
17:43.0
Agad namang kaming nagalala noon ni nanay dahil mga ilang minuto rin ang nagdaan bago nakapagsalita si tatay.
17:50.6
Inutosan naman ako ni nanay na kumuha ng isang baso ng tubig upang mahimasmasan si tatay at makahinga ng maayos.
17:58.5
Pagbaliko mula sa pagkuhan ng tubig ay medyo maayos.
18:02.3
Tapos na ang paghinga ni tatay.
18:04.5
Agad ko namang inabot dito ang isang basong tubig na agad din niyang ininom.
18:09.5
Ilang sandali pa ay naimasmasan na siya at hindi na niya hinahabol ang kanyang hininga.
18:15.5
Ano bang nangyari sa iyo Hernan?
18:17.4
Nag-aralang tanong pa ni nanay dito.
18:20.2
May batang babae?
18:22.2
Bitin na sabi nito.
18:25.5
Nagtatakang tanong pa ni nanay.
18:29.2
Ang ibig sabihin po ay nagpapakita na lang sa inyo.
18:32.3
Tay, kinakabahang tanong ko.
18:35.0
Anong ibig mong sabihin Shane?
18:37.0
Hindi ko kayo naiintindihan ang wika ni nanay.
18:40.7
Batid kong litong-lito na rin siya ng mga oras na yon papadudot.
18:44.9
Hindi ko rin alam nay eh.
18:46.6
Nagsimula po yung pagpapakita niya nung buksan namin ni Shasha yung balon sa likod ng bahay.
18:51.3
Tugon ko kay nanay.
18:53.1
Noon din ay ikinuwento ko kay nanay ang ginawa naming pagbubukas ng takip ng balon sa likod ng aming bahay.
18:59.5
Nagulat si nanay at nakita ko rin na natakot.
19:02.3
Sa pagkakataong yun ay nakita ko naman na naniniwala si nanay sa ikinuwento ko.
19:08.3
Sa takot pa nga niya ay napaantanda siya.
19:12.0
Imbis na pagalitan kami sa aming ginawa ay sinabihan niya kami na lagi kami magdarasal at mag-iingat lalo na at kapag wala sila at nasa trabaho.
19:22.3
Kinagabihan kahit na natatakot sa nangyari ay nagdasal kami ng sabay-sabay bago matulog.
19:27.8
Pinangunahan ni tatay ang pagdarasal at ipinalarangin namin na sana ay lubayan na kami.
19:32.3
Kami nang kung sino man na ispirito ng batang babaeng yun.
19:36.0
Ilang araw ding hindi pumasok si nanay sa trabaho para bantayan kami ni siya siya habang si tatay naman ay patuloy sa pamamasada ng jeep.
19:44.4
Baon niya ang isang bendetadong rosaryo para lang masiguradong ligtas siya sa kalsada.
19:50.9
Sa mga nagdaang araw mula ng pangyayaring yun ay naging maayos naman ang lahat papadudut.
19:56.2
Hanggang sa isang araw ay isang babaeng hindi nagpakilala ang kumausap kay nanay
20:00.3
habang nagwawali siya sa bakura.
20:02.3
Ang mga sandaling yun.
20:04.1
Nakaupo lang ako noon sa isang bangkinitong gawa sa kahoy sa likod bahay
20:08.3
habang pinagmamasdan si nanay na nagwawalis.
20:12.1
Si siya siya naman ay abalang naglalaro ng mga Barbie
20:15.0
sa may sala sa loob ng bahay.
20:19.2
Sinitsitan ng matandang babae na yun si nanay kaya naman nabaling ang atensyon niya dito.
20:24.2
Batid ko na nagdalawang isip si nanay na lapitan ito papadudut
20:27.5
gayon pa man ay ginawa pa rin niyang
20:29.4
lumapit upang tanungin kung ano ang kailangan.
20:36.3
Hindi agad sumagot ang matanda at parang ginala pa nito ang tingin sa aming bakuran.
20:42.3
Anong kailangan ninyo?
20:44.3
Ulit pa ang tanong ni nanay.
20:46.3
Binuksan niyo ang balon kaya nagbalik siya.
20:49.3
Misteryosong pahayag nito.
20:52.3
Nagtatakang tanong pa ni nanay.
20:55.3
Ang batang babaeng hinulog siya dyan sa balon nang minsan maglaro sila ng kapatid niya.
21:02.3
Nakala nila aksidente lang ang lahat.
21:04.3
Hindi nila alam na sinadyang ihulog ng kapatid na lalaki ang batang babaeng iyon dahil galit siya rito.
21:12.3
Ang atensyon ay palagi nasa batang babae dahil sakitin nito at mahina.
21:17.3
Tuloy tuloy nakwento pa nito.
21:19.3
Sino ba nga ang tinutukoy ninyo ali?
21:21.3
Tanong pa ni nanay sa matandang babae.
