01:09.7
Magandang araw po sa inyong lahat at sa mga magiliw na tagapakinig at tagasubaybay ng inyong programang Papagdudud Stories.
01:17.8
Una sa lahat ay gusto ko pong magpasalamat sa chance na ibinigay ninyo sa aming mga listeners.
01:24.0
Na may bahagi ang mga kwento ng aming buhay, mapaituman ay kwento ng pag-ibig, pag-asa o katatakutan.
01:34.5
Ako nga pala si Sidney, 27 years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang bank manager.
01:42.7
Masaya naman ako sa buhay, Papagdudud, kung ako po ang tatanungin ninyo.
01:47.1
Masaya dahil na-meet ko na ang lalaking mamahaling ko sa habang buhay.
01:51.2
At ang liham kong ito ay tungkol sa aming love story, Papagdudud.
01:56.5
Una sa lahat ay pasensya na kung hindi gaano kaganda ang paglalahad ko ng aking istorya.
02:02.2
First time ko kasing sumulat sa ganitong klase ng programa.
02:07.5
Isa pa ay huwag sana kayong maumay sa ikikwento ko dahil gusto ko lang talagang ibahagi
02:12.1
kung gaano kaganda, kapait at kasaya ang love story namin ng aking hobby.
02:18.8
Ito na nga, hindi na ako magpapatumpin.
02:21.2
Masiktumpig pa at sisimulan ko na ang pagkakwento.
02:24.6
Lumaki ako dito sa lungsod ng Maynila, Papagdudud.
02:28.1
Dito na ako nagkaisip at nagdalaga.
02:30.7
Bata pa lamang ay nangangarap na ako na makilala ko ang taong mamahaling ko ng habang buhay.
02:38.0
Naalala ko nga noong grade 5 nang minsang pinasulat kami ng aming teacher kung anong dream namin paglaki.
02:44.5
Isinulat ko sa papel na sana ay makilala ko na ang magiging Prince Charming ko.
02:51.2
Tandang-tanda ako yun dahil napagsabihan ako ni Mama ng tungkol doon.
02:56.4
Hindi naman niya ako pinagalitan, pinagsabihan niya lamang ako na huwag ko raw mamadaliin na makilala ang taong magpapasya sakin.
03:05.1
Dahil sabi niya, there's more to life than meeting your special someone.
03:10.5
Pero dahil bata pa ako, hindi pumasok sa isipan ko ang sinasabing niyo ni Mama.
03:17.0
Dala siguro ng hilig ko sa panunood ng mga Disney Princess.
03:21.2
At mga Barbie movies to.
03:23.4
Kaya ganoon na lamang ang pagnanais ko na makilala ang taong magpapatibok ng puso ko.
03:29.8
Nang tumungtong ako ng first year high school ay mas pinag-igihan ko ang pag-aaral.
03:36.1
Nawala na rin sa isipan ko ang kagustuhan na mamit ang Prince Charming ng buhay ko.
03:41.2
Dahil noong grade 6 ay graduate ako bilang salutatorian at pinangako ko kay Mama
03:47.1
na sa pagtungtong ko ng junior high school ay susungkiting ko ang titulong
03:53.2
Pero naisip kong mababago yata ang ihip ng hangin dahil nakilala ko si Prince.
03:59.1
Si Prince ay palagi ang kalaban ko pagdating sa honor roll.
04:03.1
Paano yung graduate siyang bilang valediktoryan noong siya ay elementary
04:06.3
at talagang magaling siya papadudot.
04:09.7
Hindi lang sa academics kundi maging sa extracurricular activities na rin.
04:14.7
Bukod sa matalino si Prince.
04:18.4
Napakagwapo pa niya.
04:21.1
Pinkish white ang pisngi.
04:23.0
Mahaba ang pilikmata at napakaputi ng ngiping pantay-pantay.
04:27.8
At masasabi kong kutis mayaman.
04:30.1
Purong Pinoy pero itsurang may lahi si Prince papadudot.
04:34.6
Dumating sa punto na nagpapaubaya ako para kay Prince pagdating sa pagiging competitive.
04:43.4
Nahulog yata ako sa kanya.
04:46.6
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko noon.
04:49.4
Kabata-bata ko pa.
04:50.7
Ay gano'n na ako kung ma-inlove.
04:53.2
May isang beses noon nang ititrain kami sa journalism ng aming coach dahil malapit na ang division contest.
05:00.7
Nakatitig lamang ako sa kanya habang nagdodrawing siya.
05:03.9
Bukod sa matalino si Prince ay napakatalented pa niya pagdating sa pagguhit.
05:10.1
Kaya nga siya ang kinuha sa kategory ng editorial cartooning noon.
05:14.5
Alam mo ba papadudot na hindi na ako nakapagsulat ng banita dahil sa buong oras na magkasama kami sa
05:20.6
journalism room ay halos pagtitig lang kay Prince ang ginawa ko.
05:26.4
Bumalik na lamang ako sa huwisyo ng kalabitin ako ni Maya, nakaklase at kaibigan ko rin, nakasama rin namin sa journalism club.
