* AI ("Artificial Intelligence") subtitles on Tagalog.com are generated using "Whisper" by OpenAI (the same company that created ChatGPT and DallE2). Results and accuracy may vary.
* The subtitles do include errors occasionally and should only be used as a tool to help with your listening practice.
* You can request this website to create a transcript for a video if one doesn't already exist by clicking the "Request AI Subtitles" button below a video. Transcribing usually takes 30-40% of the length of a video to complete if there are no other videos in
the queue. For example, a 21 minute video will take 7-8 minutes to transcribe.
* Running a super fast cloud GPU server to do these transcriptions does cost money. If you have the desire and financial ability, consider
becoming a patron
to support these video transcriptions, and the other tools and apps built by Tagalog.com
00:00.0
Hindi ko na po matandaan, Your Honor, Mayor ng Bamban, Tarlac, nagka-amnesya.
00:06.0
Halos malunod sa rebelasyon ang mga mambabatas pati na ang Pilipino
00:10.9
sa ginanap na hearing kamakailan lamang patungkol sa Alkalde ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Gou.
00:18.1
Ito ay matapos maiugnay ang pangalan ng Alkalde sa nadiskubring iligal na pogo operasyon sa kanilang lugar.
00:25.5
Ang natuklasan, hindi lamang ang mga iligal na aktibidad ng kanyang kumpanya
00:30.6
na sangkot sa hacking and surveillance activity sa bansa, lalo na sa mga government agency,
00:36.7
maging ang kanyang pagkakakilanlan, kinwestiyon.
00:40.3
Totoo kaya na Chinese si Mayor Alice Gou?
00:44.2
Paano siya pinayagang tumakbo sa politika at nanalo?
00:48.2
Kung ang kanyang public records na sinasabing siya ay Pilipino ay kaduda-duda.
00:53.1
Kung isa man siyang Chinese.
00:55.0
Ano ang implikasyon nito sa national security ng bansa?
00:59.2
Yan ang ating aalamin.
01:05.6
Pogo operations sa Pilipinas
01:08.1
Ang Pogo o Philippine Offshore Gaming Operations ay sinimula noong 2016 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:16.8
upang payagan ang online gambling sa mga malalaking sudad sa bansa.
01:21.6
Ang Pogo ay nasa ilalim ng PAG Corps o Philippines.
01:25.0
Ito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation na siyang nagbibigay ng mga lisensya sa mga service providers
01:31.1
na mag-operate ng online gambling, gaya ng online sabong, online kasino, at iba pang uri ng sugal online.
01:40.6
Karamihan sa mga kumpanyang nakakuha ng Pogo licenses ay mga Chinese
01:45.5
at ang mga businesses na ito ang siyang dahilan kung bakit ang PAG Corps ang third largest contributor sa kabuoang pera ng bansa.
01:55.0
Galing sa buwis at pera sa customs.
01:58.2
Ito rin ang most profitable state-owned enterprise ng Pilipinas na siyang nagdadala ng maraming kita sa bansa para sa mga proyekto nito.
02:05.9
Sa kabila ng magandang dulot nito sa ekonomiya ng bansa, karamihan sa mga Pilipino ay hindi pabor na payagan ang mga Pogo na manatili at mag-operate sa bansa.
02:16.8
Batay sa pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia Research Incorporated ngayong Enero 2024.
02:23.9
Ang mga paunahing dahilan.
02:25.0
Ang mga paunahing dahilan na binanggit ng mga respondent para sa kanilang hindi pagpabor ay ang pagtaas ng insidente ng krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals na nasa 59%
02:35.4
at ang paglaganap ng mga bisyo na nasa 56%, tumataas na bilang ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa na nasa 48%
02:44.4
at pag-iwas sa buwis na ginawa ng ilang Pogo operator na nasa 39%.
02:49.5
Kakulangan ang oportunidad na ibinibigay sa mga Pilipino na nasa 34% at pagtaas ng insidente ng krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese nationals na nasa 39%.
02:55.0
Ang mga paunahing dahilan na binanggit ng mga Pulse Asia Research Incorporated na isinagawa ng Pulse Asia Research Incorporated na nasa 57% at pagtaas ng insidente ng krimen na nasa 37%.