21:25.3
Ipagdasal ninyo ang kaluluwa niya.
21:27.3
Ipanalangan ninyo na makita na niya ang liwanag para hindi na niya kayo ginagamba.
21:33.3
Papadudot tahimik akong nakikinig sa sinasabi ng babaeng iyon kay nanay.
21:38.3
Kahit na medyo malayo ako sa kinakaroonan nila ay narinig ko ang sinasabi ng istrangherang ali.
21:44.3
Pagkatapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon ay nagmadali itong umalis.
21:48.3
Ni hindi na ito lumingon pa kay nanay at katakatakang mabilis itong nawala.
21:53.3
Noon din ay napagtagni-tagni ko ang lahat.
21:56.3
Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ng matandang iyon ngunit kung babalikan ko ang mga nangyari ay,
22:01.3
may kukonekta ko iyon sa aking panaginip tungkol sa dalawang batang naglalaro sa likod bahay at nahulog na batang babae sa balon.
22:09.3
Gayunman ay nag-iwan iyon sa amin nila nanay ng malaking palaisipan.
22:14.3
Sino ang istrangherang ali? Paano niya nalaman ng tungkol sa kababalaghan sa balon?
22:20.3
Mga tanong na hindi namin nahanapan ng kasagutan noon.
22:24.3
Kahit na nagdadalawang isip sa mga sinabi ng matandang babae ay pinabindisyonan at pinadasalan.
22:31.3
Pagkakita namin ang balon na iyon, maging ang buong bahay papadudot.
22:36.3
Nang sagayon ay makita ng batang babaeng kaluluwa ang kanyang daan patungo sa liwanag.
22:43.3
Matapos sa mga pangyayaring iyon ay masasabi kong naging maliwalas ang ora ng bahay at hindi na ako nakaramdam ng takot at pananayon ang balahibo maging sinananay.
22:55.3
Tunay na napaka misteryoso ng mundong ito papadudot.
22:59.3
Maraming bagay na mahirap ipaliwanag ng ating isipan.
23:02.3
Kaya naman patuloy tayong humahanap ng kasagutan sa mga bagay na hindi kayang arokin ninuman.
23:08.3
Ngayon ay hindi na kami nakatira sa bahay na iyon dahil nakabili na rin sila nanay at natay ng sarili naming bahay dahil sa kanilang pagsusumikap.
23:17.3
Wala na rin kaming balita sa lugar na iyon simula nang makalipat kami sa aming sariling bahay.
23:23.3
Gayunman ay ipinapanalangin ko pa rin na sana ay nakatawid na ng matiwasay sa kabilang mundo.
23:29.3
Ang batang babaeng multo na minsan nagbigay sa amin ang takot at kilabot.
23:34.3
Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang lumipas ang mahabang panahon at oras na lamang ang nakapagsiwalat sa malaghim na pangyayaring sinapit ng batang babaeng iyon.
23:44.3
Kung hindi pa siguro kami kinausap ng isranghera ang ali na iyon ay hindi pa namin malalaman ang natatagong kwento sa likod ng balon.
23:53.3
Sa palagay ko hanggang dito na labang ang liham ko ang ito papadudot.
23:57.3
Pasensya na kayo kung hindi ito sobrang nakakatakot at may kaiklihan.
24:01.3
Gayunman sana'y nag-enjoy kayo sa pakikinig sa kwento kong ito.
24:08.3
Lubos na gumagalang Shane
24:11.3
Maraming salamat sa iyo Shane at salamat din sa iyong pamilya dahil kayo ay nagsilbing instrumento upang makita ng batang multo ang daan patungo sa kabilang buhay.
24:23.3
Nawa ngayon ay kapiling niya ang mahanap.
24:26.3
Ang mahal nating tagapaglika at maayos na ang kanyang naging kalagayan.
24:31.3
Maraming salamat din sa iyo dahil hindi ka nagdalawang isip na ibahagi sa akin at sa mga tagapakinig ang isa sa iyong mga karanasan.
24:42.3
Muli maraming salamat at magandang gabi sa inyong lahat.
24:56.3
Ang buhay ay mahihwaga
25:10.3
Laging may lungkot at saya
25:16.3
Sa papatudod stories
25:21.3
Laging may karamay ka
25:26.3
Mga problemang kaibigan
25:34.3
Dito ay pakikinggan ka
25:41.3
Sa papatudod stories
25:46.3
Kami ay iyong kasama
25:53.3
Dito sa papatudod stories
25:55.3
Ikaw ay hindi nag-iisa
26:05.3
Dito sa papatudod stories
26:11.3
May nagmamahal sa'yo
26:19.3
Papatudod stories
26:23.3
Papatudod stories
26:33.3
Papatudod stories
26:39.3
Hello mga ka-online! Ako po ang inyong si Papatudod.
26:42.3
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
26:46.3
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood ninyo.
26:51.3
Maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.