05:37.3
Wala ka nang ginawa dyan kung hindi ang titigan si Prince.
05:40.1
Natatawang sabi pa nito.
05:42.3
Narinig pa yata ni Prince ang sinabi nyo ni Maya kaya napalingon ito sa amin habang umiiling-iling at nakangisi.
05:48.3
Anong nakatitig ka dyan? Hindi kaya? Pagtatanggi ko.
05:55.0
Kung hindi ka nakatitig, e bakit wala ka pang naisusulat na balita dyan sa papel mo?
06:00.3
Blanko pa rin oh.
06:02.3
Tukoy nito sa papel na hawak ko.
06:05.8
E syempre nag-iisip pa ako.
06:08.5
Hindi ko naman kasi napanood yung pinapagawang balita sa akin ni Coach.
06:14.1
Wala kong ideya dito.
06:15.7
Pangangatwiran ko pa.
06:18.3
Ayaw mo pang aminin.
06:21.6
Maiwan na muna kita dyan.
06:23.7
Gutom na kasi ako.
06:25.4
Tapos na ako sa pinapagawa ni Coach.
06:28.2
May ipapabili ka ba?
06:30.5
Isasabay na kita.
06:33.0
Ah wala, hindi pa ako gutom eh.
06:35.4
Sige na, kumain ka na muna.
06:37.6
Pagkasabi ko noon ay lalabas na sana si Maya ng journalism room nang bigla siyang tinawag ni Prince.
06:44.9
Ah Maya, pwede ba ako makisuyo?
06:48.3
Magpapabilisan na ako ng chicken sandwich?
06:56.2
May ikling sagot nito, sabay-abot ng pera kay Maya.
07:00.2
Okay, hintay mo nalang ako dito.
07:02.2
Diyan muna kayo ha, paalam pa ni Maya.
07:06.2
Nang umalis si Maya para pumunta ng kantina ay medyo naging awkward ang oras na yon para sa amin ni Prince.
07:12.2
Walang nagfa-first move na makipag-usap.
07:15.2
Hindi pa naman kasi kami gaanong kaklose.
07:17.2
Kahit na makikita.
07:18.1
Nang magkaklase kami.
07:19.1
Kaya wala rin kaming mapag-usapan.
07:22.1
Kung mag-uusap man kami ay casual labang at laging tungkol labang sa school-related activities.
07:28.1
Nang makabalik na nga si Maya ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.
07:32.1
At least ay hindi na masyadong awkward ang atmosphere.
07:36.1
Ito na yung pila bibili mo, Prince.
07:39.1
Ang wika ni Maya sabay-abot kay Prince ng chicken sandwich na pinapabili nito.
07:45.1
Tipid na at tugon nito.
07:46.1
Ummm Sydney, para sa itong isa, saad nito sabay-abot niya sakin.
07:53.1
Natulala naman ako doon at tandang-tanda ko ang nararamdaman ko noon, Papa Dudut.
07:59.1
Bumilis ang tibok ng puso ko.
08:01.1
Sabi pa nga ni Maya ay namulang pisngi ko.
08:07.1
Naguguluhang tanong ko.
08:13.1
Sabi ko sabay-abot nang inaalok niyang pagkain.
08:20.1
Papa Dudut, sobrang-sobrang kilig na nararamdaman ko noon.
08:24.1
Parang gusto kong sumigaw sa labis na tua.
08:27.1
Kita ko pa nga ang reaksyon ni Maya noon na parang kinikilig din para sa akin.
08:32.1
Hanggang sa makauwi ay hindi mawala sa isipan ko ang ginawang yun ni Prince.
08:36.1
Simple lang, Papa Dudut, ngunit napakalaking impact para sa akin.
08:40.1
Dahil din tuloy doon ay mas lubalim pa ang paghanga ko sa kanya, Papa Dudut.
08:46.1
Hanggang sa makatungtong kami ng second year at third year ay magkaklase pa rin kami.
08:52.1
At parehas pa rin kaming nasa Section 1.
08:55.1
Minsan din ay nagpapalitan lang ang pangalan namin sa honor roll kung hindi ako ang top 1 ay siya.
09:01.1
Top 3 naman ang kaibigan kong si Maya.
09:04.1
Nagibaganda na rin ang samahan namin dahil sa tagal naming magkakaklase.
09:07.1
Kung noong first year high school ay hindi pala kibo at bibihirang makipag-usap si Prince.
09:14.1
Nang mag third year high school kami ay lumabas na ang kulit at tunay niyang ugali.
09:19.1
Nandiyang marunong na siyang mantrip, mangasar at makipagbulahan.
09:23.1
Nagkakaroon pa rin naman kami ng time na nagkakausap pero bibihiran na lamang dahil kasama niya mga tropa niyang lalaki at ako naman ay mga tropa kong babae ang kasama ko.
09:33.1
Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan papadudut.
09:38.1
Isang maliit na note ang inipit ni Prince sa notebook ko.
09:42.1
Napansin ko yun dahil ipinakita niya sakin mismo na inipit niya ang note na yon.
09:49.1
Time na yon at nagkataong magkatabi kami sa upuan since alternate ang seating arrangement namin.