02:59.6
Kasama sa iba pang mga kadahilanang binanggit ang isang paniniwala na ang pagsusugal ay laban sa Islam.
03:05.8
Dahil ang Pogo ay isang sugal online, mataas ang posibilidad ng cybercrimes gaya ng hacking at surveillance na itinuturo ng isang intel na nangyayari sa Bambantarlak.
03:16.4
Ngunit higit pala dito ang matutuklasan sa ni-raid ni Zun Yuan Technology Incorporated Facilities na nasa likod lang ng munisipyo.
03:25.0
Alkalde, dahil ng kwestyonin ang pagkataon ni Mayor, unti-unting lumalabas ang posibilidad na siya ay isang Chinese na nagpapanggap lamang na Pilipino.
03:36.4
Iniimbestigahan ngayon si Mayor Alice Guo ng Bambantarlak sa pinanghihinalang koneksyon niya sa Pogo Companies sa kanyang lugar.
03:44.7
Ang Pogo Compound ay pinanghihinala ang sangkot sa human trafficking at serious illegal detention nang makatakas ang isang Vietnamese sa kamay nila noong Pebrero.
03:54.2
At nagsumbong sa otoridad, natagpuan sa lugar ang 38 sasakyan na lahat ay pagmamayari ni Guo at ilang dokumento ng transaksyon.
04:04.1
50% owned ni Guo ang Bao Fu Corporation na nagmamayari ng Pogo Compounds na ni-raid noong 2023 at 2024.
04:13.2
Anya, dati siyang mayari ng lupa, ngunit nang tumakbo ay binenta niya ang kanyang shares.
04:18.2
Ngunit matapos hindi niya magawang makapagpresent ng personal records na magpapatunay sa kanyang sasakyan.
04:25.0
Bilang Pilipino, nagsulputan ang mga tanong kung isa nga ba siyang Chinese National o isang asset na itinanim upang humawak ng impluensya at kapangyarihan sa politika ng Pilipinas.
04:36.3
Hindi natukoy kung saan siya nanggaling at paano siya napadpad sa Pilipinas.
04:40.4
Siya ay pinanganak noong 1986, ngunit delayed ang kanyang birth registration ng 17 years.
04:47.3
Nang tanungin kung bakit, hindi niya raw alam.
04:49.8
Wala rin siyang hospital records of birth. Paliwanag niya?
04:54.2
Pinanganak siya sa bahay, ngunit di niya alam kung ano ang eksaktong lokasyon nito.
04:58.8
Ang pangalan ng kanyang ina ay si Amelia Leal, ngunit sabi niya ay hindi siya lumaki kasama ito.
05:04.4
Ang kanyang ama naman ay si Angelito Guo, isang private businessman at kinikilalang Pilipino sa birth certificate ni Mayor.
05:13.0
Pero sa business document nila, Chinese ang nakasaad na nationality nito.
05:17.9
Inamin din ni Mayor Alice Kinalaunan na ang totoong pangalan ng kanyang ama ay Jianzhuang Guo, at ang Angelito Guo ay ang kanyang Filipino name lang.
05:28.1
Lumaki siya sa isang farm na may negosong babuyan.
05:31.3
Kwestiyonable din kung siya ay nag-aaral sa Pilipinas dahil wala siyang school records.
05:36.0
Ang paliwanag ni Mayor, siya ay homeschooled mula elementarya hanggang high school, ngunit hindi nag-college.
05:42.3
Wala siyang maipakitang diploma o completion certificate.
05:46.3
Nang tanungin kung ano ang homeschool program.
05:47.9
Provider niya, hindi niya rin daw matandaan.
05:50.6
Tanging pangalan lang ng teacher niya ang kanyang natatandaan.
05:54.1
Paliwanag niya, nagbibigay lang diumano si teacher Rubili na mga libro at learning materials sa kanya, at hindi nagbibigay ng marka.
06:01.8
Paano siya totoong nakapagtapos kung ganun?
06:04.0
Sa kabila ng manipis niyang records, si Mayor Alice Guo ay nakapag-file ng candidacy at nanalo bilang kauna-unahang babaeng mayor ng Bambantarlac noong 2022 elections bilang independent candidate.