09:56.1
Babae lalaki at dahil medyo strict ang aming teacher at bawal magingay during discussion
10:01.1
ay pasikreto niyang inipit ang note na yon sa aking notebook.
10:07.1
Sa labis na curiosity ay agad kong binasa ang note.
10:11.1
At sa hindi malamang dahilan ay bigla kong kinabahan.
10:14.1
Ito ang nakasulad sa note na inipit niya sa aking notebook.
10:19.1
Kita tayo mamaya sa likod ng Science Building.
10:23.1
Huwag kang munang uuwi, hintayin mo ko.
10:26.1
Dahil sa letter na yon ay hindi ko na nagawang makapagfocus ng maayos sa mga nagkakausap.
10:32.1
Sumapit ang uwian na una akong pumunta sa likod ng Science Building
10:37.1
at hinintay ko si Prince doon dahil isa siya sa mga nakatokang cleaners ng araw na yon.
10:43.1
Kinakabahan at hindi ako mapakali sa kung ano ang mangyayari.
10:47.1
Sa ilang minutong paghihintay ko ay nakarating na rin siya.
10:52.1
Dinig ko ang malakas na tibok ng aking puso.
10:56.1
Mabilis at halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba.
10:59.1
Sidney, tawag niya sa pangalan ko.
11:04.1
Nanatili naman akong nakaupo sa bakal na upuan kung saan ko siya hinihintay kanina.
11:10.1
Agad niya naman akong tinabihan doon at sa pagkakataon yon ay nagtagpo na ang aming mga mata papadudod.
11:17.1
Bakit mo pala ako pinapunta rito? May ka bang tanong ko sa kanya?
11:22.1
May gusto kasi akong sabihin sa iyo, wika niya.
11:26.1
Eh, ano yon? utal na sabi ko.
11:32.1
Sidney, gusto kong sabihin sa iyo na may gusto ako sa iyo at
11:36.1
saglit niyang biniti ng kanyang sinasabi at napansin kong napalanok pa siya ng laway.
11:41.1
Bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.
11:44.1
At gusto kong ligawan ka?
11:47.1
Matagal bago nagproseso sa akin ang sinabi niya papadudod.
11:51.1
Oo, nandun yung pakiramdam na sobrang saya ko.
11:54.1
Sino ba naman ang hindi?
11:57.1
Ang ultimate crush mo na dati ay tinititigan mo lamang may pag-asa maging boyfriend mo.
12:03.1
Ganun ba? Wala sa sarili yung sabi ko.
12:06.1
Oo, ang totoo niyan eh matagal ko na sanang gustong umamin sa iyo.
12:11.1
Nahihiya lang talaga ako sa ad pa nito.
12:14.1
Eh bakit kailangan dito pa sa likod ng science building mo sabihin ang bagay na yan?
12:19.1
Eh pwede mo naman nang sabihin sa akin yan sa classroom.
12:22.1
Napansin kong napakamot siya sa ulo nang sabihin ko yon.
12:27.1
Eh, nahihiya kasi ako sa kanchao at asar ng mga kaklase natin kapag nagkataon eh. Tugon pa niya.
12:37.1
Ganun ba? O sige, papayag naman ako eh.
12:42.1
Yun ay kung, kung ano Sidney, kung makakapaghintay ka.
12:47.1
Nangako kasi ako sa kanila, kinamama at papa na kailangan ko matapos ang high school.
12:52.1
At college, bago ako magka-boyfriend. Paliwanag ko.
12:57.1
Yun lang naman pala eh. Siyempre naman, kaya ko maghintay.
13:01.1
Kakayanin ko para sa iyo. May paninindigang sabi niya.
13:06.1
O sige, kung papayag na akong ligawan mo ko, kinikilig na sagot ko.
13:11.1
Yes, salamat Sidney, salamat.
13:14.1
Sa sobrang saya ay napayakap siya sa akin, Papa Dudut.
13:18.1
Yun ang unang beses na nakadama ako ng yakap ng iyo.
13:22.1
Ang isang lalaki. Oo, niyayakap ako ng papa ko bilang anak niya. Ngunit, may iba sa yakap ni Prince.
13:30.1
Parang may tila, maliit na bultahin ng kuryenteng dumadaloy sa pagitan naming dalawa na nakapagpapasaya ng puso ko.
13:38.1
That time, feeling ko ay ang matured na namin. Lalo na sa paraan kung paano kami makipag-usap sa isa't isa.
13:45.1
Nakakatawa lang alalahanin ang mga ganong pangyayari, Papa Dudut.
13:48.1
Nang gabing iyon ay inihatid niya ako pa uwing, ngunit hanggang sa kanto lamang siya sa aming barangay dahil baka makita ako nila mama at papa na may kasamang lalaki.
13:58.1
Umayag naman siya na hanggang doon niya lamang ako may iahatid, Papa Dudut, dahil sa nangyari ay hindi ako makakuha ng mahimbing na tulog.
14:06.1
At papaling-paling pa nga ako sa pwesto ng aking kama.
14:10.1
That day was so surreal.
14:13.1
Para kung nasa Cloud 9.
14:15.1
Ang tanging tumatakbo sa isipan ko ng mga oras na ito.
14:18.1
Ito na yun ay si Prince at ang naging konfesyon niya sa akin, Papa Dudut.
14:23.1
Lumipas nga mga araw na naging consistent naman si Prince sa mga gestures na ipinapakita niya sa akin bilang manliligaw.
14:31.1
Naisip ko na nga rin na baka mamaya ay magsawa siya dahil ang sabi ko sa kanya ay pagkatapos namin ang college at saka ko lang siya sasagutin.
14:40.1
Inisip kong baka mainip siya at humanap ng iba.
14:45.1
Pero naisip ko rin na kung totoo siya sa mga isipan.
14:48.1
Ang mga binitawan niyang salita sa akin noong nanliligaw siya ay hihintay niya ako at makakapaghintay siya.
14:55.1
Hanggang sa dumating ang isang araw na sa tingin ko ay may tuturing na matinding tampo ko sa kanya.
15:01.1
Natatandaan ko pa, Papa Dudut.
15:04.1
Third quarter yun noong kami ay nasa third year high school student pa lamang.
15:08.1
Isang babae na nagngangalang Mary ang nag-transfer sa aming school.
15:12.1
Maganda yung Mary, Papa Dudut.
15:15.1
Kung itatapad sa akin ay walang wala ako.
15:17.1
Hindi ako tumapad sa kalingkingan niya, aaminin ko.
15:21.1
Matangkad siya, balingkinitan ang katawan, maputi, mapungay ang mga mata at noong lumapit siya sa school namin ay maraming lalaki ang nagtangkang ligawan siya.
15:31.1
Sa sobrang mapaglaro ng tadhana noon ay iisang lalaki lang ang nilapitan ni Mary noong mag-transfer siya sa school namin.
15:39.1
Sa palagay ko ay may ideya na kayo kung sino yun.
15:43.1
Oo, Papa Dudut. Si Prince nga.
15:47.1
Paano nangyari? Ikikwento ko sa inyo.
15:50.1
Childhood friend si Mary at Prince, Papa Dudut. Hindi lang yun dahil friends ng family niya ang family ni Mary.
15:57.1
Dahil ayon kay Prince ay kumpala ng papa niya ang papa ni Mary.
16:01.1
Kung totoo sila yung wala naman akong karapatang magalit dahil nanliligaw pa lamang naman sa akin si Prince.
16:07.1
At hindi pa niya ako girlfriend na mga oras na yun.
16:10.1
Isa pa yung mas matagal na silang magkakilala kumpara sa akin.
16:13.1
Pero nakakainis lang dahil simula nang lumipad si Mary sa amin ay wala na siyang naging oras sa akin.
16:20.1
Madalas na kasi silang magkasama.
16:23.1
Nasabi pa sa akin ni Mary na buwabawi lamang sila ng time sa isa't isa dahil matagal na rin daw silang huling nagkita.
16:30.1
Sa private school nanggaling si Mary at kinakailangan niyang lumipad ng public school dahil sa problemang pinansyal.
16:37.1
Mula sa paggawa ng assignment, group activities at maging pagkain sa kantina ay lagi silang magkasama.
16:43.1
To the point na parang wala nang pakialam sa akin si Prince.
16:47.1
At wala na sa kanya ang mga binitawang salita ng araw na mandigaw siya sa akin.
16:54.1
Minsang tanong sa akin ni Maya habang nakasilip ako sa bintana at nakatanaw sa may labas.
17:00.1
Nakapangalumbaba ako noon na taaminin kong nalulungkot ako ng mga oras na yun, Papa Dudut.
17:08.1
Ano sa tingin mo?
17:10.1
Tanong kong pabalik sa kanya at saka ibinaling ang tingin sa kanya.
17:14.1
Tingin ko okay ka naman.
17:17.1
Sumimangot ako sa sagot niyang iyon at muling ibinaling sa akin ang tingin sa labas.
17:22.1
Joke lang, pinapatawa lang kita.
17:25.1
Siyempre alam kong hindi ka okay no.
17:28.1
Nang sabihin niyo ni Maya, Papa Dudut ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na ibuhos ang luhang ilang araw ko nang pinipigilan.
17:36.1
Napasub-sub na lamang ako sa dibdib niya habang umiiyak.
17:40.1
Nakakala mo ay trinidor ako ng mundo.
17:43.1
Napansin pa nga iyon ng mga kaklase ko kaya't hindi nila napigilan makiusisa dahilan para lalo akong maiyak dahil gusto kong makuha ang simpatya nila.
17:53.1
Actually, Papa Dudut, sa mga oras na yun ay walang nakakaalam na nanliligaw sakin si Prince maliban kina Maya at Mary.
18:02.1
Siguro ay alam ng iba, hindi lang nagtatanong.
18:05.1
Dahil minsan ay napapansin naman nila siguro na iba ang closeness namin ni Prince.
18:10.1
Patuloy akong kinakalma ni Maya, sige rin siya sa paghagod ng likod ko at ulo ko bilang pag-comfort sa akin.