06:16.2
Ayon sa mga taga Bambantarlac,
06:17.9
Bigla lang lumutang na parang kabuti ang pangalan ni Mayor Alice Guo noong eleksyon.
06:23.1
Wala ni isa ang nakakilala sa alkalde.
06:25.4
Ayon sa batas ng Pilipinas,
06:27.3
ang isang ihahalal na opisyal ay Pilipino, kwalipikadong butante,
06:31.3
presidente ng distrito, munisipalidad, lungsod o probinsya kung saan siya tatakbo,
06:36.4
o kung hindi naman ay dapat nanirahan doon ng humigit kumulang 6 na buwan sa oras ng pagsumite ng kanyang certificate of candidacy.
06:43.6
Na-request na ng Senado ang statement of accounts, liabilities,
06:47.9
and networks ni Mayor Alice Guo upang mabigyang linawang kanyang totoong identidad.
06:53.8
O sa naman lang ang pagkakakilanlan na nais niyang palabasin.
06:57.6
Chinese Assets at Banta sa National Security
07:00.6
Hindi na bago sa bansa ang ganitong mga kaso.
07:04.3
Sa mga naunang raid ng Pogo Hub, natuklasan na ang mga Chinese na nagtatrabaho doon
07:09.5
ay may mga hawak na Philippine ID at dokumento mula sa SSS, BIR, PhilHealth at iba pa.
07:16.0
Katulad din ito na mga Chinese na naharang sa Bangkok ng Philippine Embassy dahil sa mga hawak nilang Philippine Passports at ID
07:23.2
na nagsasabing sila raw ay Pilipino.
07:26.1
Mayroon pang ang mga dayuhang nakakapasok sa bansa upang gumawa ng krimen gamit ang sagrado nating mga dokumento.
07:32.5
Sila, imbis na mga natural-born Filipino, ang nakikinabang sa mga karapatan at social benefits na dapat ay para sa mga Pilipino.
07:40.4
Kung mapapatunayan na isang ang Chinese National si Mayor Alice Guo,
07:44.2
katulad ba siya ng hindi matukoy na bilang ng mga Chinese na ipinapapasok sa ating gobyerno upang humawak na impluensya sa ating bansa?
07:51.9
Ngayong itinanggi niyang inkorporator lamang siya at hindi may-ari ng Pogo na na-raid sa kanilang lugar?
07:57.5
Bakit ang metro ng kuryente sa compound ay nakalagay pa rin sa kanyang pangalan?
08:01.9
Bakit sa loob ng dalawang beses na pag-raid ng Bamba noong 2023 at March 2024, patuloy pa rin silang nag-ooperate?
08:09.9
Hindi kaya malabong protektado ito ni Alcalde?
08:12.3
Ayon kay Sen. Jontiveros,
08:14.2
Kung ito nga ang magiging ruta ng kanilang imbestigasyon,
08:17.4
hindi lamang nito binabastos ang integridad na mga opisinang naglalabas ng ganitong dokumento.
08:22.6
Maaari ding kwestyonin ang mga opisinang nagbigay sa kanyang pahintulot na tumakbo sa halalan
08:27.4
at ang mga nameke ng kanyang dokumento.
08:30.0
Hindi ito patas, lalo na't para sa maraming Pilipino,
08:33.1
na nahihirapang makakuha ng trabaho dahil sa mga kulang na papeles at mga hinihinging patong-patong na ID.
08:38.9
Ang paggamit ni Mayor Guo ng Filipino identity ay isang insulto sa mga totoong papeles.
08:44.8
Higit pa rito, nararapat ding kwestyonin ng kasalukuyang administrasyon
08:49.3
kung naging bahagi din pa ng Gentleman's Agreement
08:52.6
sa pagitan ni Duterte at ni Xi Jinping ang pagtaguyod ng POGO operation sa bansa.
08:58.8
Sa kabila ng malaking revenue na nakukuha dito,
09:01.7
nananatili pa rin dapat na priority ng bansa ang siguridad,
09:05.0
lalo na ngayong nagkakaroon ng tensyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng dalawang bansa.
09:10.1
Ikaw, anong masasabi mo sa videong ito?
09:12.7
Ikomento mo naman sa iba pa!
09:14.3
Pakilike ang ating video, i-share mo na rin sa iba.
09:17.7
Salamat at God bless!