18:18.1
Medyo naging awkward lang lalo ang sitwasyon nang pumasok na ng classroom si Mary at Prince galing sa kantin dahil katatapos lang ng break time noon.
18:28.1
Pasimple akong binulungan ni Maya na nandun na nga silang dalawa kaya naman inayos ko ang sarili ko, Papa Dudut.
18:34.1
Ayaw kong ipakita kay Prince na umiiyak ako dahil sa kanya.
18:37.1
Sabi na nating ma-pride, oo. At siyempre bilang isang lalaki, baka isipin pa ni Prince na ikinapogi niya.
18:46.1
Yung pagdadamdam ko na hindi niya pagpansin sakin the time.
18:51.1
Well oo, pogi naman talaga siya pero kahit na. Yan ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko, Papa Dudut, ng mga panahon yun.
18:59.1
Nang mag-uwian ay nilapitan ako ni Prince pero hindi ko siya pinapansin.
19:04.1
Amala ako noon sa pagliligpit ng mga gamit ko nang bigla niya akong kausapin.
19:10.1
Pwede ba tayo mag-usap? Tanong niya.
19:14.1
Hindi ko siya pinansin ni ang paglingon para tingnan siya ay hindi ko ginawa.
19:19.1
Naiinis pa rin ako at nagagalit kaya hindi ko siya iniimik dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya.
19:26.1
Galit ka ba? Tanong pa ulit niya.
19:29.1
Papa Dudut, hindi ko alam kung anong dapat na maging reaction ko ng time nayon.
19:34.1
Paano ba naman ay hindi pa ba obvious?
19:37.1
Sa kanya naggalit ako at nagsiselos dahil ako ang nililigawan niya pero si Mary ang lagi niyang kasama.
19:44.1
Huminga na lamang ako ng malalim para ikalma ang sarili ko dahil alam kong hindi ko lang mapipigilan na umiyak
19:51.1
at maglabas ng sama ng loob kapag sinagot ko pa ang tanong niya.
19:55.1
Halika na Sid. Ayas sakin ni Maya. Pati siya ay ayaw na ring pansinin si Prince.
20:01.1
Ganun ako ka-love ng best friend ko, Papa Dudut.
20:05.1
Sidney, wait lang.
20:07.1
Huwi ka pa nitong ngunit nagmatigas akong hindi siya pansinin.
20:11.1
Medyo na hurt din ako sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya, Papa Dudut pero I think isang way yun para ma-realize niya.
20:19.1
Na hindi ako okay at galit ako sa kanya dahil unti-unti na siyang nalalayo sakin. Dahil kay Mary.
20:26.1
Ngunit alam naman natin ang bawat tampuhan ay nauuwi rin naman sa pagpapatapos.
20:32.1
Lalo na at kung ang isang tao ay napagtanto na ang kamaliang nagawa niya.
20:37.1
Minsang lumapit sakin si Mary, Papa Dudut para kausapin ako ngunit binigyan ko lamang siya ng cold treatment.
20:44.1
Hindi naman na nagpumilit pa si Mary na kausapin ako dahil doon.
20:49.1
Bagkos ay nag-iwan na lamang siya ng isang maikling liham na ipinabot niya sa isa sa mga kaklase namin.
20:56.1
Nakasaad sa letter na gusto niya akong makausap.
20:58.1
Hihintay niya raw ako sa likod ng Science Building.
21:02.1
Nung una ay ayaw ko sanang siputin siya dahil galit ako sa kanilang dalawa ni Prince.
21:07.1
Pakiramdam ko kasi talaga noon ay aping-api ako at wala na akong puwang kay Prince.
21:13.1
Pero labagman sa kalooban ay sinipot ko pa rin siya dahil may part sa akin na gusto ko rin masettle ang nangyayari.
21:20.1
Pagod na rin kasi ako dahil ilang linggo na rin akong umiiyak gabi-gabi dahil doon.
21:26.1
Isang lalaki ang bumungad sa akin sa likod ng Science Building.
21:30.1
Pamilyar ang boses niya. Boses na minsan naging musika sa aking tenga. Walang Merry na sumalubong sa akin.
21:40.1
Nautal na sabi ko. Hindi ko alam ang dapat kong reaksyon kaya tinangka kong umalis ngunit nahabol ako ni Prince.
21:49.1
At sa pagkakataong yun ay sa ilang linggo namin hindi pag-uusap ay naramdaman ko ulit ang haplos niya.
21:54.1
Nang hawakan niya ang aking braso.
21:56.1
Para pigilan ako sa gagawin kong pag-alis.
22:01.1
Pakiusap pa niya.
22:03.1
Nilungon ko siya sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tumulo ang luha ko sa aking magkabilang mata.
22:10.1
Pakinggan mo siya Sidney. Sa pagkakataong yun ay boses ng isang babae ang narinig ko si Merry.
22:18.1
Sabay na sabi namin ni Prince. Gusto ko magkaayos kayong dalawa.
22:22.1
I'm sorry dahil naging dahilan ako para magkaroon kayo ng misunderstanding.
22:26.1
Kaya gumawa ko ng way para makapag-uusap kayo ulit.
22:30.1
Huwanan ko muna kayo ha. Mahabang litahan niya pa ni Merry.
22:34.1
That night ay kinausap ako ni Prince at ipinaliwanag niya sa akin na wala talagang meaning sa kanya ang madalas na pagsama niya kay Merry.
22:42.1
Sabi pa niya na kaibigan na parang kapatid lang ang talaga ang turing niya rito.
22:47.1
Sinabi rin niya na ilang beses siyang nagtangkang kausapin ako pero naunahan daw siya ng takot.
22:52.1
At nang maglakas loob daw siyang kausapin ako isang beses ay hindi ko naman daw siya makita.
22:56.1
Kaya lalo siyang napanghinaan ng loob.
23:01.1
Bilang babae ay pinaliwanag ko rin ang side ko sa kanya at sinabi ko rin na sobra akong nasaktan at kasabay noon ay naramdaman ko ang matinding pagsiselos sa kanilang dalawa.
23:13.1
Pero papadudot binigyan ako ng assurance ni Prince na wala akong dapat na ikaselos dahil ako lang daw ang gusto niya at wala nang iba pa.
23:21.1
Pagkatapos ng gabing iyon ay naging magaan ang pakiramdam ko.
23:24.1
Sa sumunod na araw ay napansin ang mga kaklasiko na okay na kami ni Prince at pati si Mary ay nakakausap ko na rin.
23:32.1
Si Maya nga ay nagtaka rin kaya ikinawento ko sa kanyang lahat ng ginawang pag-setup ni Mary ng way para magkaayos kami ni Prince.
23:41.1
Dumating ang graduation papadudot at gaya nga ng ipinangako ko kinamamad papa nagtapos ako bilang valediktoryan.
23:49.1
Salutatoryan si Maya at kasama naman sa honorable mention si Mary at Prince.
23:52.1
Akala ko yun ang pinakamasayang araw ko papadudot pero mali pala ako, it turns out na yun ang naging pinakamalungkot na araw ko.
24:01.1
Akala ko ay tapos na ang iyakan moments ko tuwing gabi dahil okay na kami ni Prince ngunit hindi pa pala.
24:08.1
Ikinomento sa akin ni Prince after graduation na dadalhin siya sa ibang bansa ng kanyang mga magulang dahil doon siya mag-aaral ng kolehyo.
24:16.1
Nalungkot ako papadudot.
24:19.1
Sobra! Pero anong magagawa ko?
24:22.1
Pamilya niya yun kaya wala ako sa posisyon para pigilan siya.
24:27.1
Paano tayo Prince? Tanong ko kahit na nasa stage pa lamang kami noon ng panliligaw.
24:33.1
Walang magbabago Sid. Pag uwi ko ako pa rin ang Prince na nakilala mo.
24:38.1
Sagot nito. Ititigil mo na ba ang panliligaw sa akin? Tanong ko pa.
24:43.1
Sino naman ang magsasabing titigil ako sa panliligaw sayo?
24:47.1
Huwag kang mag-alala. Hindi kita makakalimutan.
24:50.1
Pagtapos kong mag-aaral sa Amerika at nakahanap ako ng trabaho, babalik ako ng Pilipinas at babalikan kita. Pangako niya.
25:00.1
Hindi na ako tumugon sa sinabi niya papadudot at naisip ko sa mga dadaang taon.
25:05.1
Ang daming pwedeng magbago. Pwedeng sa loob ng taon na yon na hindi na kami nagkikita o nagkakausap ay makahanap siya ng ibang mamahalin at tuluyan na niya akong kalimutan.
25:16.1
Nakakatuwa papadudot. We're too young for those kind of things.
25:19.1
Kung iisipin, hindi ba?
25:21.1
Imagine we're just fourth year high school that time. Pero nasasabi na namin ang mga bagay na yon.
25:27.1
Totoo nga ang sinasabi nila na love knows no age.
25:30.1
Nang mabalitaan ko kay Mary na lumipad na papuntang Amerika si Prince kasama ang kanyang pamilya ay wala akong nagawa kundi ang umiyak.
25:37.1
Umiyak ng umiyak. Ngunit nandyan ang bestfriend kong si Maya na nakakaalam ng mga heartaches ko at palaging to the rescue kapag kailangan ko ng maiiyakan.
25:46.1
At balikat na masasandalan.
25:49.1
Lumipas ng ilang pang taon na naging manhid na lamang ako at nawala na sa isipan ko si Prince.
25:55.1
Naisip ko na bakit kailangan ko pa siyang isipin. Marahil ay maging siya ay nakakalimutan na rin ako.
26:02.1
During my college days ay marami ang nagparamdam, marami ng ligaw at may mga nakafling din pero ni isa ay walang nagwork.
26:10.1
Wala sa kanila ang qualities na hinahanap ko sa isang lalaki.
26:13.1
It's funny because naging standard ko si Prince at sa lahat ng lalaking na kilala ko ay hindi ko maiwasang ikumpara sila sa kanya.
26:22.1
Until dumating ang time na nauso na ang social media platform particularly ang Facebook.
26:28.1
Nang makagawa ko ng account ay sinubukan kong hanapin siya at nakita ko naman ang account niya.
26:34.1
Nagsisi lang din naman ako sa ginawa ko papadudod dahil tama nga ang iniisip ko.
26:39.1
Makakahanap at makakahanap siya ng iba sa Amerika.
26:43.1
I browsed some photos on his account and I saw a girl na madalas niyang kasama sa mga photos.
26:50.1
So I assumed na yun ang babaeng minamahal niya ngayon.
26:53.1
Nainis pa nga ako sa sarili ko dahil hindi ko napigilang umiyak.
26:57.1
For the hundred times ay tumulo na naman ang luha ko dahil kay Prince.
27:03.1
Ikinomento ko kay Maya yun since we occasionally hang out ng mga panahon na yun.
27:08.1
Dahil sa magkaiba na rin kami ng school na pinapasukan.
27:11.1
Sinabi sa akin ni Maya na I have to move on kay Prince dahil junior high school pa kami nang huli kaming magkausap.
27:19.1
I'm sure ay makakahanap at makakahanap talaga si Prince sa ibang bansa.
27:23.1
Kaya kung ako sayot eh lumandi ka na.
27:28.1
Huwag mong hayaan kay Prince pa rin umikot ang buhay mo.
27:31.1
An advice from Maya that I took to heart.
27:34.1
Ginawa ko ang sinabi ni Maya papadudod nag entertain ako ulit ng mga lalaki.
27:38.1
Nakipag fling pero no one seems to work well.
27:42.1
Hindi ko alam pero parang naghihintay pa rin ako at parang may hinihintay pa rin ako.
27:47.1
Until year 2019 isang message ang natanggap ko na talagang nagdulot ng kaba sakin.
27:53.1
Hindi ko alam kung maniniwala ba kayo o hindi.
27:56.1
Ang mensaheng yun ay nanggaling kay Prince.
28:00.1
Yes, nanggaling sa lalaking matagal kong hinihintay.
28:03.1
Ay Sid, kumusta ka na?
28:06.1
Message niya sakin.
28:07.1
Matagal bago ako nag-response papadudod dahil hindi ko alam ang sasabihin.
28:13.1
Actually marami akong gustong sabihin dahil miss na miss ko na siya.
28:17.1
Pero siyempre kunwari ay nagpakipot muna ako.
28:20.1
Hello, doing good? Malamig na reply ko.
28:24.1
Free ka ba sa Saturday?
28:26.1
Agad niyang chat.
28:30.1
Ilang minuto din ang lumipas bago siya ulit nakapagchat.
28:34.1
Akala ko nga hindi na siya magreply papadudod.
28:37.1
May ask you out sana kung hindi ka busy?
28:42.1
Papadudod halos mahulog ako sa kinakaupuan ko noon.
28:46.1
Gumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng pangihina.
28:50.1
Inuulit ko pong basahin ang message niya dahil baka nagkamali lamang ako.
28:55.1
Pero tama nga ang nabasa ko papadudod niyayaya niya akong lumabas.
28:59.1
That time ay nagtatrabaho na ako sa bankong pinagtatrabaho ko ngayon.
29:03.1
At tuwing Sabado ay wala naman akong paso kaya pumayag na rin ako sa alok niya.
29:08.1
Muli siyang nagreply sa akin noon para sabihin ang location kung saan kami magkikita.
29:15.1
Sabado nang pumunta ako sa nasabing lugar at nakapagtataka dahil wala ni isang customer sa restaurant kung saan niya gustong makipagkita.
29:23.1
Nang pumasok ako ay sinalubong ako ng isa sa mga staff ng restaurant at tinanong kung ako nga ba si Sydney.
29:29.1
Nang sabihin kong oo ay itinuro niya sa akin kung saan ako dapat umupo.
29:33.1
Nagulat ako kasi bukod sa mga staff ay may isang lalaking nagpiplay ng violin at may isang special table for two kung saan ako pinaupo ng staff.
29:44.1
Nagsimula na rin tumugtog ang lalaking may hawak ng violin ng isang madamdaming melody.
29:49.1
Maya maya pa ay lumabas si Prince sa isa sa mga pinto ng restaurant nalang isang bouquet ng mga magagandang bulaklak,
29:56.1
habang nakangiti papalapit sa akin.
29:59.1
Ang ganda mo pa rin, sabi niya.
30:01.1
Flowers for you, abot niya sa akin ng bulaklak.
30:05.1
Isa yun sa mga most memorable experience ko Papa Dudut and I really felt the sincerity and love from Prince.
30:14.1
Nang maupo siya, nakapaligid lang sa amin ang mga staff ng restaurant habang nakangiting pinagmamasdan kami.
30:22.1
Nalaman ko rin na binayaran niya ang buong lugar for that particular day exclusive para sa aming dalawa.
30:28.1
Pwede ba kitang ligawan ulit?
30:29.1
Tanong nito sa akin dahilan para magpalakpa ka ng mga staff ng restaurant,
30:35.1
habang patuloy sa pagtugtog ng romantikong tugtogin ang lalaking nagva-violin.
30:41.1
You don't have to, sagot ko.
30:44.1
Napansin ko ngang nagulat siya pati ng mga tao sa paligid ko.
30:48.1
Dahil sinasagot na kita.
30:50.1
Masayang sabi ko.
30:52.1
Niyakap ko siya at ganun din siya sa akin, that would be the most precious thing na naranasan ko Papa Dudut
30:58.1
at ipinaranas sakin ni Prince iyon.
31:01.1
Di ba pangako ko sayo?
31:03.1
Kapag nakapagtaposan ko ng college ay sasagutin kita?
31:07.1
May mga trabaho na tayo kaya hindi mo na kailangan manligaw.
31:12.1
I love you Prince. Sambit ko.
31:15.1
Noon din ay hinalikan niya ako sa labi at dama ko ang mainit niyang pagmamahal.
31:21.1
Matapos nun ay ikinuwento lahat sakin ni Prince ang pinagdaanan niya sa Amerika.
31:24.1
Katulad ko ay may mga nagparamdam at nakafling din siya pero sinabi niyang hindi niya kayang baliin ang pangakong binitawan niya sa akin.
31:34.1
Kaya ko ay marami siyang sinakripisyo at nang dumating ang tamang oras, everything falls into right places.
31:41.1
Nang araw na iyon ay pinakilala ko si Prince sa mga magulang ko at nakuha naman ang basbas nila.
31:47.1
I got the chance na makilala rin ang pamilya ni Prince nang isama niya ako papunta ng Amerika.
31:51.1
Nang magka-pandemic ay sinubok din ang relasyon namin ni Prince dahil nasa Amerika siya para sa kanyang trabaho bilang isang engineer.
31:59.1
At nasa Pilipinas naman ako.
32:01.1
Gayon man ay naging pundasyon ang relasyon namin ng tiwala kaya nang medyo makaluwag-luwag na.
32:07.1
Ang mga protocol ay inayos namin ang mga dapat asikasuhin sa aming kasal and year 2022 nang kami ay mag-isang dibdib.
32:15.1
Intimate wedding lamang kasama siyempre ang mga malalapit naming kaibigan na sina Maya at Mary.
32:21.1
Nga pala kung tatanungin ang mga listeners kung sino yung babaeng madalas niyang kasama sa mga photos nang minsang inistoko siya sa Facebook.
32:29.1
Ay napagalamang kong pinsan niya pala yun.
32:32.1
Namit ko na rin siya nang minsang pumunta ako sa Amerika ang pangalan po niya ay Hannah.
32:37.1
Sa ngayon papadudod ay masaya kami ni Prince kahit na LDR kami dahil nga sa ibang bansa nagtatrabaho siya.
32:44.1
Plano na namin magka-baby this year and sana'y matupad namin yun.
32:48.1
Kaya naman sa mga listeners diyan believe me.
32:51.1
Believe in the power of love.
32:53.1
Sabi nga sa isang kanta kung tayo, tayo talaga.
32:57.1
Hanggang dito na lamang ang aking liham papadudod at sana'y nagustuhan po ninyo ang kwento ng pag-ibig ko.
33:04.1
Nakasubscribe na rin po ako sa Papadudod Family Youtube Channel at sa ka-istorya.
33:11.1
Natutuwa po akong mapanood kayo kasama ng inyong twins sa Papadudod Family Youtube Channel.
33:17.1
Kaya naman nakasubscribe na rin po ako doon.
33:21.1
Lubos na gumagalang Sydney.
33:25.1
Maraming salamat Sydney at sobra akong natutuwa sa iyong liham dahil pinatunayan ninyo ni Prince na sa kabila ng mga pagsubok ay nananatiling matatag at totoo kayo sa mga binitawan ninyong pangako.
33:38.1
Pinatunayan nyo rin na talagang makapangyarihan ang pag-ibig dahil kahit na kayo ay nagkalayo ng matagal ay nananatiling nakalaan kayo para sa isa't isa.
33:49.1
Maybe there is an invisible string na nagdudugtong sa inyong dalawa, gaano mang kalayo ang inyong distansya.
33:58.1
Hangad ko na ang tatag at tibay ng relasyon ninyo ay tumagal pa habang panahon.
34:05.1
Muli magandang gabi at maraming maraming salamat po sa inyong lahat.
34:19.1
Ang buhay ay mahihwaga, laging may lungkot at saya.
34:40.1
Sa papatudod stories, laging may karamay ka.
34:49.1
Mga problemang kaibigan, dito ay pakikinggan ka.
35:05.1
Sa papatudod stories, kami ay iyong kasama.
35:17.1
Dito sa papatudod stories, ikaw ay hindi nag-iisa.
35:30.1
Dito sa papatudod stories, may nagmamahal sa'yo.
35:43.1
Papatudod stories.
35:47.1
Papatudod stories.
35:56.1
Papatudod stories.
36:04.1
Hello mga ka-online! Ako po ang inyong si Papatudod.
36:08.1
Huwag kalimutan na mag-like, mag-share at mag-subscribe.
36:12.1
Pindutin ang notification bell para mas maraming video ang mapanood ninyo.
36:17.1
At maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtitiwala.